You are on page 1of 9

Elementary

Baitang 4

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

EPP LEARNING ZIP


ICT and Entrepreneurship-Week 1-Lesson 2

Ang Pagiging Entrepreneur

Baitang
Baitang4-Edukasyong
4-EdukasyongPantahanan
PantahananatatPangkabuhayan
Pangkabuhayan–ICT –ICTand
andEntrepreneurship
Entrepreneurship
Kompetensi:
Kompetensi:Natatalakay
Natatalakayang
angiba’t-ibang
iba’t-ibanguriuringngnegosyo
negosyo
Code:
Code:EPP4IE-0b-4
EPP4IE-0b-4
EPP – ICT and Entrepreneurship - Baitang 4
EPP-TLE Learning Zip
Ang Pagiging Entrepreneur
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang EPP-TLE Learning Zip o anumang bahagi nito ay inilathala upang


gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of EPP-TLE Learning Zip


Authors/Writers: Julius C. Penit, EdD
Hazel M. Roxas
Louinne Grace D. Insular
Arnel C. Copina
Perly Joy V. Kho

Illustrators: Ronnie C. Continente

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Abraham Imas


Remia D. Manejero, Armand Glenn S. Lapor

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Abraham Imas. Remia D. Manejero

Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship


Kompetensi: Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo
Code: EPP4IE-0b-4
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan , Baitang 4.

Ang EPP-TLE Learning Zip ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng EPP-TLE Learning Zip na mapatnubayan ang mag aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa upang matugunan ang


kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng
mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano
pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng
kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay


na papel.

Baitang 4-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –ICT and Entrepreneurship


Kompetensi: Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo
Code: EPP4IE-0b-4
REGION VI WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
EPP/TLE- LEARNING
LA PAZ, ILILO, CITY

ANG PAGIGING ENTREPRENEUR


Maligayang araw mga mag-aaral!
Ngayon mismo ay magpapatuloy ang inyong pakikipagsapalaran sa mundo ng
ICT at entrepreneurship. Naway mag-enjoy at may matutunan kayo sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman sa EPP/TLE. Ang pokus ng ating aralin sa linggong ito ay
matalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo (EPP4IE-0b-4).
Handa na ba kayo?

SAVE IT TO YOUR HARD


DRIVE!

Produkto – mga ani o bunga ng paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain,


damit, sapatos, sabon, alahas at iba pa, na karaniwang likha ng mga kamay o
makina.
Serbisyo – ito ay ang paglilingkod, pagtatatrabaho o pag-aalay ng mga gawain na
may kabayaran ayon sa iba’t-ibang kasanayan at pangangailangan ng pamayanan
May dalawang paraan para magkaroon ng negosyo:
1. pagprodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang-yaman
2. pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran

Iba’t-ibang Uri ng Negosyo


 computer shop
Negosyong Pangteknolohiya  pagbebenta ng mga cellphone,
laptop at iba pang gadgets
 pagkukumpuni ng mga sirang
gadgets
 restoran
Negosyo sa Pagkain  eatery o karinderya
 grocery store
 panaderya
 tindahan ng prutas o gulay
 tindahan ng isda at karne
 pagtitinda ng mga materyales
Negosyong Konstruksyon para sa pagpapatayo ng mga
bahay at gusali.
 pagtitinda ng mga pangunahing
Negosyong Sari-sari Store pangangailangan ng mga

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 4|Page


mamamayan tulad ng mga
produktong ginagamit sa
katawan, bahay, at paaralan

Negosyo na Nagbibigay Serbisyo  pagupitan o barbershop


 beauty parlor
 labada o laundry shop
 vulcanizing shop

Mahahalagang Gawain sa Pamamahala ng Tindahan


Sa pag-unlad ng tindahan, ang msumusunod ay kailangang malaman at isabuhay
sa pamamahala ng tindahan.
1. Maayos at Malinis na Pananamit – palaging maging kaaya-aya ang anyo sa
mamimili. Kailangan din malusog ang pangangatawan samaghapong pagsisilbi at
pakikitungo sa iba’t ibang mamimili.
2. Pamimili ng Ititinda – ang pangangailangan ng mamimili ang isaalang-alang sa
pagpili ng paninda. Ang bilihin ay hango sa pinakamababang halaga.
3. Pagsasaayos ng Paninda – ayusin ayon sa uri ang paninda at lagyan ng tamang
presyo. Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga produktong itinitinda
upang madali itong maipakilala sa mga mamimili.
Tandaan: Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay ng serbisyong may
personal touch ay ang pagbigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.

