You are on page 1of 5

Pangalan: Christian D.

Francisco Petsa: Marso 6, 2023

Kurso at Taon: BSED FILIPINO 3A Asignatura: Malikhaing Pagsulat

ACTIVITY #1

Balik-Panitik

Sagutin ang tanong.

Naaalala mo pa ba ang mga sulating pangwakas na isinulat mo? Ang mga


sikretong inilalagay mo sa iyong diary? Ang mga e-mail mo sa iyong kaibigan, ang
notes mo at status message sa Facebook? Ano-ano ang ikinuwento mo sa mga isinulat
mo? Maglista ka ng ilan sa ibaba.

Ano ang mga nag-uudyok sa iyo upang magsulat? Sa isang limang


pangungusap na talata, sabihin at ipaliwanag mo ang iyong saloobin tungkol sa
pagsusulat at tungkol sa mga inspirasyon o karanasang dahilan ng pagsulat mo o
isinusulat mo. Isulat ito sa ibaba.

Lusong-Panitik

Sa pamamagitan ng pagsulat, napalalaya natin ang mga pangarap, panaginip, at


imaheng nakatahan sa ating puso at isip. Nagsusulat tayo hindi lang dahil inuutusan
tayo, dahil trabaho natin ito, o dahil napipilitan tayo, nagsusulat din tayo dahil may mga
bagay o nararamdaman tayong hindi natin mabigyan ng tinig sa pamamagitan ng
pagsasalita ngunit mas naipahahayag natin sa pamamagitan ng pagsulat. Anuman ang
anyo ng sulating ito, nakakawing dito ang isang bahagi ng ating pagkatao. Maaaring
makita ito sa mga paksang gusto nating sulatin, sa paraan ng pagsulat natin, sa anyo
ng panitikan na ginamit natin, sa estilo, o sa kung kailan at saan tayo madalas na
nakapagsusulat.
Basahing mabuti at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

MAY MGA HALAMAN SA AKING KATAWAN

Rowena P. Festin

Puno ng kamatsili ang aking mga braso

Matalim na tinik ang natutuyong balat

Habang paunti-unting nalalagas na kaliskis

Puno ng bayabas ang aking mga binti

Namumuti, nangingitim, namamalat,

Tila naglulugong balat ng ahas

At sa aking mga paa

Unti-unting gumagapang

Ang sanga-sangang ugat Pababa sa lupa

At dahan-dahan

Ako'y magiging pataba At malayang bababa sa lupa Ang mga halamang Namahay sa
aking katawan.

1. Sino ang nagsasalita sa tula?

2.Ano ang paksa ng tula?

3.Ano ang mga imaheng binubuo ng tula?


4. Gamit ang karaniwang paglalarawan, ilarawan ang itsura ng isang matanda.
Ikumpara sa tula ang sinulat mong paglalarawan. Paghambingin ang dalawang
paglalarawan. May pagkakaiba at pagkakatulad ba? Ano ang mga ito?

5. Sa iyong palagay, ano kaya ang nag-udyok sa makata na sulatin ang tula?
Pangalan: Christian D. Francisco Petsa: Marso 6,2023

Kurso at Taon: BSED FILIPINO 3A Asignatura: Malikhaing Pagsulat

ACTIVITY #2

Balik-Panitik

Ilista sa tsart sa ibaba ang pamagat ng limang tulang nakasulat sa wikang Filipino at
ibang mga wika na nabasa mo na. lilista rin ang pangalan ng makatang sumulat nito,
kung natatandaan mo.

Pamagat ng Tulang Makatang Sumulat Pamagat ng Tula sa Makatang Sumulat


Filipino Ibang Wika

1.
2.
3.
4.
5.

Pagkatapos maglista, pumili ng isang tula at sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang paksa ng tula?

2.Bakit natatandaan mo ang tulang ito?


Lusong-Panitik

Ang pagtula ay mahalagang bahagi ng tradisyon ng ating mga ninuno. Sa pamamagitan


ng pagbigkas nila ng mga epiko, naipapasa nila sasusunod na mga henerasyon ang
kasaysayan ng kanilang lahi. Sa pamamagitan ng pagbigkas nila ng mga dasal sa
ritwal, naipaaabot nila sa mga diyos ang pasasalamat at paghingi ng tulong para sa
araw-araw nilang buhay. Tula rin ang ginagamit nila upang ipaalala sa mga bata ang
kabutihang asal, ang pagmamahal sa kalikasan, at pagrespeto sa kapuwa. Hanggang
sa kasalukuyan, mahalagang salik ang tula sa pagtatala ng kasaysayan at mga danas
ng buhay. Noong panahon ng Batas Militar, maraming naisulat na mga tula tungkol sa
madilim na bahaging ito ng ating kasaysayan.

Indibidwal na Gawain: Isulat ang natatandaan mong mga salawikain. Pangkatin ang
mga ito batay sa paksa. Isulat ang mga ito sa kahon sa ibaba.

Kalikasan Kabutihang-Asal Respeto Pagkakaibigan

1.
2.
3.
4.
5.

1. Ano ang ginamit mong pamantayan sa paghahanay ng mga salawikain?

2. Anong tradisyon o pagpapahalagang Pilipino ang mababasa sa mga salawikain?

You might also like