You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
ABUYOG WEST DISTRICT
___________________ ELEMENTARY SCHOOL
School ID: ___________
Dahong Panggawain sa EPP 4 (ICT)
Quarter 1 (WEEK 1)
( August 24 -26, 2020 )

Pangalan: ______________________________________ Guro: ____________________________

Bahagi Nilalaman

Simulan Magandang umaga mga bata!


Mo!

Alam niyo ba kung ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng negosyo?
Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na mabatid ang mga kalakal at serbisyo
na kailangan ng tao at maihatid ito sa tamang panahon, tamang lugar at
maibenta sa tamang halaga? Ang kahalagahan ng entrepreneurship?

Sa sanayang papel na ito ay matutunan mo kung anu ang


kahulugan .ng entrepreneur at entrepreneurship, at ang kahalagahan nito.

Tayoy Magsimula!
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod ay isang uri ng negosyo
ekis (X) kung hindi.

____________1. Honey Bee Bakeshop


____________2. Panonood ng pelikula sa sinehan
____________3. Prince Hypermart
____________4. Pagbili ng mga kagamitang pampaaralan
____________5. Palawan Pawnshop

Alam Mo Ba? Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprende”


na nangangahulugang “isagawa”. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal
na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Ang
Entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid
ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa
tamang panahon, tamang lugar at tamang madla at maibenta sa tamang
halaga.

Nararapat tanglayin ng isang indibidwal na naghahangad na magkaroon


ng entrepreneurship ang motibasyon, kaalaman sa negosyo at marketing skills
upang ang produkto ay maging mahusay at ang magandang ideya ay
maisagawa.

Kahalagahan ng Entrepreneurship

Mahalaga ang entrpreneurship sa isang indibidwal, pamilya, konunidad, at


bansa sapagkat ito ang susi sap pag-unlad.
Sa pamamagitan ng pagiging malikhain at pagkakaroon ng makabagong
ideya, ang entrepreneur ay makagagawa ng gawaing kalakal o serbisyo, ang
kanyang mga ideya ang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

1. Ang mga entrepreneur ay nakalilikha ng mga bagong hanapbuhay.


2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa
pamilihan.
3. Ang mga entrepreneur ay nakakahanap ng mga makabagong paraan na
mapaghusay ang mga kasanayan.
4. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya,
industriya, at produktosa pamilihan.
5. Ang mga entrepreneur ay nangunguna upang pagsamahin ang mga
salik na produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang
makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng
bansa.

Magtulungan Gawain 1
Tayo! Punan ang patlang upang mabuo ang isinasaad sa pangungusap.
Pumili ng sagot sa kahon.

hanapbuhay teknolohiya negosyo


entrepreneurship entreprende

1. Ang salitang entrepreneur ay sa salitang French na


“___________________”

2. Ang _______________________ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang


indibdiwal na mabatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar at
tamang madla at maibenta sa tamang halaga.

3. Masasabing ang isang indibidwal ay isang entrepreneur kung siya ay


nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang

______________________.
4. Ang mga entrepreneur ay nakakalikha ng
bagong_______________________.

5. Ang mga entrepreneur ay makapaghahatid ng mga bagong

______________________ industriya at produkto sa pamilihan.

Gawain 2
Isulat sa patlang ang (/) kung tama ang pangungusap at (X) kung hindi

___________1. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto


sa pamilihan.

___________2. Ang namamahala ng negosyo bilang isang entrepreneur ay


handang makipagtalo.

___________3. Nagkakaroon ng kalituhan sa presyo ng mga bilihin dahil sa mga


entrepreneur.

___________4. Maging matagumpay na entrepreneur kahit kulang ang


kaalaman sa negosyo.

___________5. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa paggawa at paglago ng


negosyo upang kumita.

Gawain 3
Punan ang dayagram ng mga kahalagahan ng isang entrepreneurship. Isulat
ang sagot sa loob ng kahon.

Magagawa Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA o MALI ayon sa isinasaad sa


Mo! pangungusap.

__________1. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa paggawa at paglago ng


negosyo upang kumita.

