You are on page 1of 2

Ang Pamaraang Komunikatibo sa Pagtuturo ng Wika

Pamaraang Komunikatibo

 Nag-ugat ang pamaraang ito sa national-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins


ng Britanya. Matatandaan na sa panahong ito,ang binibigyan pokus odiin ay ang mensahe kaysa porma o
istructura ng wika. Ang kinalabasan ng halos purong diin sa mensahe ay hindi maganda para sa aspektong
gramatika. Lalong humina sa gramatika ang mag-aaral, kasi alam nilang higit na importante ang mensahe at hindi
halos pinupuna kung mali ang istrukturang gamit nila
 Sanhi sa kalungkot-lungkot na kinalabasan dahil nasakripisyo ang gramatika, si Wilkins mismo ang
pumansin o nagpabago sa kanyang sariling pagtuturo ng wika.
 Mula sa diin sa mensahe, ang pagtuturo ng wika sa panahong ito ay ang dalawang diin na kapwa mahalaga ang
porma at mensahe ito nga ang tinatawag na layuninng pamaraang komunikatib

Batayan ng Pamaraang Komunikatibo

 Sang-ayon sa modelo ni Michael Canale at Merill Swain, may apat na aspekto o e l e m e n t n g


communicative competence: Linguistic o Grammatical Competence, Socio-Linguistic Competence, Discourse
Competence at Strategic Competence.

1) Linguistic o Grammatical Competence:


 kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayonsa mga tuntunin sa
gramatika.
 estado ng isang taong masasabi nating may control o masteri sa porma o istruktura ng isang wika.
 dito ipinapakita ng isang tao ang kanyang kahusayang gumamit ng tuntuninsa wika.
 ito ay nasasakop ng pag-aaral sa linggwistik.

2) Socio-Linguistic Competence:
- isang batayang interdisciplinary.
- nakauunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika na may kinalaman sa:
Kaugnayan ng mga naguusap sa isat isa (role relationship)
impormasyong pinaguusapan (topic)
At ang lugar na pinaguusapan (place)sa ibabaw ng kaalaman sa tatlong salik na ito, alam ng mga
kasanib sausapan ang layon (function) ng kanilang pag-uusap.
- sa ibabaw ng kaalaman sa tatlong salik na ito, alam ng mga kasanib sausapan ang layon (function)
ng kanilang pag-uusap.

3) Discourse Competence:
- May kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso.
- Ang isang nakikipag-usap daw ay kailangang alam niyang halawin ang paksa, ang layon (function) at iba
pa ng isang discourse.
- hindi niya inuunawa lamang ang kahulugan ng isang yugto ng utterance kundi ang kabuuang yugto ng
isang discourse.

4) Strategic Competence:
- ito ay ang mga estratehiyang ginagamit natin upang maka-compensate samga imperpektong kaalaman
natin sa wika.
- kahalintulad ito ng coping o survival strategies.

Ang mga Dapat Tandaan na Paggamit ng Pamamaraang Komunikatibo

1. Sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano ang konteksto ng talastasan. Ang mga salik
sosyolinggwistik ang nagdidikta ng gagawing pag-uusap ng mga nakikipagtalastasan."

2. Ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katuladnoong araw na ang )awain ng guro ay ituro
ang mga istruktura ng wikana gumagamit ng mg pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern practice at iba pa.

3. higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kunggaano kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika


ang isang tao, hindi kunggaano ang nalalaman niya sa gramatika ng isang wika.

4. Mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa pakikipagtalastasan.
5. May iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na, hindi maaasahan na ang isang hindi negative
speaker ay magiging mahusaysa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

You might also like