You are on page 1of 2

TRANSLATION

"Kwento laban sa Karahasan"

Title: "Shadows of Silence"

(NARRATION)

Karahasan at pang aabuso dalawang magkaibang salita, ngunit parehas ang dulot sa lahat "SAKIT" wala
itong pinipiling edad mula bata hanggang matanda ay hindi ligtas sa mga salitang ito. Violence and
abuse are two different words, but they cause the same to everyone, "PAIN", the age doesn’t matter -
from young individuals to old ones, they are not safe from these words.

Mahina, madaling saktan ganun niyo kami tingnan, kapag mainit ang ulo kami'y pinagdidiskitahan,
suntok, sabunot, tadyak, sampal kailan niyo ba talaga kami titigilan. Weak, sensitive, you look at us like
that. When hot-headed, we suffer from the punches, kicks, slaps, when are you going to stop?

Isa lamang sunod sunuran sa inyong kahilingan, pero kahit kailan kami ay hindi napagbigyan. We are
like a slave from your desires, but we were never granted from our pleas.

Parausan na para sa kakalakihan isa lang kaming laruan, na kapag natapos pagsawaan bigla nalang
pababayaan. We were treated like a toy who gets played that when you get tired of playing and teasing,
you suddenly abandon us.

Walang alam, walang kakayahan na para sa lipunan wala kaming pakinabang, isa lamang pabigat sa
mata ng karamihan, walang kapangyarihan, at walang karapatan. Silly, stupid, no knowledge and skills
that for the society, we are useless. We are like a dust in the eyes of the majority, no power and no
rights.

(NARRATION)

Karamihan ngang mga kakabaihan ang nakakaranas ng karahasan ngunit hindi natin maitatanggi maging
mga kalalakihan ay apektado rin dito at isang nakakalungkot na katotohanan "hindi ito gaanong
napagtutuunan ng pansin. It is a fact that most women experience violence, however, we can’t deny
that men are also affected by violence and abuse and it is a sad truth that it doesn’t get much attention.

Binabalewala na parang wala silang karapatang masaktan na tila ba para sa iba ang dali nila nating
husgahan, kapag may nangyaring masama ay agad na pinag iinitan ngunit para malaman natin lahat
minsan sila rin ay biktima na tila ba sa atin ito lamang ay malaking kasinungalingan. They are ignored as
if they don’t have the right to be hurt, and for other people, they can be easily judged. When something
bad happens, we immediately point that they are the ones at fault, but the truth is, sometimes they are
also victims, which we picture out to be a big lie.
Narration: (background reflection or flashback ng lahat ng Karahasan) Ending Part

Sa hindi mabilang na Karahasan pang aabusong nararanasan ng mga kalalakihan at kababaihan sa araw
araw bilang mga ordinaryong miyembro ng lipunan lahat tayo ay may magagawa upang mapuksa ito.
With the countless violence and abuse that men and women experience every day as ordinary members
of society, we can all do something to eradicate it.

Bilang isang babae o wala man sa kasarian, bilang tao ay matuto tayong magsalita at tumayo para sa
ating sarili. Alamin natin kung kailan tayo naabuso ng iba. Magkaroon nawa ang lahat ng disiplina sa
sarili at respeto sa iba. Tratuhin natin sila gaya ng gusto mong maging trato nila sayo. As a woman or
genderless, as human beings we must learn to speak up and stand up for ourselves. Let us know when
we have been abused by others. May all have self-discipline and respect for others. Let's treat them the
way you want them to treat you.

Sa mga nakakakita, huwag tayong magbulagbulagan, wag paraanin lamang sa ating mga mata ang
ganitong pangyayari, sa halip ay magsilbing boses tayo sa mga taong nakatikom ang bibig sa mga sakit
na nararanasan nila bigyan natin sila ng kamay na makakapitan at pag asa na kaya nilang makawala sa
buhay na kanilang kinalalagyan. To those who can see, let's not turn a blind eye, let's not just let this pass
with our eyes, instead let’s be the voice of the people who keep their mouths shut about the pain they're
experiencing, let's give them a hand to hold onto and hope that they can get out of the life they are in.

At sa mga mapang abuso nawa kayo ay mag asal tao, mag isip tao dahil ang mga sugat na nagagawa mo
sa kanilang mga katawan ay maaring gumaling ngunit ang sakit na iyong iiwan sa kanilang puso't isipan
ay kanilang dadalhin ng matagal na panahon. And to the abusers, may you act humanly, think humanly,
because the wounds you inflict on their bodies may heal, but the pain you leave in their hearts and
minds, they will carry for a long time.

Kung ikaw ang biktima magsalita ka, lumaban ka, alamin mo ang iyong halaga. Huwag kang matakot na
magsabi ng paghihirap na nararanasan mo dahil sa iyong pagtahimik ay ang paglakas ng mga taong
mapang abuso. If you are the victim speak up, fight back, know your worth. Don't be afraid to speak up
about the pain you're going through because your silence is empowering abusive people.

Lumaban ka, huwag kang magpaapi, ihinto na natin ang karahasang ito, dahil wala ng makakapigil at
makakahinto nito kundi ikaw, ikaw ang unang hakbang. Fight, don't be oppressed, let's stop this
violence, because no one can stop and stop it but you, you are the first step.

Bigyan mo ng halaga ang iyong sarili, ikaw ay isang tao, huwang mong hayaan na ituring ka na parang
hayop, bigyan mo ng pagmamahal ang iyong sarili at huwag kang maghintay na ibigay ito sa iyo, ikaw ay
mahalaga at ikaw ay may halaga. Value yourself, you are human, don't let yourself be treated like an
animal, give yourself love and don't wait for it to be given to you, you are important and you have value.

"Tayo'y lumaban para sa atin at para sa iba" dahil "Sa hindi pag imik sila'y patuloy na mananakit." At
tandaan natin "BABAE TAYO HINDI BABAE LANG" "Let's fight for ourselves and for others" because "If we
keep silent they will continue to hurt us" And let's remember "WE ARE WOMEN NOT ‘JUST’ WOMEN"

You might also like