You are on page 1of 1

Fuerza Sta.

Isabel ng bayan ng Taytay

Kilala ngayon ang lalawigan ng Palawan sa mga magagandang destinasyong pangturismo at


mayamang kagubatan at kalikasan, ngunit hindi lamang ito ang maipagmamalaki ng probinsiya
kundi ang mayaman nitong kasaysayan.
Kagaya na lamang ng Munisipyo ng Taytay, dating kahariang pinamunuan ng mga angkang
maharlika at ang unang ginawang kapital ng lalawigan sa panahon ng pananakop ng Espanya sa
bansa. Sa bayang ito itinatag ang Fuerza de Sta. Isabel na may malaking naiambag sa katatagan at
tagumpay ng mga Pilipino.
Batay sa mga impormasyong nakapaskil sa Fuerza Sta. Isabel Museo sa Bayan ng Taytay, sa
kasaysayan, unang nabanggit ang salitang “Taytay” sa panulat ng Italian chronicler na si Antonio
Pigafetta nang dumaong sila sa porto de Taitai o pantalan ng Taytay na noon ay pinamumunuan ng
chieftain na si Datu Maamud na pamangkin ng Sultan ng Brunei, hari ng Sulu at Raja ng Selurong
(Maynila).
Tinawag din ni Pigafetta na “La Tierra de Promisos” o “Land of Promise” ang Taytay na dahil
sa mayamang agrikultura ng lugar ay naligtas sila mula sa gutom. Halaw naman ang pangalan ng
Taytay sa “Talaytayan” o tulay na kahoy o kawayan na ginagamit ng mga indigenous people na daan
patungo sa kabilang ibayo.
Noong 1667 naman nang ginawa ang ngayo’y makasaysayang Fuerza de Sta. Isabel o ang Fort
Sta. Isabel na nagsilbing himpilang pangmilitar ng mga otoridad. Di maitatangging naging depensa
ng mga Taytayanos ang Taytay Fort.
Sa paglipas pa ng panahon, naging saksi rin ang Kuta sa mithiin ng mga Pilipino na makamit
ang kasarinlan mula sa pagmamalabis ng mga mananakop na Kastila. Sa pag-usbong ng damdaming
makabayan, at pag-aalsa laban sa manlulupig, kabilang din ang mga Taytayanos sa nagpakita ng
tapang upang maging malaya ang mga Pilipino.

You might also like