You are on page 1of 2

Baitang at Silid:

Pangkat Bilang:
Mga Miyembro ng Pangkat:
1.
2.
3.
4.
Panuto:
1. Mula sa naging pagsusuri ng pangkat sa mga nalikhang sariling karakter, tunggalian, at
wakas ng El Filibusterismo, pumili ng ilan sa mga ito na gugustuhin ninyong maisama
sa inyong lilikhaing bagong bersyon ng El Filibusterismo.
2. Pagkaraan, bumuo ng isang balangkas o buod ng magiging kwento ng inyong nais na
maging bagong bersyon ng El Filibusterismo.
3. Kinakailangang maglaman ito ng mga sumusunod na kahingian:
a. Mga bagong karakter na nais na maipasama sa kwento na magbibigay ng
bagong buhay at kulay sa nilalaman nito.
b. Maayos na daloy o takbo ng kwentong nais na bigyang buhay bilang
makabagong bersyon ng El Filibusterismo.
c. Makapaglatag ng wakas na hindi makapagpapabago sa pangunahin o orihinal na
layunin ng may-akdang si Rizal na gisingin at hamunin ang mga Pilipino
makababasa nito na magsagawa ng pagpapatuloy ng pagkilos laban sa mga
taong mapang-abuso at mapangsamantala.
4. Ilang mga paalala kaugnay ng gawain:
a. Hinihikayat ang pagiging malikhain, ngunit madalas hindi na ito nagiging
maganda lalo na kung masyado nang malayo ang kwento nito mula sa orihinal.
Tandaang bagong bersyon ang nililikha natin at hindi bagong kwento.
b. Tandaang layunin nating maibahagi pa rin ang kwentong isinulat ni Rizal ngunit
sa bersyon o pamamaraang papatok sa panlasa o kagustuhan ng mga kabataan.
c. Ingatan nating hindi mabago ang kabuuang kwento o nilalaman ng nobela.
Panatilihin pa rin natin ang kaligiran nito sang-ayon sa orihinal bilang paggalang
sa itinuturing na isa sa obra maestra ni Jose Rizal.
5. Hihilinging na mabuo ang mismong balangkas ng inyong kwento sa pagtatapos ng
linggong ito, kaya’t kinakailangang maibahagi na ito sa ika-22 ng Abril hanggang alas
5 ng hapon.
6. Ibahagi ang kopya ng sanayang papel na ito sa inyong group chat, doon na rin ito
ipapasa.
Pagbabalangkas ng kwento

1. Ilahad ang kung paanong magiging makabago ang bersyon na ito ng El Filibusterismo.
2. Ipaliwanag din kung paano ninyo maaari ay nanaising ipasok sa kwento ang karakter
na inyong nalikha o bahagi ng inyong magiging wakas (opsyunal lamang ang
pagbabago ng wakas).
Pamamaraan

1. Magbigay ng ideya kung sa paanong pamamaraang maibabahagi ang makabagong


bersyon na ito ng El Filibusterismo.
2. Isang pamamaraan na maaari ay magiging mas katanggap-tanggap sa mga kabataan
sa susunod na henerasyon upang higit nila itong matangkilik at naisin nilang mas
alamin ang kwentong ito.
3. Maaari itong sa pamamagitan ng komiks, pelikula, teleserye, aktuwal na dula o kung
ano pa mang uri ng sining na akma sang-ayon sa inyong nakikinitang pamamaraan.
4. Nang sa gayon ay maibahagi pa rin ang karanasan ng nakaraan at mapakinabangan ito
sa pagbabago ng kalagayan ng kasalukuyan.

You might also like