You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DepED – Region III


Schools Division of Tarlac Province
Moncada North District
ARINGIN ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga tanong. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang pinakamalaking hamon na hinarap ng bansang Pilipinas pagkatapos ng digmaan?


a. epidemya
b. kaguluhan
c. kahirapan
d. korapsiyon

2. Ito ang nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang nakalaan lamang sa mga Pilipino.
a. Batas Rehabilitasyon
b. Parity Rights
c. Treaty of General Relations
d. War Surplus Agreement

3. Anong kasunduan ang nagsasaad na sa loob ng walong taon ay magkakaroon ng malayang kalakalan
ang Pilipinas at Amerika mula 1946 hanggang 1954?
a. Bell Trade Act
b. Kasunduang Base Militar
c. Parity Rights
d. Philippine Rehabilitation Act

4. Ilan ang base militar ng Amerika na nasa iba’t ibang sulok ng bansa ang napahintulutang manatili
ayon sa Kasunduan Base Militar?
a. 21
b. 22
c. 23
d. 24

5. Magkano ang babayaran ng Amerika sa Pilipinas bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian ng mga
sibilyang naapektuhan ng digmaan na isinaad ng Philippine Rehabilitation Act?
a. $620,000,000
b. $710,000,000
c. $780,000,000
d. $800,000,000

6. Sa iyong palagay, ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas ng kasunduan sa Estados Unidos ay
nakatulong ba upang matugunan ang mga suliranin at hamon sa kinaharap ng Pilipinas pagkatapos
ng ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit?
a. Hindi, dahil umasa na lamang ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos.
b. Oo, dahil malaki ang naitulong ng perang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa
rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong gusali sa ating bansa.
c. Hindi tiyak o sigurado kung natugunan ba o hidi ang mga suliranin at hamong kinaharap
ng pamahalaan.
d. Oo, dahil nagkaroon ang mga Pilipino ng sapat na kamalayan sa mga produkto at kulturang
kanluranin na siyang naging paraan upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

7. Ang neocolonialism ay isang paraan ng panghihimasok ng malalakas at makapangyarihang mga bansa


sa mga bagong tatag na estado. Ang mga sumusunod ay mga mabuting epekto nito sa ating bansa
maliban sa isa, alin ito
1|Page
a. Maraming produktong Pilipino ang nailuwas sa Estados Unidos at nagdulot ng malaking
kita sa mga mangangalakal na Pilipino.
b. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ng mga Pilipinong mangangalakal gaya
ng paggamit ng makinarya ar bagong teknolohiya.
c. Napaunlad at nakilala ang ating pangunahing mga produkto gaya ng asukal, niyog, copra,
at langis sa Kanluraning bansa.
d. Lalong pagyaman ng mga Pilipinong nasa panggitnang antas ng lipunan dahil sila ang
namumuhunan sa mga produkto ng dayuhan at lubusang pagkalugi ng mga magsasakang
Pilipino sa gastusin ng mga sakahan.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig?
a. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan
b. pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos
c. wasak na mga gusali, imprastraktura, at pagka-paralisa ng mga transportasyon
d. mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at
sakahan

9. Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?
a. Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.
b. Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.
c. Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino.
d. Lahat ng mga nabanggit.

10. Ano ang tawag sa mas higit na pagtangkilik sa mga produktong gawa ng ibang bansa kaysa gawang
Pilipino?
a. patriyotismo
b. nasyonalismo
c. colonial mentality
d. demokrasya

11. Ano-ano ang mga pagbabagong ginawa ng mga Amerikano ukol sa kalakalan?
a. Pag-aalis ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan at alak.
b. Pagkokolekta ng salapi at inilagak sa isang publikong tesorero.
c. Pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta.
d. Lahat ng nabanggit.

12. Paano naging mabisa ang mga programa ng pamahalaan sa pagtitipid at kampanya para sa simpleng
pamumuhay ng mga mamayan?
a. Napatatag ang halaga ng piso.
b. Ang badyet ng pamahalaan ay naisaayos nang balance.
c. Parehong a at b.
d. Wala sa nabanggit.

13. Hinarang ng mga miyembro ng kongreso na may-ari din ng lupa ng mga lupain ang proseso para sa
pamamahagi ng lupa. Ang mga malalaking pagmamay-ari lamang ng estado ang naipamahagi sa mga
magsasakang walang tirahan at lupa. Ano ang naging epekto nito sa mga mamamayang Pilipino.
a. Dumami ang mga Pilipinong naging maginhawa ang buhay.
b. Naging maunlad ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.
c. Nagpatuloy ang pag-aalsa ng mga Huk.
d. Tumaas ang tiwala ng mga tao sa pamahalaan.

