You are on page 1of 10

4

ENTREPRENEURSHIP/
INFORMATION AND
COMMUNICATIONS
TECHNOLOGY
JOCELYN B. APRUEBO
Deparo Elementary School

Author

JOAN J. SAINZ
Team Leader

1
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
Tungo sa Pagiging Matagumpay na Entrepreneur
Isinulat ni Jocelyn B. Apruebo

Pagkatapos ng aralin, matututunan mo ang mga sumusunod na


Most Essential Learning Competencies (MELC) tulad ng:
1.1 naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
“entrepreneurship” (EPP4IE-0a-1)
1.2 natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur. (EPP4IE-
0a-2)

Bago simulan ang modyul na ito, tiyaking walang anumang


makasasagabal sa pagsagot at pag-aaral sa itinakdang gawain para dito.

Narito ang ilang paalalang dapat mong tandaan.

1. Basahin at unawain ang bawat aralin.


2. Sundin ang mga panuto upang makasagot ng tama sa lahat ng
tanong sa bawat pagsasanay.
3. Siguraduhing matapos at masagutan lahat ng pagsasanay sa
takdang-oras.
4. Isagawa at isapuso ang mga natutunan sa aralin.
5. Mag-enjoy at matuto!

Aralin 1: Tungo sa Pagiging Matagumpay na Entrepreneur


Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:

2
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
• naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
entrepreneurship.
• natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur.
• Inaasahan din ang tulong at paggabay ng mga
magulang/tagapangalaga o nakatatandang kasapi ng pamilya
para lubos na maintindihan ng bata ang aralin.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sagutin


kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa puwang.

1. Ang entrepreneur ay isang negosyante malaki man o maliit ang kaniyang


negosyo. _____________
2. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal
na malaman ang mga kalakal at serbisyong kinakailangan ng mga
mamamayan at maihatid ito sa tamang panahon, tamang lugar at
maibenta sa tamang halaga. ______________
3. Ang pagiging entrepreneur ay para lamang sa mga taong nakapagtapos
na sa pag-aaral. ________________
4. Lakas ng loob ang isa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang
entrepreneur. _______________
5. Kinakailangang magkaroon ng malaking puhunan bago sumubok sa
isang negosyo. _________________
6. Mas mainam ang kumikita ng paunti-unti kaysa sa walang kinikita dahil
tamad magtrabaho. _________________
7. Kung marami ang bumibili sa iyong negosyo, taasan mo ang presyo para
mas tumaas ang kita mo._____________
8. Kung may negosyo ka na, maari ka nang maging maluho o magastos.
9. Ang isang entrepreneur ay dapat maparaan o madiskarte._____________
10. Kahit may sarili ka ng pinagkakakitaan nararapat pa ring maging
matipid. ______________

3
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa iyong kwaderno ang mga sagot.

1.Ano-ano ang mga bagong maliliit na negosyo na naitayo sa inyong lugar


ngayong panahon ng pandemya? Kilala mo ba kung sino ang may-ari nito?

2. Sa panahong ito, ano-ano ang iyong nabalitaan o obserbasyon sa malalaking


negosyo katulad ng shopping malls, restaurants at mga pagawaan o pabrika sa
iyong lugar ?
3. May kilala ka bang yumamang tao dahil sa kaniyang negosyo?

Ang entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprenda” na


ang ibig sabihin ay “isagawa”. Ito ay isang indibidwal na nagsasagawa,
nangangasiwa o nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

Entrepreneurship ay ang kakayahang isagawa ng isang indibidwal na alamin


ang mga kalakal at serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan at
maihatid ito sa tamang panahon, tamang lugar at maibenta sa tamang
halaga.
Ang namamahala ng negosyo bilang isang entrepreneur ay handang
makipagsapalaran. Siya ay may matatag na loob, at tiwala sa sarili, at
kakayahan sa pagpaplano, magaling gumawa ng desisyon, masipag, masigasig,
at marunong lumutas ng suliranin. Ang isang entrepreneur ay napapaunlad
ang pamamahala, nauunawaan ang pangangailangan ng mga tao at handang
tumulong sa pamamagitan ng kaniyang negosyo. Siya ay hindi
mapagsamantala sa pagtataas ng presyo ng paninda. Bagkus siya ay
naglilingkod sa mga nakakababa sa buhay. Sa pangangasiwa ng negosyo,
kailangang may kasanayan at kaalaman sa produktong ipinagbibili. Ang
pagtitinda ay maaaring simulan sa maliit na puhunan. Ang maliit na tindahan
ay maliit din ang nakaukol na pamamalakad. Kung malugi ka man ay maliit
din ang epekto nito. Ang pagtitipid ay isa ring katangiang dapat taglayin.

4
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
Kasama rito ang paggamit ng ilaw at tubig. Kailangang magtipid at magkaroon
ng malasakit sa negosyo.

