You are on page 1of 8

MODULE: 5

Asignatura at Antas: ARALING PANLIPUNAN 10 Date: Oktubre 11-15, 2021

Paksa: “Ang Empleo sa Pilipinas” Week: 5


Lesson Description: Sa modyul na ito ay inaasahang mauunawan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment
at nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment.

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment
 Natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mga Layunin:
 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment. AP10IPE-If-14
 Natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. AP10IPE-
Ig-15
Sanggunian:
 SIBS – Mga Kontemporaneong Isyu Pahina 52-61
Mga Kagamitan: Larawan ,aklat
Lesson Proper
DAY1
“Ang Empleo sa Pilipinas”
Engage/Explore Explain/Elaborate
Note: Day 2 Output 9 is our output
1. Panalangin fSor the week
Ang Unemployment
2. Pagbati
3. Pagtsek sa mga lumiban sa Ang unemployment ng mga taong may
wastong gulang at mabuting pangangatawan
klase
ay isa sa mga kondisyong pang-ekonomiya.
4. Review: Paano ka
makatutulong sa paglutas ng mga Ito ay bunga ng kawalan ng mga
suliraning dulot ng pagbabago ng oportunidad o pagkakataong makahanap ng
klima o climate change? trabahong ayon sa kakayahan ng
manggagawa at sa kailangan ng mga
negosyante.
Pagganyak
Mga Katangian ng mga Manggagawang
Isa sa nagpapatuloy na suliranin Pilipino
ng ating bansa ang
unemployment o kawalan ng Sa ulat ng Philippine Statistics Authority
trabaho ng maraming noong Abril 2019, tinatayang 2.3 milyon ang
mamamayan. Mahihinuha mo ba mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang
ang mga sanhi at bunga nito? naghahanap-buhay sa ibang bansa sa
pagitan lamang ng Abril hanggang
Itala sa isang malinis na papel Setyembre 2018.
ang iyong kasagutan at iupload
ito sa ating google classroom. Ito ay isa sa mga bumubuhay sa ekonomiya
kahit maraming kalamidad ang pinag-daanan
nito. Ang mga OFW ang pinakagustong
manggagawa sa maraming bahagi ng mundo
at ito ay dahil sa mga katangian nilang naiiba
sa mga kakompitensiya mula sa ibang bansa.

 Marunong sa kanilang trabaho


Ang karunungan ng mga Pilipino sa
trabaho ay dahil sa pagsasanay na
bunga ng edukasyon at paglaan ng
dagdag na oras upang matuto at
masanay sa trabaho. Nakikita ito sa iba-
ibang larangan ng pag-iisip, sa teknikal
at bokasyonal na kasanayan, sa isports,
MGA SANHI MGA BUNGA sa pagkanta, o sa pagsayaw.

 Marunong makisama
Ang Pilipino ay marunong makisama at
magtrabaho kasama ang iba. Marahil ito
ay dahil sa gawi ng pamilya kung saan
nagtutulungan ang lahat upang harapin
ang mga hamon at kahirapan ng buhay.
Handa nilang alalayan ang isa’t isa
lalong-lalo na ang mga nangangailangan
ng tulong. Palakaibigan sila at palaging
may positibong pananaw sa buhay.
Namamalas ito sa maraming sakunang
nangyari sa bansa nitong mga nakaraang
taon.

 Madaling makibagay
Isa sa kahanga-hangang katangian ng
manggagawang Pilipino ang kanilang
mabilis na pakikibagay saan man sila
mapunta. Para sa kanila, hindi mahirap
matuto ng kultura ng bansang kanilang
pinupuntahan.
Marunong sila ng wikang Ingles at dito
sila nakalalamang sa ibang
manggagawa.

 Mabilis matuto
Sa ulat ng National Statistics Office
noong 2013, ang literacy rate ng bansa
ay 97.5%. kasama rito ang mga may
edad na 15 pataas. Malaki ang epekto ng
edukasyon sa kakayahan ng isang taong
matuto ng mga bagong kasanayan sa
lugar ng trabaho.