__________2. Ang entrepreneur ay nakakalikha ng bagong hanapbuhay.

__________3. Ang produkto ay magiging mahusay at makapagsasagawa ng


magandang ideya kung maraming pera ang isang entrepreneur.

__________4. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasaayos,


nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

__________5. Masasabing ang isang indibidwal ay isang entrepreneur kung siya


ay may maraming pag-aaring lupa.

______________________
Parent’s Signature

Noted:

_________________________
Teacher
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
ABUYOG WEST DISTRICT
___________________ ELEMENTARY SCHOOL
School ID: ___________
Dahong Panggawain sa EPP 4 (ICT)
Quarter 1 (WEEK 1)
( August 27 -28, 2020 )

Pangalan: ______________________________________ Guro: ____________________________

Bahagi Nilalaman

Simulan Kumusta mga bata!


Mo!
Natatandaan pa ba ninyo kung ano ang entrepreneur at
entrepreneurship at ang mga kahalagahan nito?

Balikan Natin!
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. Ano ang entrepreneur?

2. Ano ang entrepreneurship?

3. Anu- ano ang mga kahalagahan ng entrepreneurship? Magbigay ng


isa?

Ngayong natutunan mo na kung ano ang entrepreneurship at ang


kahalagahan nito, aalamin naman natin kung anu-ano ang mga katangian ng
isang entrepreneur na magsisilbing gabay ninyo kung nais ninyong maging
isang matagumpay na entrepreneur sa hinaharap.

Alam Mo Ba?
Katangian ng isang Entrepreneur

1. Kakayahang makipagsapalaran
Ang isang entrepreneur ay nagsasagawa muna ng malalim at
masidhing pag-aaral at pagsusuri tungkol sa mga oportunidad at
panganib na maaring mangyari sa negosyo.
2. Pagnanais na makipagkompetensiya
Ito ay paghahangad na makalahok sa mga kompetitibong larangan
upang mailapat ang mga makabago at malikhaing ideya.

3. Pagiging Malikhain
Napakalaking kontribusyon sa pagnenegosyo ang pagiging
malikhain ng mga entrepreneur para sa kanilang produkto at serbisyo.
Ito ay malaking kalamangan ng isang entrepreneur sa iba pang
entrepreneur.

4. Kakayahang magpatupad ng mga enobasyon


Ang isang entrepreneur ay di tumitigil at bagkus ay patuloy na
tumutuklas ng mga makabagong ideya o kaisipan upang
makapaghatid ng makabuluhan at mahusay na prudukto sa mga
mamimili.

5. Kakayahang makatayo sa sariling paa


Ang isang entrepreneur ay nararapat na magkaroon ng panindigan
sa pagsulong sa pagbabago. Ito ang siyang maaring magtutulak sa
kanya upang linangin ang kanilang pagiging malaya sa mga bagay.

6. Kakayang maka-angkop sa stress


Hindi bago sa isang entrepreneur na makaranas ng stress mula sa
mga pang-araw-araw na gawain na mayroong taglay na pagsubok.
Nararapat sa isang entrepreneur na harapin ng tama at magkaroon ng
solusyon kaugnay dito.

7. Kakayahang gawing kasiya-siya ang trabaho


Nararapat na maipakita ng isang entrepreneur ang kasiyahan,
kawilihan at kasiglahan gaano man kahirap ang isang gawain
sapagkat ito ay salamin sa produkto o serbisyong ginagawa o
isinasagawa.

8. Masidhing pagsusumikap
Ito ay mahalagang sangkap sa isang entrepreneur. Dito nakabatay
ang husay na ipamamalas ng isang entrepreneur. Ang isang
entrepreneur na tamad at walang pagpapahalaga ay walang
kahihinatnan o walang mararating.

9. May kababaan ng loob


Ang pagiging mapagkumbaba ay dapat ipinamamalas anuman ang
kalagayan o sitwasyon sa buhay. Ito ay ginagawa ng buo at bukal sa
sitwasyon.

10.Kakayahang magtiwala sa sarili


Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay magandang katangian
sa kabila ng kabiguan sa negosyo. Magkaroon ng tiwala sa sarili na
muli itong maibabangon at ang lahat ay naisasaayos din.

