You are on page 1of 96

WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023

HEAD WRITER: Erwin Caezar Bravo


EPISODE WRITER: Lawrence Nicodemus
WRITERS: John Bedia | Dickson Comia
Adam Cornelius Asin | Renz Nicodemus
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
PROGRAM MANAGERS: John Mychal Feraren | Gemma Gonzaga
EXECUTIVE PRODUCERS: Tanna Mae Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
SENIOR ASSISTANT VICE PRESIDENT: Neil Gumban
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon

DAY ONE
WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023
7.1.1. EXT. BAGUIO. ROAD. DAY

Tuloy ang putukan. Mababaril ang ibang goons, pati ibang mga
pulis pero mahihinto ang barilan
HEAD WRITER: Erwinwhen Vanessa,
Caezar Bravo Mayor Alfonso and
Sasha are pulled
EPISODE out of
WRITERS: the bus---nakatutok
Dickson Comia | Lawrencesa kanila ang mga
Nicodemus
barilAdam
ninaCornelius
Bebot, Utak and the other remaining goons.
Asin | John Bedia | Erwin Caezar Bravo
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
BEBOT (shoots at Mayor)
Sige!
PROGRAM Magpaputok
MANAGERS: JohnpaMychal
kayo! Feraren | Gem Gonzaga
At sasabog
EXECUTIVE utakTanna
PRODUCERS: ng mgaMaeito!!
Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
NOTE: For research ito even ‘yung mga magiging adlib nina Ricarte
and the other policemen.
SENIOR ASSISTANTLet’s
VICE make the scene
PRESIDENT: Neilsuper intense but
Gumban
believable (movements ng police, pati snipers/SWAT).
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon
Pupunta sana sina Bebot sa mga ginamit na sasakyan nina Utak
earlier (the ones they used to attack the convoy), pero kikilos
na ang mga SWAT. They point their guns kina Utak, pero
mahihirapan sila dahil tila human shield ngayon ang mga hostages.

MAYOR ALFONSO
Pakawalan n’yo na sila…
Ako na lang ang kunin n’yo!
UTAK
Sabi nang manahimik eh!!!

Gigil si Mayor nang itutok sa mukha niya ang baril!


Tensyonado naman sina Ricarte at Alcantara.

CHIEF ALCANTARA
Alanganin ang mga sniper, Chief.
Baka tamaan sina Mayor.

For research: baka may better way to say na at a disadvantegous


point ang snpers right now dahil sa position ng mga hostage
takers at mga bihag nila.

Maluha-luha sina Vanessa sa takot.


Si Elias naman, ihahanda ang baril niya mula sa gilid ng bus.
We see the reactions of every character.
Pati sina Kapitana sa loob ng bus na takot na nagtatago,
nakayuko, naiiyak.

Tensyonado ang sitwasyon.


Delikado sina Mayor, Sasha, at Vanessa.

Nasa kalsada pa ang duguang katawan ni Vice Mayor.

7.1.2. EXT. CEBU. MANSION. SAME DAY

Continuation ng barilan nina Edgardo at Rebecca Chen.


Edgardo uses his big guns at ratratin niya sina Rebecca!
Pasasabugin niya pati sasakyan nito.

For choreo ito---matatalo sina Rebecca Chen.

REBECCA CHEN
Lintik na Edgardo ‘yan!!!
Tara na! Umalis na tayo dito!

Darating ang ibang mga sasakyan pa nina Rebecca.

A. Inside the vehicle, gigil si Rebecca.

REBECCA CHEN (VO)


May araw ka rin sa akin, Edgardo Magallanes.
Hindi pa tayo tapos!

7.1.3. EXT. BAGUIO. BUS. SAME DAY


Wala pa ring kumikilos.
Tagilid sina Ricarte.
Intense moment ito.

TUKLAW
Hindi sila papalag.
Alam nilang isang maling kilos lang nila,
patay mga ‘to.

BEBOT
Tumakas na tayo.
At dalhin na natin ‘tong mga ‘to!

Makikita natin na saradong-sarado sina Bebot, base sa


pagkakaposisyon nila… mahirap magpaputok from Ricarte’s end dahil
siguradong matutuluyan sina Mayor. Maiiyak na lang sina Vanessa.

7.1.4. EXT. PALANGGA. SAME DAY

Makikita naman natin ang reaksyon ng mga taga-Palangga.


Tulala sila sa napapanood sa TV.

ALMA
Diyos ko…
Tulungan n’yo po sina Bane… at ang anak ko…

Maiiyak si Alma, pati si Bunjoy.


Si Hernan, halos di makahinga sa pag-aalala.

HERNAN
Ang anak ko…

Tinginan ang mga Biyahero drivers.


Kahit walang linya… kita natin ang takot sa mga mata nila.
We see intense closeup shots ng mga Biyahero drivers.

7.1.5. EXT. AIRPORT. CAR. SAME DAY

INSERT PLANE GRAPHICS

Lalabas si Senator William galing sa byahe mula Cebu.


Dito na siya sasalubungin ng isang tauhan niya.

STAFF
Sen, pasensiya na po.
Alam ko hong kabababa lang
ng eroplano ninyo galing Cebu.
Pero may malaking problema ho tayo!

SENATOR WILLIAM
Anong problema?

STAFF
Si Madam Sasha po…
Hinostage sa Baguio!

SENATOR WILLIAM
Ano kamo?!!
Anong sinabi mo?!!!

Windang si William!
Matatakot ang staff sa reaksyon ni Senator!

7.1.6. EXT. BAGUIO. BUS. SAME DAY

Tuloy ang tension----


We see Elias calculating his next move.

Dito na kikilos si Elias. May stunt siya dito mala-FPJ or John


Wick like dumulas pailalim or tumalsik something sa bus, so he
can get the right position to shoot! Tatamaan pati sina Bebot at
Utak! Elias fires at them while carefully not shooting Vanessa
and the others!

CHIEF RICARTE
Sinong nagpaputok?!

ONAT
Chief, hindi sa mga tao natin galing!

Dito na mare-realize ni Ricarte ang nangyayari.

CHIEF RICARTE
Elias…

Magtataka siya, but Ricarte is quick to move---


For research: Ricarte says something about may opening na, pwede
na sila kumilos!

Makikipagbuno si Elias sa mga goons para mapakawalan sina


Vanessa! Susugurin ng iba pang mga goons si Elias!

For choreo ito… sa tulong nina Ricarte and the other police, pati
na si Chief Alcantara. Finally, mahuhuli na sina Utak at Bebot!
A. Agad aalalayan nina Ricarte si Mayor. Nagwawala at galit na
naiiyak si Sasha.

