You are on page 1of 1

Panuto: Suriin ang akda sa pamamagitan ng mga sumusunod na gabay na tanong upang higit pang

maunawaan ito bilang patunay ng paggamit ng mga kasanayan sa pagbasa.

MEDUSA ni Benilda S. Santos


Siya na nakapantalon 
at mainit ang hininga 
inihiga ako sa gilid ng mundo 
at tiningnan nang tiningnan 

hanggang sa mangalisag 
ang aking buhok 
at sa tinding galit at takot 
maging ahas ang bawat isa sa kanila 
gutom na gutom 
sa lasa ng laman 
ng labing may pawis ng pagnanasa 

hanggang sa madurog 
ang aking puso 
at sa di mapatid na sakit at pait 
maging bato ito 
malamig na malamig ang pintig 

ngayong lupang latag na latag na 


ang aking katawan 
sa ilalaim ng malulupit mong talampakan 
ikaw naman ang aking titingnan nang titingnan 

hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking mga mata 


at sipsipin ng bawat ahas kong buhok 
ang bawat patak ng dugo sa inyong mga ugat 
at masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay 

Namamangha ka sa liyab ng aking higanti? 


Ay! Ikaw ang guro ko't hari at lalaki

1. Muling ilahad ang tula gamit ang sariling mga salita.


2. Ano ang paksang nais nitong ikwento?
3. Mayroon ba itong isyung panlipunan na nais na talakayin? Kung mayroon ano ito? Ano ang mga
linyang nagpapatunay sa nabanggit?
4. Paano nagtapos ang tula? Ano ang kahulugan nito?

You might also like