You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Distrito ng Santa Cruz
Santo Angel Central Elementary School
Santa Cruz

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EPP V


(ICT and Entrepreneurship)

I. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na salita o grupo ng mga salitang na may salungguhit ay PRODUKTO o
SERBISYO. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Anna ay pumunta sa Nueva Ecija upang mamasyal sa loob ng dalawang araw. Sa huling araw ng kanyang pananatili,
pumunta siya sa pamilihan at bumili ng tsinelas, tinapa at mga tuyong isda.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
2. Si Mang Bobong ay isang drayber. Nag-mamaneho siya ng habalhabal.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
3. Maagang pumunta sa palengke si Flor upang bumili ng alcohol at iba pang gamit sa bahay.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
4. Magpapagawa ng bahay si Ginang Gorres. Kailangan niyang magpagawa ng plano ng bahay sa isang arkitekto.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
5. Nasira ang rubber shoes ni Prince kaya nagpapabili siya ng bago sa nanay niya.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
6. Mga drayber at tsuper na tagahatid ng mga tao sa trabaho at sa paaralan.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
7. Mga doctor at nars na tagapag-alaga ng mga taong may sakit.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
8. Telebisyon at Radyo nagsisilbing libangan ng mga tao.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
9. Kotse, motrsiklo at iba pang uri ng mga sasakyang ginagamit ng mga tao araw-araw.
a. SERBISYO b. PRODUKTO
10. Tagagawa ng mga plano para sa pagtatayo ng mga malalaking bahay o istraktura.
a. SERBISYO b. PRODUKTO

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga paraan ng pagbebenta ng mga produkto sa inyong pamayanan.

11. Karneng baboy


a. papiraso b. nakabote c. dinosena d. kinilo
12. Itlog ng manok
a. nakabote b. nakabaso c. nakatrey d. nakatali
13. Bibingka
a. nakabote b. papiraso c. kinilo d. nakatali
14. Kalabasa
a. dinosena b. kinilo c. nakatali d. nakabaso
15. Sitaw
a. nakasupot b. kinilo c. nakatali d. nakatasa

II. Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tinutukoy sa bawat
bilang sa inyong sagutang papel.

a. netiquete b. no flaming c. chat d. discussion forum

e. emoticons/smiley faces f. ALL CAPS g. web cam

h. FB Messenger i. parent/guardian j. Paalala

_________ 16. Iniiwasan dapat ang labis na paggamit nito sa pakikipag chat para matutukan ang nilalaman ng buong
mensahe o impormasyon.
_________ 17. Ito ay hindi dapat ginagamit sa pagsusulat ng mensahe sa chat para hindi lumabas na naninigaw ang
pakahulugan ito.
_________ 18. Ito ay pagbabasa ng mga post nang malakas bago ang pagpindot ng send button.
_________ 19. Ito ay mga negatibong emosyon na nakadirekta sa sinuman at iba pang mga taga-ambag na hindi
katanggap-tanggap at hindi hinahayaan gawing kalapastanganan.
_________ 20. Madalas itong ginagamit sa mga chat para parehong makita ang hitsura ng dalawa o higit pang nag-uusap
o nagpapalitan ng mga mahahalagang usapan.
_________ 21. Isa ito sa mga pinakatanyag at kilalang halimbawa ng Discussion Forum o Chat na ginagamit ng mga tao
sa pagpapadala ng mga mhahalagang detalye o impormasyon.
_________ 22. Ito ay isang paraan ng pakikihalubilo sa mga tao na nasa ibang lugar gamit ang kompyuter na konektado
sa internet at nakatutulong para mapabilis ang paghahanap ng mga kasagutan o impormasyon.
_________ 23. Madalas itong kinahuhumalingan ng mga kabataan lalo na sa paghahanap ng mga bagong kakilala at
pakikipag-usap sa mga kaibaigan.
_________ 26. Ito ay dapat sinusunod at isinasaalang-alang ng mga gumagamit ng Discussion Forum o Chat para matiyak
ang kaligtasan ng bawat isa.
_________ 25. Sila ang dapat sumusubaybay sa mga kabataan na nahuhumaling sa pakikipag chat.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag nito at Mali kung
hindi.