 Masipag
Sanay na ang mga Pilipino na
magtrabaho ng lagpas sa takdang oras,
may bayad man o wala. Hangad nilang
makitang tapos ang gawain kaya
nagtatrabaho sila kahit lagpas na sa
takdang oras.

 Maasikaso sa Pamilya
Para sa mga Pilipino, pamilya ang dapat
unahin. Kaya sila nagtatrabaho kahit
mahirap. Nais nilang masuportahan ang
sariling pamilya kasama na ang iba pang
kamag-anak.

 Magiliw at palakaibigan
Ang pagiging magiliw at palakaibigan ng
mga Pilipino ay kilala ng lahat. Madali
silang lapitan at kausapin. Ito ang
katangiang kakaiba sa mga Pilipinong
manggagawa sa ibang bansa. Bunga ito
ng kulturang Pilipino kung saan gagawin
ang lahat ng makakaya upang mapasaya
at maging maginhawa ang isang
panauhin.

Ang Empleo sa Pilipinas

May mabubuting katangian ang mga


manggagawang Pilipino ngunit maraming
sagabal ang hinaharap nila. Upang mas
maunawaan ang kanilang kalagayan, alamin
natin ang ilang mga katawagan o
terminolohiyang kaugnay ng empleo o
pagtatrabaho sa bansa.

Ang mga sumusunod ay batay sa mga


kahulugang ibinigay ng International Labor
Organization (ILO) at ng National Statistics
Coordination Board (NSCB).
Employed - mga taong iniulat na may
trabaho, nagtatrabaho, o kaya naman ay
may negosyo bagama’t hindi nagtatrabaho.

At work – mga taong nagtatrabaho kahit


isang oras lamang sa panahon ng survey

With a job or business but not at work


– mga may trabaho o negosyo ngunit hindi
nagtatrabaho sa tukoy na panahon dahil sa
mga pangyayaring panandalian kagaya ng
pagkakasakit o pagkasangkot sa aksidente,
bakasyon o nakaliban sa trabaho,
pagkakaroon ng masamang panahon, strike,
at iba pang dahilan.

Industriya – ang uri ng negosyo o ang


lugar kung saan nagtatrabaho ang isang tao

Labor force – ang populasyon ng tao na


may 15 taong gulang o higit pa na kasama
sa paggawa o pagserbisyo sa bansa.
Kabilang dito yaong mga may trabaho at
walang trabaho.

Under-employed – mga taong


nagtatrabaho na nais magkaroon ng
karagdagang oras ng trabaho maliban sa
kanilang kasalukuyang gawain o
karagdagang gawain, o kaya ay magkaroon
ng trabahong may mas mahabang oras.

Under-employed Invisibly – mga taong


may trabahong full time ngunit gusto pa ng
dagdag na trabaho.

Under-employed Visibly – taong may


trabahong mababa sa 40 oras sa linggong
kinuha ang impormasyon at gusto pa ng
dagdag na oras ng trabaho.

Unemployed – kabilang dito ang mga


taong may 15 taong gulang o higit pa na
iniulat na:
- Walang trabaho, halimbawa, walang
trabaho nang kunin ang
impormasyon para sa survey
- Puwedeng magtrabaho o yaong mga
handang magtrabaho at tumanggap
ng trabahong may bayad o sariling
empleo sa panahong ginawa ang
survey o kaya ay sa loob ng
dalawang linggo matapos ang survey
- Naghahanap ng trabaho na ang ibig
sabihin ay gumawa ng hakbang
upang humanap ng trabaho o
magtayo ng negosyo.

Labor Market Efficiency (LME) – ito ay


tungkol sa paglalagay ng mga mangagawa
kung saan mas epektibo sila sa pag-angat ng
ekonomiya.

