You are on page 1of 50

4

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN 4
Learning Activity Sheets
Quarter 4 – Week 1 to Week 8

PAG-AARI NG GOBYERNO
HINDI IPINAGBIBILI

1
ICT 4

Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Entrepreneurship


Q4W1

Pangalan:_____________________________________________________________
Seksiyon: ___________________________ Petsa:______________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”

Panimula (Batayang Konsepto)


Nilalayon ng modyul na ito na talakayin ang pamamaraan ng pagbebenta
ng mga produktong nais na pagkakitaan sa pag – eentrepreneur. Ito ay upang
maunawaan ng mga mag – aaral na mahalaga itong alamin ng bawat isa upang
ang negosyong pinasok ay kumita at kapakipakinabang

Basahin natin ito:

ENTREPRENEURSHIP – ito ay isang siyensya at arte ngpangangalakal


ng mga bagay – bagay at paglilingkod na maaaring makapagpaunlad ng
kabuhayan ng isang tao.
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga
kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang
panahon, tamang lugar at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.

ENTREPRENEUR – Ito hango sa salitang Pranses na “entreprende” na


nangangahulugang isagawa. Ito ay isang indibidwal na nagsasaayos,
nangangasiwa, nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

ANG ISANG ENTREPRENEUR AY ISANG INDIBIDWAL NA:


 Nag – aayos
 Nangangasiwa
 Nakikipagsapalaran sa isang negosyo

2
KATANGIAN NG ISANG ENTREPRENEUR
 Kakayahang Makipagsapalaran
 Pagnanais na makipag kumpetensya
 Pagiging malikhain
 Kakayahang magpatupad ng inobasyon
 Kakayahang makatayo sa mga sariling paa
 Kakayahang makaangkop sa stress
 Kakayahang gawing kasiya – siya ang trabaho
 Masidhing pagsusumikap
 Pagkakaroon ng kababaang loob
 Kakayahang magtiwala sa sarili
 Pagkakaroon ng pagkukusa
 Pagiging matulungin
 Kakayahang lutasin ang mga suliranin samalikhaing paraan
 Kakayahang mapagtanto ang isang pagkakataon
 Dedikasyon sa negosyo
 Paghingi ng feedback
 Pagsasakatuparan ng isang layunin
 Sapat nakaalaman sa negosyo at serbisyo
 Wastong kontrol sa negosyo
 Makatotohanang optimism sa buhay
MGA KILALANG ENTREPRENEUR SA BUONG MUNDO

MARK ZUCKERBERG LARRY PAGE CHAD


HURLEY, JAWED
KARIM AND
STEVE CHEN

FACEBOOK GOOGLE YOUTUBE

MGA KILALANG ENTREPRENEUR SA ATING BANSA

3
LUCIO TAN TONY TAN CAKTIONG HENRY SY

1. MELC with Code


Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”
(EPP4IE-0a-1)
Natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur
(EPP4IE-0a-2 )

GAWAIN 1
PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at MALI naman kung hindi.
____________ 1. Ang Entrepreneur ay hango sa salitang Pranses na
“entreprende” na
nangangahulugang isagawa.
____________ 2. Si Lucio Tan ang nag ma may – ari ng Mang Inasal.
____________ 3. Ang Entrepreneurship ay isang siyensya at arte
ngpangangalakal ng mga bagay
– bagay at paglilingkod na maaaring makapagpaunlad ng
kabuhayan ng isang
tao.

4
____________ 4. Si Mark Zuckerberg ay ang naka imbento ng YouTube.
____________ 5. Ang isang entrepreneur ay marunong makipagsapalaran sa
isang negosyo.

GAWAIN 2
Isulat sa patlang ang pangalan ng mga may ari o naka imbento ng mga
sumusunod na negosyo. Hanapin ang mga sagot sa kahon sa ibaba.

MARK ZUCKERBERG LARRY PAGE CHAD


HURLEY, JAWED
KARIM AND
STEVE CHEN

LUCIO TAN TONY TAN CAKTIONG HENRY SY

1. 2. 3.

________________ ________________
________________

4. 5.

________________ ________________
GAWAIN 3
Hanap Salita: Maghanap ng mga salitang may kinalaman sa ating aralin.
Magbigay lang ng sampung salita na makikita sa crossword puzzle. Isulat sa
ibaba.

5
E N T R E P R E N E U R S H I P

N A T O I C U L A B C D U E F H

T G H I J K L L A R R Y P A G E

R M N O P J O L L I B E E Q R N

E R S T U V W X Y Z A B R C E R

P D E F G H I J K L M N M O E Y

R E D R I B B O N P Q R A S N S

E T U V W X Y Z A B C D L E W Y

N F G H I J K L M N O P L Q I R

E N T R E P R E N D E S T U C V

U G W X Y Z A B C D E F G H H I

R T O N Y T A N C A K T I O N G

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://www.youtube.com/watch?v=1amcLh34ryQ

https://www.youtube.com/watch?v=SLjWWCwiCQo

https://sports.yahoo.com/questions-ask-trying-become-next-164513194.html

https://www.allydirectory.com/Biographies/larry-page-biography/

https://www.prestigeonline.com/my/profiles/lucio-tan/

https://www.forbes.com/profile/tony-tan-caktiong/?sh=7fc001c91a25

https://www.slideshare.net/wualankcloy/pubspk-talkshow

https://www.logolynx.com/topic/greenwich#&gid=1&pid=1

https://www.cleanpng.com/png-sm-lanang-premier-sm-southmall-sm-supermalls-shopp-
4334421/

https://www.pngkey.com/detail/u2w7r5a9i1u2q8e6_just-jontron-jollibee-logo-png/
6
https://www.youtube.com/about/brand-resources/#logos-icons-colors