SASHA
Tulungan n’yo kami!
Diyos ko!
Ialis n’yo na kami rito!!!
Ano pa hinihintay n’yo?!

B. Papasok naman ang ibang pulis---sina Onat at Phillip sa loob


ng bus. Maabutan nilang takot ang mga pasahero, traumatized. At
duguan naman sa sahig si Irene.

C. Shaken si Sasha. Si Mayor Alfonso naman, ibang pasahero pa rin


iniisip.

CHIEF RICARTE
Medic!!

MAYOR ALFONSO
‘Yung mga pasahero sa loob ng bus…
Unahin n’yo na sila…
Kaya ko pa sarili ko.

Tatakbo naman si Elias papunta kay Vanessa.

ELIAS
Ayos ka lang?

VANESSA
S-Salamat, Pards…
Sa pagliligtas sa aming lahat…

Maluha-luha si Vanessa.
Yayakapin niya si Elias.
Pero mawawalan ng malay si Vanessa.
Masyado ng maraming dugong nawala sa kanya.

ELIAS
Bane!

7.1.7. EXT. MANILA. EDGARDO’S MANSION. SAME DAY

Tulala pa rin si Romana sa tabi ni Sabel.

ROMANA
Ni hindi man lang ako makapagluksa.
Hindi ko alam anong ginawa nila sa bangkay ni Paloma.
At kung nasaan na ang bangkay ng kapatid ko.

SABEL
Romana, hayaan mo.
Hahanap tayo ng paraan para makalabas dito.

Romana looks at Sabel.

ROMANA
Bakit ka ba nila kinulong dito?
Hindi ba paborito kang tauhan ni Señor?

A. INT. EDGARDO’S MANSION. NIGHT (FLASHBACK)

Quick flashback lang ito---


We Sabel in giant feathers and sexy lingerie.
Sumasayaw siya, mapang-akit.
Walang lalaking makaalis ng tingin sa kanya.
Sa likod ni Edgardo, makikita natin ang mga tauhan niya including
Romana. Nandito rin si Calvin.

Makikita natin si Edgardo, immensely entertained.


Bubuka ang mga feathers na hawak niya, saka siya gigiling sa mga
hita ni Edgardo.

EDGARDO
Magaling ka sumayaw.
Magaling ka rin kayang humawak ng baril?

Sabel takes Edgardo’s gun.


Edgardo allows her to hold it.
She fires sa mga décor sa likod.
Asintado si Sabel, not a single target missed.

After firing she smiles at Edgardo.


He kisses her, laplapan ito.

Edgardo looks at Hugo.

EDGARDO
Hindi ko alam na may ganito pala
tayong klase ng tauhan.
Mula ngayon, sa akin na siya mismo maglilingkod.
HUGO
Opo, Señor.

CUT BACK TO PRESENT:

We see na iiling si Sabel.

SABEL
Eh gano’n talaga buhay,
‘di mo masabi.
Pinagbintangan ako nina Calvin
na nagnakaw ng pera kay Señor.
Kahit inosente ako.
Kaya naka-sentensya akong patayin
pagbalik ni Señor galing Cebu.
(beat) Malamang,
sabay nila tayo ididispatsa.

Gigil si Romana.
Iiling siya.

ROMANA
Hindi pwede.
Hindi ako papayag na mamatay dito.

7.1.8. INT. BAGUIO. OSPITAL. THAT NIGHT

Nasa ospital na sina Elias.


Nasa may pintuan siya sa labas ng ward.
Tanaw niya sina Vanessa na nagpapahinga/nagpapaggaling.
Binabantayan ito nina Cherry Pie at Apol Pie

Kausap ni Elias ang nanay niyang si Alma sa telepono.


Nasa ibang mga kama naman sina Kapitana, nagpapahinga rin.

ELIAS
‘Nay, ‘wag na ho kayong mag-alala.
May mga itatanong lang sa amin ang mga pulis.
Pagkatapos pauuwiin na rin nila kami.

INTERCUTTING WITH:

7.1.9. EXT. MANILA. PALANGGA. SAME NIGHT

Kasama ni Alma ang mga Biyahero drivers.


Pati si Neneng B., Benjie at Bunjoy, at si Annabel.
Naka-loud speaker si Elias.
ALMA
Diyos ko, anak.
Ano ba itong inabot ninyo…
Si Bane? Maayos na ba lagay?

ELIAS
Nagpapahinga na, ‘Nay.
Sinalinan na po siya ng dugo kanina.
Binabantayan lang ho namin siya ngayon…
Pero ligtas na po siya.

Alma looks at Hernan----

ALMA
Hay… Salamat.
Salamat talaga sa Diyos.
Hernan, maayos na raw si Bane…

Matutuwa si Hernan.
Alma hands him the phone.

HERNAN
Elias, maraming salamat
sa pagliligtas mo sa anak ko.
Nakapalaki na ng utang na loob ko sa ‘yo…
kasi lagi kang nandiyan para kay Bane.

ELIAS
Wala ho ‘yun, Mang Hernan…
Buti pa ho,
magpahinga na ho kayo ni nanay at gabi na…

Bunjoy takes the phone.

BUNJOY
Kuya Elias… kahit wala na po pasalubong.
Basta umuwi ka na po…
Kayo po nina Ate Bane.

Elias smiles.

ELIAS
Oo. Bukas ng umaga…
Andyan na kami, Bunjoy.

Mag-aagawan naman ang biyahero drivers para makausap si Elias.


MIGUELITO
Diyos ko, Pare!
Pinag-alala mo kami lahat!

OKA
Hindi kami talaga bumiyahe.
Tutok na tutok kami sa TV kanina!

7.1.10. INT. BAGUIO. OSPITAL. SAME NIGHT

Nasa isang room ng hospital si Irene.


May mga bantay na pulis sa labas.
Hawak ni Irene ang anak niya habang kausap si Chief Ricarte.

CHIEF RICARTE
Daplis lang inabot ng mga natira sa mga kasama mo.
Kaya diretso kulungan na sila.

Maluluha si Irene.

CHIEF RICARTE
Oras na may clearance ka na sa doktor,
Ipahahatid na rin kita papunta sa kulungan.

IRENE (maiiyak)
Opo. (beat)
Naiintindihan ko naman po, Chief.
At nagpapasalamat po ako
na hinayaan n’yo akong makasama ang anak ko.
At maalagaan po siya ng wala akong suot na posas.

Chief Ricarte feels sorry for Irene.


Unknown to them, narinig sila ni Elias.

A. Paglabas ni Ricarte sa kwarto ni Irene---


Lalapitan siya ni Elias.