14. Isinama ka ng iyong magulang para bumili ng sapatos. Nagawi kayo sa dalawang tindahan na
magkatabi na parehong nagtitinda ng sapatos. Ang isa ay pawang mga imported na sapatos ang
itinitinda samantalang ang isa ay mga gawang Pilipinas ang naka-display sa kanilang mga eskaparate.
Ano ang ipapayo mo sa mga magulang mo na bibilhin para sa iyo?
a. Bibilhin ang imported na sapatos dahil mas magara ito.
b. Bibilhin ang imported na sapatos dahil mas matibay ang mga ito.
c. Bibilhin ang gawang Pilipino dahil bukod sa wala naman itong gaanong pinagkaiba sa
imported,makakatulong pa ako sa kapwa ko Pilipino.
d. Wala sa nabanggit.

2|Page
15. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nagbigay ang Estados Unidos ng tulong na $620,000,000 sa
Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Kakayanin ng Pilipinas na maisaayos ang bansa dahil may pera pa naman tayo.
b. Magiging mabilis ang pagpapatayo ng mga iprastruktura.
c. Madaling makakabawi ang mga negosyanteng Pilipino sa kanilang pagkalugi.
d. Mahihirapan ang bansa na maisaayos agad ang mga nasira dahilan upang maging matagal
ang mithing pag-unlad.

16. Paano mo ipapakita ang pagtitipid bilang pakikiisa sa hangarin ng ating pamahalaan na muling
maisaayos ang ating bansa pagkatapos ng Ikalwang Digmaang Pandaigdig?
a. Hindi muna ako magpapabili o bibili ng mga hindi kinakailangang gamit.
b. Paggamit ng pamaypay imbes na electric fan kapag mag-isa lang akong nasa loob ng
bahay.
c. Pag-ubos ng pagkain na inilagay ko sa aking pinggan upang makaiwas sa pagsasayang
nito.
d. Lahat ng nabanggit.

17. Ang mga sumusunod ay mga suliranin ng ating bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
maliban sa isa, ano ito?
a. Kawalan ng trabaho para sa mga mamamayan.
b. Sapat ang pagkain para sa mga tao.
c. Lumaganap ang sakit tulad ng disenterya at malaria.
d. Kabi-kabila ang mga kapahamakang nangyari sa lipunan.

18. Alin sa mga sumusunod ang naging bunga ng kagipitan na nagbunsod sa pagbaba ng moralidad at
antas ng pamumuhay?
a. Nawala ang kaliwa’t kanang nakawan sa mga lungsod.
b. Nagkaroon ng marangal na hanapbuhay ang mga kababaihan.
c. Maraming mga bata ang wala sa silid-aralan at hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.
d. Wala sa nabanggit.

19. Alin sa mga sumusunod ang hindi natugunan ng programang Rehabilitation Finance Corporation (RFC)
sa ilalim ni Pangulong Manuel A. Roxas na naglaan ng ponding tatlong daang milyon?
a. Nakapagpagawa ng 12,000 pabahay.
b. Puhunan ng mga korporasyon at maliliit na mga negosyante.
c. Hindi natulungan ang mga Pilipinong negosyanteng namumuhunan sa mga pabrika o
pagawaan.
d. Wala sa nabanggit.

20. Ano ang mga naging epekto ng krisis sa pananalapi pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Hindi nakatupad sa pagbabayad ng buwis ang mga mamamayan.
b. Patuloy ang naging pagtaas ng mga bilihin na mas lalong sakripisyo sa taong bayan.
c. Ang perang Hapon na ipinairal bago matapos ang giyera ay tinawag na Mickey Mouse
Money sapagkat wala na itong katumbas na halaga.
d. Lahat ng nabanggit.

21. Hinarap ng administrasyon ni Pangulong Elpidio Quirino ang pagsusulong ng kapayapaan ng bansa
sa pamamagitan ng _________________.
a. pagdakip sa mga kasapi ng Huk
b. pagtuligsa sa kalabang partido
c. pagkakaloob ng amnestiya
d. pagpapalaya sa lider na ipinakulong ng pamahalaan

22. Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang pahiwatig na tinutukan ng mga programang
isinulong ni Pangulong Manuel A. Roxas sa pangkabuhayan na tungkol sa pagpapalago ng produksyon
at pagpapalago ng puhunan?
a. Malayang palitan ng produkto sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
b. Paghikayat sa mga Amerikano na mamuhunan at magnegosyo at maging kapitalista sa
bansa para sa sektor na pambokasyonal at elektrisidad.
c. Pagpapanatili ng mga Base Militas sa ating bansa.
d. Pagsasanay ng mga Amerikano sa mga Pilipino na matutunan ang mga istratehiya,
taktika, at pamamaraan ng pakikipaglaban.