ANSWER KEY

GAWAIN 1
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

GAWAIN 2
1. Tony Tan Caktiong
2. Mark Zuckerberg
3. Henry Sy
4. Tony Tan Caktiong
5. Chad Hurley, Jawed Karim And Steve Chen

GAWAIN 3
1. Entrepreneurship
2. Entrepreneur
3. Entreprende
4. Supermall
5. Larry Page
6.Henry Sy
7. Red Ribbon
8. Tony Tan Caktiong
9. Lucio Tan
10. Greenwich

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G.FIGUEROA Ph.D


EPSvr 1 –EPP/TLE

7
ICT 4

Modyul 2: Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo

Q4W2

Pangalan:__________________________________________________________________
Seksiyon:___________________________ Petsa:___________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo

Panimula (Batayang Konsepto)


Nilalayon ng modyul na ito na masabi at matukoy ang salitang may personal touch, Maiisa –
isa ang uri ng negosyo sapamayanan, maibahagi ang sariling karanasan sa pagbili at matalakay ang
dalawang paraan para magkaroon ng sariling negosyo:
1. Pag prodyus ng isang produkto galling sa pinagkukunang - yaman, at
2. Pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran.
Basahin natin ito:
A. Basahin at pag-aralan ang usapan.

Ang mga salitang ito ay ang mga nararapat na sagot ng isang batang magalang, matulungin,
totoo, marunong magpasalamat, at magbigay halaga sa nagawang serbisyo.
8
Sa simpleng usapan, napansin mo ba na ang bawat negosyo ay laging gumagamit ng mga
salitang may personal touch? Dahil ang mamimili ay kailangang masiyahan sa produkto o serbisyo,
dapat mong makuha ang kanilang patuloy na pagtangkilik ng iyong negosyo maging produkto o
sebisyo man ito

Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may personal touch ay ang
pagbigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod. Mga halimbawa sa pamayanan: pagkain,
pagawaan ng sirang gamit, labada o laundry shop, school bus service, at iba pa.

2. MELC with Code


Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo
(EPP4IE-0b-4)

GAWAIN 1
PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman
kung hindi.
____________ 1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga
mamimili.
____________ 2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
____________ 3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang oras.
____________ 4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo ang
inaasahan sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
____________ 5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang pinaka
importante para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.

GAWAIN 2
Paghambingin ang Hanay A at B. Pagtapatin ang magkatugma. Isulat ang titik ng tamang sagot bago
ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____1. Vulcanizing Shop a. Pag-ayos ng bahay


_____2. Home Carpentry b. Pag-ayos ng gulong
_____3. Tahian ni Aling Josefa c. Pag-ayos ng sirang gamit sa bahay
_____4. School Bus Services d. Pananahi ng damit
_____5. Electrical Shop e. Pagsundo at paghatid ng mga
bata sa eskuwelahan

GAWAIN 3

9
Isulat sa patlang ang mga serbisyong inaalok sa larawan.

URI NG NEGOSYO SERBISYONG INAALOK

1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________

1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________

1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________

GAWAIN 4

10
Sa isang buong papel, isulat ang iyong karanasan sa isang retawrant. Gumawa ng lima (5)
pangungusap.

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://www.scribd.com/document/408249848/Epp-summative

ANSWER KEY

GAWAIN 1
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama

GAWAIN 2
1. B
2. A
3. D
4. E
5. C

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G.FIGUEROA Ph.D


EPSvr 1 –EPP/TLE

11
ICT 4

NAIPALILIWANAG ANG MGA PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG COMPUTER,


INTERNET, AT EMAIL

Q4W3

Pangalan:__________________________________________________________________
Seksiyon: ___________________________ Petsa:___________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Mga Panuntunan Sa Paggamit Ng Computer, Internet, At Email

Panimula (Batayang Konsepto)

Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat  ang paggamit ng kagamitan at pasilidad


sa Information and  Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email, at  internet.
Kailangang mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa  ligtas at responsableng paggamit ng
computer, internet, at email sa  paaralan. 

Basahin natin ito:

Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan,  kasangkapan, at


teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang  makakuha ng impormasyon, maproseso ito,
maitago, at maibahagi.  Itinuturing din itong Sining at Agham ng pagtatala (recording),  pag-
iingat (storage), pagsasaayos (organizing) pakikipagpalitan  (exchange), at pagpapalaganap
ng impormasyon (information  dissemination). 

Kasiya-siyang gawain ang paggamit ng computer, internet, at  email.  

Ngunit, may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito.  Ang ilan sa mga ito ay:  

 Exposure o pagkalantad ng mga  di-naaangkop na materyales. 

 Maaari kang makakita ng  materyales na tahasang  seksuwal, marahas, at  


ipinagbabawal o ilegal. 

 Viruses, Adware, at Spyware. Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng Internet na


maaaring makapinsala  sa mga files at memory ng  computer at makasira sa  maayos nitong
paggana. 

 Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying o Maaari ka ring makaranas  ng cyber


bullying o malagay  sa peligro dahil sa pakikipag ugnayan sa mga hindi  kakilala. 
12
 Pagnanakaw ng  Pagkakakilanlan o Identity  Theft 
 Ang naibahagi mong personal  na impormasyon ay gamitin  ng ibang tao sa paggawa  ng
krimen. Maaaring din makuha ang impormasyon  na hindi mo nalalaman o  binibigyang
pahintulot. Ito ang tinatawag na identity  theft o fraud.

Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para sa Ligtas na  Paggamit ng Internet 

Magkaroon ng malinaw na Ipagbawal ang Alamin ang pagkakaiba ng


patakaran ang paaralan sa Pagdadala ng anumang publiko at pribadong
paggamit  ng kompyuter, pagkain o inumin sa loob ng impormasyon.
internet. computer laboratory.