_____________26. Ang discussion forum ay nakatutulong para mapadali ang paghahanap ng mga mahahalagang
impormasyon sa maraming paksa.
_____________ 27. Ang pagsunod sa mga panuntunan sa paggamit ng discussion forum o chat ay isang responsibilidad
ng mga miyembro o nais mag-myembro.
_____________ 28. Maging mahinahon sa pakikipag chat at iwasan ang paggamit ng mga sensitibong impormasyon na
maaaring makasakit sa mga miyembro nito.
_____________ 29. Maaaring magpost ng kahit na anong mga dokumento kahit ito ay hindi mo ag-aari para
mapakinabangan ng iba.
_____________ 30. Ang FB Messenger, Viber at Skype ay ilan lamang sa mga kilalang ginagamit ng mga tao sa
pakikipag-chat.

III. Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng pangungusap. Buuin ang “Jumbled words” para sa iyong sagot. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

31. Ito ang pinakasikat na search engine ngayon sa mundo ng internet.


Maliban sa search engine, marami pa itong mga serbisyo na gaya ng mail,
drive at marami pang iba.
O E G L O G
32. Ito ang ikaapat na pinakasikat na search engine na mayroong 2% ng mga
paghahanap sa internet. Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay
kilala bilang Ask Jeeves.
S K A
33. Ito ang ikalawang pinakasikat na search engine, ang mga gumagamit ay nagsasagawa ng halos 15% ng lahat ng mga
paghahanap sa internet sa pamamagitan ng site na iyon.
O Y O H A
34. Tinatayang 1% ng mga paghahanap sa internet ang ginawa sa pamamagitan ng search engine na ito. Inilunsad sa
America Online ang search engine na ito noong 1999.
O L A
35. Ito ang search engine ng Microsoft na kumakatawan sa 10%. gumagamit
ng crawls o web spider o automatic na pag scan ng index internet kung anu
ang hinahanap natin.
G B N I
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot at isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel

36. Dito makikita ang mga guide sa pagsasaayos ng mga text tula ng pagpili ng font, pagpapalaki ng titik at iba pa.
A. Formula bar C. Formatting Toolbar
B. Menu Bar . D. Tak Pane
37. Ito ay hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahanay ng pahalang.
A. row C. column
B. cell D. Toolbar
38. Nasa gawing itaas ng spreadsheet na kinalalagyan ng impormasyon na maaring suriin at manipulahin.
A. Workbook C. Task Pane
B. Title Bar D. Formula Bar
39. Ginagamit ito para pag-isahin ang dalawa o higit pang mga cells.
A. Merge Cells C. Formul Bar
B. Task Pane D. Toolbar
40. Dito inilalagay ang imporasyong tekstuwal o numero.
A. row C. cell
B. column D. Name Box

IV. Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon.
Microsoft Word Diagram Fishbone Diagram

Flowchart Cycle diagram

41. Ang _______________ ay isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang dokumento para maging mas malinaw
at maliwanag ang relasyon sa pagitan ng binubuong dokumento.
42. Madalas na ginagamit ang _________________ para tukuyin ang mga sanhi ng mga pangyayari. Malaki ang
naitutulong nito sa pagsusuri ng iba’t-ibang problema.
43. Ang _________________ ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na bahagi ng Microsoft Word na madalas na
ginagamit ng mga tao sa buong mundo.
44. Ginagamit ang _________________ sa pagdidisenyo o pagsusuri sa pamamahala ng mga proseso sa iba’t-ibang
larangan. Ito ay isang uri ng diagram na gumagabay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain batay sa uri ng programa.
45. Ang _________________ ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga bagay-bagay sa isang paulit-ulit na proseso.

Panuto: Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
46. Sa pamamgitan ng Diagram nasisira ang plano o balangkas ng isang dokumento.
47. Ang paggamit ng Microsoft Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa ng isang dokumento.
48. Ang Fishbone Diagram ay nagpapakita ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.
49. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at maliwanag na mga datos sa isang
dokumento.
50. Makikita sa menu bar ang mga command na maaaring gamitin sa pagpapaganda at paglalagay ng mga disenyo sa
ginagawang dokumento.

You might also like