Daily Minimum Wage sa mga Rehiyon

Ang National Wages and Productivity


Commission (NWPC) ay ahensiya ng
pamahalaang kakabit ng Department of
Labor and Employment (DOLE).
Binuo ito noong 1989 sa bisa ng Republic Act
No. 6727 o ang tinatawag na Wage
Rationalization Act. Layunin nitong gumawa
ng mekanismo upang matukoy ang
pinakamababang sahod sa lahat ng rehiyon
sa bansa at magbigay ng makatarungang
suweldo sa mga manggagawang Pilipino.

Mga Trabahong Mas Hinahanap (IN-


DEMAND) at Mas Mahirap na Punan
(HARD TO FILL-IN) sa Pilipinas

Noong 2009, ang Kagawaran ng Paggawa at


Empleo o Department of Labor and
Employment (DOLE) ay nagsagawa ng
proyekto na tinatawag na Project JobsFit:
The DOLE 2020 Vision na siyang magbibigay
ng solusyon sa problema na may kinalaman
sa paghahanap ng trabaho ng mga Pilipino
at paghahanap ng aplikante ng mga
kompanya.

Bahagi ng resulta ng pag-aaral ang


paglalathala ng listahan ng Most In-demand
at Hard to Fill-in Jobs sa Pilipinas.

In demand jobs – mga trabahong bakante


na kailangan dahil sa madalas na pag-alis ng
empleado o pagpalit ng tao.

Hard to Fill-in jobs- mga trabahong


nahihirapan ang mga nangangailangan ng
empleado na makakuha ng manggagawang
kwalipikado, o kaya naman ay walang
aplikante.

21st Century Skills at Ang Empleo

Sa kasalukuyang panahon marami na ang


pinagbago ng mga pangangailangan ng mga
kompanya ukol sa mga kasanayang
hinahanap nila mula sa mga gustong
magkaroon ng trabaho.

Hindi sapat ang kaalaman na natutuhan sa


mga unibersidad, kaya naman, nagiging
mahirap ang paghahanap ng mga empleado
na kanilang kinakailangan. Dumarami ang
mga kompanya na naghahanap ng empleado
na may soft skills.

Mula sa isang pag-aaral ng World Bank na


“Developing Socioemotional Skills for the
Philippine’s Labor Market” lumalabas na 75%
ng mga kumukuha ng empleado ang
nahihirapan na makakuha ng mga
magtatrabaho na kakikitaan ng noncognitive
skills o soft skills o yung tinatawag ding
behavioral skills.

Mga Soft Skills na Hinahanap ng mga


Kompanya
- Etika sa pagtatrabaho
- Pakikitungo at pakikipagkapwa
- Marunong sa komunikasyon
- Socioemotional na kasanayan
- Pakikipagtulungan
- Pagkakaroon ng mga makabagong
ideya
- Wastong paggawa ng desisyon
- Malikhaing paglutas ng problema
- Kagalingan sa pagpaplano
- Magaling mag-organisa
- Kakayahang mamuno
- Bukal sa kaloobang matuto
- May inisyatiba
- May kakayahan na kayanin ang
stress
- Mahusay na pamamahala ng mga
gawain

DAY 2
“Kawalan ng Trabaho sa Gitna ng Pag-unlad ng Ekonomiya”
Engage/Explore Explain/Elaborate Output 9 (OUTPUT FOR THE
WEEK)
1. Panalangin Kawalan ng trabaho sa Gitna ng Pag-
unlad ng Ekonomiya Career Pathing: Isipin, pagnilay-
2. Pagbati
nilayan, at planuhin ang iyong
3. Pagtsek sa mga lumiban sa Bagama’t may positibong ulat ukol sa patuloy tatahaking landas (career path).
na pagtaas ng GDP ng Pilipinas nitong mga Punan ang mga linya sa ibaba.
klase
nakaraang taon, marami pa rin ang walang
4. Review: Bakit itinuturing na trabaho o naghahanap ng trabaho sa I-upload ito sa output tab ng inyong
isang suliranin ang kawalan ng Pilipinas. LMS account.
trabaho o unemployment?