3. MELC with Code


Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, Internet, at email
(EPP4IE -0c-5)

GAWAIN 1
PANUTO: I tsek ang thumbs up icon kung OO ang sagot at thumbs down naman kung hindi.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng  Paggamit ng Computer,


Internet, at Email
1. Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan  ng computer. 
2. Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa  tuwing gumagamit
ng computer. 

3. Nakakasaliksik ng impormasyon sa mga sites sa  internet. 

4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit  ng Internet at


nakaiiwas dito. 

5. Nakapagse-share o nagpapamahagi ng files sa  


mga kamag-aral upang makatulong sa paggawa  
ng takdang-aralin 

6. Nakasusunod sa mga gabay na pinagkasunduan sa  


responsableng paggamit ng computer, internet, at  
email 

GAWAIN 2

13
PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M naman kung  mali. 
______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng  impormasyon
ang paggamit ng mga ICT equipment at  gadgets. 
______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras 
at araw. 
______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa  taong nakilala
mo gamit ang Internet. 
______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na  hindi mo
naiintindihan. 
______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang  output sa
panahong liliban ka sa klase. 

GAWAIN 3
PANUTO: Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang alang sa
paggamit ng computer. Bilugan ang tamang sagot.

1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:


a. buksan ang computer, at maglaro ng online games 
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin 
c. kumain at uminom 
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong gawin? 
a. Panatilihin itong isang lihim. 
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe. 
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider. 

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa  mga ito ang dapat gawin? 
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras  na naisin ko. 
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang  instant messaging para makipag-
ugnayan sa aking mga  kaibigan. 
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta  sa aprobado o mga
pinayagang websites kung may  pahintulot ng guro. 

4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o


address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito. 
b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook,
upang makita ninuman. 
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung
kanino ka nakikipag-ugnayan. 

5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na   sa iyong palagay ay hindi


naangkop, ano ang dapat   mong gawin? 
a. Huwag pansinin. Balewalain. 
b.I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda. 

14
GAWAIN 4

PAMANTAYAN SA TAMANG PAGGAMIT NG COMPUTER


Isagawa ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek (√ )  ang hanay ng icon na
napili. 

1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust   ang taas nito. 

2. Habang nagta-type,mas mababa nang kaunti  ang keyboard sa kamay. 

3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng   keyboard. 

4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa. 

5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang  


pagkakahawak sa mouse at naiki-click ito nang  
mabilis. 

6. Walang liwanag na nakatapat sa screen ng  


 monitor. 

7. Tinaasan o binabaan ang liwanag o brightness 


ng monitor hanggang sa maging komportable  
na ito sa iyong paningin. 

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://www.youtube.com/watch?v=iLIs20ACQQk

https://www.vippng.com/preview/hJRhhiw_thumbs-up-comments-thumb-up-black-and-white/

ANSWER KEY

GAWAIN 1
Sariling Sagot
15
GAWAIN 2
6. Tama
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Mali

GAWAIN 3
1. B
2. C
3. C
4. C
5. C

GAWAIN 4
Sariling Sagot

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE

16
ICT 4

Q4W4

Pangalan:_________________________________________________________________________
Seksiyon: ______________________________ Petsa:____________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Natatalakay Ang Mga Panganib Na Dulot Ng Mga Di-Kanais-Nais Na Mga Software (Virus At
Malware), Mga Nilalaman, At Mga Pag-Asal Sa Internet

Panimula (Batayang Konsepto)


Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng internet. Sa pag-aaral, nagagamit natin ito sa
pagsasaliksik ng mga impormasyon sa paksang-aralin. Nakakapagpalitan tayo ng mga mensahe at
nakakukuha ng mga larawan, awitin, video, at iba pang bagay na nagagamit sa pag-aaral. Subalit
may panganib na kaakibat ang patuloy na paggamit ng internet. Isa na rito ang pagkalat ng malware
at computer virus. Mahalagang malaman kung ano ang mga ito. Paano kumakalat at paano ito
maiiwasan

Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung paanong nagkakasakit ang tao nang dahil
sa virus, gayundin ang computer. Tinatawag itong computer virus at malware.

Basahin natin ito:

ANO ANG MGA COMPUTER MALWARE

Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng computer. Sa pamamagitan


ng malware, maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa computer. Ang mga
halimbawa ng malware ay virus, worm, o trojan.

17
ILANG KARANIWANG URI NG MALWARE

VIRUS - Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas
matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nito ay W32 SFCLMOD.

WORM - Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito
sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. Halimbawa: W32 SillyFDCBBY,
W32Trresba.

SPYWARE - Malware na nangongolekta ng impormasyon spyware mula sa mga tao nang hindi nila
alam.

ADWARE - Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga


anunsiyo o advertisement sa computer.

KEYLOGGERS - Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at


ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal na data ng mga
biktima

DIALERS - Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang
dial-up modem ang gamit na internet connection.

TROJAN HORSE - Isang mapanirang program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na


application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang
impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan.

ANOANG COMPUTER VIRUS?

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong
aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili.
Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit o user.

PAANO BA MALALAMAN NA ANG ISANG COMPYUTER AY MAY VIRUS?

18
4. MELC with Code
Natatalakay Ang Mga Panganib Na Dulot Ng Mga Di-Kanais-Nais Na Mga Software (Virus At
Malware), Mga Nilalaman, At Mga Pag-Asal Sa Internet
(EPP4IE -0c-6)

GAWAIN 1
Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek (√) sa hanay ng thumbs up
icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

KASANAYAN SA VIRUS AT MALWARE

1. Naipaliliwanag kung ano ang virus at malware


2. Natutukoy ang computer na may virus.
3. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkalat ng malware.
4. Nakakapag-scan ng files
5. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano makaiiwas sa virus at malware.