3|Page
23. Upang mapabilis ang pag-unlad ng mga baryo, nagpatayo ng mga poso at patubig sa mga ito sa
panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Mapalad ang inyong baryo na mabigyan
ng mga poso sa bawat purok. Paano mo gagamitin at iingatan ang mga ito?
a. Paglaruan ang mga poso hanggang masira. Di bale papalitan naman ito ng pamahalaan.
b. Gamitin lang kapag kinakailangan.
c. Maging maingat sa paggamit. Pera ng bayan ang ginamit para magawa ang mga ito.
d. Huwag gamitin at baka masira pa ito.

24. Inilunsad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Green Revolution o “Luntiang Himagsikan” upang
matugunan ang pangangailangan ng bansa sa pagkain. Bilang isang bata, marami kang magagawa
upang makiisa sa programa ng pamahalaan. Piliin sa mga sumusunod ang hindi mo gagawin?
a. Huwag magsayang ng pagkain. Kumuha ng sapat lamang at kayang ubusin.
b. Tulungan sina nanay at tatay na magdilig ng mga gulay na nakatanim sa aming bakuran.
c. Magtanim ng mga gulay sa paaralan.
d. Maglaro maghapon. Hindi naman pababayaan ng magulang ko na wala kami kainin.

25. Sino ang pangulo ang nagpatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
(ACCFA) upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani?
a. Carlos P. Garcia
b. Diosdado Macapagal
c. Ramon Magsaysay
d. Elpidio Quirino

26. Ano ang program ani Pangulong Elpidio Quirino na ang layunin ay magpautang ng kapital o pondo sa
mga magsasaka?
a. Pagsisiyasat sa likas na yaman ng bansa
b. Pagpapatayo ng sentral at rural bank
c. Pagpapatibay ng Kodigo sa Lupang Sakahan
d. Paglulunsad ng Austerity Program

27. Nabalitaan mo sa radyo na nagbibigay ng amnestiya sa mga kasapi ng Hukbong Bayan Laban sa
Hapon (HUKBALAHAP) si Pangulong Elpidio Quirino. Ito ay upang magbalik-loob sila sa pamahalaan
at tuluyan ng makamit ang kapayapaan. Nalaman mong ang kapitbahay ninyo ay isang kasapi ng
Huk, ano ang iyong gagawin?
a. Kakausapin ko ang kapitbahay namin na tanggapin ang amnestiya.
b. Isusuplong siya sa mga pulis upang hulihin siya ng mga ito.
c. Kakausapin ko ang magulang ko na kumbinsihin siya na magbalik-loob.
d. Wala akong gagawin.

28. Paano nailigtas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang demokrasya ng Pilipinas?


a. Napigil niya ang ilang dekadang pamumuno ng sinundan niyang pangulo.
b. Napigil niya ang panghihimagsik ng mga Huk at napasuko ang lider nitong si Luis Taruc.
c. Napigil niya ang ilang taon ng digmaan.
d. Napigil niya ang korapsyon sa pamahalaan.

29. Ang MAPHILINDO ay Samahan ng Malaysia, Pilipinas, at Indonesia na ang layunin ay itaguyod ang
pagtutulungan sa pulitika, kabuhayan, at kultura ng tatlong kasaping bansa. Sino ang pangulo ng
Pilipinas na nakiisa sa pagtatatag na samahang ito?
a. Ramon Magsaysay
b. Carlos P. Garcia
c. Diosdado Macapagal
d. Ferdinand E. Marcos

30. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng patakarang “Pilipino Muna”?


a. Pagtitipid sa paggasta.
b. Pangangalaga sa likas na yaman.
c. Ipagmalaki ang lahing Pilipino.
d. Pagtangkilik sa sariling produkto.

31. Paano naisulong ang pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa panahon ni Garcia?


a. Pinadala ang mga batang Pilipino sa ibang bansa upang mag-aral.
b. Pinag-ibayo ni Pangulong Garcia ang pag-aangkat ng sariling produkto.

4|Page
c. Hinimok ang iba’t ibang pangkulturang pangkat sa Pilipinas na magtanghal sa ibang
bansa.
d. Naging masigasig si Garcia sa kanyang mga programa at patakaran sa pagbabago sa
pamamalakad sa base-militar sa bansa.

