You are on page 1of 20

THE TRAGEDY

By: SOLIROSE OTIC ARAGON

Could it possibly to rewrite the Fault?


Or could it possibly to regain the once?
People should know that it is the impossibilities in Life
That even you redo the once the present can't change the past

On the day you left me my world gets crumpled down


The Music becomes rhapsody in the cloud nine
Summer Breeze that becomes stinky at all times
And I give up myself on the grave you stayed upon now

Back to the days when we are happy


We spend the time freely
We laugh like we're crazy
And creates Memories amusedly without knowing that you're leaving me early

You've not even say goodbye


Nor have my permission to leave and die
You just dissaper through the crowd
And give us a hard time.

Leaving someone is somewhat hard


But left by someone is the Hardest of all the Hards that even stone can't be equal
The Flashbacks is the ruthless thing of a life could give
That even sadness rolls down in your cheeks

I wish I could live in Fantasy


That you've been never past away
And you're here beside me
But it's just a Fantasy, a Fantasy that is not a reality

And now that you're gone all I can do is move forward without looking back
And live, hoping that someday you'll holding me back,
Continue Life
And walk to the path you gave me to find the true Meaning of LOVE.
PAGSUBOK
By: Analie Alvarez Salazar

Balot ng dilim
Pusong nananaghoy
Pagal na isipan
Lutang sa kawalan

Pagsubok di maawat
Hangad ay pagkawasak
Kahinaan tinutuklas
Titibagin iyong bukas

Luntiang kamalayan
Pilit tinutuyot
Sinirang kagandaha'y
Uusbong walang pagod

Nais ay dumungaw
Yaring haring araw
Subalit ulap kinukubli
Ang pag-asang natatanaw

Katiting na liwanag
Binabagtas inaarok
Lalaban di susuko
Hanggang ulan ay mapuyos

Di patitinag sa putol na tulay


Dadako roo't magtatagumpay
Masisilayan muli
Tirik ng araw
GURO
By: Analie Alvarez Salazar

Tagakumpuni ng mga sirang kalooban


Upang muling mabuo ang mga lakas at tapang
na harapin ang masalimuot mong pakikibaka tungo sa tagumpay

Tagapahiram ng tsinelas
na susuutin mo sa matinik na daan na pilit tumutusok
sa pagal mong katawan

Tagatayo ng tulay
na dadaanan mo
sa panibagong kabanata
ng iyong paglalakbay

Tagatanim ng mga punla


Punlang kahit sira'y pilit na inaalagaan
Dinidiligan ng pagmamahal at pagkalinga
Naniniwalang buhat sa isang sirang punla'y magbubunga ng isang binhi
Binhi ng mabubuting pananim

Tagabuhat sa iyo
Upang maabot mo ang mga pangarap mo
Na kahit gaano ka pa kabigat
Ay pilit kang iaangat
Mahawakan mo lang ang iyong mga pangarap

Tagasulsi ng mga nawasak mong kumpyansa sa sarili


Upang sa mundong maraming nakikipagsagupaan
Ikaw ay di maiwanan

Tagamulat ng mga mata mong nakapikit na


Nagbubulag-bulagan sa mga paghihirap ng iyong mga magulang upang ikaw ay mapagtapos ng pagaaral

Tagahasa ng kinkalawang mong punyal ng karunungan


Sugatan man dahil sa mga kamaliang minsan ay nagbara sa agos ng pakikipaglaban
Hindi iindahin ng katawang minsan ay pinagdamutan ng pinto ng kaligayan
Subalit pinagbuksan naman ng bintana na durungawan ng kasiyahan
kasiyahang ihatid kayo sa rurok ng TAGUMPAY!!
ANAK
By: Analie Alvarez Salazar

Pagtangis ang una mong buhay


Tuwa't saya taglay ng iyong pagluwal
Nakabaon man isang paa sa hukay
Di alintana hangad ay makapiling ka't mahagkan

Sa bawat araw na lumilipas


Sayang dulot mo'y walang katumbas
Aalagaan at iingatan ka hanggang wakas
Pangako ayokong nakikita kang umiiyak

Tuturuan kitang maging mabuti


Upang sa iyong paglaki
Turo ko ay maipamahagi
At lipunan ang magiging saksi

Pagod na nananahan
Iwawaksi sa isipan
Ipagpapatuloy ang paggabay
Nang balang -araw ikaw ay magtagumpay