ELIAS
Chief Ricarte…
Malaki po ang naitulong ni Irene kanina
kaya po nakalaban ako sa loob ng bus.
Kung ‘di po dahil sa kanya,
baka kung ano na nangyari sa amin.
(beat) Kailangan ho ba talaga siyang makulong?
CHIEF RICARTE
Naiintindihan kita, Elias.
Nagpapasalamat din ang kapulisan
sa kabayanihan na ipinakita mo kanina.
Pero sa mata ng batas,
nagkasala pa rin itong si Irene.
At kailangan niyang panagutan ang ginawa niya.

Malulungkot si Elias.
Unknown to him, nakikinig from afar sina Lorna, Benok, Tuklaw at
Kapitana Babes. Gigil na gigil si Kapitana.

7.1.11. INT. MANILA. JAIL. SAME NIGHT

Nasa loob ng selda si Bebot.


Nakahiga siya. Naiiyak niyang minamasdan ang larawan ng namatay
na asawang si Pato.

BEBOT
‘Wag kang mag-alala, Pato.
Gagantihan ko ‘yang si Irene.
Kasalanan niya bakit pumalpak tayo.
Papatayin ko siya at ang anak niya!

Unknown to her… nagtitinginan na mga kasama nya.


May plano.

KAKOSA 1
Gawin na ba natin?

KAKOSA 2
Ang utos sa atin,
hindi na dapat ‘yan abutan ng sikat ng araw.

Maya-maya, susunggaban nila si Bebot!

BEBOT
Bitawan n’yo ko!!!

Pero tatakpan na siya ng unan or plastik sa ulo ng isa sa mga


kakosa niya. Unti-unting mamamatay si Bebot!

A. Sa selda niya, masama ang tingin ng mga kakosa ni Utak sa


kanya. Tila may plano rin mga ito. Pero maangas si Utak.

UTAK
Bakit ang sama tingin n’yo ha?
May problema ba kayo?!

KAKOSA 3
Meron…
Ikaw!

Magsusuntukan sa selda!
Hanggang sa may maglabas na ng screw driver or something…
uundayan ng sunod-sunod na saksak si Utak hanggang sa mamatay ito
at sumuka ng dugo!

7.1.12. EXT. MANILA. WILLIAM’S MANSION. SAME NIGHT

Kausap ni William si Sasha na nasa ospital pa noon.

INTERCUTTING WITH:

7.1.13. INT. BAGUIO. HOSPITAL. SAME NIGHT

Nasa higaan naman si Sasha.


Nagpapahinga.

SASHA
Ang nakakalungkot lang, si Vice ang natuluyan.
Hindi pa ‘yung asawa ko.
Eh di tapos na sana problema natin…

WILLIAM
Sigurado ka bang ayaw mong puntahan kita diyan?
Kahit tao ko… magpapadala ako.

SASHA
‘Wag na. Baka may makakita pa sa ‘yo.
Mahirap na.
At saka okay na ako.

William sighs.

WILLIAM
Hayaan mo, bumawi naman ako sa ‘yo.
‘Yung dalawang natira sa mga hostage takers…
Pinadispatsa ko na sa selda nila.

Mapapangiti si Sasha.

SASHA
Mga hayop na ‘yon…
Eh di nakita nila ngayon na mali sila ng binangga.
(beat)Kaso, meron pang isa dito…
‘Yung kasabwat nilang babae.
Nagpapagaling pa dito kasi may tama.
Paano ‘to?

William smiles.

WILLIAM
Oras na makarating sa selda ‘yan---
Hindi na rin ‘yan sisikatan ng araw.
Ipaliligpit ko rin ‘yan sa kulungan.

Matutuwa si Sasha sa narinig.

7.1.14. INT. BAGUIO. HOSPITAL. NEXT DAY

IRENE
Patawarin mo si nanay, anak.
Kasalanan ko itong lahat eh…

Maiiyak si Irene sa pagsisisi sa mga nagawa.

IRENE
Sana hindi na lang ako sumama
sa mga kriminal na ‘yun…
Ayokong lumaki ka na malayo sa akin.
Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, anak…
Hindi ko gagawin ‘yung ginawa ko…

As Irene cries, isang figure ang lalapit sa kanya.


Magugulat siya nang makita si Mayor Alfonso.

IRENE
M-Mayor?

Matatakot si Irene.

7.1.15. EXT. CHURCH. SAME DAY

Nagdadasal si Alma sa simbahan.


Early morning ito.
NOTE: May rosary bracelet si Alma dito.

ALMA (VO)
Panginoon, maraming salamat po
sa laging pag-aadya
ninyo sa anak ko sa panganib.
Napakahirap ng misyong pinili niya…
Para bigyan ng hustisya ang pamilya namin…
At ipagtanggol ang mga taong hindi kayang lumaban.
Kaya ang pakiusap ko po sa inyo…

Maluluha si Alma.

ALMA
Huwag ho kayong aalis sa tabi niya, Panginoon.
Lagi n’yo hong protektahan ang anak ko…

Makikita natin ang dalawang lalaking nakamasid kay Alma sa may


gilid ng simbahan. Sina Timothy at Pablo!

7.1.16. INT. HOSPITAL. SAME DAY

Continuation. Kakabahan si Irene, seeing Mayor Alfonso.


Maluluha siya.

IRENE
M-Mayor Alfonso?
Andito ho ba kayo para ipaaresto na po ako?
Baka ho pwedeng makahingi pa ng konting panahon po…
Kasama po ang baby ko…

Dito na rin lalabas si Elias, kasama pala siya ni Mayor Alfonso.

IRENE
Elias?

MAYOR ALFONSO
Sinabi na sa akin ni Elias lahat.
Sa kabila ng nagawa mong mali,
bumaligtad ka sa mga kasama mo…
Para gawin ang tama.

Mag-aabot ng envelope si Mayor Alfonso kay Irene.


Maraming pera sa loob.

IRENE
Ano po ito?

MAYOR ALFONSO
Dalawang milyon.
Galing ‘yan mismo sa akin.
Para sa gamutan ng anak mo.
Para maipaopera mo ang butas sa puso niya.
At para makapagsimula kayo ng bagong buhay.

Mayor Alfonso turns to Elias.

MAYOR ALFONSO
Bukod kay Chief Ricarte…
may kausap na rin akong abogado, Irene.
Magiging parte ka ng
witness protection program (for research).

ELIAS
Nangako si Mayor na gagawin niya lahat
para hindi ka na makulong.

Maluluha si Irene.

IRENE
Ibig sabihin po…
Hindi na po ako mahihiwalay sa baby ko?

ELIAS
Hindi na.
Hindi ka na makukulong, Irene.