Ang pagiging isang entrepreneur ay walang kinikilalang kasarian,


walang pinipiling edad, hindi kinakailangang nakapagtapos ka muna ng pag-
aaral o magkaroon ng malaking puhunan. Bagkus, pwedeng magsimula sa
maliit na puhunan basta samahan mo ng sipag , tiyaga at determinasyon.
Magkakaroon ka ng karagdagang kita bukod sa maipapamalas mo pa ang
talento, hilig at kahusayan mo sa napiling negosyong iyong tatahakin.
Matututo kang hatiin nang wasto ang iyong oras at gamitin ito sa mas
makabuluhang paraan. Maaari rin itong gawing paraan para lalong mapatibay
ang samahan ninyo ng iyong pamilya kung kayo ay tulong –tulong para sa
sisimulang negosyo.

Handa ka na bang malaman at matutunan ang buhay entrepreneur?


Gusto mo bang kumita o tumulong sa iyong mga magulang upang may dagdag
kita ang inyong pamilya? Halika, pag-aralan natin at tuklasin!

Pagsasanay 1- Pansinin at Tukuyin!

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Isulat kung anong


negosyo ito.

1. ____________________ 2. __________________ 3. ____________________

5
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
Pinagkunan ng mga larawan-
Online Wikimedia
commons only.
Picture
4. _______________________ 5.________________________

Pagsasanay 2: Unawain at Sagutin!

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na entrepreneur. Nararapat ba o hindi


nararapat ang kanilang taglay na katangian? Lagyan ng √ (tsek) ang angkop na
kolum ng iyong sagot at magbigay ng maikling paliwanag.
Mga Entrepreneur Nararapat Hindi Nararapat

1. Mahusay magtahi si Aling Violy kaya


naisipan niya gumawa ng face mask
para maitinda sa tamang halaga sa
kaniyang mga kabaranggay.
2. Masarap magluto ng kakanin si Tita
Cherry ngunit nahihiya siyang
magtinda kaya pinagtitiisan na lang
niya ang kaunting kita ng kaniyang
asawa sa pagpapadyak,
3. Unang sumubok magtayo ng barberya
si Mang Isagani ngunit hindi ito
pumatok, pero hindi siya nawalan ng
pag-asa at sumubok muling
magnegosyo ng tindahan ng mga
halaman at mga butong pananim.
4.Likas na maparaan si Aling Marina
kaya nang makatanggap siya ng
kaunting tulong pinansiyal mula
sa pamahalaan dahil isa siya nawalan
ng trabaho dahil sa “lock-down”ay
ipinuhunan niya ito sa isang
munting sari-sari store.
5. Nagsisimula nang kumita ng malaki
ang negosyo ng pamilya ni Tito Carlo.
Naging maluho at magastos na rin ang
kayang asawa at mga anak.

6
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
Pagsasanay 3: Suriin at Kilalanin!

Ito ang batang si Toto. Pangarap niya ring maging isang matagumpay na
entrepreneur. Maari mo ba siyang turuan kung anong mga katangian ang
dapat niyang taglayin?

Panuto: Lagyan ng linya ang kahon papunta sa kanyang larawan kung


ito ay dapat niyang taglayin gamit ang ASUL na krayola. Kung ang kahon
naman ay may katangiang hindi niya dapat taglayin, markahan ito ng ekis X
gamit ang PULANG krayola.

Mahiyain
Masigasig

Maparaan
Madaling
sumuko
Mataas
Malakas ang magpresyo sa
Loob mga paninda
niya.
Mahusay
makisama sa Marunong
mga tao lumutas ng
suliranin
Walang tiwala
sa sarili Matipid
Photo Credited to Ma’am Vivian Cornel

Entrepreneurship- ay ang kakayahang isagawa ng isang indibidwal na alamin


ang mga kalakal at serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan at maihatid
ito sa tamang panahon, tamang lugar at maibenta sa tamang halaga.
Entrepreneur -isang indibidwal na nagsasagawa, nangangasiwa o
nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Ang mga katangian ng isang huwarang entrepreneur ay:
• Malakas ang loob at handang makipagsapalaran.
• Masipag
• Masigasig
• Matapat
• May malasakit sa kostumer

7
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
• Maparaan
• Matipid
• Matulungin
• Marunong lumutas ng suliranin sa negosyo
• May kakayahan sa pagpapalano
• May tiwala sa sarili

Panuto: Halimbawang ikaw ay nakatira sa mga sumusunod na lugar,


ano ang gagawin mo para kumita o maging isang entrepreneur? Isulat ang
sagot gamit ang buong pangunguap sa mga guhit sa kanan ng bawat larawan.