Anak, sana sa iyong paglaki


Kabutihang loob sa iyo'y manatili
Tatanda kami at lilipas
Mawawala sa iyong landas
Subalit pagmamahal namin ay tatatak
Paaralan
By: AYA CALAGUAS ORDENES

Pinagpalang gusali ka sa ibabaw nitong lupa


Palasyo ka ng talino pandayan ng mga diwa
Sa lilim mo iminulat isipan ng mga bata
Upang sila ay ihatid sa landas na minumutya

Ang kamay mong tagahubog sa mura nilang isipan


Ay ang gurong matalino; matiyaga at marangal
Sila'y taong sa daigdig bathala ring naturingan
Sulo silang maliwanag sa landas ng kabataan

Ano pa't ang mga guro'y dakila ngang mawiwika


Mga taong kailanma'y laging tapat sa adhika
Sa bubong ng paaralan ganap nating isadiwa
Aral ng mga guro na talagang mapagkalinga

Raang daan mga taon ang matuling nagdaraan


Ngunit itong paarala'y patuloy na naglilinang
Hinuhubog ang maraming giliw na kabataan
Upang kanilang marating ang rurok ng kaluwalhatian

Ang alinmang bansa ngayon sa magulong daigdigan


Ay kayraming pamantasan; paaralang mahuhusay
Katulad ng America isang bansang sakdal Yaman
Paaralan ang ginamit upang sila'y magtagumpay

Lahat halos ng bayani na sa bayan ay natampok


Sa bubong ng paarala'y doon muna nagsipasok
Sina Rizal at Del Pilar si Quezon at Padre Burgoz
Ito ang hagdan na tinuntong upang sila'y mapatampok

Ang sinumang pantas ngayon sa ating kumakaway


Paaralan pa rin lagi ang patuloy na gumagabay
Upang kanilang marating ang tugatog ng tagumpay
At ng sila ay makilala ng buong husay

Naririto tayo ngayon ating pinagdiriwang


Ang araw ng mga guro sa sangkalupaan
Kaya naman ako ngayo'y magalang na nagpupugay
Sa lahat ng mga guro nitong ating paaralan.
Untitled #1
By: AMAIZA DAPITO DALANGIN

Ayan ka na naman,
Sa walang habas mong pangungulit
Kaya madalas na uuwi sa aking galit
Ang hilig mo kasing mamilit

Yung tipong kapag akoy nakapikit


Bahagya kapang mangiipit
O di naman ang muka mo ay ilalapit
Kaya sampal ang yong nasasapit

Naghahanap ka lang ng lambing


Kaya madalas kang nampapraning
Minsan nauuwi pa sa sining
Litrato ko ang laman ng yong drawing

Kaya mahal, pasensya na sa mga oras


Mga oras na di ka kasama, napapadalas
Pakiramdam ko unti-unti na kong kumakalas
Pero yong ngiti siyang tinuturing kong alas

Alam ko paulit ulit ako'y iniintindi


Na kahit lumalamig, di ka parin humihindi
At kung pano pa ko magalit ay matindi
Pero, nanatili ka parin sa aking tabi

Kaya mahal, sa pangangalawang pagkakataon


Akoy muling hintayin ng kahit ilan na taon
Madaming oras man ang masasayang doon
Tatapusin ko muna ang aking napiling edukasyon

At pagnatapos na ang kurso


Ang date natin, isusunod sayong gusto
Sasayaw tayo sa ilalim ng butuin
At yong mga labi ay aangkinin

Magpapatutog tayo ng musika


Yung kantang pagnarinig,
parang tayo lang dalwa
O di naman kaya maghahain ng 'sang himig

Antayin mo ang pangakong pagbawi


Sisiguraduhing di mauuwi ng sawi
Hanggat sa umabot na tayo sa altar
Sinta, pangako ikaw lang ang aking mahal
Untitled #2
By: AMAIZA DAPITO DALANGIN

Konting hakbang nalang


Akala mo wala ng hadlang
Kaya pinili mo ang saya
Di alam, sa basura ka kagaya

Hindi sapat ang yong tyaga


Bata, di sapat ang yong mga luha
Mula palang, gusto mo'y di mo nakuha
Kaya eto, bulok ang yong inani at nilaga

