You are on page 1of 7

PAGSUSULIT 1

1. A.
2. B.
3. D.
4. B.
5. A.
6. A.
7. B.
8. D.
9. C.
10. C.

V. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

GAWAIN 1:

PANUTO: Batay sa natutunan na kahulugan ng Panitikan, magbigay ng sariling


pagpapakahulugan nito sa pamamagitan ng pagguhit ng simbolo. Sa ibaba ay isulat kung
bakit ito ang napili mong simbolo.

PA NI TI KAN
Simbolo



Paliwanag:
- Ang lapis ay - Ang papel ay - Ang haligi ay -Ang sagisang
isang uri ng isang manipis na isang tukod, pilar ay tanda, simbolo
panulat, isinusulat materyal na o poste na at palatandang
ito sa papel sa pangunahing nagsisilbing kumkatawan sa
ating notebook. ginagamit para tukod sa isang isang kaisipan.
Gamit ang lapis sa pagsusulat, estruktura at Ang sagisag ay
naisusulat natin paglilimbag at nagsisilbing simbolo ng
ang ating pagbabalot. pinuno o panitikan dahil
sasabihin,ideya o Sumisimbolo ito pundasyon sa dito nasasalamin
kaya ang mga sa panitikan dahil ating panitikan. kung ano nga ba
gusto nating dito malaya ang kalagayan o
isulat sa papel taong nangyayari sa
lalong lalo na makapagsulat ng pang araw-araw
kung hindi natin mga kahit ano na na buhay ng tao.
ito kayang sabihin nagmula sa ating
ng diretso sa damdamin.
isang taong gusto
nating kausapin.
Gamit ang lapis
maraming
naisulat na mga
tala noong unang
panahon sa
kanilang papel,
kuwaderno o
anumang papel
na hawak nila.
Ang lapis ay
mahahalintulad
sa panitikan dahil
ang lapis ay
parang buhay.
Gumagawa ito ng
linya, sulat, tuldok
at marka. Katulad
ng buhay, patuloy
na lumalaban ang
isang tao sa
kanyang
kapalaran araw-
araw upang
mabuhay, may
mga pagsubok na
pilit
nilalagpasan,mga
taong nakilala mo
at nag-iiwan ng
mga labis-labis
mong
pinahahalagahan.

GAWAIN 2:

PANUTO: Basahin nang mabuti at bigyang


tugon ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang Panitikan?



- Ang panitikan ay pahayag na pasalita o
pasulat ng mga damdaming Pilipino
tungkol sa pamumuhay, paguugaling
panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga
Pilipino.
2. Paano mo mapahahalagahan ang Panitikan?
-Napapahalagahan ko ang panitikan sa
pamamagitan ng pagkilala sa ating sarili
bilang Pilipino, makilala at magamit natin
ang mga kakayahan sa pag sulat at magsikap
na ito’y malinang at mapaunlad.

3. Bakit kailangang pag-aaralan ang Panitikan?
- Kailangan pag-aralan ang Panitikan upang
makilala ang kalinangang Pilipino, malaman
ang ating minanang yaman ng kaisipan at
taglay na katalinuhan ng lahing ating
pinagmulan at magkaroon ng
pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

4. Bilang isang mag-aaral ano ang
maaaring maging suhesyon mo upang
patuloy na maging buhay ang Panitikang
Filipino?

- Ang suhesyon ko upang patuloy na


maging buhay ang Panitikang Filipino ay
bigyan ng mataas na pagtingin sa ating
panitikan sapagkat tayong mga Filipino
mismo ay mababa ang pagtingin sa
sariling wikang atin at nakalulungkot
isipin na mas pinag-aaralan ang mga
banyagung wika. Bigyan rin natin ng
pagpapahalaga sa pagbabasa ng
panitikang Filipino. Tayong mga mag-
aaral huwag tayong mabagot o maging
tamad sa Panitikang Filipino bagkus
ibangon ang Panitikang Filipino.
5. Naniniwala ka ba na ang Panitikang
Filipino ay nagsisilbing instrumento
upang makilala natin ang sariling lahi?
Ipaliwanag.

-Ako’y lubos na naniniwalang ang


Panitikang Filipino ay nagsisilbing
instrument upang makilala natin ang
sarili nating lahi sa kadahilang
nakapaloob dito ang kultura ng ating
pagka Pilipino. Dahil din dito,
nagkakaroon tayo ng ideya sa kung ano
nga ba ang tunay nating pagkakilanlan.
Bago paman tayo sakupin ng mga
dayuhan ay masasabi kong nakakagawa
na ng likhang pampanitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Sa mga likhang ito,
na kadalasa’y mga natatagong alamat na
pinagsalin-salin sa iba’t ibang
dayalekto, ang masining na mga epiko,
ay naitatala nila ang mga tradisyon ng
tunay at purong pagka-Pilipino. Kaya
nama’y nararapat lamang na
pahalagahan natin at pag-aralan ang
ating sariling panitikan upang mabigyan
ng kasagutan ang ating tanong ukol sa
sarili nating lahi.

You might also like