1. Ang inyong bahay ay malapit sa covered court ng inyong barangay.


mmons/5/59/JfBalite3
https://upload.wikime

942BulacanMalolosfvf
dia.org/wikipedia/co

_14.JPG

_____________________________________
2. Kayo ay nakatira sa lugar kung saan may malaking pabrika.
ia.org/wiki/File:Ga
https://en.wikiped

rment-factory.jpg
PhotoCredits

___________________________________

3. Sa harapan ng bahay ninyo ang paradahan ng mga pampasaherong dyip.


dia.org/wikipedia/com
https://upload.wikime

mons/6/62/Banaue_P
hilippines_Jeepney-
and-Taxi-Terminal-
01.jpg

__________________________________

8
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
4. Kadikit ng inyong bahay ang isang paaralan.
/5/5b/Philippines_and_U.

ing_of_new_classroom_a
https://upload.wikimedia

S._celebrate_ribbon_cutt

t_Sabang_Elementary_Sc
.org/wikipedia/commons

_________________________________
5. Malapit sa simbahan ang inyong tahanan.
iapo_Church_(Quezon_
Boulevard,_Quiapo,_M
media.org/wiki/File:Qu

anila;_01-08-2020).jpg
https://commons.wiki

__________________________________

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakatamang


sagot sa mga tanong. Bilugan ang titik ng inyong sagot.

1. Si Tita Valerie ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Para matulungan


ang kanyang mga magulang sa mga gastusin niya sa pag-aaral, siya ay
pumasok sa “online selling”. Tuwing wala siyang pasok sa paaralan ay
nagdedeliver siya ng order ng mga costumer niya sa kanyang mga
paninda. Ano ang katangiang taglay ni tita Valerie?
a. Siya ay matapat. c. Siya ay maparaan.
b. Siya ay matalino. d. Siya ay madasalin.
2. Bata pa lamang ay kumikita na si Patricia. Sumasama-sama siya sa
kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin sa harapan ng simbahan tuwing
may misa. Hanggang sa natuto na rin siyang magtinda ng sarili niyang
paninda tulad ng kandila at sampagita. Ano ang tawag sa batang si
Patricia?
a. entrepreneur c. buyer
b. manager d. entrepreneurship
3. Matao sa lugar nina Kevin ngunit napapansin niyang walang nagtatagal
na tindahan dito. Pinag-aralan niya kung ano ang magandang gawin
niya para sa munting Sari-sari store na bubuksan niya. Sa kabila ng di-
pagsang-ayon ng pamilya niya dahil baka malugi lang daw siya,

9
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1
nagsumikap at gumawa siya ng mga pakulo at papromo para sa kanyang
mga paninda. Ngayon, isa ng malaking Grocery Store ang pagmamay-ari
ni Kevin. Alin sa mga katangiang ito ni Kevin ang nagdulot ng kanyang
tagumpay?
a. Matulungin c. Malakas ang loob
b. Mapagpakumbaba d. Matipid
4. Si Gng. Martinez ang nagmamay-ari ng pinakamalaking botika sa bayan.
Nagkaroon ng epidemya sa kanilang lugar kaya naging malaki ang
pangangailangan ng mga tao sa gamot, bitamina at alcohol ngunit hindi
niya tinaasan ang mga presyo nito. Ano ang kahanga-hangang katangian
ni Gng. Martinez?
a.Matulungin sa kapwa. c. May pusong tapat.

b.May malasakit sa kostumer. d. Lahat ng nabanggit.

5. Nagkaroon ng pagbabawas ng empleyado sa pabrikang pinapasukan


ni Mang Honesto at isa siya sa mga nawalan ng trabaho. Sa nakuha
niyang separation pay o kabayaran sa kanyang naging serbisyo ay
nagtayo siya ng isang munting karinderya sa kanilang tahanan. Dahil
dito, patuloy niyang natutustusan ang pangangailangan ng kanilang
pamilya. Ano ang nakatulong kay Mang Honesto?
a. Ang kanyang kaalaman sa entrepreneurship.
b. Ang kanyang kaalaman sa batas.
c. Ang kanyang mga kamg-anak.
d. Ang kanyang kaalaman sa pabrika.

Tuklasin at Isagawa!

Pag-isipan kung ano ang malimit na pangangailangan ng mga tao sa


inyong kumunidad. Gumawa ng plano kasama ang iyong mga magulang o
nakatatandang miyembro ng pamilya kung paano matutugunan ang
pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang simple at maliit
na negosyo. Laging tatandaan na ang lahat ay nagsisimula sa maliliit, kaya
isiping kayang magnegosyo kahit sa maliit na puhunan lamang kasama ng
mga katangiang dapat taglayin ng isang entrepreneur. Kahit bata ka, kaya mo
nang kumita! Magpatulong sa nakatatanda.

10
EPP 4 – Entrepreneurship & ICT
Quarter 1-Week 1

You might also like