Bata basura ka
Sa lipunang itinuring kang kagamitan
Sa pagkakaibigan pilit mong makipagsiksikan
Kaya bata baka pwedeng tama na

Isara man ang yong pandinig


Para ilayo sa sari-saring tinig
Sapat naman ang yong mga mata
Na makita kung pano ka nalang itapon ng basta

Baka bata, di na bisig ang yayakap sayo


Maging ang lubid na nakayakap sayong ulo
Bata, hindi sapat ang kahit anong dugo
At kahit san pa tumulo, walang magbabago

Kabilang ka sa panira ng mundo


Ganyan ka ituring ng mga utak na sarado
Hindi rin kasi sapat ang puro libro
Bata wag kang puro grado

Bata, basura ka
Sa mundong iyong ginagalawan
Kaya kumilos ka ng dahan dahan
Para mga tinig nila di na madagdagan
Untitled #3
By: AMAIZA DAPITO DALANGIN

Prinsipe ng sungit
Yan ang naaalala ko twing pangalan moy nababanggit
Pati ang nakakatakot mong ekspresyon kapag nagagalit
Pero ang di nila alam, may tinatago kang sakit

Madalas ika'y tahimik sa gilid


Parang nakakulong sa maliit na silid
Yung tipong walang pinto sa bawat gilid
Parang napakalayo mo sa paligid

Madalas sa telepono nakatitig


Pagtinawag, parang walang naririnig na tinig
Kaya idinadaan nalang sa palihim na pagsilip
Sa ekspresyon mong parang laging naiinip

Ngunit ang laman ng yong isip


Napakadilim parang dagat na malalim
Na tipong parang lagi ay takip silim
Nakapagpinasok, ang hirap nang lisanin

Di ka naman talaga nakatira sa dilim


Ngunit pinili mong tirhan ang lugar na maaring lisanin
Pinilit mong manatili sa dagat na malalim
Kaya akala mo walang tao ang kaya kang piliin

Pero subukan mong lumabas sa yong munting silid


At harapin mo ang iyong paligid ng tuwid
Ang ganda'y makikita ng mata mong nakapikit
O di naman kaya imulat mo na lang kahit saglit

Sa pagbabasakaling magbago ang isip


Para dina maidaan sa mga pagpilit
Sinabihan ng salitang malupit
Ngunit nagiwan pa ng sugat sa halip.
Untitled #4
By: AMAIZA DAPITO DALANGIN

Alam mo ba yung kwento?


Nung natuto ako magkagusto?
Na itinuring ko na palang mundo
Nalimutan na rin kung sino talaga ako

Alam mo ba yung kwento ko?


Kung pano nahulog ang puso ko sa libro,
Maging sa mga numerong tinatawag na 'grado'?
At sa kung pano napaikot nito ang aking mundo?

Alam mo ba yung kwento?


Kung bakit lagi akong tuliro?
Kung bakit madalas, mata'y mugto
At kung bakit kung minsa'y may sariling mundo

Alam mo ba kung bakit ako ganto?


Yung pilit ngumingiti kahit di totoo
Yung bakit kahit pagod na ako,
Walang luha ang tumutulo sa mata ko

Alam mo ba kung bakit may maskara ako?


At kung bakit nakalimutan k magpakatotoo?
Nagkagusto kasi ako sa tinatawag nilang libro
At napaikot ako ng tinatawag niyo lang na 'grado'

WHAT IF…… PAANO KUNG……?


(GINA BAUTISTA DAPROSA)

Pagpasok mo sa umaga,oopss, ten minutes late na si INA…


Sparkling eyes at angelic face ni Principal
pa rin ang iyong makikita?
Sa opisina….”hello besh?! hello maam/sir kumusta”?

Pag upo mo sa table may lalapit na kasama “maam kape ka po muna”?


Pagdating ng boss…all eyes and fingers sa report ang lahat,
biglang sasabihin niya….”Guys, uso pa din ang pahinga!!?
Work overload… pero Happy si teacher, di po ba?
PAGTATAPOS
By: Rosalie Daprosa Rivera-Magdaluyo

Anak:
Aking mga kamag-aral, kaklase ko,
Ating natapos sa araw na ito,
Pag-aaral, isang taon binuno,
Pagkakaibiga'y ating nabuo.

