You are on page 1of 2

PANITIKAN

1. Ano ang panitikan?

Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga


karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay
maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang
layunin. Ito rin ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na
nag-uugnay sa isang tao.

2. Ano ang kaugnayan ito sa buhay?

Ang kaugnayan ng panitikan sa ating buhay ay ang


kontribusyon nito sa ating kasaysayan sapagkat gamit ang
panitikan binibigyan tayo nito ng mga kaalaman sa buhay ng mga
sinaunang tao pati na rin ang kanilang mga kultura, karanasan at
pati na rin ang kanilang mga tradisyon na kung saan ay patuloy
nating pinapahalagahan hanggang ngayon. Dahil sa panitikan
nagkakaroon tayo ng pagkakataon na pag-aralan ang mga
pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa
kasalukuyang buhay natin. Ng dahil sa panitikan nagkaroon tayo ng
pagkakataon na maipadama ang ating pagmamahal sa bansang
ating kinalakihan sapagkat taas noo nating ipinagmamalaki na tayo
ay mula sa lahing Pilipino at ang bawat panitikan na ating nagawa
ay sumasalamin sa mayamang kultura ng bansang Pilipinas.

3. Anu-ano ang mga element ang bumubuo rito?

a. Punto de Bista – Pananaw ng awtor upang maihain sa


mambabasa ang isang akdang pampanitikan.
b. Paksa o Tema - ang pangunahing ideya ng akda
c. Tagpuan - pook o kapaligiran kung saan naganap
d. Estilo - paraan ng pagkakasulat ng akda
e. Kaligirang damdamin/mood - damdaming umiiral sa
mambabasa sa kabuuan ng akda
f. Ritmo o Galaw Pagtaas o pagbaba ng tinig na nagsisilbing
padron ng pagbikas
g. Denotasyon - literal na kahulugan ng mga salita sa isang
akda
h. Konotasyon simbolikal na kahulugan ng mga salita, imahe at
mga pangyayari
i. Himig - damdamin ng awtor (Hal. Nakakatawa, mapang-
uyam, galit o nangangaral)
j. Kasabikan - Ang tension sa kaisipan ng mambabasa
k. Tunggalian - Pagtatagisang puwersa sa isang akda
l. Matalinghagang salita -larawang diwa, simbolo
m. Imahe - larawang diwa na bumubuo ng guniguni (Hal.
pananaw, pang-amoy, pan-lasa, pandinig, panghipo)

You might also like