Pagganyak: (Internalization) Pangalan:______________________


Ang Super Hero ng Aming Edad: _________
Pamilya
Ang Aking Propesyon sa Hinaharap
Magsagawa ng isang maiksing
panayam sa inyong mga Batay sa aking pananaliksik,
magulang o isa sa miyembro ng naniniwala ako na, sa hinaharap, ang
inyong pamilya na siyang sumusunod ang mga trabahong mas
naghahanap-buhay. Tanungin sila kailangan:
kung paano nila pinahahalagahan 1._________________________
ang kanilang trabaho at ang 2._________________________
dahilan kung bakit sila 3._________________________
nagtatrabaho. I-share sa ating
synchronous class ang pahayag
Ang mga katangian ng
ng inyong mga magulang.
manggagawang Pilipino na aking
Dahilan ng Unemployment pagtutuonan ng pansin at huhubugin
ay:
 Di tugmang edukasyon sa kailangan 1._________________________
ng labor market (educational 2._________________________
mismatch) 3._________________________
Ito ay tungkol sa pagtugma ng mga kurso
sa kolehiyo at ng labor market. May mga
Dahil sa mga nasa itaas,
kursong kailangan sa labor market. Ito ang
magsisismula ako sa paghahanda
mga tinatawag na labor market-
appropriate degrees. Ito ang mga kursong para sa aking propesyon sa
tumutugon sa mga trabahong kailangan sa pamamagitan ng pagtahak sa
bansa ______________________ sa Senior
High School.
 Frictional unemployment
Ito ay panahon kung kailan ag isang tao ay Upang makagawa ng kontribusyon sa
naghahanap ng mas matatag na trabaho o Labor Market Employment,
nasa pagitan ng walang trabaho at may ipinapangako ko na
trabaho. Ito ay dahil hindi siya kontento sa
______________________________
suweldo, mga benepisyo, di maayos na
kalagayan sa lugar ng trabaho, o kulang sa ______________________________
kasanayan para sa gawain. Kaya, ______________________________
naghahanap siya ng ibang trabahong mas ______________________________
bagay sa kanyang kaalaman at kasanayan. ______________________________
______________________________
 Bilang ng nakatapos na kurso ______________________________
Ang Singapore at ang India ang may ______________________________
pinakamaraming bilang ng nakatapos ng
kurso na walang trabaho noong 2012- at
At upang maging mabuting
2013. Pareho rin dito sa Pilipinas. Katulad
na lamang ng kursong nars at guro. miyembro ng pamilya at
Dahil sobra ang mga nakatapos, marami sa mamamayan ng bansa, gagawin ko
kanila ang walang trabaho. Ang mga ang mga sumusunod:
propesyonal ay pumapasok sa mga 1.___________________________
trabahong hindi nila pinag-aralan. 2.___________________________
3.___________________________
 Kakulangan sa talento at kasanayan
Ito ay tungkol sa kakulangan ng
pagsasanay at paghahanda. Ang di
pagkakatugma ng edukasyon at
pagsasanayan ng mga estudyante para sa
kailangan ng labor market ay sagabal sa
paghahanap ng tama at matatag na
trabaho.

Implikasyon ng Kawalan ng Trabaho

Maraming implikasyon ang kawalan ng


trabaho sa tao, sa lipunan, at sa buong
bansa. Unang-una ay ang epekto sa taong
walang kakayahang bumili ng kailangan at
ito ay may direktang epekto sa ekonomiya.
Kapag walang perang pambili ang mga tao,
bababa ang pangangailangan sa mga
produkto. Dahil dito, bababa rin ang kita ng
mga nasa produksiyon at kailangang
magbawas ng produksiyon.

Mahirap tantyahin ang epekto ng kawalan ng


trabaho sa isang indibidwal. Ang isang ama
ng tahanang walang trabaho ay mapipilitang
maging taong-bahay at gumawa ng mga
gawaing-bahay na hindi madaling tanggapin
sa isang lipunang praktikal. Ang kawalan ng
trabaho ay maaaring maging sanhi ng
kalungkutan, kawalan ng pag-asa, o
mababang tingin sa sarili na maaaring mauwi
sa depresyon.