Mangininig si Irene as she cries.


Her hands shake as she takes the money and looks at it.
Isang milyon… hindi makapaniwala si Irene.

Total breakdown ito. Parang batang maiiyak si Irene.


Hindi makasalita kahit ano.

Hahawak sya kay Mayor.


Mapapaluhod siya sa harap nina Elias at Mayor.

IRENE
Maraming maraming salamat ho…
(bubuhos ang mga luha)
Maraming-maraming salamat ho.
Hindi n’yo ho alam kung ano ho ang magagawa nito para
sa amin ng anak ko… sa isang mahirap pong katulad ko.
Hulog ho kayo ng langit…
Akala ko ho wala na kaming pag-asa ng anak ko…

Tutulo ang uhog at sipon ni Irene.


Buhos buhos and luha niya rito.
Itatayo siya ni Mayor at Elias.
IRENE
May mga mabubuti pa rin po palang mga tao.
Patawarin n’yo po ako sa nagawa ko…

7.1.17. EXT. MANILA. CHURCH. SAME DAY

Lalabas na ng simbahan si Alma. Sasalubungin siya nina Timothy at


Pablo.

TIMOTHY
Magandang gabi ho, ‘Nay.
Saan ho dito ang Palangga?

Titignan ni Alma ang dalawa.

PABLO
Naliligaw po kasi kami,
papunta ho kami ng Palangga.
Alam nyo ba kung paano papunta don?

ALMA
Ah oo, taga roon ako eh.

TIMOTHY
Talaga ho?
May kaibigan kasi kaming dadayuhin do’n.
Maysakit ho kasi eh.

Maglulungkut-lungkutan ang dalawa.


Madadala naman si Alma.

ALMA
Ah ganun ba?
Sinong kaibigan pala?
Kilala ko lahat ng tao doon.

Magkakatinginan sina Timothy at Pablo.


Darating ang isang sasakyan sa harap nila mismo.

7.1.18. EXT. CEBU. MANSION. SAME DAY

Naninigarilyo si Edgardo.
Lalapitan siya ni Hugo.

HUGO
Ang ipinagtataka ko lang, Señor,
Paano nalaman ni Rebecca Chen
na nandito tayo sa Cebu?
Matataas lang na tao sa sindikato
ang nakakaalam na nandito tayo!

EDGARDO
Isa lang ibig sabihin niyan, Hugo.
(beat) May traydor sa grupo natin.
Merong gustong magpabagsak sa grupong ito.
At malamang sa malamang…
Malapit siya sa atin.

Gigil si Edgardo.

EDGARDO
Kailangan malaman natin
kung sino ang ahas na ‘yan.

7.1.19. EXT. MANILA. CHURCH. SAME DAY

Pero hindi magpapahalata si Timothy.


May mga tao pa kasi sa loob nila.

TIMOTHY
Ah, ‘Nay…
Nagmamadali ho kasi kami eh.
Sabay na ho kayo sa amin,
Doon na ho namin ikukwento sa inyo.
Ito ho ‘yung mga kabarkada namin.

Pablo looks around them---may mga tao pang lumalabas sa simbahan.


Mga pahuli na, isa… dalawa.
In a matter of seconds, maiiwan na sila doon with Alma.

She realizes kung gaano karami ang nasa loob.


Lalong kukutuban siya.

ALMA
Ganito na lang…
Ituturo ko na lang sa inyo mga, ‘nak.
Basta kumanan kayo dun,
tapos sa panglimang kanto kakaliwa kayo.
Dire-direcho lang.

TIMOTHY
Samahan nyo na kami, ‘nay.
Sumakay ka na.
ALMA
Marami pa akong gagawin kasi eh.
Mamamalengke pa ako.
Pasensiya na kayo.

Dito na aalis si Alma.


Maiinis na si Uno na naninigarilyo noon.
Bababa siya at hahatakin niya si Alma!
Parang demonyo ang mukha ni Uno!

UNO
Sumakay ka sabi eh!!!

Matatakot si Alma!

ALMA
Bitawan mo ako!!!

Pilit kakawala si Alma.


Pero hahawakan din siya nina Timothy!
She struggles, at uundayan siya ng suntok sa tiyan ni Uno!
Mamimilipit sa sakit si Alma.
Mahahatak si Alma sa loob ng sasakyan.

Maglalaho ang mga sigaw niya, oras na sumara ang pinto!


Haharurot paalis ang sasakyan!

END OF DAY ONE


WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023
HEAD WRITER: Erwin Caezar Bravo
EPISODE WRITER: Aeious Asin
WRITERS: John Bedia | Dickson Comia
Adam Cornelius Asin | Lawrence Nicodemus
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
PROGRAM MANAGERS: John Mychal Feraren | Gemma Gonzaga
EXECUTIVE PRODUCERS: Tanna Mae Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
SENIOR ASSISTANT VICE PRESIDENT: Neil Gumban
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon

DAY TWO

7.2.1. EXT. BAGUIO. BUS. DAY

Makikita natin na nasa terminal na ng bus sina Elias.


May mga pulis (for research) para sa seguridad nila.

Elias is trying to call Alma pero hindi ito sumasagot.


Dito na lalapit sina Kapitana, Lorna.

KAPITANA BABES
Alam mo, Elias…
Bilib na sana ako sa ‘yo kahapon eh.
Iba mga galawan mo.
Hindi na lang pang-kalye…
Parang uma-action star na!

Hindi sasagot si Elias.


Lalapit naman sina Vanessa.

LORNA
Ang kaso, narinig namin
na kinakausap mo si Chief Ricarte…
Kinakampihan mo pa pala ‘yung Irene na ‘yun?

KAPITANA BABES
Talagang gan’yan ba kayong pamilya?
Gustong-gusto n’yong tumutulong
sa mga kriminal?!
Pinahamak na tayo nu’ng tao!
Tutulungan mo pa talaga?!
‘Di n’yo na naisip inabot namin na trauma!

May irap si Kapitana kay Vanessa.

CHERRY PIE
Pwede ho ba, Kapitana Babes?
Kahit ngayon lang ho…
Tigilan n’yo ho ang pagiging barubal
n’yang bibig n’yo.

KAPITANA BABES
Bakit?!
Mali ba sinabi ko?!

APOL PIE
Bakit ho ba pinag-iinitan n’yo na naman si Elias?!
Baka nakakalimutan n’yo ho---
kung ‘di dahil sa kanya
malamang pinaglalamayan na tayo ngayon!

Papagitna naman si Vanessa.

VANESSA
Tama na ‘yan.
Hayaan n’yo na sila.
‘Wag na tayong pumatol.

