You are on page 1of 3

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

FILIPINO YUNIT
LUNGSOD TACLOBAN

FIL-114 SANAYSAY AT TALUMPATI

GAWAIN 1: Indibidwal
Aralin 1: Ang Sanaysay

Pangalan: Roselyn O. Gora Seksiyon: SF 21


Iskeydyul: TF 2:30 -4:00 Petsa: ika-13 ng Pebrero 2024

Gawain 1:

1. Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa mga sumusunod:


• Kahulugan ng Sanaysay (mula sa 5 dalubhasa)
• Bahagi ng Sanaysay
• Elemento ng Sanaysay
• Uri ng Sanaysay

KAHULUGAN NG SANAYSAY
1. Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla (1906- 1969), ay “nakasulat sa
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Nagmula ito sa salitang “sanay” at
“pagsasalaysay” na isang uri ng panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon, at iba pa ng manunulat higgil sa isang
makabuluhhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
2. Ayon kay Genoveva Edroza- Matute (1915- 2009), ang sanaysay ay
pagtataya sa isang paksa sa paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng
kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbigay- kaalaman o magturo.
3. Sa pagpapakahulugan naman ni Francis Bacon (1561-1626), ang sanaysay
ay isang kasangkapan na tumutulong sa mga manunulat upang maipahayag ang
kanilang maikling komentaryo sa buhay ng tao.
4. Ayon naman kay Michael de Montalgne (1533- 1592), isang
manunulat at pilosopo na tinugariang ama ng sanaysay sa Pransya, ang
sanaysay ay tinawag niyang essais (essays) sa wikang Pranses na
nangangahulugang pagtatangka, pagtuklas o pagsubok sa anyo ng
pagsulat.
5. ang sanaysay ayon kay Paquito Badayos (1967-2010), ay ang paglalahad ng
matalinong kuro at makatuwirang paghahanay ng mga kaisipan at naglalahad ng
personal na pananaw ng isang manunulat tungkol sa isang paksa.

BAHAGI NG SANAYSAY
1. Panimula
-pinakamahalagang bahagi ng sanaysay. Ito ang unang nakikita o
nababasa ng mga mambabasa. Ito rin ang pumupukaw sa atensiyon ng mga
mambabasa upang sa gayun ay ipagpapatuloy ang pagbabasa.

2. Katawan
- dito matatagpuan ang kabuoang nilalaman ng isang sulatin o sanaysay.
Dito nakapaloob ang mga kaisipan at mga ideya na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay.

3. Wakas
- dito nagsasara ang talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.
Matatagpuan dito ang pampinid o pangwakas na salita ng may akda at dito mababasa
ang konklusyon ng manunulat tungkol sa nasabing paksa.

ELEMENTO NG SANAYSAY

1. Tema at Nilalaman
- ito ay mga kaisipang nabuo sa isang sulatin o sanaysay. Ito ang iniikutan
ng nilalaman upang mabuo ang inaasahang kalalabasan ng isang mahusay na
halimbawa ng sanaysay.
2. Anyo at Istruktura
- isang mahalagang sangkap o element ng sanaysay dahil ito ay
nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
3. Kaisipan
- mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sat ema
4. wika at Istilo
- napaka epiktibo kung ang paraan ng pagsulat ng isang manunulat ay
payak at gumagamit ng simpleng pananalita lamang upang mas madaling maunwaan
ng mga mambabasa. Dito nakasalalay ang tagumpay ng isang sanaysay.

5. Larawan ng buhay
- nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na
paglalahad ng gumagamit ng sariling himig ang may akda
6. Damdamin
- naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin
nang may kaangkupan at kawastuhan sa paarang may kalawakan at kaganapan,
7. Himig
- naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damadamin, maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.
URI NG SANAYSAY

1. Pormal
- tumatalakay sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing
pananaliksik ng sumulat. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, o pangyayari. Uri ng sanaysay na walang halong biro.
Halimbawa; editoryal sa mga pahayagan.
2. Di-pormal
- tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal, at pang-araw-araw
na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyang diin nito ang
mga bagay-bagay at karansan ng may-akda sa isang paksa kung saan mababakas ang
kaniyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan
kaya naman ito ay madaling maintindihan. Tungkol sa damdamin at paniniwala ng may-
akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay

Mga Uri ng Di-Pormal na Sanaysay


a.Talambuhay– Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan kung
saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala,
pangyayari, o impormasyon.
b.Liham– Ang liham o sulat ay isang isinusulat na mensahe na naglalaman ng
kaalaman, balita o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
c.Talaarawan– Ito ay isang personal na record ng mga kaganapan, karanasan,
pag-iisip at mga obserbasyon.
d.Larawang-sanaysay– Ito ay tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay
photo essay na para sa iba ay mga tiniponglarawannaisinaayosnangmaywastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
e.Artikulong Pamperyodiko- Ang pahayagan diyaryo o peryodiko ay isang uri
ng paglilimbag na naglalaman ng balita impormasyon at patalastas kadalasang na
imprenta sa mababang halaga

Sanggunian:

Studocu. (n.d.). Sanaysay at Talumpati - FIL 322 SANAYSAY AT TALUMPATI UNANG

PANGKAT: Bayawa, Manuel IV Silvano, - Studocu.

https://www.studocu.com/ph/document/tanon-college/bsed-filipino/sanaysay-at-

talumpati/83127959

Soriano, L. (n.d.). Mga elemento ng Sanaysay.docx mae. Scribd.

https://www.scribd.com/document/465552425/Mga-Elemento-Ng-Sanaysay-docx-Mae

You might also like