You are on page 1of 26

Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika: Epekto nito sa

Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral na nasa ika-10 Baitang ng Guiuan


National High School

MGA MANANALIKSIK:

Bagon, John Armel S.


Machica, Roselyn D.
Elacion, Sherwin V.
Opana, Christian P.
Pido, Jet Brian D.
Macasa, Saira M. Mga mag-aaral sa Eastern Samar State University
College of Education BSED-2B
INTRODUKSIYON
• Pag-usbong ng makabagong teknolohiya kasama na ang GT (Google Translation)

• Ang paggamit ng Google Translator ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga mag-aaral, ayon sa pag-aaral ni
Smith (2019), “Ang pagsasalin ng wika gamit ang Google Translator ay maaring magdulot ng ilang benepisyo at
hadlang pang-akademikong perpormans ng mag_aaral.

• Isa sa mga benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng mabilis at madaling pag-access sa impormasyon na nakasulat sa
ibang wika.

• Nagdudulot ng mas mataas na pang-unawa sa mga mag-aaral sa ibang lingguahe na kakasalamuha sa talakayan
particular na ang wikang ingles
• Mahalagang pag-aralan ang kahalagahan at epekto ng paggamit ng Google Translator sa akademikong
perpormans ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang Persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng GOOGLE

TRANSLATOR at ano ang epekto nito sa kanilang akdemikong perpormans.

Ninanais na masagot ang sumusunod na tiyak na suliranin;


1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral?
Kasarian
2. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng Google Translator sa pagsasaling-wika?
3. Ano ang lebel ng Akademikong Pagkatuto ng mag-aaral?
4. May kaugnayan ba ang paggamit ng Google Translator sa pagsasaling- wika at akademikong
pagkatuto?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
• Sa mga Guro
• Sa mga Mag-aaral
• Sa Paaralan
• Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap
SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw
• Nakatoun ang pag-aaral sa epekto at paggamit ng GOOGLE TRANSLATION sa larangan ng
Edukasyon
• Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong malaman ang persepyon ng mga mag-aaral sa ika-
sampung baitang ng GUIUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Limitasyon
• Ang pag-aaral ay mayroong kabuuang bilang na walong (8) seksyon ng respondente lamang sa Guiuan
National High School.
HYPOTHESIS
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon ang pananaliksik na ito ay kakikitaan ng
sumusunod na hypothesis:

1. Mayroong makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng Google Translator at


sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral.
TEORETIKAL NA BALANGKAS

• Ang kasalukuyang pag-aaral ay nakabatay sa teoryang binuo ni Jean Piaget na


tinatawag na Constructivism.
• Ang Constructivism ay teorya ayon sa kung saan ang kaalaman at pagkatao ng mga
indibidwal ay nasa permanenteng konstruksyon.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

INDEPENDENT VARIABLE DEPENDENT VARIABLE

Profayl ng mga Mag-aaral


Akademikong Pagkatuto
Persepsyon sa paggamit ng Google
Translator
DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng disenyong paglalarawang


korelasyunal upang makapangalap at makakuha ng impormasyon tungkol
sa ugnayan ng mga baryabol sa isa’t-isa sa pamamagitan ng paglalarawan
sa kanilang relasyon sa paraang numeriko.
LOKASYON NG PAG-AARAL

GUIUAN NATIONAL HIGH SCHOOL


KALAHOK NG PAG-AARAL

• Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula ika-10 baitang sa mga seksyong; Amber,
Sapphire, Diamond, Garnet, Pearl, Jade, Ruby, at Emerald.
• Ang mga kalahok ng pag-aaral ay mga mag-aaral na nasa ika-10 Baitang na may kabuuang Sample size
na 198 mula sa naitalang 393 na kabuuang Populasyon ng ika-10 Baitang ng Guiuan National High
School. Slovin’s formula
Ang Sample size ay kinumpyot gamit ang pormyula na
makikita sa ibaba:

Ang pormyula na makikita sa itaas ay tinatawag na Slovin’s Formula.


Pagtitipon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay humalaw ng talatanungan kay Yanti (2019), Pagkatapos ay gagawa

ang mga mananaliksik ng liham pangkomunikasyon para ipasa sa Principal ng Guiuan National High

School upang mabigyang pahintulot ang mga mananaliksik na mamahagi ng mga talatanungan sa mga

respondente upang masagutan nila ito at makuha ang kinakailangan na datos.


INSTRUMENTONG GAMIT NG PAG-AARAL

Ang intrumentasyong gagamitin sa pag-aaral na ito ay Talatanungan o kwistyuner, at ito’y nahati sa


tatlong bahagi;
• Una, Pagkalap ng profayl ng mga respondente
• Pangalawa, Sarbey-Kwestyuner (Pagkalap ng datos tungkol sa persepsyon ng mag-aaral sa paggamit
ng Google Translator sa pagsasaling-wika at epekto nito sa Akademikong Pagkatuto).
Sukat ng mga Baryabol

Ang mga bahagdan, iskeyl, at frequency count ay ginamit upang ilahad ang Persepsyon sa
Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika at Epekto ay parehong bibigyang paglalarawan sa
pamamagitan ng diskripsyon na: Hindi ko Alam, Lubos na hindi sumasang-ayon, Hindi sumasang-ayon,
Sumasang-ayon, at Lubos na sumasang-ayon.
PAGSUSURING ISTATISTIKAL

 Ang mga impormasyong nakalap mula sa talatanungan o sarbey kwestyuner ay inorganisa at tinabyula.
 Inunawa ng mabuti at masinsinan ang bawat datus upang mabigyan ng mga angkop na interpretasyon
sa pamamagitan ng angkop na statistical tools.