Dito na lalapit sina Benok at Tuklaw.

TUKLAW
Kapitana, tara na.
Pwede na raw pumasok sa bus.

Sisimple naman ng pasalamat si Benok kay Elias nang nakatalikod


na sina Kapitana.

BENOK
(beat) Elias, pare…
Hindi man tayo magkasundo madalas---
Pero salamat kahapon.
Aminin man ni Kapitana o hindi…
Malaki utang na loob naming sa ‘yo.
ELIAS
Wala ‘yun, brader.

Lalayo na sina Kapitana sa kanila.


Dito na mapapansin ni Vanessa na balisa si Elias.
He tries calling his mother again.

VANESSA
May problema ba, Pards?
Kanina ka pa kasi balisa diyan…

ELIAS
Si nanay kasi---
Biglang hindi na sumasagot sa mga tawag ko.

7.2.2. INT. MANILA. EDGARDO’S MANSION. SAME DAY.

Nagigising si Alma sa isang magarbong kwarto.

ALMA
A-Asan ako?

Tatakbo siya sa may pinto.


Naka-lock.
Dadalbugin niya.

ALMA
Tulong! Tulong! Pakawalan niyo 'ko rito!

Then sa may bintana.


Malawak ang paligid, may makikita lang siyang mga armadong lalaki
na nakakalat.

Kakabahan si Alma, mapapaurong siya.

ALMA (to herself)


Diyos ko…
Anong lugar ito?

Then sa pag-urong ni Alma, hindi niya mapapansin na nakatayo na


sa likod niya si Calvin. Mabubunggo siya sa dibdib nito.
Magkakasa ng baril si Calvin.
Gulat si Alma na haharapin si Calvin.

ALMA
S-Sino ka?
CALVIN
Ako si Calvin.
Calvin Magallanes.
Ako ‘yung taong gustong patayin ni Black Rider.

Matitigilan si Alma.
Moment. Matatakot si Alma.
Manginginig.

Ilang segundo ang dadaan.


Magmamaaang-maangan si Alma.

ALMA
Eh… Eh ano naman ang kinalaman ko sa inyo…
Bakit ako nadamay dito?

CALVIN
Maang-maangan ka pang matanda ka.
Kilala ko na kung sino si Black Rider
--siya ang anak mong si Elias!!

Alma sees evil in Calvin's eyes.


Babalutin siya ng takot.

7.2.3. EXT. PALANGGA. SAME DAY

Naglalakad na papasok ng Palangga sina Elias.


Pero maririnig nila ang tawag nina Neneng B na kakauwi lang noon.
Kasama ni Neneng B si Benjie.

NENENG B
Kuya Elias!
Ate Bane!!!

Yayakap si Neneng B sa kanila.

ELIAS
Si Bunjoy nasaan?
Saka si Nanay akala ko kasama n’yo?

Magkakatinginan sina Benjie at Neneng B.


Kabado sila.

BENJIE
Kuya Elias, si Bunjoy…
Iniwan muna namin kay Tatay Hernan.
Kasi nagpunta kami ni Neneng sa simbahan.
Sabi kasi ni Aling Alma kaninang umaga,
sasaglit daw po siyang magsimba.

NENENG B
Pero hindi pa po siya umuuwi mula kanina.
Kaya nagpaikot-ikot na po kami sa Quiapo.
Pero hindi po namin siya mahanap.
Saka hindi rin po siya sumasagot sa mga tawag namin!

Matatakot si Vanessa.

VANESSA
Diyos ko…
Saan kaya nagpunta si Aling Alma?!

Then magri-ring ang phone ni Elias.


Nanay Alma calling...

ELIAS
Si Nanay!
Tumatawag…

Then pagsagot ni Elias -

ELIAS
Hello, 'Nay -

Ibang boses ang maririnig ni Elias.


Si Calvin!

CALVIN
Kumusta ka na, Elias?
Sigurado akong nakikilala mo ang boses ko.

Parang binuhusan si Elias ng malamig na tubig.

CALVIN
(beat)
Ako ang taong sumira sa buhay mo, naalala mo?!
Malas mo lang.
Kilala na kita ngayon, Black Rider!!

VANESSA
Elias, anong nangyayari?
Sino 'yang kausap mo?

Biglang lalayo si Elias sa kanila.


ELIAS
Hayup ka!
Anong ginawa mo sa nanay ko?

INTERCUTTING WITH:

7.2.4. INT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME DAY.

Ilalapit ni Calvin ang cellphone kay Alma.


Nakaupo ito at nakabusal ang bibig.
Pilit magpupumiglas at sisigaw.

Manlalaki ang mata ni Elias hearing his mother’s muffled cries.

ELIAS
'Wag mong sasaktan ang nanay ko!
Kung hindi -

CALVIN
Kung hindi, ano?!
Nasa 'kin na lahat ng alas, ang yabang mo pa rin!

ELIAS
Ako ang kailangan mo,
ako ang harapin mo!

CALVIN
Matagal mo nang gustong malaman
kung nasaan kuta namin di ba?
Ngayon ibibigay ko sa ‘yo.
Puntahan mo 'ko, at magharap tayong dalawa.
Dapat ikaw lang mag-isa.
Kung hindi, mamamatay ‘tong nanay mo.

Alma manages na alisin ang busal niya.


Makakasigaw siya.

ALMA
Elias! Elias, anak!
'Wag mo na 'kong puntahan!
Iligtas mo ang sarili mo!
Mamamatay ka rito!

Then sisikmuraan ni Calvin si Alma.


Babagsak si Alma sa upuan.
ELIAS
'Nay!
Calvin, hayup ka!
Papatayin kita!!!

CALVIN
Tandaan mo, Elias,
bawat minutong inaaksaya mo,
ang kapalit ay buhay ng nanay mo!

Calvin ends the call.


Magwawala si Elias in frustration.

CUT BACK TO:

Biglang aalis si Elias.

VANESSA
Anong nangyari?!

Susundan ni Vanessa si Elias---

ELIAS
Dito muna kayo.
Mas ligtas kayo rito.

Sasakay na ng motor niya si Elias.


Nakaparada ito sa harap ng Palangga---similar sa nakita nating
mga motor during immersion.

VANESSA
Pards, saan ka pupunta?!
Ano ba talaga nangyayari?!

ELIAS
Nasa panganib si Nanay.

VANESSA
Ano?!
Baka dapat tumawag na tayo ng mga pulis!

ELIAS
‘Wag muna, Bane.
Basta dito muna kayo.
Babalik ako dito ng kasama ko na si nanay.

Haharurot na si Elias paalis!


7.2.5. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME DAY

Calvin turns to his friends.