GAWAIN 2

Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

_____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa loob ng
computer.
_____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito. _____3. Ang worm ay
isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila nalalaman.
_____4. Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyo upang manira ng sistema ng
computer.
_____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang
kapakipakinabang na aplikasyon.

19
GAWAIN 3
Hanap Salita: Hanapin ang mga uri ng malware. Bilugan ang mga ito at isulat ang
mga ito sa ibaba.

V I R U S A B C D W E

S P Y W A R E F G O H
I E J F D K G L H R M
N I O J W P K Q L M R
S M T N A U O V P W Q
X R J S R Z T A U B V
D I A L E R S C W D X
K E Y L O G G E R S Y
T R O J A N H O R S E

GAWAIN 4

Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware sa computer.
Sagutan ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) kung naisasagawa at ekis (X) kung hindi.

KASANAYAN SA VIRUS AT MALWARE

1. Pag-update ng computer at software


2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator
3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o mag-download ng
anumang bagay.
4. Pagdadalawang-isip bago magbukas ng mga attachment o larawan sa
email.
5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling na mag-
download ng software.

20
Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

http://ttechie.blogspot.com/2017/01/what-does-malware-mean.html

https://www.slideshare.net/JhaynneSalgado/epp-ict-malware

https://www.vippng.com/preview/hJRhhiw_thumbs-up-comments-thumb-up-black-and-white/

https://dokalternatibo.org/teki-ka-ba-computer-virus/

https://support.google.com/adwords/answers/2375413?HL=FIL

ANSWER KEY

GAWAIN 1

Sariling Sagot
GAWAIN 2
11. Tama
12. Tama
13. Mali
14. Tama
15. Tama

GAWAIN 3
6. Virus
7. Worm
8. Spyware
9. Adware
10. Keyloggers
11. Dialers
12. Trojanhorse

GAWAIN 4

Sariling Sagot

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE
21
ICT 4
Q4W5
Pangalan:___________________________________________________________________
Seksiyon: ______________________________ Petsa:______________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Nagagamit Ang Computer, Internet, At Email Sa Ligtas At Responsableng Pamamaraan

Naipaliliwanag Ang Kaalaman Sa Paggamit Ng Computer at Internet Bilang Mapagkukunan Ng


Iba’t Ibang Uri Ng Impormasyon

Panimula (Batayang Konsepto)

Ano ang Computer, Internet, at Information and Communications Technology (ICT)?

Ang Computer, Internet, at ICT Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa
pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong gamitin bilang imbakan ng mahahalagang
dokumento na nasa anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng personal
computers, laptops, tablets, at mayroon namang mainframe computers na ginagamit ng malalaking
kompanya. Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa ibang organisasyon, kompanya o
ahensiya ng gobyerno, ay maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito ay maaaring
magkakaugnay at bumubuo ng isang pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating
internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer network sa buong mundo. Binubuo ang
Internet ng maraming networks na pampribado, pampubliko, pangkomersiyo, pampaaralan, o
pangpamahalaan. Ang Information and Communications Technology o ICT ay tumutukoy sa iba’t
ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at
magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart phones,
computer, at internet. Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa pangangalap
ng iba’t ibang uri ng impormasyon? Sa pangangalap ng impormasyon sa internet, gumagamit tayo ng
mga web browser gaya ng Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome. Mga search engine
sites naman tulad ng Google o Yahoo ang binabasa natin upang mas mapadali ang pangangalap ng
impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o keywords na tumutukoy sa paksang nais
nating saliksikin at ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o links sa mga website na
maaaring may kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong maaaring
makuha sa internet, gaya ng teksto, musika, video, at animation.
22
Basahin natin ito:
MGA KAPAKINABANGAN NG ICT

1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile phone, webcam, at instant messaging
applications ay ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas malawak
na komunikasyon.
2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang
magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web designer, graphic artist,
encoder, at technician.
3. Maunlad na komersiyo – Malaki rin ang ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad ang
pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng internet.
4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon – Ngayong tayo ay nasa
Information Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong pagsusuri at pangangalap ng
makabuluhang impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.

5. MELC with Code


Nagagamit Ang Computer, Internet, At Email Sa Ligtas At Responsableng Pamamaraan (EPP4IE-
0d- 7)

Naipaliliwanag Ang Kaalaman Sa Paggamit Ng Computer at Internet Bilang Mapagkukunan Ng


Iba’t Ibang Uri Ng Impormasyon (EPP4IE-0d-8)

23
GAWAIN 1
Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot bago ang patlang.

A B

1. electronic device na ginagamit upang a. internet


mas mabilis na makapagproseso ng
datos o impormasyon b. computer
2. isang malawak na ugnayan ng mga
computer network na maaaring gamitin c. smartphone
komunikasyon ng publiko sa buong mundo
3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya, d. ICT
gaya ng radyo, telebisyon, telepono,
smartphones, computer, at internet e. komunikasyon
4. halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba
sa simpleng mobile phone na maaari ding f. network
makatulong sa iyo sa pangangalap at
pagproseso ng impormasyon
5. napabilis ito sa tulong ng ICT

GAWAIN 2
Taglay mo ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? I – tsek () ang thumbs up kung
taglay mon a ito o ang thumbs down kung hindi.

KASANAYAN SA VIRUS AT MALWARE

6. Naipaliliwanag ang konsepto ng computer, internet, at Information and


Communications Technology (ICT)
7. Nailalarawan ang mga kakayahan ng computer, internet, at ICT
8. Nauunawaan ang iba’t ibang kapakinabangan ng ICT
9.
10. Nalalaman ang mga paraan ng pagkolekta sa iba’t ibang uri ng
impormasy

GAWAIN 3
Magsulat ng maikling sanaysany tungkol sa kahalagahan ng Teknolohiya sa Impormasyon at
Komunikasyon o ICT sa pangangalap ng makabuluhang impormasyon.