 Gumamit ng Spearman Rho sa pagtukoy ng mga istatikong ugnayan ng daalwang baryabol.


Ang instrumentong gamit sa pag- aaral ay hinati sa tatlong bahagi:

Una at ikalawa ay ang pagsagot ng talatanungan sa pamamagitan ng pagbilang sa ordinal na rating scale
mula 1 hanggang 5 na may paglalarawan;

Iskeyl Range Deskripsyon


5 4.21 - 5.00 Lubos na sumasang-ayon
4 3.41 - 4.20 Sumasang-ayon
3 2.61 - 3.40 Hindi Sumasang-ayon
2 1. 81 - 2.60 Lubos na Hindi sumasang-ayon
1 1.00 - 1.8 Hindi ko Alam
Talahanayan 1: Propyl sa Kasarian ng mga Respondente

Kasarian Frequency Bahagdan

Lalaki 117 59.1%

Babae 81 40.9%

Kabuuan 198 100%


Talahanayan 2: Persepsyon ng paggamit ng Google
Translator
Ang unang aytem ang nakakuha ng pinakamataas na meyn na 4.49. Ito ay nangangahulugang
lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na malaki ang tulong ng google translator sa pagsasaling-
wika samantala ang ikalabing dalawang aytem ang nakakuha ng pinakamababang meyn na 3.07. Ito ay
nangangahulugang hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral na hindi pinagtutuunan ng pansin ang pag-
aaral sa proseso ng pagsasalin.

PANGKABUUANG MEYN: 3.79 Sumasang-ayon


Talahanayan 3: Epekto ng paggamit ng Google Translator sa
Pagsasaling-Wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Ang ika-apat na aytem ang nakakuha ng pinakamataas na meyn na 4.36. Ito ay


nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na nakakatulong ang Google Translator
sa kanilang pag-aaral samantala ang ika-labing dalawang aytem ang nakakuha ng pinakamababang meyn
na 3.26. Ito ay nangangahulugang hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa dahilang nakasalalay
nalang sa Google Translator ang pagsasaling-wika.

PANGKABUUANG MEYN: 3.89 Sumasang-ayon


Talahanayan 4: Kaugnayan sa paggamit ng Google
Translator sa Pagsasaling- wika at Akademikong Pagkatuto
Correlation
Baryabol 1 Baryabol 2 Coefficient p Interpretasyon P- Value Interpretasyon

Persepsyon ng Epekto ng paggamit .657 Substantial Korelasyon .000 Lubhang Mahalaga


paggamit ng ng Google
Google Translator sa
Translator Pagsasaling-Wika sa
Akademikong
Pagkatuto ng mga
Mag-aaral
Ang relasyon sa pagitan ng Paggamit ng Google Translator sa Akademikong Pagkatuto ay
makikita sa talahanayan 4. Ang (p= .657 at p-value na .000) ay nagpapakita na mayroong
makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-Wika at sa
Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa ika-10 baitang ng Guiuan National High School.
Konklusyon

• Naipapakita ang distribusyon ng respondente ayon sa Kasarian na mayroong 81 na babae na kung saan
binubuo ng 40.9%, at 117 o 59.1% naman ang kabuuang bilang ng mga lalaki. Ang kabuuang bilang ng
respondente ay 198 na may kabuuang 100%.
• Base sa unang baryabol na Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika.
Nakakuha ng pinakamataas na meyn na umabot sa 4.49 na nangangahulugan na Lubos na Sumasang-
ayon. Ang pinakamababang meyn naman na umabot lamang ng 3.07 na nangangahulugang hindi
sumasang-ayon. At naging pangkalahatang meyn ng pag-aaral ay nakakuha ng 3.79 na ngangahulugan
na Sumasang-ayon.
• Base sa ikalawang baryabol na Epekto ng Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika sa
Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral. Nakakuha ng pinakamataas na meyn na umabot sa 4.36 na
nangangahulugan na Lubos na Sumasang-ayon. Ang pinakamababang meyn naman na umabot lamang
ng 3.26 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon. At naging pangkalahatang meyn ng pag-aaral ay
nakakuha ng 3.89 na ngangahulugan na Sumasang-ayon.
• Gumamit ang mga mananaliksik ng Spearman rho bilang statistical test upang matukoy ang relasyon ng
dalawang baryabol at makalap ang mas maasahan at balidong resulta.
At naipakita na mayroong kaugnayan ang Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-
Wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ika-10 baitang ng Guiuan National High School.
Rekomendasyon
Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik ay
nagbigay ng mga rekomendasyon

1. Para sa mga Guro


2. Para sa mga Mag-aaral
3. Para sa Paaralan
4. Para sa mga magulang

You might also like