CALVIN
Ihanda n’yo lahat ng mga tauhan natin
na nandito sa mansyon.
Paghahandaan natin si Elias.

Maririnig ito ni Alma.

CALVIN
Gusto ko, bago siya dumating sa akin---
Lasog-lasog na katawan niya.
Bali-bali na ang mga buto niya.

Calvin readies his guns.


Mapapangiti sina Uno, Mattias, Pablo, Ivan at Timothy.

CALVIN
Gusto ko magdusa si Elias---
Hanggang siya na mismo magmakaawa
sa akin na patayin ko siya.

ALMA
Mga hayop kayo!!!
Mga demonyo kayo!!!!

7.2.6. EXT. MIGUELITO’S SHOP. SAME DAY.

Makikita natin na naghahanda ng mga gamit niya si Elias.


Mula sa baril, sa patalim.
Naglalagablab sa galit ang mga mata ni Elias.

MIGUELITO
Elias, hindi ba dehado ka rito?
Baka pwede tayong humingi ng tulong sa mga pulis.
O kaya kay Paeng?!

Hindi sasagot si Elias.

OKA
Elias, kung ayaw mong humingi ng tulong sa iba…
Gusto mo sumama kami sa ‘yo?!
Baka mapaano ka dito, pare!
ELIAS
Masyado nang maraming napahamak
dahil sa sindikato nina Calvin.
Kaya gagawin ko ito mag-isa.
Ayoko ng madamay pa kayo o kahit na sino.
At hindi ko lang ililigtas ang nanay ko.
Uubusin ko silang lahat!

Magkakatinginan sina Oka at Miguelito.


Kabado sila para sa kaibigan.

7.2.7. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME DAY

Kanya-kanyang kuha ng baril ang mga tauhan ni Calvin.

A. Makikita nina Sabel at Romana ang chaos sa mansyon.

ROMANA
Anong nangyayari?

SABEL
Mukhang may pinaghahandaan sila, Romana.

Romana looks at Sabel.

ROMANA
Hindi kaya…
(beat) Si Black Rider…
Hindi kaya pinapunta siya rito ni Calvin?

7.2.8. EXT. CAR. SAME DAY

Magkasama sina Edgardo at Hugo sa sasakyan.


Nasa Maynila na sila.
Nasa likod sila ng isang mamahaling sasakyan.
Their car is surrounded by more cars with their security/goons.
Hugo is getting out of a phone call.

HUGO
Señor, may balita galing sa mansyon.

EDGARDO
Ano 'yon?

HUGO
Naghahanda silang lahat
para sa pagbawi ni Calvin
sa lahat ng kapalpakan niya sa ‘yo.

Mapapatingin si Edgardo kay Hugo.

EDGARDO
Anong ibig mong sabihin?

HUGO
Alam na raw ni Calvin kung sino si Black Rider.
At hawak niya ngayon ang nanay nito.
Papunta ngayon si Black Rider sa mansyon…
At doon siya planong patayin ni Calvin.

Magugulat si Edgardo.
Mapapangiti siya.
Maiiling, mapapangiti.
He is thrilled.

EDGARDO
Sa wakas…
Mukhang nagbunga na lahat
ng pangaral ko sa anak ko.
(beat)
Bilisan natin, Hugo.
Gusto kong makita kung sino talaga
ang Black Rider na ito.
Pati ang nanay niya.
(beat, nanggagalaiti)
Napakatagal ring ginulo
ng tarantadong Black Rider na ito
ang mundo natin!

7.2.9. EXT. STREET. SAME DAY

Humaharurot si Elias sakay ng motor niya.

INSERT FLASHBACKS:

 Pinatay nina Calvin sina Bernice at Andrea


 Hawak ni Calvin si Alma

CUT BACK TO:

Puno ng poot at pagkasuklam si Elias.

ELIAS (VO)
Oras na ng paniningil.
Sandali na lang, ‘Nay.
Ililigtas kita!!

7.2.10. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME DAY

Nakatali pa rin si Alma---


She is praying sa bracelet niyang rosary.
She is surrounded by goons, pati nina Uno, Timothy, Matthias,
Ivan at Pablo.

ALMA
Panginoon… tulungan n’yo po kami.
Tulungan n’yo po ang anak ko…

Maririnig ito ni Calvin from far away.

CALVIN
Madasalin ka pala, tanda.
Kaya siguro sinuwerte ka
na wala ka du’n sa bahay ni Elias---
Nu’ng inubos ko pamilya niya.

Matatawa si Calvin.
Parang demonyo.
Manggagalaiti si Alma sa galit.
She’s teary-eyed.

CALVIN
Pero ngayon, ubos na swerte mo.
At hindi ka na rin pakikinggan ng Diyos.
Papatayin ko kayo ng anak mo ngayon.

Manginginig sa galit si Alma.

ALMA
Hayop ka talaga!
(beat) Napademonyo mo---
Pero duwag ka naman!!
Ginagamit mo pa ako laban sa anak ko!
Para ano?!
Para ‘pag binubugbog ka niya---
Pwede mo ko isangkalan?!
Dahil hindi mo siya kayang harapin mag-isa!!!

Matitigilan si Calvin.
Alam nating napipikon na siya.
Hindi siya makapaniwala sa angas ni Alma.
CALVIN
Tumahimik ka!!!
Kung ayaw mong patayin kita!

Pero nanggagalaiti na sa galit si Alma.

ALMA
Eh di patayin mo ko!
D'yan ka lang naman magaling!
Ang pumatay ng mga taong walang kalaban-laban!
Pero humanda ka sa anak ko!
'Pag nagharap kayo ni Elias,
masusukat ang pagkalalaki mo!
Sisingilin ka ng anak ko!!!
(maiiyak sa galit)
Pagbabayaran mo ang ginawa mo kina Bernice!!!

Susuntukin ni Calvin si Alma.


Sabog ang labi ni Alma.
Gigil na gigil si Calvin.

CALVIN
Hindi kita kailangan para mapatay ko ang anak mo!
(to his men)
Pakawalan niyo 'yan!!!

TIMOTHY
Calvin?!

CALVIN
Hindi mo nadinig?
Pakawalan niyo sabi!!

Papakawalan ng goons si Alma.

CALVIN
Tutal maangas ka, Tanda…
Magkasubukan tayo ngayon.
'Pag nakatakas ka dito sa mansyon…
Sige malaya ka na!

Calvin grabs her by the hair.


Wala siyang awa.

CALVIN
Pero ‘pag hindi…
At naabutan kita…
(screams at her ear)
Papatayin kita!!
PAPATAYIN KITA!!!!