32. Sa panunungkulan ni Marcos, higit na pinaunlad at pinasigla upang buhayin at ipagmalaki ang
kulturang Pilipino. Naitayo ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at Folk Arts Theater upang
maging tanghalan ng mga dulang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang magagawa mo upang
masuportahan ang pagpapaunlad sa ating kultura bilang Pilipino?
a. Panonood ng pagtatanghal ng mga dulang Pilipino sa mga pamantasang malapit sa amin.
b. Pagtangkilik ng mga orihinal na awiting Pilipino (OPM).
c. Pagsuporta sa mga pelikulang Pilipino na ipinalalabas sa mga sinehan.
d. Lahat ng nabanggit.

33. Alin sa mga sumusunod ang naging pahayag ni Pangulong Garcia?


a. “Ang Asya ay para sa Asyano.”
b. “Ang Pilipinas ay magiging dakilang muli.”
c. “Walang bagay na imposible kapag ginustong mangyari.”
d. “Kung ano ang nakabubuti sa karaninwang tao at nakabubuti sa bayan.”

34. Ang mga likas na yaman ang isa sa pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng isang bansa. Sa
panunungkulan ni Pangulong Manuel A. Roxas, nagtatag na industriya na mangangalaga at lilinang
sa mga likas na yaman ng ating bansa. Paano ka makakatulong?
a. Sumali sa paliga ng basketbol sa kabilang barangay.
b. Mamasyal sa kabundukan at mag-iwan ng mga kalat at basura doon.
c. Makilahok sa Clean and Green Program ng inyong barangay at bayan.
d. Magsawalang-kibo na lamang.

35. Paano napabuti ni Pangulong Elpidio Quirino ang kalagayan ng mga manggagawa noong panahong
ng kanyang panunungkulan?
a. Pagpapatupad ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law
b. Pagpapagawa ng mga lansangan, tulay, at farm-to-market roads
c. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
d. Pagpapatibay ng Kodigo ng Lupang Sakahan

36. Ang soberanya ay ang pinakamataas na kapangyarihan ng isang estado na mag-utos at pasunurin
ang mga nasasakupan nito. Paano mo msasabi na ang ating bansa ay mayroong soberanya.
a. Malaya ang ating bansa mula sa panghihimasok ng mga dayuhan.
b. Nasa kamay ng taong-bayan ang karapatang pumili ng mga pinuno ng bansa sa
pamamagitan ng isang halalan.
c. Malayang naipatutupad ng ating bansa ang mga layunin at mithiin nito para sa
kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas.
d. Lahat ng nabanggit.

37. Nakasaad sa 1987 Saligang Batas, Artikulo II, Seksyon 4 na” Ang pagtatanggol sa estado ay
pangunahing tungkulin ng pamahalaan at sambayanang Pilipino.” Nakatira kayo malapit sa dagat.
Napansin mong may mga dayuhang barkong pandigma sa palihim na nakapasok sa karagatan ng
ating bansa. Kanino mo ipapaalam ito?
a. Hukbong Panlupa
b. Hukbong Pandagat
c. Hukbong Panghimpapawid
d. Pambansang Pulisya ng Pilipinas

38. Sa pagpapalawak ng diwa ng Nasyonalismo sa mga Pilipino, ipinag-utos ni Pangulong Magsaysay ang
pagsusuot ng Barong Tagalog at paggamit ng wikang Filipino. Sang-ayon ka ba rito?
a. Hindi. Dahil mas gusto ko isuot ang mga kasuotan ng mga Amerikano.
b. Oo. Dahil kailangan nating ipakita ang ating pagiging Pilipino sa kasuotan pa lamang.
c. Hindi. Isusuot ko anumang damit ang gusto ko.
d. Oo. Utos kasi ito ng Pangulot, wala naman ako magagawa.

39. Napalakas sa panahon ni Pangulong Marcos ang ugnayan ng mga bansa sa Asya. Nakiisa siya sa
pagtatag ng ASEAN upang isulong ang pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at pangkultura ng
mga bansa sa rehiyon. Ano ang ibig sabihin ng ASEAN?
5|Page
a. Alliance of Southeast Asian Nations
b. Association of Southeast Asian Nations
c. Association of Southern and Eastern Asian Nations
d. Association of Southeast Asian Nationalities

40. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga patakaran at programa ni Pangulong Marcos
tungkol sa aspetong pulitika ng ating bansa?
a. Paglulunsad ng malawakang programang pang-imprustruktura.
b. Paggawa ng bagong batas hinggil sa pagtataas g buwis.
c. Pagbaba ng katiwalian sa pamahalaan.
d. Pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas.

