You are on page 1of 11

Elementary

Baitang 4

EPP – ICT & Entrepreneurship

EPP – TLE LEARNING ZIP


Ikalawang Linggo

Mga Uri ng Negosyo

Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship


Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
EPP – ICT and Entrepreneurship - Baitang 4
EPP-TLE Learning Zip
Mga Uri ng Negosyo
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang EPP-TLE Learning Zip o anumang bahagi nito ay inilathala upang


gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of EPP-TLE Learning Zip


Authors/Writers: Dr. Julius C. Penit
Hazel M. Roxas
Louinne Grace D. Insular
Arnel C. Copina
Perly Joy V. Kho
Illustrators: Armand Glenn S. Lapor
Ronie C. Continente
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay
Armand Glenn S. Lapor
Division Quality Assurance Team:
Lilibeth E. Larupay
Abraham P. Imas
Remia D. Manejero
Armand Glenn S. Lapor
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo
Dr. Nordy D. Siason, Jr.
Dr. Lilibeth T. Estoque
Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque
Lilibeth E. Larupay
Abraham P. Imas
Remia D. Manejero

Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship


Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) , Baitang 4.

Ang EPP-TLE Learning Zip ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng EPP-TLE Learning Zip na mapatnubayan ang mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng
kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship


Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
ANG PAGIGING ENTREPRENEUR
Maligayang araw!

Ngayon mismo ay magpapatuloy ang iyong pakikipagsapalaran sa mundo ng


ICT at entrepreneurship. Naway mag-enjoy at may matutunan kayo sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman sa EPP/TLE. Ang pokus ng ating aralin sa linggong ito ay
matalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo (EPP4IE-0b-4).

Handa ka na ba?

SURIIN MULI ANG KAALAMAN

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang katangian ay dapat taglay ng isang entrepreneur
at ekis (X) naman kung hindi dapat.

_____1. magalang _____6. masipag


_____2. mahiyain _____7. mayabang
_____3. matapat _____8. malikhain
_____4. maraming kaaway _____9. matatag ang loob
_____5. magaling gumawa ng _____10.matapobre
desisyon

ALAMIN AT MATUTO

Sa araling ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang uri ng negosyo sa kontekstong
madali mong mauunawaan.
Produkto – mga ani o bunga ng paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain, damit,
sapatos, sabon, alahas at iba pa, na karaniwang likha ng mga kamay o makina.
Serbisyo – ito ay ang paglilingkod, pagtatatrabaho o pag-aalay ng mga gawain na
may kabayaran ayon sa iba’t-ibang kasanayan at pangangailangan ng
pamayanan
May Dalawang paraan para magkaroon ng negosyo:

1. pagprodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang-yaman

2. pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran

1
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
Mga Uri ng Negosyo
 computer shop
 pagbebenta ng mga cellphone,
Negosyong Pangteknolohiya laptop at iba pang gadgets
 pagkukumpuni ng mga sirang
gadgets
 restoran
 eatery o karinderya
 grocery store
Negosyo sa Pagkain
 panaderya
 tindahan ng prutas o gulay
 tindahan ng isda at karne
 pagtitinda ng mga materyales
Negosyong Konstruksyon para sa pagpapatayo ng mga
bahay at gusali.
 pagtitinda ng mga pangunahing
pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng mga
Negosyong Sari-sari Store
produktong ginagamit sa
katawan, bahay, at paaralan

 pagupitan o barbershop
 beauty parlor
Negosyo na Nagbibigay Serbisyo
 labada o laundry shop
 vulcanizing shop

Mahahalagang Gawain sa Pamamahala ng Tindahan


Sa pag-unlad ng tindahan, ang msumusunod ay kailangang malaman at isabuhay
sa pamamahala ng tindahan.
1. Maayos at Malinis na Pananamit – palaging maging kaaya-aya ang anyo sa
mamimili. Kailangan din malusog ang pangangatawan samaghapong pagsisilbi at
pakikitungo sa iba’t ibang mamimili.
2. Pamimili ng Ititinda – ang pangangailangan ng mamimili ang isaalang-alang sa
pagpili ng paninda. Ang bilihin ay hango sa pinakamababang halaga.
3. Pagsasaayos ng Paninda – ayusin ayon sa uri ang paninda at lagyan ng tamang
presyo. Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga produktong itinitinda
upang madali itong maipakilala sa mga mamimili.