Matitigilan si Alma.

CALVIN
Naiintindihan mo?!

Naluluha---natatakot, pero nananaig pa rin ang tapang ni Alma.

Mahahawi ang mga tauhan ni Calvin with one look from him.
Dito na magtatatakbo si Alma!

Then magkakasa si Calvin ng baril.


He calls his friends.

CALVIN
Tara na!!

7.2.11. EXT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME NIGHT.

Palapit si Alma sa gate.


May nakaharang na mga lalaking armado.
Then may magsasalita sa radyo.

MAN ON THE RADIO


Palampasin niyo raw.

Hahawi ang mga guwardiya sa gate.


Dere-deretso si Alma paglabas.

ALMA (maiiyak)
Diyos ko…

CUT AWAY TO:

Naglalakad si Calvin pasunod kay Alma.


Matalim ang tingin niya.
Kasunod nya sina Uno.

CUT BACK TO:

Makakarating si Alma sa kalye.

Paglingon ni Alma, nakahabol sa kanya si Calvin.


Horror in her eyes.

ALMA
Tulong!
Tulungan niyo 'ko!!!

Magtatatakbo si Alma.
Hanggang sa maabutan ni Calvin si Alma.
Bubugbugin ni Calvin si Alma.

Pagsisisipain ni Calvin si Alma habang nakahandusay.


Tatadyakan, sasapakin ni Calvin si Alma!
Sasakalin niya rin ito---wala siyang awa sa nanay ni Elias!
Duguan na si Alma!

CALVIN
ANO HA?!!!
Lintik ka!!!

ALMA
Hayop ka!!!!

Hanggang sa huling bugso ng lakas ni Alma, mababayagan niya si


Calvin.

Bagsak sa kalsada. Mamimilipit si Calvin sa sakit.


Pagtakbo ni Alma---muntik siyang mabangga ng isang kotse!
This is for choreo (as needed if better ba mabangga, masagi,
anything realistic)

Matutumba si Alma!
She tries to stand up!
Pero pagbaba ng lalaki sa kotse, it is Edgardo.
Tigalgal si Alma.
Unti-unti siyang manghihina.

ALMA
E-Edgardo?!

Hindi makapaniwala si Alma.


Magkakatinginan sila ni Edgardo.
Hindi makakakibo si Edgardo.

ALMA
Buhay ka…

Then hihimatayin na si Alma pero masasalo siya ni Edgardo.


Lalapitan sila ni Calvin.

CALVIN
Papa, nakuha mo pala siya…
‘Yang ‘yung nanay ni Black Rider.
Pinaglalaruan ko lang, ang angas eh.
Parang ‘yung anak niya.

Magkakatinginan sina Edgardo at Hugo.


Para silang binuhusan ng malamig na tubig!

HUGO
Anong sabi mo, Calvin?!
(beat) Itong babaeng ito
ang nanay ni Black Rider?!

Gimbal si Hugo.
Magkakatingan sila ni Edgardo.
Moment of disbelief and confusion.

EDGARDO
Sigurado ka ba rito, Calvin?!!

Medyo magtataka si Calvin sa reaksyon ng dalawa.

CALVIN
Oo naman, Papa.
Hindi ba kayo naniniwala?
Siguradong-sigurado ako diyan!
Sabi ko sa’yo naman sa ‘yo di ba?
Babawi ako sa ‘yo.

Hindi sasagot si Edgardo.

EDGARDO (to Calvin)


Ako na ang bahala sa babaeng 'to.
Si Black Rider ang atupagin mo.

Muling mapapatingin si Edgardo kay Alma.

7.2.12. EXT. STREETS. THAT NIGHT

Tinatalunton ni Black Rider ang daan.


Matulin, walang ibang mababakas sa mga mata niya kundi poot.

7.2.13. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT


Mamumulat si Alma.
Mukha ni Edgardo ang makikita niya.
Naaalimpungatan, blurry pa si Edgardo sa paningin ni Alma.

Magkakatinginan muna sila.


Moment. Tila hindi totoo, hindi makapaniwala si Alma!

ALMA
E-Edgardo?!

Hindi alam ni Edgardo ang isasagot.

EDGARDO
Hindi ko kilala ang taong sinasabi mo.

Tatayo si Edgardo.
Tatalikod siya.
Pero tatayo rin si Alma.
Alma looks at Edgardo’s face again.
Hindi siya makapaniwala.

ALMA
Diyos ko…
Hindi ako makapaniwalang buhay ka…
Paano nangyari ‘to?!

Magsisimulang tumulo ang luha ni Alma.


She is overwhelmed seeing Edgardo.

ALMA
Ano ibig sabihin nito…
(naguguluhan, naiiyak)
Nagpanggap kang patay?
Niloko mo kaming lahat, Edgardo?!!!

EDGARDO
Manahimik ka!
Hindi nga ako ang taong sinasabi mo!

Pero huli na ni Alma si Edgardo.


Maiiyak siya.

ALMA
Sinungaling ka!!!

Magagalit si Alma.
ALMA
Ilang taon din tayong naging magkarelasyon!
At tumanda man ‘yang itsura mo,
Alam na alam ko pa rin
‘pag nagsisinungaling ka sa akin!!!
Hindi ka makatingin sa mga mata ko!
Kaya umamin ka na!!

Dito na sisigaw si Edgaro.

EDGARDO
Oo! Ako nga ‘to, Alma!!!
Ako si Edgardo!!!
Buhay ako!!!

7.2.14. EXT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Bubukas agad ang gate ng mansyon ni Edgardo sa pagdating ni


Elias. Elias enters the mansion grounds.

Dito na siya biglang haharangin ng mga goons!

Elias takes off his helmet.

Wala na siyang pakialam.


Haharap siya sa labang ito---bilang si ELIAS!

The goons fire at Elias!

7.2.15. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Matatahimik si Alma.
Maiiyak.

EDGARDO
(beat) Ngayon---
Ikaw naman ang magsabi ng totoo, Alma!
Anak mo ba si Black Rider?

ALMA (in tears)


Paano nangyari ‘to, Edgardo?!
Inilibing kita!
Ipinagluksa kita!
Akala ko patay ka na!!!

Pero si Edgardo---
Mababalot din ng emosyon!
Sisigaw din si Edgardo!

EDGARDO
Ang tanong ko ang sagutin mo!!!
Anak mo ba si Elias Guerrero?!!!
Anak mo ba si Black Rider?!!!

ALMA(tearful, galit)
At ikaw---
Anak mo ‘yung demonyong Calvin na ‘yon?!!
Ikaw ang pinuno ng sindikato?!
Kayo ang sindikatong pumatay
sa asawa't anak ni Elias?!