Maraming salamat sa'yo Mam Malou,


Kasama na mga magulang ko,
Mga magagandang-aral,inyong turo,
Sa araw-araw magiging gabay ko.

Sagot ng INA:

Para sa'yo, apat na taong anak ko,


Saludo kami sa'yo, angking galing mo
Dal'wang gabi lang, tula'y 'yong saulo.

Anak ay nasa stage tumutula na,


Totoo nga, magulang ay kabang-kaba,
At ang mga tuhod ko ay nangangatal pa,
Ikaw naman NIEL, kalmadong-kalmado ka.

Mga tao'y masigabong nagpalakpakan,


Matapos bigkasin tulang inilaan
Para sa araw ng inyong pagtatapos
Dulot ay mga ngiting 'di maubos-ubos.
SANDATA
By: Analie Alvarez Salazar

Daigdig na magulo
Maraming manloloko
Di ka makakatago
Piho mabibihag ka nito

Subalit iiwas
Kamunduhan sa iyo
Kung edukasyon nilamon mo
Tanging armas sa lahat ng dako

Pamana ng ninuno
Di raw mananakaw kahit nino
Lalakbayin ang mundo
Di ka matatalo

Ikukulong kamangmangan
Palalayain kamalayan
Basta't may pinagaralan
Walang di kayang gawin ang sino man

Kaignorantehan ay mauupos
Mundo'y masasakop
Kagalinga'y titindig
Di matitibag ng unos

Sandata sa laban
Madadaig ang walang alam
Iilap ang kalokohan
Aamo ang kabaitan

Karunungan sisigaw
Di iimik kamaangan
Maririnig ng sandaigdigan
Bibigkasin yaring ngalan

Datapwat may pinagaralan


Huwag kalilimutan
Kabutihang asal
Pinakamahalagang yaman
GOLD MEDAL
By: Analie Alvarez Salazar
Bronze thing
Hanged on your neck
A symbol of intelligence
Defines wisdom.

This little thing


Means a lot
Not the end,
But is just a start.

It gives hope
It boosts confidence
Makes dreams come true
Connects you to the world.

Sleepless nights, paid


Sacrifices, compensated
Blood and sweat
Replaced by tears of joy.

Yet, the gold medal


Your parents will receive
Is not this
Instead YOU, paying off their endeavor.
Eskwela
By: Johnlee Lacson

Noong una kang makilala


Sa loob ng magulong eskwela
Kahit di mo pansin noong una
Alam ko nang mahal kita

Sa isip ko ika'y naglalaro


Sa pagdating ng ating guro
Lahat ay natahimik at naupo
Ngunit tumaktakbo ka parin saking puso

Pagkatapos ng mahabang eskwela


Paguwi ng bahay oh sinta
Sa isip at puso'y dala-dala
Iyong mukhang maamo't maganda

Sa pagsapit ng biyernes sa eskwela


Mukha ko'y tila di maipinta
Kahit na pinakamagaling na pintor ng bansa
Kapag iniisip na hindi muna makikita

Kahit na sabado at linggo


Parte ka parin ng buhay kong ito
Palagi kang naaalala ng isip ko
At siyang tinitibok ng aking puso
Kalsada
By: Johnlee Lacson

Sa mababang lakbayin ng buhay


Bakit di parin maintindihan
Aking damdaming tila bang patay
Nabuhay nang ika'y nasilayan

Alam mo bang sa lakbaying ito


Ikaw ang laging nasa isip ko
Kahit na pagtawid ay patakbo
Hihintayin ka sa kabilang dulo

Sa mahabang kalsadang lalakarin


Tila bang hantungan ay bituin
Ngunit walang ibang mithiin
Kundi kasama kang dulo'y marating

Sa daan ay abutan man ng dilim


Nakikita ko ay ikaw parin
Parang alitaptap sa ningning
Kagandaham mong umakit sa akin

Dumating na ang baging umaga


Ngunit ikaw parin ang kasama
Sana habambuhay na tayong dal'wa
Sa iisang mahabang kalsada

Hardin
By: Johnlee Lacson

Alam mo bang sa pagsikat ng mga bituin


Ang tangin at nag-iisa kong hiling
Ikaw sana mahal ang aking makapiling
Sa sariwa at magandang hardin