24
GAWAIN 4
Panayamin ang isang gumagamit ng computer sa bahay. Gamitin ang ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Ano ang madalas na dahilan kung bakit ka gumagamit ng computer?

2. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang computer at internet? Bakit?

3. Paano mo tinitiyak na ligtas ka sa paggamit ng computer at internet sa pangangalap ng mga


impormasyon?

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://www.emaze.com/@AZFLZQRT

Esteban, C.P. The Amazing World of Computers 4. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2010

https://www.bbc.co.uk/bitesize/ks3/ict/history_impact_ict/impact_ict_society/revision/1/

ANSWER KEY

GAWAIN 1
1. b
2. a
3. d
4. c
5. e

GAWAIN 2
Sariling Sagot

GAWAIN 3
Sariling Sagot

GAWAIN 4
Sariling Sagot
Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE
25
ICT 4

Q4W6
Pangalan:_____________________________________________________________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa:______________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Nagagamit Ang Computer File System

Nagagamit Ang Web Browser At Ang Basic Features Ng Isang Search Engine Sa Pangangalap
Ng Impormasyon

Panimula (Batayang Konsepto)

Ang Computer File System

Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa computer sa paraan na madali
itong mahanap at ma-access. Ang mga hard disk, CD-ROM/DVD-ROM, flash drives, at iba pa,
ay mga storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang maingatan ang kopya ng mga
files.

Mga soft copy ng files ang inaayos at iniimbak sa computer file system. Tandaan na may
dalawang uri ng files – ang soft copy at ang hard copy.

• Soft copy – Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application
software. Maaari itong maging word document, spreadsheet, presentation, mga litrato, at mga
audio at video files.
• Hard copy – Ito ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta sa papel.
Lahat ng files sa ating computer ay may filename. Ang filename ay ang pangalan na
ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na naka-save sa computer. Kung
tayo ang gagawa ng dokumento, dapat bigyan ng makabuluhang filename ang isang dokumento.

Ang mga file ay maaaring i-save sa mga folder at sub-folder. Naisasaayos ang pag-save ng
file at napapadali ang paghahanap kung kakailanganin itong muli. Ang computer file address ang
kumpletong pathway kung saan makikita ang naka-save na file. Ito ay binubuo ng sumusunod na
bahagi:

C:\Users\neo\Documents\PERSONAL FILES\Exercise for a Health

Device Directory/Folder File Name File Extension

• Device – Ito ang hardware device o drive (local disk, Universal Serial Bus - USB flash drive,
atbp.) kung saan naka-save ang file.

• Directory o folders – Ito ay partikular na lalagyan ng mga files. Maaari itong magkaroon ng
mga subfolders, base sa uri ng file.

• Filename – ang natatanging pangalan ng isang computer file.

• File extension – tumutukoy sa uri ng computer file, halimbawa: Microsoft Word file (.doc
o .docx), Microsoft Excel file (.xls o .xlsx) at Microsoft PowerPoint Presentation (.ppt o .pptx).

Mga Uri ng Files

May iba’t ibang uri ng files na maaaring i-save sa computer:

(1) document files (mga file na gawa sa pamamagitan ng software para sa word processing,
electronic spreadsheets, desktop publishing, at iba pang productivity tools);
(2) image files;
(3) audio files;
(4) video files, at
(5) program files (ginagamit bilang panginstall ng mga application at system files).

Ang Web Browser

Ang web browser ay isang computer software na ginagamit upang maghanap ng at makapunta sa
iba’t ibang websites. May kakayahan din ang web browser na ipakita ang nilalaman ng isang
website tulad ng teksto at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri ng media tulad ng
music, video, at animation.

Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin:


Internet Explorer – Libre itong web browser mula sa Microsoft
Corporation. Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinakapopular na
browser ngayon.

Mozilla Firefox - Libre rin ang web browser na Firefox mula sa Mozilla. Isa
ito sa mga pamantayan ng mga browser na magagamit.

Google Chrome - Ang Google Chrome ay isa pang libreng web browser. Inilabas
ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na
web browser ngayon.

Mga Bahagi ng Web Browser

Ang web browser ay binubuo ng iba’t ibang bahagi. Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na
makatutulong kung alam nating gamitin ang iba’t ibang bahagi ng isang web browser.

Ipinakikita ng larawan sa ibaba ang mga bahagi ng isang web browser.

Bahagi ng Isang Web Browser

A. Browser Window Buttons – I-click ang minimize button kung nais itago ang browser
window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat
ng window; I-click ang close button kung nais isara ang browser window.
B. Tab Name – Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara
ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab.

C. Navigation Buttons – I-click ang back button para bumalik sa webpages na naunang binisita;
I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages na pinakahuling binisita; o i-click
ang reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser.

D. New Tab – I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring
magbukas ng bagong website.

E. Customize and Control Google Chrome – Dito makikita ang iba’t ibang options at
commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.

F. Bookmark this Page – I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng
website. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksang
muli.

G. Address bar – Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gustong tignan. Ang
website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng
website address na inilalagay sa address bar ay www.google. com. Kung ito ay i-type mo sa
address bar at pindutin ang Enter key, makakarating ka sa home page ng website na iyon.

H. Display Window – Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling


website.

I. Scroll bar – I-drag ito pataas o pababa upang makita ang kabuuan ng isang web page sa
browser window.

Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers
at search engines. Sa tulong ng kompyuter at Internet, maaari tayong makapagsaliksik at
mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan.

Mas magiging epektibo ang pananaliksik kung magaling tayo sa paggamit ng mga keywords.
Sinasala rin dapat ang mga impormasyong nakukuha. Tandaan na hindi lahat ng mababasang
impormasyon sa internet ay totoo o tama. Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo
sa mga impormasyong nakakalap.

