You are on page 1of 8

Banghay aralin

sa
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Entreprenurship at
Information and Communication
Technology
ENTREPRENEURSHIP
(Mga Katangian ng Entrepreneur)
Code: EPP4IE-0a-2

May Akda:
MARK JOSEPH J. PANLILIO
Bago Bantay Elementary School

Sinuri ni:
JOCELYN A. LOPEZ
Principal II
Iniwasto ni: Sinang Ayunan ni:
JOAN A. CAMASURA PERLITA P. DEPATILLO
Master Teacher I Public School District Supervisor

Higit na Sinang Ayunan ni :

ROGER S. TAMONDONG
Education Program Supervisor, EPP/TLE (ELEM)
Banghay Aralin sa EPP 4
Entrepreneurship at Information Communication Technology (ICT)

1.2 natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur

I. LAYUNIN

1. Naiisa-isa ang mahalagang katangain ng isang entrepreneur


2. Napapahalagahan ang mga katangian ng isang entrepreneur
3. Naisasadula ng mga katangian ng isang entrepreneur sa pamamagitan ng Role Playing

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa : Katangian ng Entreprenuer
Sanggunian : K to 12 CG p. 6 EPP4IE0a-2
Aklat: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran ( Batayang Aklat)
Peralta, Gloria A. Arsenue Ruth A, Ipolan Catalina R, Quaimbao Yolanda L
De Guzman, Jeffrey D. 2016 Vibal Group Inc. p. 5

Online Resources: https://brainly.ph/question/310341 https://youtu.be/hSlaowngyTA


https://www.youtube.com/watch?v=g1v0R0Z89ko
School Division of Quezon City, LRMDS

Kagamitan : laptop, manila paper, markers


Araw: 1

Integrasyon: Araling Panlipunan, MAPEH at Values Education

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral:
Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Entrepreneurship

Ano ang kahulugan ng Entrepreneurship?


Anu-ano ang mga kahalagahan ng Entreprenuership?

2. Pagsasanay:
Panuto: Isulat ang Tama kung sang -ayon ka sa sinasabe ng pangungusap at Mali kung
hindi.
______1. Ang Entrepreneurship ay may malaking tulong sa pammumuhay ng mga tao.
______2. Nakapagbibigay ng madaming hanapbuhay ang Entrepreneurship.
_______3. Sagabal ang Entreprenuership sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
_______4. Ang entrepreneur ay hango sa salitang Instik na entreprende na ang ibig sabihin
ay “ isagawa”.
_______5. Ang entrepreneurship ay may malaking kontribusyon sa larangan ng turismo.
3. Pag-alis ng Balakid

Katangian-tumutukoy sa pag-uugali ng tao kung paano ito kumilos na naaayon sa kanyang


Pagkatao.

B. Gawaing Pagganap o Panlinang na Gawain


1. Pagganyak
1. Maghanda ng isang laro

Panuto:
a. Ang pamagat ng laro ay “Anong Katangian Meron ako”

b. Ang guro ay magtatawag ng isang mag-aaral na bubunot ng isang salita na nakasulat sa


Papel
Halimbawa: matiyaga, mabait matulungin at Maka Diyos
c. Ang mag-aaral ay ipapakita sa klase sa pamamagitan ng galaw o aksyon na di
kinakailangan magsalita.

d. Ang klase ay bibigyan lamang ng 20 sigundo para mahulaan ang katangian na ipinapakita
ng mag-aaral.

2. Itanong ang mga sumusunod:

a. Anu -anong mga katangian ang dapat taglayain ng isang entrepreneur upang
maging matagumpay?

C. Paraan ng Pagganap:

1. Pagpapalalim

1. Ipanood ang video tungkol sa isang panayam sa isang kilalang entrepreneur

https://youtu.be/hSlaowngyTA
https://www.youtube.com/watch?v=g1v0R0Z89ko

Suriin ang mga katangiang taglay ng Entrepreneur sa video.

2. Sa napanuod na video, anu-anong mga katangian ang dapat taglayin ng isang


Entrepreneur?

Mga Katangian ng Entrepreneur


1. Masipag
2. Malikhain
3. Matapat
4. Matiyaga
5. Maunawain at maalalahanin
6 Matulungin
7. Maka-Diyos
8. Masinop
9. May Tiwala sa Sarili
10. Maabilidad
11. Maagap
12. Masikap
13. Maalam
3. Kung ikaw ay magiging Entreprenuer, anong katangian ang dapat mong makamtan
upang maging matagumpay? Bakit?

2. Pangkatang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang gawain na nasa baba at ipaulat ito sa klase.

A. Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng Entrepreneur ang ipinapakita sa bawat bilang.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Si Gng. Romero ay may kakayahang lumikha ng isang bagay na Maagap


kanais-nais .
2. Ang pamilya ni G. Cruz ay may mataas na hangarin o mithiing Malikhain
makilala sa kanilang Negosyo.
3. Hindi ipinagpapabukas ni Ernesto ang kanyang pamimili ng Maalam
materyales sa kanyang Negosyo.
Masipag
4. Hindi pinababayaang marumi o magulo ang pwesto sa palengke ni
Aling Martha. Masinop
5. Si Niko ay hindi nandaraya sa kanyang mga kausap o trnasaksyong
ginagawa niya Matapat

B. Gawain B
Ang Pamilya ni G at Gng. Cruz

Si G. Frederick Cruz at Gng. Lydia Cruz ay nagpaplanong magtayo ng isang maliit na


pamilihan sa kanilang nasasakupan. Upang maging matagumpay ang isang entrepreneur sa
larangan ng negosyo, nararapat na taglayin ang mga katangiang magiging kasangkapan nila sa
ikatatagumpay ng kanilang negosyo.
ALAMIN NATIN