Sa hardin kung saan ikaw lang ang kasama


Kung saan nais kang yakapin at hagkan
Kasama sa pagbuka ng mga sampaguita
Sa ilalim ng liwanag ng buwan

Kasabay ng pagsapit ng umaga


Nais na sa pagdungaw sa bintana
Ikaw lang mahal ang unang makikita
Dala ang mga ngiti mong maganda

Sana'y bago muling dumating ang dilim


Ako sinta'y iyong sagutin
Sana'y tulang isinulat sa hardin
Basahin at itatak sa iying damdamin
Pagtatapos
By: Johnlee Lacson

Sa pagkaluma ng mga sapatos


Kulay ng uniporme'y nalaos
Sa eskwela utak ay namaos
Sa wakas, malapit na ang pagtatapos

Kasabay sa paghahabol ng grado


Pagsusulit sa mga araw na magkasama tayo
Dahil alam na malapit nang magkalayo
Nais kong malaman, king ako rin ba'y iyong gusto

Sa araw ng pagtatapos ka huling makikita


At dalawang buwan munang mawawala
Maghihintay na namang dumating ang eskwela
Masabi ko lamang sayo na "namiss kita"

Kahit na dalawang buwang hindi nagkasama


Sa buhay ko'y hindi ka mawawala
Kapiling ka san man magpunta
Sapagkat sa puso't-isip ay nakatali ka

"Paalam"
By: Christopher Mercado Cueto

Minsan mahirap banggitin,


ang katagang nais isipin.
ngunit talagang ganyan,
ang buhay na dadaanan.

Minsan ba naisip mo?,


na bakit ang buhay ay ganito.
na biglang mawawala,
ang mahal mo ng kusa.

Hindi natin namamalayan,


sa ating pinagdadaanan.
sa hirap o ginhawa man,
palagi silang andiyan.

Buwis-buhay kung itawid,


ang buhay na walang kapalit.
maiparanas lamang ang saya,
na hindi makukuha ng iba.

Salamat sa iyo, lolo't lola ko,


nawa'y magkasama na ulit kayo.
sa lugar na kung saan masaya,
na sa inyo'y wala ng makakapaghiwalay pa....
“Gusto kita”
By: Christopher Mercado Cueto

Tangayin sana ng hangin ang ibig iparating,


Sa iyo na sana’y dumampi kahit katiting.
Sa pagpatak ng ulan sana’y maramdaman,
Ang huni ng tilamsik sa iyong isipan.

Sa bawat ngiti mo na aking nakikita,


Naglalaro sa utak ko, nakakasagasa.
Ang tamis at buhay ng iyong mga labi

“Gitnang Silangan”
By: Christopher Mercado Cueto

Sa tuwing sasapit ang dapit-hapon,


Nakikipaglaro ang kristal na liwanag ng araw sa alon.
Titigan mo ng sandali at pumikit,
Mararamdaman mo ang kaligayahang dala nitong init.

Kung ako’y nasa bansang sinilangan lamang ngayon,


Dadalhin kita kung saan ang araw ay humahalik sa hampas ng alon.
Gagawin kong romantiko ang bawat Segundo,
Hanggang sa nalalabing bilang ng buhay ko…

“Isang Tula”
By: Christopher Mercado Cueto
Buntong hiningang sinasambit,
sinasambit nitong aking puso.
Magawa lamang ang kanta,
kantang alay ko sa’yo.
Kaya’t sana’y mapakinggan,
mapakinggan ang aking puso.
Pusong nag-aalaba,
Nag-aalab para lang sa’yo.

Nung una, akala ko wala nang pag-asa.


Kabog sa dibdib di mawala kapag nakakasama ka.
Di mawari ang gagawin, kapag ika’y nakatingin sa akin.
Mapulang pisngi napapansin, kahit ako’y maitim.

Sa pagtatapos ng tulang ito,


tulang para sa’yo.
Sana’y wag limutin,
limutin na lahat, huwag lang ako.
Sa pagpatak ng luha,
luhang galling sa’yo.
Ito’y iuukit sa aking puso,
puso kong nakalaan, para lamang sa iyo.
“Paalam Sa’yo”
By: Christopher Mercado Cueto

Sa bawat pag-ikot ng mundo,


ang oras ay nakalaan para sa’yo.
Sa bawat pagpatak ng luha,
sa lupa makikita ang payapa.