6. MELC with Code


Nagagamit Ang Computer, Internet, At Email Sa Ligtas At Responsableng Pamamaraan
(EPP4IE-0d- 7)

Naipaliliwanag Ang Kaalaman Sa Paggamit Ng Computer at Internet Bilang Mapagkukunan Ng


Iba’t Ibang Uri Ng Impormasyon (EPP4IE-0d-8)
GAWAIN 1
Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer files at datos para
madali itong mahanap at ma-access.
a. Filename c. File format b. Computer File System d. Soft copy
2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application
software.
a. Soft copy b. Folder c. Device d. Hard copy
3. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na naka-save sa file system.
a. Filename b. File location c. Device d. Directory
4. Tumutukoy ito sa uri ng computer file.
a. Filename b. File extension c. File location d. File host
5. Paraan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para madali itong ma-access
kung kinakailangan.
a. Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder.
b. Bigyan ng filename na madaling tandaan at kaugnay sa dokumentong nagawa.
c. Buksan ang folder upang siguraduhing nai-save ang file.
d. Lahat ng nabanggit

GAWAIN 2
Kilalanin ang sumusunod. Ilagay ang sagot sa bago ang bilang. Hanapin ang sagot sa
kahon.

_________1. Uri ng website na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon sa internet. Ang


halimbawa nito ay Yahoo o Google.
_________2. Computer application na ginagamit upang makapunta sa iba’t ibang website.
_________3. Libreng web browser na binuo ng Google.
_________4. Bahagi ng search engine window kung saan dapat i-type ang keywords sa
paghahanap.
_________5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na paksa, pangngalang
pantangi, at eksaktong parirala sa pagsasaliksik gamit ang search engine.

GAWAIN 3

KASANAYAN/KAALAMAN

11. Naipaliliwanag ang konsepto ng web browser.


12. Naipaliliwanag ang konsepto ng search engine.
13. Nakapagsasaliksik gamit ang internet.
14. Nakagagamit ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://brainly.ph/question/7231806

https://marketplace.bantu.my/market/i-will-bantu-convert-hard-copy-to-soft-copy-pdf-images-
video-books

Esteban, C. P. The Amazing World of Computers 4. Quezon City: Phoenix Publishing House,
2010.

“10 Types of Computer Files.” Litigation Response Plan for Corporations. Nakalap noong 20
July 2014 mula sa http:// www.litigationresponseplan.com/Default.aspx?tabid=6596

https://www.marketplace.org/2020/08/26/why-companies-still-rely-on-internet-explorer/

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mozilla_Firefox_logo_2013.svg

http://brandingsource.blogspot.com/2011/03/new-logo-google-chrome-icon.html

https://brainly.ph/question/1618141

ANSWER KEY

GAWAIN 1
1. b
2. b
3. a
4. b
5. d

GAWAIN 2

1. Internet Explorer
2. Web Browser
3. Google Chrome
4. Searchbox
5. “

GAWAIN 3
Sariling Sagot

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE
ICT 4

Q4W7
Pangalan:________________________________________________________________________
Seksiyon: _____________________________________ Petsa:___________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Nakagagawa Ng Table at Tsart Gamit Ang Word Processing

Nakagagawa Ng Table at Tsart Gamit Ang Electronic Spreadsheet Tool

Panimula (Batayang Konsepto)

ANG WORD PROCESSOR

Ang word processor o word processing application ay isang software na tumutulong sa


paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file
system. Sa tulong ng word processing application, maaari din nating isaayos ang mga numerikal at
tekstuwal na impormasyon sa pamamagitan ng table at tsart.

ANG TABLE

Ang table ay koleksiyon ng magkakaugnay na tekstuwal na nakaayos sa pamamagitan ng


rows at columns. Mas madaling nasusuri ang datos kung ito ay nakaayos sa table

Ang rows ay mga linyang nakahilera pahalang, samantalang ang columns ay mga linyang
pababa. Ang cell ay ang kahon kung saan nagtatagpo ang mga column at row

ANG TSART

Ang tsart ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon. Gumagamit ito ng mga
imahen at simbolo upang maging mas madali ang pagsusuri ng mga datos.
IBA’T IBANG URI NG TSART

May iba’t ibang uri ng tsart. Ang sumusunod ay ilan sa mga pinakamadalas gamitin:

1. Bar Chart – Binubuo ito ng mga pahalang na parihaba na nagpapakita ng paghahambing ng mga
numerikal na datos.

2. Column chart – na gumagamit ng mga patayong bar upang ipakita ang paghahambing ng mga
numerikal na datos.

3. Line Chart – binubuo ito ng mga linya na nagpapakita ng trend o kilos ng pagtaas at pagbaba
ng mga numerikal na datos.

4. Pie Chart – kamukha ito ng pizza pie. Nagpapakita ang ganitong uri ng tsart ng pagkakahati
ng isang buo sa iba’t ibang kategorya
Ang paggamit ng table at tsart ay nakatutulong upang maging mas madali ang pagsusuri ng
mga numerikal at tekstuwal na impormasyon. Ang word processing application ay isang
productivity tool na may kakayahang makagawa ng table at tsart sa isang dokumento.

Electronic Spreadsheet Tool

Ang impormasyong numerikal (dami o bilang, presyo o halaga, timbang at populasyon) at


tekstuwal na impormasyon (pangalan, produkto at aytem) ay maaaring magbigay ng mahalagang
kaalaman sa atin kung ang mga ito ay isasaayos at maipapakita gamit ang table at tsart.

