You are on page 1of 7

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN (EPP)
Unang Markahan - Unang Linggo

Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship

________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa
4
TEACHER’S REFERENCE GUIDE (TRG)

Paaralan: Baitang: 4 .
Guro: Asignatura: EPP
Markahan: Unang Markahan Linggo: Unang Linggo
Petsa ng Pagtuturo:

I. LAYUNIN Natutukoy ang iba’t-ibang entrepreneur sa


pamayanan at ang kahalagahan nito sa
pangkabuhayan.
A. Pamantayang Ang mag aaral ay naipamamalas ang pang
Pangnilalaman: unawa sa konsepto ng "entrepreneurship".
B. Pamantayan sa Ang mag aaral ay naipaliliwanag ang mga
Pagganap: batayang konsepto ng pagnenegosyo.
C. Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan
kasanayan sa ng “entrepreneurship”.
Pagkatuto (MELC) Natatalakay ang mga katangian ng isang
entrepreneur.
II. PAKSANG ARALIN: Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship
a. Sanggunian Batayang Aklat: Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, pp.1-5, TM. pp.1-4
b. Kagamitan Learners Activity Sheet (LAS), Assessment
Checklist (AC), Study Guides.
c. Pagpapahalaga Napapahalagahan ang pagiging isang
entrepreneur upang sa kabila ng pandemya ay
naisasaayos ang pangkabuhayan.
III. MGA PAMAMARAAN
AKTIBIDADES Gawain 1: Itala ang mga entrepreneur na
nakikita sa pamilihan.

ANALYSIS
Patnubay na tanong para sa Gawain 1”:
1.Ano-ano ang mga entrepreneur na
mayroon sa inyong mga pamilihan?
2. Ano ang kahalagahan ng isang
entrepreneur?
ABSTRAKSYON
Paglalahad at pagtatalakay ng kaisipan.

APLIKASYON
Gawain 2: Ipaliwanag ang kahalagahan ng
entrepreneur.

IV. EBALWASYON: Gawain 3: Itala ang mga katangian ng isang


entrepreneur.
V. PAGTATASA SA Mga gabay na tanong sa pagninilay.
SARILI 1. Alin sa mga gawain ang nakapukaw ng
iyong interes?
2. Ano ang pinakamahalagang aral ang
natutunan mo sa paksang ito?

3. Gaano kahalaga ang natutunan mo


tungkol sa iba’t-ibang uri ng
entrepreneur at ang kahalagahan nito sa
ating pamumuhay?
LEARNER’S ACTIVITY SHEET

Mahal na mag-aaral,
Magandang araw!
Nakapaloob sa araling ito ang iba’t-ibang gawain sa loob ng isang linggo.
Basahin at unawain ng mabuti. Sundin ang mga panutong nakasaad.
Huwag mag atubiling humingi ng tulong kung may mga bagay na di
nauunawan. Higit sa lahat gamitin ang pagiging malikhain at maging
maingat sa lahat ng oras. Naway maging kasiya siya at makabuluhan ang
mga gawaing ito. Masayang pag-aaral!
Nagmamahal,
Ang iyong Guro

Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship

Itala ang mga entrepreneur na nakikita sa pamilihan.


Unang hakbang: Basahin at unawain ang talata.
Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na Entreprende
na nangangahulugang “isagawa”. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal
na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Kahalagahan ng entrepreneur:
1. Ang mga entrepreneur ay nakakapagbigay ng mga bagong hanapbuhay.
2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa
pamilihan.
3. Ang mga entrepreneur ay nakakadiskubre ng mga makabagong paraan
na magpahusay ng mga kasanayan.
4. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya,
industriya, at produkto sa pamilihan.
5. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng
produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng
produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.
Pangalawang Hakbang: Magtanong sa iyong magulang o tagapangalaga
kung anu-anong mga entrepreneur ang kadalasang nakikita o
nakakasalamuha sa mga pamilihan. Itala ang mga ito.
Halimbawa: Nagtitinda ng gulay
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng entrepreneur.


Unang Hakbang: Hikayatin ang iyong magulang o tagapangalaga na
magkwento ukol sa kahalagahan ng isang entrepreneur. Gumawa ng isang
talata na binubuo ng isa hanggang tatlong pangungusap ayon sa iyong
narinig.
Halimbawa: Ang mga entrepreneur ay mahalaga dahil sila ang
nagbebenta ng mga iba’t-ibang produkto o mga bagay na
kinakailangang natin sa ating pang-araw araw na pumumuhay.
Katulad na lang ng bigas, asukal, at mantika.

Itala ang mga katangian ng isang entrepreneur.


Unang Hakbang: Basahin ang talata.
Ang namamahala ng negosyo bilang isang entrepreneur ay handang
makipagsapalaran. Siya ay may matatag na loob, may tiwala sa sarili, may
kakayahan sa pagpaplano, magaling gumawa ng desisyon, masipag sa mga
gawain, masigasig, at marunong lumutas ng suliranin. Ang isang
entrepreneur ay napapaunlad ang pamamahala, nauunawaan ang
pangangailangan ng mga tao at handang tumulong sa pamamagitan ng
kaniyang negosyo. Siya ay hindi mapagsamantala sa pagtataas ng presyo ng
paninda bagkus siya ay naglilingkod sa mga nang buong kababaaan lalung-
lalo na sa mga may mababang antas ng kabuhayan.
Pangalawang Hakbang: Muli alamin sa iyong magulang o
tagapangalaga ang malimit nilang napapansin o naoobserbahan sa mga
entrepreneurs na nakakasalamuha sa mga pamilihan.
Halimbawa: Masipag Madiskarte sa buhay Masigasig
1. 11.
2. 12.
3. 13.
4. 14.
5. 15.
6. 16.
7. 17.
8. 18.
9. 19.
10. 20.

PANSARILING PAGSUSURI: (Self-Assessment)


What I did?
Alin sa mga gawain ang nakapukaw ng iyong interes?

What I learned?
Anong pinakamahalagang aralin ang natutunan mo sa paksang ito?

What I earned?
Gaano kahalaga ang matukoy mo ang iba’t-ibang uri ng entrepreneur at
ang kahalagahan nito sa ating pamayanan? Lagyan ng tsek (√) ang
patlang na nakalaan.
______Napakahalaga nito dahil mas lalong napaunlad
ang aking kamalayan na ang mga entrepreneurs ay
may malaking ginagampanan sa ating pang araw-
araw na kabuhayan
______Hindi gaanong mahalaga
______Hindi Mahalaga
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)
(Para sa Magulang o Tagapangalaga)

Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship

Panuto:
Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon. Kung may
mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa nakalaang puwang sa
dakong kanan.

OBSERBASYON

Puwang para
Hindi Nagawa

Lahat Nagawa
Bahagyang
sa Komento o
BATAYAN NG PAGTATASA

Nagawa
Suhestiyon ng
Magulang

Gawain 1:
Naitatala ng mag-aaral ang mga
entrepreneur na nakikita sa
pamilihan

Gawain 2:
Naipapaliwanag ng mag-aaral ang
kahalagahan ng entrepreneur

Gawain 3:
Naitatala ng mag-aaral ang mga
katangian ng isang entrepreneur

__________________________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like