2
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
LINANGIN ANG PAGKATUTO

PAGSASANAY 1
Panuto: Awitin ang kanta at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Tindahan ni Inay
(Tono: “Leron Leron Sinta”)

Sa aming pamayanan
Ang tindahan tingian
May sariwang isda
May gulay na masustansiya

Prutas na makulay
Dagdagan pa ng pansahog
Tindahan ng aking inay
Laging bago ito

Mga Tanong:
1. Ano ang mga nabanggit na tinda ng kaniyang ina?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano itinitinda ng kaniyang ina ang mga ito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano ang tawag sa ganitong uri ng tindahan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano kaya ang nagagawa ng tingiang tindahan sa kanilang pamilya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Naranasan mo na bang bumili sa tindahan sa inyong pamayanan? Ano ang


inyong nabili?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
PAGSASANAY 2
Panuto: Isulat ang mga nawawalang titik sa loob ng kahon upang mabuo ang uri ng
negosyong hinahanap.

1. Ito ay negosyo kung saan kumakain ang mga tricycle driver, mag-aaral at
nag-oopisina sa murang halaga.
K N D Y

2. Uri ng negosyo na kung saan gumagawa ng mga damit, basahan o


anumang produktong gawa sa tela sa pamamagitan ng makina.
T H

3. Ito ay negosyo na nag-aalok ng serbisyong paggupit sa buhok ng lalaki.


R B S O

4. Ito ay bilihan ng mga tao ng iba’t ibang uri ng produkto (pambahay o


pampaaralan) sa isang barangay.
S I - I S

5. Ito ay uri ng negosyo na nagtitinda ng iba’t ibang klase ng tinapay tulad ng


pan de sal.
A E Y

PAGSASANAY 3
Panuto: Itala ang serbisyo o produktong maaring ibigay sa mga kustomer ng bawat
uri ng negosyo.

Ano-anong mga serbisyo ang


Uri ng Negosyo
iniaalok?

a._______________________________
1. Binibining Marikit’s Beauty Parlor b._______________________________
c._______________________________

a._______________________________
2. Guyang’s Pagawaan ng Sapatos at b._______________________________
Payong
c._______________________________

4
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
a._______________________________
3. Mang Tomas Eatery b._______________________________
c._______________________________

a._______________________________
4. Tonio’s Sari-sari Store b._______________________________
c._______________________________

a._______________________________
5. Gigaprint Computer Shop b._______________________________
c._______________________________

TANDAAN

Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay ng serbisyong may


personal touch ay ang pagbigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.

Mga halimbawa sa pamayanan: pagkain, pagawaan ng sirang gamit, labada o


laundry shop, school service at iba pa.

SUBUKAN AND NATUTUHAN

PAGTATAYA 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung tama at M kung mali.
Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
_____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang
mga mamimili.
_____2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
_____3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang
oras.
_____4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo
ang inaasahan sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
_____5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang
pinakaimportante para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.
5
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
PAGTATAYA 2
Panuto: Maglista ng tatlong uri ng negosyo na matatagpuan sa inyong pamayanan.
Pagkatapos, itala ang mga produkto o serbisyo na iniaalok ng mga ito.

Ano-anong mga produkto/serbisyo


Uri ng Negosyo
ang iniaalok?

1. a._______________________________
b._______________________________
c._______________________________

2. a._______________________________
b._______________________________
c._______________________________

3. a._______________________________
b._______________________________
c._______________________________

PAGTATAYA 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Limang puntos ang ibibigay
na iskor sa bawat tanong.

1. Aling uri ng negosyo ang pinakapatok sa inyong pamayanan? Bakit?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, anong uri ng negosyo ito? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Learner’s Material, pp. 9-14.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Teacher’s Guide, pp. 7-9.
6
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)
SUSI SA PAGWAWASTO
ICT & E 4- Ikalawang Linggo

Susi sa Pagwawasto:
Suriin Muli ang Kaalaman
1. √ 6. √
2. X 7. X
3. √ 8. √
4. X 9. √
5. √ 10. X

Linangin Natin
Pagsasanay 1
Ang kasagutan ay maaaring iba-iba.
Pagsasanay 2
1. Karinderya
2. Tahian
3. Barbershop
4. Sari-sari Store
5. Panaderya
Pagsasanay 3
Ang mga kasagutan ay maaaring iba-iba.

Pagsubok
Pagtataya 1
1. M
2. T
3. T
4. T
5. M
Pagtataya 2
Ang mga kasagutan ay maaaring iba-iba.
Pagtataya 3
Ang mga kasagutan ay maaaring iba-iba.

7
Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship
Kompetensi: Natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo
( EPP4IE-0b-4)

You might also like