Ang matagal na pagkawala ng trabaho ay


maaari ding magresulta sa pagkabawas ng
kasanayan at nasasayang na talento.

Mga Solusyon
 Pantay na oportunidad sa mga
pamayanang rural at urban
 Ugnayan ng edukasyon at ng empleo
 Suporta ng pamahalaan sa negosyo
 Gawing makabuluhan sa lipunan ang
edukasyon
 Sistema sa pagpapalaganap ng
impormasyon ukol sa labor market

Ang Department of Labor and


Employment

Ang Department of Labor and Employment


(DOLE) ang kagawarang namamahala sa
paggawa ng pagserbisyo sa mga
manggagawang Pilipino. Ito rin ang
nagbibigay ng payo sa ehekutibo ukol sa
pagbabalangkas ng mga polisiya na may
kaugnayan sa mga manggagawa.

Layunin ng Department of Labor and


Employment na matamo ng manggagawang
Pilipino ang disente at produktibong trabaho.
Makikita ito sa bisyon ng ahensiya na isulong
ang mga oportunidad sa pagtatrabaho,
hubugin ang yamang tao, ipagtanggol at
isulong ang kabutihan ng manggagawa, at
panatilihin ang kapayapaan sa larangan ng
paggawa.

Ang Labor Code of the Philippine


(Presidential Decree No. 442)

Ang Labor Code of the Philippines na kilala


rin bilang Presidential Decree No. 442, ay
isang kalipunan ng mga polisiya ng
pamahalaan na nagtatakda ng mga
patakaran ukol sa paggawa at kagalingan ng
mga manggagawa mula sa simula ng empleo
hanggang sa katapusan ng pagiging
empleado.

Kahalagahan ng End of Contract


(ENDO)

Ang End of Contract ay tumutukoy sa


sistema ng pagtapos sa empleo ng isang
manggagawa. Sa ilalim ng batas ng Pilipinas,
ang empleado ay binibigyan ng anim na
buwan bilang probationary period bago sila
gawing regular na empleado.

Ngunit may mga nagpapatrabaho na


tinatapos na ang kontrata ng mangagagawa
bago matapos ang anim na buwan. Dahil
dito, hindi nakukuha ng empleado ang mga
benepisyo kagaya ng kontribusyon sa Social
Security System (SSS), Philippine Health
Insurance o Philhealth, Pag-IBIG Fund, 13th
month pay, at iba pa.

Artikulo 282 ng Labor Code

Nararapat lamang tapusin ang empleo ng


isang mangagagwa sa sumusunod na mga
dahilan:

- Seryosong paglabag o hindi pagsunod ng


empleado sa mga legal na utos ng may-ari
o kinatawan ng may-ari na may kaugnayan
sa kanyang trabaho;
- Madalas at pauli-ulit na pagpapabaya ng
empleado sa trabaho;
- Pagtalikod o paglabag ng empleado sa
tiwala ng may-ari o ng kinatawan nito;
- Pagagawa ng krimen o paglapastangan sa
katauhan ng may-ari o mga miyembro ng
pamilya nito o ng kanyang awtorisadong
kinatawan; at
- Iba pang katulad ng paglabag
Ag fixed term na empleo ay pinapayagan
basta ito ay napagkasunduan ng may-ari at
empleado. Sa fixed term na empleo may
seguridad sa trabaho batay sa kontrata at
hindi maaaring tanggalin ang empleado
maliban kung sya ay lumabag batay sa
Artikulo 282. Sa katapusan ng kontrata,
walang katiyakan ang pagtatrabaho nang
tuluyan at ang bayad sa pagreretiro sa edad
na 65.

Kontraktuwalisasyon

Artikulo 106 ng Labor Code, isinasaad ang


probisyon na nagbibigay pahintulot sa
Kalihim ng DOLE na ipagbawal ang
kontraktuwalisasyon upang protektahan ang
karapatan ng mga manggagawa subalit
pinapayagan pa rin ito sa ilalim ng
administrasyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte.

You might also like