KEEP YOUR SYSTEM


RUNNING!

PAGSASANAY 1. Awitin ang kanta at sagutin ang mga sumusunod na


katanungan.

Tindahan ni Inay
(Tono: “Leron Leron Sinta”)

Sa aming pamayanan
Ang tindahan tingian
May sariwang isda
May gulay na masustansiya
Prutas na makulay
Dagdagan pa ng pansahog
Tindahan ng aking inay
Laging bago ito

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 5|Page


Mga Tanong:
1. Ano ang nabanggit na tinda ng kaniyang ina?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano itinitinda ng kaniyang ina ang mga ito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano ang tawag sa ganitong uri ng tindahan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano kaya ang nagagawa ng tingiang tindahan sa kanilang pamilya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Naranasan mo na bang bumili sa tindahan sa inyong pamayanan? Ano ang


inyong nabili?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY 2. Isulat ang mga nawawalang titik sa loob ng kahon upang mabuo
ang uri ng negosyong hinahanap.

1. Ito ay negosyo kung saan kumakain ang mga tricycle driver, mag-aaral at
nag-oopisina sa murang halaga.
K N D Y

2. Uri ng negosyo na kung saan gumagawa ng mga damit, basahan o anumang


produktong gawa sa tela sa pamamagitan ng makina.
T H

3. Ito ay negosyo na nag-aalok ng serbisyong paggupit sa buhok ng lalaki.


R B S O

4. Ito ay bilihan ng mga tao ng iba’t-ibang uri ng produkto (pambahay o


pampaaralan) sa isang barangay.
S I - I S

5. Ito ay uri ng negosyo na nagtitinda ng iba’t-ibang klase ng tinapay tulad ng pan


de sal.
A E Y

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 6|Page


PAGSASANAY 3. Itala ang serbisyo o produktong maaring ibigay sa mga kustomer
ng bawat uri ng negosyo.

Uri ng Negosyo Ano-anong mga serbisyo ang


iniaalok?

1. Binibining Marikit’s Beauty Parlor a.________________


b.________________
c.________________

2. Guyang’s Pagawaan ng Sapatos at a.________________


Payong
b.________________
c.________________

3. Mang Tomas Eatery a.________________


b.________________
c.________________

4. Tonio’s Sari-sari Store a.________________


b.________________
c.________________

5. Gigaprint Computer Shop a.________________


b.________________
c.________________

LET’S RUN A SYSTEM CHECK!

PAGTATAYA 1: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung Tama at M
kung Mali. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
_____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang
mga mamimili.
_____2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 7|Page


_____3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa
tamang oras.
_____4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo
ang inaasahan sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
_____5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang
pinakaimportante para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.

PAGTATAYA 2: Maglista ng tatlong uri ng negosyo na matatagpuan sa inyong


pamayanan. Pagkatapos, itala ang mga produkto o serbisyo na iniaalok ng mga ito.

Uri ng Negosyo Ano-anong mga produkto/serbisyo


ang iniaalok?

1. a.________________
b.________________
c.________________

2. a.________________
b.________________
c.________________

3. a.________________
b.________________
c.________________

PAGTATAYA 3: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Limang puntos ang


ibibigay na iskor sa bawat tanong.

1. Aling uri ng negosyo ang pinakapatok sa inyong pamayanan? Bakit Kaya?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, anong uri ng negosyo ito? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 8|Page


Sanggunian:

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Learner’s Material, pp. 5-7, pp 28-30

Susi sa Pagwawasto:

EPP-ICT & ENTREPRENEURSHIP 4 9|Page

You might also like