41. Dahil sa labis na pagsandal at pagtangkilik sa mga Amerikano ay nagbunsod ito para sa kaisipang
_____________.
a. malaya
b. kolonyal
c. makabayan
d. makapili

42. May nangyayaring nakawan sa inyong kapitbahay. Sa anong ahensya mo ito itatawag upang agarang
madakip ang mga salarin? Bakit?
a. Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Dahil sila ang may tungkulin na panatilihin ang
katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa.
b. Hukbong Pandagat. Dahil nagbabantay sila upang tayo ay maging ligtas sa anumang
panganib.
c. Hukbong Panghimpapawid. Dahil sila ang nagbabantay sa sakop ng Pilipinas.
d. Hukbong Panlupa. Dahil Tungkulin nilang ipagtanggol tayo sa anumang paglusob.

43. May mga batas na ipinatutupad hinggil sa pamamahala sa teritoryo at mga mamamayan ng Pilipinas.
Tanging Pilipinas lamang ang magpapasya tungkol sa paglinang ng mga likas na yaman at mga
pakinabang nito. Karapatan natin na pangalagaan ang mga Karapatan ng mga mamamayan sa loob
man o labas. Anong patakarang panlabas ang ito?
a. Karapatang magsarili
b. Karapatang mamahala sa nasasakupan
c. Karapatan sa pantay na pagkilala
d. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan

44. Napakarami ng suliranin na kinaharap ng mga naging pangulo noong pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ginawa nila lahat ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga ito at
matulungan ang mga tao. Kung isa kang mamamayan noon, ano ang gagawin mo upang
maipaamdam mo ang suporta sa kanila at sa kanilang mga patakaran at programa?
a. Magpasalamat sa kanila dahil sinubukan nilang bigyan ng solusyon ang mga suliranin
sa abot ng kanilang makakaya.
b. Makiisa sa mga programa at patakaran na kanilang ipinatupad.
c. Wala akong gagawin. Ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
d. Wala sa nabanggit.

45. Isa sa mga naipatupad ni Pangulong Macapagal sa kanyang panunungkulan ay ang paglilipat ng Araw
ng Kalayaan sa petsang Hunyo 12. Anong petsa dati ang pagdiriwang natin ng Araw ng Kalayaan?
a. Hulyo 4
b. Hulyo 8
c. Hulyo 12
d. Hulyo 16

46. Bakit mahalaga para sa isang mamamayang Pilipino na makiisa sa mga programa ng pamahalaan?
a. Upang mapansin ng pamahalaan at agad na mabigyan ng tulong.
b. Upang madali tayong umunlad dahil mas madali ang gawain kapag ang lahat ay
tumutulong.
c. Hindi mahalaga. Hindi rin naman mabibigyan ng tulong ang lahat ng tao.
d. Wala sa nabanggit.

6|Page
47. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang Ikatlong Pangulo ng Repulika ng Pilipinas na nakilala bilang
“Kampeyon ng Masa.” Alin sa mga sumusunod ang mga dahilan bakit siya tinawag na Kampeyon ng
Masa?
i. Malapit siya sa mga ordinaryong tao.
ii. Ibinalik niya ang tiwala ng tao sa pamahalaan.
iii. Winakasan niya ang korupsyon sa pamahalaan.
iv. Binuksan niya ang Malacañang para sa lahat.

a. i at ii lamang
b. i, ii, at iii lamang
c. ii, iii, at iv lamang
d. i, ii, iii, at iv

48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may pag-unlad sa ekonomiya sa panahon ni Pangulong
Marcos?
a. Pagbaba ng kriminalidad sa bansa.
b. Pagpapatatag ng sining at kultura ng bansa
c. Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa mga makabagong pamamaraan ng
pagsasaka.
d. Pagpapaunlad ng kasanayan sa larangan ng edukasyon, military, at kalusugan na naging
daan upang makilala ang bansa sa buong mundo.

49. Anong uri ng soberanya na tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin sa lahat ng
teritoryong nasasakupan nila?
a. Soberanyang panloob
b. Soberanyang panlabas
c. Sobreranyang pang-itaas
d. Soberanyang pang-ibaba

50. Ang banta ng terorismo at droga ay ilan lamang sa mga suliraning kinakaharap ng bansa. Karapatan
ng Pilipinas na gumawa at magpatupad ng mga batas upang sugpuin ang mga ito.
a. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
b. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
c. Karapatang Makapagsarili
d. Karapatang Makipag-ugnayan

Prepared by: Checked by:

ROMMEL U. YABIS JOSEPHINE FERNANDEZ


AP Specialist-Moncada North District PSDS-in-Charge

Recommending Approval: Approved:

LAMBERTO F. GAMUROT, EdD PAULINO D. DE PANO, PhD


EPSvr I-Araling Panlipunan CES-CID

7|Page

You might also like