11.Pagiging matulungin
Ang pagiging matulungin sa ibang tao ay taliwas sa pagiging
madamot at kaugnay ng pagiging malasakit. Ito ay maaring ipakita sa
mga manggagawa o tauhan sa negosyo.

12.Kakayahang mapagtanto ang isang pagkakataon


Ang isang entrepreneur ay nararapat na magkakaroon ng
kakayahan o kaalaman sa angkop na produkto at serbisyo para sa
isang lugar sa tamang halaga at panahon.
13.Paghingi ng feedback
Ang isang entrepreneur ay bukas sa pagtanggap ng mga puna sa
pagpapabuti ng kanyang produkto at serbisyo mula sa panlasa,
interes, pangangailangan at kagustuhan ng mamimili.

Magtulungan
Tayo! Gawain 1

Panuto: Isulat ang katangian ng entrepreneur na inilalarawan sa bawat


bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon

masidhing pagsusumikap
paghingi ng feedback
kakayang mapagtanto ang isang pagkakataon
kakayahang magpatupad ng mga inobasyon
may kababaan ng loob

________________________________1. Isang kilalang entrepreneur ang lumapit


kay Florlyn upang magbigay puna sa kanyang produkto at bukas itong
tinanggap ni Florlyn at agad na sinunod.

________________________________2. Tanyag na tanyag si Tino bilang


entrepreneur sa kanilang komunidad ngunit hindi niya ito ginagamit upang
manlamang sa kapwa.

________________________________3. Maagang gumising si Jeward upang i-


check ang kanyang mga produkto.

________________________________4. Nagsasaliksik si Gina kung anong


magandang pagbabago ang maari niyang mailapat o maidagdag sa kanyang
parlor upang tangkilikin parin siya ng kanyang mga suki.

________________________________5. Naisip ni Jake na magtinda ng mga school


supplies sapagkat katapat lamang niya ang isang pampublikong paaralan.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay isang katangian ng isang matagumpay
na entrepreneur MALI kung hindi.

__________1. Hindi naniniwala na kailangan ang mga panghinaharap na plano


para sa negosyo.

__________2. Nakikipagsapalaran

__________3. Mahusay mag-organisa ng mga mangagawa at produksiyon

__________4. Mabagal gumawa ng desisyon sa negosyo.

__________5. Mas malaki ang pagkalugi kaysa kita.


Gawain 3
Panuto: Maghanap ng matagumpay na entrepreneur gaya ng mga
nagtitinda sa inyong barangay. Kapanayamin ito at itanong ang mga
sumusunod

1. Ano ang iyong negosyo?

2. Paano ito nakakatulong sa mga mamimili?

3. Paano ninyo nakamit ang tagumpay sa inyong negosyo?

4. Sa iyong palagay, anu-anong katangian ang dapat taglayin ng isang


entrepreneur upang maging matagumpay? Anu-ano ang dapat iwasan?

5. Ano ang mensahe mo para sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo?

Magagawa Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


Mo! katangian ng isang entrepreneur at ekis (X) kung hundi.

____________1. Sinisigaw-sigawan ni Ed ang kanyang mga tauhan kapag


nagkakamali ang mga ito.

____________ 2. Nagtanim ng galit si Flora sa kanya ng kaibigan matapos


matanggap ang feedback nito kaugnay sa kanyang produkto.

____________ 3. Hindi tumagal sa pag-aaral, pagsasaliksik, at pagsusurvey si


Fe upang higit na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa kanyang mga
kostumer.
____________ 4. Mabilis na nawalan ng gana si Jake sa kanyang negosyo dahil
sa unti-unting paghina hanggang sa pagkawala ng mga Kostumer kaya
nakapagdesisyon siyang itigil na ito.

____________ 5. Hindi tinanggap ni Jerome ang mungkahi ng kanyang


kaibigan na magtayo ng konpyuter shop sa kanipang lugar sapgkat naisip
niyang halos ng bahay sa kanilang lugar ay mayroon ng internet connection.

______________________
Parent’s Signature

Noted:

_________________________
Teacher

You might also like