Hindi ko man naisin,


hindi ko man gustuhin.
Ang pagkawala ng pag-asa,
sa akin ay inilayo na.

Sa pagsilip ng araw,
lamang sa akin ng pahapyaw,
Kisapmata kong nadarama,
ang buhay na masaya.

Kung ang lahat ay may katapusan,


malugod kong tatanggapin, sa akin nakalaan.
At sa oras ng aking paglisan,
pag-ibig ko sa iyo’y lagging nandiyan.

Sa pagdampi ng hangin,
sa balat mo sana ay damhin.
Mga alaalang inukit,
makikita sa pisngi ng langit.
“Tanging Ina”
By: Julie Ann Binalon Cueto

Oh, Ina, tanging ikaw na laging kasama,


pagmamahal mo ay tuwi-tuwina.
Pag-ibig mo ay laging dala-dala,
saan man ako magpunta.

Minsan pa ako’y naligaw,


sa landas na di masilayan.
Para bang ako’y pinilit na nilinaw,
nang pagmamahal mong walang kapantay.

Sana sa akin pang paglaki,


pag-ibig mo ay patuloy na makamtan.
Gagawing gabay,
sa aking paroroonan.

Oh, salamat aking Ina,


sa paalala mong pang habang-buhay na.
Buhay ko ay mas sumigla,
Mas nagkaroon nga ng kulay pa.

“Isa, Dalawa, Tatlong Damdamin”


By: Julie Ann Binalon Cueto

Isang tunay na makata na may ginagawang tula


May dalawang mata na maraming nakikita
Tatlong damdamin ang nakamtan sa saya
Buhay ay gagawing maligaya at mapayapa

Masaya ang mga mata kapag ikaw ay nakikita


Maligaya ang puso kapag ikaw’y kasama
Payapa ang mukha kung ikaw ay masaya
Tunay ngang ikaw ay kaiga-igaya

Tanging hiling ako’y iyong mapansin


Dalawang biyaya na sana ay mapasa-akin
Tatlong salita ang nais kong kamtin
Pag-asa nawa ay bigyang pansin

Mga ngiti ay bibilangin at sisilipin


Gagawa ng paraan upang pansinin
Ligayang dulot ng ngiti mo sa akin
Saya ng buhay kay sarap langhapin
“Ang Strawberry”
By: Adonis Avillana Mendoza

Sa Sablayan bihira mong makita


Ang strawverry na sa Benguet makukuha
Mapula, matamis at masarap ang lasa
Kaya gustong-gusto ng mga bata

Ito ay maraming mga bitamina


Pampakinis ng balat, pampalinaw ng mata
Pangpababa ng dugo
Pati kanser ay sinusugpo

Sa ating merkado ay maraming produkto


Ang sa strawberry ay nabuo
Palaman, kendi at iba pa
Kaya wiling-wili ang mga bata sa patok nitong lasa
“Araw ng Pagtatapos"
By: Percis Joy Bullagay Palomar

Maraming hirap ang dinaanan


Sa wakas, nakarating rin sa pupuntahan
Aakyat sa intblado kasama ang magulang

Isusuot ang toga, kukunin ang diploma


Sa iyong mga magulang, nakapag pasalamat ka na ba?
Naabot at narating mo yan dahil sa kanila

Andyan sila para sumuporta


Nagpapakapagod sila para makapag-aral ka
Gawin mo yan para sa kanila

Sa iyong mga guro, nakapag paalam ka na ba?


Tiniis ka nila at nagpasensya
Kahit ang ugali mo'y nakakasuko na

Paano naman ang iyong mga kaibigan?


Kasama mo sa lahat ng kolokohan
Walang kasiguraduhan kung pareho kayo ng paaralan

Nakakalungkot man isipin pero kailangan tanggapin


Kahit mahirap at masakit sa damdamin
Kailangan tanggapin na maghihiwalay rin

Sa kabilang banda, magsaya ka


Makakapag sulat ka na muli sa bagong pahina
Isulat mo ang iyong kwento at simulan ng masaya

Isang pag bati sa mga estudyanteng magtatapos


At yung mga hindi pa nakakapagtapos
Kapit lang, kayo'y makakaraos

You might also like