You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu
ARGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Canbanua, Argao, Cebu
 (032) 485-0644 •  302985argaonhs@gmail.com

Paaralan: Argao National High School District: Argao I


Kwarter: 3rd Week: Week 7 & 8

Self - Learning Home Task (SLHT)


sa

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Tekstong PROSIDYURAL
Tekstong Prosidyural

Ang DoITYOURSELF.com ay isa sa mga nangungunang web site na tumutulong


sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay.Ang site na ito ay sinimulan
noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na makakuha ng mga
impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay.
1
Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong prosidyural.Inilalahad nito
ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan.Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay.

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang ng
pagkatuto.Halimbawa nito ang recipe ng pagluluto sa Home Economics, paggawa ng
eksperimento sa agham at medisina, pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan
sa teknolohiya, o pagsunod sa mga patakaran sa buong paaralan. Halimbawa rin nito ang
mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay, mga paalala sa kaligtasan sa kalsada, at mga
manuwal na nagpapakita ng hakbang sa pagsasagawa ng iba’t ibang bagay. Kabilang din
dito ang mga tekstong nagtuturo kung paano gagamitin ang isang uri ng makina,
kagamitan sa bahay, kompyuter, at iba pa.
Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho
kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa
kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong pagaganahin ang isang kasangkapan, at
pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga protokol.

Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga


paalala na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.

Mga Nilalaman ng Tekstong Prosidyural


1. Layunin o Target na Awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano
ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan
ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng
trabaho o ugaling inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin
ang mga gabay.
2. Kagamitan - nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa
pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin. Maaaring
hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi
gagamit ng anumang kasangkapan.

3. Metodo - serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon - naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang


tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng
mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina o di kaya ay mga
pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.

MGA TIYAK NA KATAGIAN NG WIKANG MADALAS GAMITIN SA


TEKSTONG PROSIDYURAL
2
1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon.
4. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
5. Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami at iba
pa).
Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat
ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan
ng lahat.Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa
paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunodsunod ng
dapat gawin upang hindi mailto o magkamali ang gagawa nito.Ang isa pang dapat
tandaan ay ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang medaling
maunawaan ng sinumang gagawa.Nakatutulong din ang paglakip ng larawan o
ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang
pagsasagawa sa mga hakbang.Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural
na maipaliwanag nang mabuti ang isang Gawain upang maisagawa ito nang
maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisusulat ito sa paraang
mauunawaan ng lahat.

MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang Paggawa ng Parol Mga


Kagamitan:
• 10 patpat ng kawayan, ¼ pulgada ang lapad at 10 pulgada ang haba
• 4 na patpat ng kawayan,1/4 pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang haba
• Papel de hapon o cellophane
• Tali
PARAAN:
1. Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan.
2. Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan gamit ang mga inihandang tali.
3. Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan para
lumobo ang balangkas ng iyong parol.
4. Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol.Kung nais mong
gumamit ng ibat-ibang kulay ay pwede.Maari mong gamitin ang pagiging
malikhain mo.
5. Maari mong palamutian ang iyong parol ng mga palara.Maganda rin kung lagyan
ito ng buntot na gawa sa papel de hapon.

RESIPE NG KARE-KARE
Mga Sangkap:
• 1 buntot ng baka
• 2 pata ng baka

3
• 1 taling sitaw
• 1 taling petsay
• 2 talong
• ½ tasang mani
• ½ tasang bigas
• Atsuwete
• Asin
• Bawang
• Sibuyas
Paraan ng Pagluluto
1. Dikdikin ang bawang.
2. Hiwain ang sibuyas, panggisa
3. Putol-putolin ang sitaw.
4. Hiwain ang petsay.
5. Hiwain ng pahalang ang talong.
6. Isangag ang mani at bigas.Dikdikin ito nang pinong-pino.
7. Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
8. Hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki.Palambutin.

You might also like