Panuto: Tukuyin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang matagumpay na entrepreneur. Buuin
ang crossword puzzle upang malaman ang mga katangian ng isang entrepreneur. Nasa kanang bahagi
ang "hint."
3
1 M Pababa

2 1. Pinanatiling malinis , maayos at


kaiga-igaya ang lugar upang
maiwasan ang aksidente.
3. May mataas na hangarin o
mitihiing magtagumpay sa
4 5 negosyo
5. Hindi nandaraya at
napagkakatiwalaan
Pahalang
2. Hindi ipinagpapabukas ang
anumang gawain kung kaya
namang isagawa ngayon.
4. Palaging bukas ang isipan sa
mga pagbabago at nililinang
ang sarili sa mga bagong
kaalaman, tuklas o imbensiyon

C. GAWAIN C
Panuto:
1. Ang klase ay gagawa ng isang role playing ng mga katangian ng isang Entrepreneur.
2. Ang bawat presentasyon may tatagal lamang ng limang minuto.
3. Gumamit ng mga materyales, kagamitan, musika o kahit anung uri ng
teknolohiya .
PAMANTAYAN SA ROLE-PLAYING
Indikasyon Puntos
1.Nasunod ang binigay na panuto ng guro
1.1 nasunod ang lahat ng panuto 10
1.2 may isang panuto ang nakaligtaan 8
1.3 may 2-3 panuto ang nakaligtaan 5
2. Naipakita ang katangian ng Entrepreneur
2.1 naipakita ang Role Play ng maayos, 10
malinaw, masigla at malikhain
2.2 naipakita ang Role Play ng maayos, 8
malinaw at masigla
2.3 naipakita ang Role Play ng 5
maayos,at malinaw
3. Nakiisa ang bawat grupo sa gawain
3.1 nakiisa lahat sa paggawa ng gawain 5
3.2 1-2 miyembro ng grupo ang hindi 3
nakiisa
3.3 3-4 miyembro ng grupo ang hindi 2
nakiisa
D. Paglalahat

Maraming katangain ang dapat taglayin ng isang mahusay na entrepreneur. Isa rito ang
makpagbibigay -saya sa mga mamimili kapag sila ay nasiyahan sa iyong produkto at serbisyo.
Dadami ang magtatangkilik dito.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Si Ernesto ay maaagang gumigising upang ayusin ang kanyang mga paninda sa palengke.
Anong katangian mayroon siya?
a. maagap b. mabait c. malikhain d. matapat

2. Gumagawa ng mga produkto sina Ana at Felissa gamit ang mga pinaglumaang gamit sa
kanilang tahanan. Sina Ana at Felissa ay _____________.
a. malikhain b. Maka-Diyos c. masinop d. matulungin

3. Bago magbukas ng tindahan sa palengke si Aling Nena ay sinisisugarado niya muna na


wlang dumi ang kanyang tapat at kanyang tindahan. Si Aling Nena ay __________na tindera.
a. mabait b. malikhain c. malinis d. matiyaga

4. Si Gng. Martinez ay nag-iisip ng kakakibang stratehiya sa pagtitinda ng gulay sa palengke.


Si Gng. Martinez ay nagpapakita ng pagiging _____________
a. mabait b. malikhain c. malinis d. matiyaga

5. Si Melissa ay patuloy pa rin naglalako ng kanyang panindang kakanin habang may bagyo.
Anong katangian mayroon si Melissa?
a. mabait b. malikhain c. malinis d. matiyaga
.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Paksa: Katangian ng Entrepreneur
Gawain: Gumawa ng isang “journal” batay sa tanong.

Paano mo maipapakita ang pagiging Maka-bansa upang magtagumpay sa


larangan ng Entrepreneur?
ACTIVITY SHEETS

Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng Entrepreneur ang ipinapakita sa bawat bilang.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Si Gng. Romero ay may kakayahang lumikha ng isang bagay na Maagap


kanais-nais .
2. Ang pamilya ni G. Cruz ay may mataas na hangarin o mithiing Malikhain
makilala sa kanilang Negosyo.
3. Hindi ipinagpapabukas ni Ernesto ang kanyang pamimili ng Maalam
materyales sa kanyang Negosyo.
Masipag
4. Hindi pinababayaang marumi o magulo ang pwesto sa palengke ni
Aling Martha. Masinop
5. Si Niko ay hindi nandaraya sa kanyang mga kausap o trnasaksyong
ginagawa niya Matapat

Ang Pamilya ni G at Gng. Cruz

Si G. Frederick Cruz at Gng. Lydia Cruz ay nagpaplanong magtayo ng isang maliit na


pamilihan sa kanilang nasasakupan. Upang maging matagumpay ang isang entrepreneur sa
larangan ng negosyo, nararapat na taglayin ang mga katangiang magiging kasangkapan nila sa
ikatatagumpay ng kanilang negosyo.
ALAMIN NATIN
Panuto: Tukuyin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang matagumpay na entrepreneur. Buuin
ang crossword puzzle upang malaman ang mga katangian ng isang entrepreneur. Nasa kanang bahagi
ang "hint."
3
1 M Pababa

2 1. Pinanatiling malinis , maayos at


kaiga-igaya ang lugar upang
maiwasan ang aksidente.
3. May mataas na hangarin o
mitihiing magtagumpay sa
4 5 negosyo
5. Hindi nandaraya at
napagkakatiwalaan
Pahalang
2. Hindi ipinagpapabukas ang
anumang gawain kung kaya
namang isagawa ngayon.
4. Palaging bukas ang isipan sa
mga pagbabago at nililinang
ang sarili sa mga bagong
kaalaman, tuklas o imbensiyon

You might also like