Ang spreadsheet application ay isa pang software na maaaring gamitin upang makagawa ng mga
table at tsart. Kadalasan itong may isang workbook na naglalaman ng mga worksheets. Bawat
worksheet ay naglalaman ng rows at columns. Ipinapasok ang datos sa loob ng cells. Ang mga cells
ay ang mga kahon kung saan nagtatagpo ang bawat column at row

Ang cell name o cell reference ay ang pangalan ng bawat cell sa spreadsheet. Ang bawat row ay
gumagamit ng numero bilang label habang ang bawat column ay gumagamit ng titik o letra.
Makikita ang cell reference box sa bandang itaas ng screen.
Ang electronic spreadsheet tool ay isang mainam na software upang makagawa tayo ng mga
table at tsart para sa mas madaling pagsusuri at pagsasaayos ng ating mga numerikal at tekstuwal na
impormasyon. Maaaring i-format ang properties ng table at tsart upang mas maging kaaya-aya ang
mga ito kung ipakikita o ipi-print bilang ulat.

7. MELC with Code


Nakagagawa Ng Table at Tsart Gamit Ang Word Processing
(EPP4IE-0g-13)

Nakagagawa Ng Table at Tsart Gamit Ang Electronic Spreadsheet Tool


(EPP4IE -0h-15)

GAWAIN 1

Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na nakaayos sa pamamagitan


ng rows at columns.
a. Table b. Tsart c. Dokumento d. Spreadsheet
2. Ito ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon na gumagamit ng mga imahe at
simbolo upang mas maging madali ang pagsusuri ng mga datos.
a. Table b. Tsart c. Dokumento d. Spreadsheet

3. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, pag-eedit, at


pag-iimbak ng mga electronic file sa computer file system.
a. Desktop publishing application
b. Electronic spreadsheet application application
c. Word processing
d. Graphic designing application

4. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?
a. Table b. Rows c. Columns d. Tsart

5. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?
a. Table b. Rows c. Colum d. Tsart

GAWAIN 2
Taglay mo na ba ng mga sumusunod na kaalaman o kasanayan? Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng
thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi.

KASANAYAN/KAALAMAN

15. Natutukoy ang gamit ng table at tsart.


16. Nakagagamit ng word processing application sa paggawa ng table at
tsart.
17. . Naisasaayos sa table at tsart ang lipon ng mga datos at impormasyon
upang tlalo itong maintindihan.
18. Nababago (edit) ang properties ng table at tsart upang mas maging
kaaya-aya ito sa paningin.
19. Nakagagamit ng word processing application sa paggawa ng chart.

GAWAIN 3

Magbadyet Tayo! Gawin ang mga sumusunod.


1. Kailangan ninyong maghanda para sa pagdiriwang na gaganapin sa inyong bahay. Inaasahan
ninyong may 30 bisitang darating. Kailangang bilhin ang sumusunod:
a. sangkap sa spaghetti
b. sangkap sa fried chicken
c. sandwich
d. sandwich spread
e. hotdog at marshmallows
f. pineapple juice
2. Alamin ang presyong dapat ilaan sa bawat bilihin.
3. Gawan ito ng table sa electronic spreadsheet.
4. Gawan din ito ng pie chart.
5. I-format ang table at pie chart upang mas maging kaaya-aya ang mga ito.
6. Ipasa ito sa guro online.

GAWAIN 4

Taglay mo na ba ng mga sumusunod na kaalaman o kasanayan? Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng
thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi.

KASANAYAN/KAALAMAN

1. Nagagawang mag-encode ng datos sa cells ng spreadsheet application


2. Nakagagamit ng spreadsheet application sa paggawa ng table.
3. Naisasaayos ang lupon ng datos at impormasyon sa table at tsart.
4. Nababago (edit) ang properties ng table at tsart upang mas maging
kaayaaya ito sa paningin.
5. Nakagagamit ng spreadsheet application sa paggawa ng tsart.

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://depedligaocity.net/EPP-ICT_5_Activity_Sheets_v1.0.pdf

https://sites.google.com/site/eppictgrade4/videos/aralin-15-paggawa-ng-tsart-sa-ms-excel

https://docs.telerik.com/devtools/aspnet-ajax/controls/htmlchart/chart-types/line-chart

https://www.getmyuni.com/preparation-material/cat/data-interpretation/pie-chart

Esteban, C. P. The Amazing World of Computers 4. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2010.

Garcia, N. B., Salac J. S., Jardolin, F. E., Orlanda, J., & Tayag, M. I. Word Processing and
Presentation
Making. Valenzuela City: BookChoice Publishing, 2004.

Navarro, Lilibeth A. Spreadsheets and Databases. Philippines: Jemma , Inc., 2007.


ANSWER KEY

GAWAIN 1
1. a
2. b
3. c
4. d
5. a

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE
ICT 4

Q4W8
Pangalan:_____________________________________________________________________
Seksiyon: _______________________________ Petsa:______________________________

SARILING LINANGANG MODYUL


Nakagagawa ng maikling report na may kasamang mga table, tsart, at photo o drawing gamit ang
iba’t ibang tools na nakasanayan

Panimula (Batayang Konsepto)

Basahin ang talumpati ng Supreme Pupil Government.

Bilang pangulo ng Supreme Pupil Government,


hinihikayat ko ang lahat na suportahan ang
ating proyekto. Magsisimula tayo ng maliit na
negosyo at ang kikitain ay gagamitin upang
tulungan ang mga naghihikahos na mag-aaral.
Inaanyayahan ko kayong magpasa ng business
proposal hinggil sa sisimulan nating negosyo.

Bilang mag-aaral sa Grade 4 nais mong ipamalas ang iyong entrepreneurial skills sa asignaturang
EPP. Kailangan mong magpasa ng isang pahinang business plan.

Ang plano ay naglalaman ng sumusunod:


1. Pangalan ng produkto
2. Maikling paglalarawan ng uri ng negosyo na may kasamang larawan
3. Maikling talata na nagpapaliwanag kung bakit mas kapakipakinabang ang iminumungkahing
negosyo
4. Table na nagpapakita ng posibleng gastusin o puhunan sa pagsisimula ng negosyo
5. Tsart na nagpapakita ng posibleng kikitain.

Ang business proposal ay isang dokumentong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang


produkto o serbisyo na iminumungkahi ng isang kompanya. Ito ay ibinibigay sa kliyente na
naghahanap ng naturang produkto o serbisyo.
Ang sumusunod na dokumento ay isang halimbawa ng business proposal. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang produkto na maaaring inegosyo.

Pag-aralan ang report o ulat.


Yummy Yema

Ang Yummy Yema ay isang orihinal na produktong Pilipino. Ito ay gawa sa natural at
masustansiyang gatas. Upang mas maging masustansiya, ang Yummy Yema ay hinaluan ng
malunggay. Ito ay may iba’t ibang masasarap na flavor tulad ng langka, ube at mani.

Ang table sa ibaba ay nagpapakita ng Maaaring maging puhunan sa pagsisimula ng negosyong


ito.

Aytem Halaga
2 latang gatas ₱ 110.00
Harina ₱ 5.00
Malunggay powder ₱ 25.00
Flavor (fruit extract) ₱ 30.00
Mani ₱ 10.00
cellophane ₱ 20.00
Total ₱200. 00

Ang Yummy Yema ay maaaring ibenta sa halagang P2.00 bawat isa. Kung mauubos lahat ang
ginawang produkto sa araw-araw, ito ay magkakaroon ng lingguhang kita na P100.00. Ipinapakita ng
sumusunod na graph ang puhunan at maaaring maging kita nito.. Sa Yummy Yema, sigurado na ang
kita, makatutulong ka pa sa kapuwa!

Kaliwa - Puhunan
6 Kanan - Kita kada buwan
5

0
Category 1 Category 2 Category 3 Category 4

Series 22 Series 12

Ang Word Processor ay maaaring gamitin sa paggawa ng anumang ulat. Maaari itong maging mas
epektibo kung lalapatan ng larawan, tsart o table.

8. MELC with Code


Nakagagawa ng maikling report na may kasamang mga table, tsart, at photo o drawing gamit ang
iba’t ibang tools na nakasanayan
(EPP4IE -0j-22)
GAWAIN 1

Bago simulan ang paggawa, kinakailangang magplan. Basahin at sagutin sa isang malinis na papel
ang mga tanong sa ibaba upang magabayan kayo.

1. Ano ang ititinda ninyo? _______________________________


2. Sino ang bibili nito? ___________________________________
3. Bakit nila ito bibilhin? _________________________________
4. Magkano ang presyo nito? _____________________________
5. Ano-ano ang magiging gastusin sa paggawa ng produktong ititinda? Magkano ang magiging
puhunan? ________________
6. Magkano ang maaaring kitain sa negosyong ito?____________

GAWAIN 2
Ngayon naman ay gumawa ng layout o sketch ng inyong isang pahinang ulat. Isipin kung saang
bahagi ng ulat ilalagay ang sumusunod:
1. pangalan ng produkto;
2. maikling talata na naglalarawan sa produkto;
3. isa o dalawang retratong makatutulong sa paglalarawan ng produkto;
4. table na nagpapakita ng maaaring gastusin sa pagsisimula ng negosyo.
Lagyan din ito ng isa o dalawang pangungusap na naglalarawan o nagpapaliwang dito;
5. Tsart na nagpapakita ng maaaring kitain kada linggo. Samahan din ito ng isa o dalawang
pangungusap; at
6. isang pangwakas na pangungusap o talata na nagsasaad kung bakit kapaki-pakinabang ang
negosyong iminumungkahi.
GAWAIN 3
Sundan ang mga hakbang na sumusunod upang mabuo ang ulat.

1. Buksan ang word processor. Gumawa ng bagong dokumento.


2. I-type ang pangalan ng produkto at ilagay ito sa gitna ng papel gamit ang wastong button sa
paragraph alignment.
3. Mag-type ng bagong talata na naglalarawan sa negosyo. Gamitin ang angkop na alignment para
rito.
4. Mag-insert ng photo at gamitin ang text formatting button upang mailagay nang maayos ang photo
kasama ng talata.
5. Mag-insert ng table na nagpapakita ng mga kailangang gastusin sa pagsisimula ng negosyo. Isulat
ang mga pagkakagastusan at ang karampatang halaga ng mga ito. Maglagay rin ng total.
6. Mag-type ng pangungusap tungkol sa table.
7. Gumawa ng tsart na nagpapakita ng posibleng lingguhang kita sa loob ng dalawang buwan. I-
insert ang tsart sa dokumento at mag-type ng pangungusap ukol dito.
8. Mag-type ng pangungusap na naghihikayat na karapat-dapat ang iminumungkahing negosyo.
9. I-save ang inyong dokumento.

Sanggunian

MELC – Most Essential Learning Competencies, EPP4 Kagamitan ng Mag-aaral

https://www.youtube.com/watch?v=unVpcj0-0L0

https://www.dreamstime.com/stock-illustration-cute-boy-uniform-waving-hand-illustration-
image66695294

Amir Parmar Channel: https://www.youtube.com/watch?v=3Fa7qJdEWc4 Baycon Group:

http://www.baycongroup.com/word2007/03_word2007.html Del Castillo, C. and Sotoya, M.G.


(2006).

Makabuluhang Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan Grade 4. Adriana Publishing Co. Inc: Quezon
City. Intel Skills for Success: http://schoolnet.org.za/sfs/index.html

Inihanda ni:

RAQUEL C. LACSON
Teacher III, CUTUD ELEMENTARY SCHOOL

Isinumite kay:

JOSEPHINE G. FIGUEROA PhD


EPSvr 1 –EPP/TLE
7

You might also like