Windang si Edgardo sa narinig.


Pati si Hugo na nakatayo just near the door.
Silang tatlo lang ang nasa loob ng kwarto.

7.2.16. EXT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Tuloy ang labanan ni Elias vs the goons.

Elias fires back at them and fights them!


For choreo ito---exciting, intense, pero ang visually intense
fights… ilaan natin doon sa loob ng mansyon.

7.2.17. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Continuation.
Tuloy din ang sagutan nina Alma at Edgardo.
Maiiyak lalo si Alma…
halos mahimatay sa pagluha.

Matitigilan si Edgardo seeing Alma in pain.

ALMA
Napakasakit nito, Edgardo!!
Hayop ka!!!
CUT TO:

A. EXT. CEBU. NIGHT (FLASHBACK)

We see the young Edgardo and Alma na nagmamahalan.

EDGARDO
Mahal na mahal kita.
Hindi na ako makapaghintay
na makasal sa ‘yo bukas.

ALMA
Ako rin, Edgardo.
Mahal na mahal din kita…

Edgardo kisses Alma passionately.


May simple silang date sa isang scenic place sa Cebu.
Just then---may makikita ni Edgardo na mga lalaking umaaligid sa
kanila. May mga tattoo ito ng alakdan.

EDGARDO
Umalis na tayo rito, Alma.

ALMA
Bakit?

Magtataka si Alma pero susunod siya.


Hindi maabutan/makikita ng mga goons si Edgardo.

CUT BACK TO PRESENT:

EDGARDO
Sinubukan kong takasan noon ang kapalaran ko.
Bilang anak ng lider ng Golden Scorpion.
Nagtago ako sa Cebu, at nakilala kita.

CUT TO:

B. EXT. CEBU. DAY (FLASHBACK)

May intense na habulan sa isang scenic bridge, nagmomotor si


Edgardo habang hinahabol ng mga goons.

But Edgardo is cornered by more cars and motorbikes.

Dito na bababa mula sa isang mamahaling sasakyan ang tatay ni


Edgardo---si FERNANDO, 60s. Tutukan ng baril si Edgardo vs the
goons with his father.

EDGARDO
Papa…

FERNANDO
Tama na ang kahangalan na ito, Edgardo!!
Hindi mo pwedeng takasan ang kapalaran mo!
Mamili ka!
Sasama ka na sa akin?!
O ipapapatay ko ang Alma na ‘yan?!

Hindi makakasagot si Edgardo.

C. INT. CEBU. POLICE STATION. DAY (FLASHBACK)

Umiiyak si Alma sa harap ng isang pulis.

PULIS
Ilang araw na ho mula nung aksidenteng nabangga
at nahulog sa tulay itong si Edgardo.
Malaki ho posibilidad na wala na siya.

ALMA (maluluha)
Ser… pwede ho bang ituloy n’yo lang ang paghahanap?
Parang ang hirap naman ho kasing tanggapin nito.

Alma breaks down.

ALMA
Na sa isang iglap,
wala na si Edgardo…

Alma weeps…
Unknown to her, nakatanaw sa di kalayuan si Edgardo with his
father.

Tulala lang si Edgardo, naaawa kay Alma.

EDGARDO
Tama ba itong ginawa ko sa kanya, Papa?

FERNANDO
Oras na malaman niya na miyembro ka ng sindikato---
Tingin mo mamahalin ka pa niya?

CUT BACK TO:

FERNANDO
‘Wag kang magpakatanga, Edgardo.
Huwag mong talikuran lahat
ng pera at impluwensiya natin
para lang sa isang babae.
(beat) Kalimutan mo na si Alma.
Babae lang ‘yan, madaling palitan.
Mapapaisip si Edgardo.

CUT BACK TO PRESENT:

EDGARDO
Sa huli, hindi ko kayang takasan
ang dugong dumadaloy sa katawan ko.
Kaya nagpanggap na lang akong patay, Alma.
Para rin naman sa ‘yo ‘yun.
Dahil tama sina Papa.
Magkaiba talaga ang mundo nating dalawa.
Isang pagkakamali na nagmahalan tayo!

Sasampalin ni Alma si Edgardo.

ALMA
Walang hiya ka, Edgardo!!!
Napakamakasarili mong hayop ka!!!
(beat)
At ang pinakasakit sa lahat…
Pagkatapos mo akong lokohin at abandunahin noon…
Sinira n’yo at ng demonyong Calvin na ‘yan
ang buhay namin ng anak ko ngayon!

Hindi makakasagot si Edgardo.

ALMA
Tapos ngayon…
Gusto niyo pang patayin si Elias?!

EDGARDO
Away 'to ng mga anak natin, Alma.
Maraming problema ang negosyo ko
dahil sa Black Rider na ‘yan!

ALMA
Si Calvin ang nagsimula ng lahat ng ito.
Ikaw ang lumikha sa halimaw na 'yon!!!

EDGARDO
Wala na 'kong magagawa,
nandito na si Elias.
Maghaharap na sila ni Calvin!!

ALMA
Hindi… hindi pwede.
Hindi pwede----diyos ko!
Kailangan mo silang pigilan!!!

INTERCUT WITH:

7.2.18. EXT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Tuloy ang barilan. Tumba lahat ng goons sa paligid ni Elias.


May lalapitan siyang naghihingalong goon.

ELIAS
Asa'n ang nanay ko?!

The goon struggles to speak pero he tries nonetheless.


Ilalapit ni Elias ang tenga sa bibig ng naghihingalong goon.

Saka ikakasa ni Elias ang baril at papasok sa mansiyon.

ELIAS
Nasaan ang nanay ko?!!

Nanghihina at duguan, the goon points at the mansion door.

7.2.19. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Makikita natin si Calvin, uupo sa dulo ng isang mahabang hallway.


Kasama niya sina Timothy, Mattias at Ivan and a few goons.

TIMOTHY
Ilang sandali na lang,
makakapasok na dito si Elias.

CALVIN
Eh di tamang-tama.
Hindi na ako makapaghintay na magharap kaming dalawa.
Dito sa kwartong ito mismo…
Dito mamamatay si Elias.

7.2.20. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Continuation.

EDGARDO
At ba't ko gagawin 'yon?
Tinik sa lalamunan namin si Elias!

ALMA
Dahil…
DAHIL ANAK MO RIN SI ELIAS!!!!

Edgardo is stunned.

ALMA
Buntis ako sa anak nating si Elias
bago ka naglaho, Edgardo!!
ANAK MO SI ELIAS!!!

CUT TO:

7.2.21. INT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME NIGHT

Elias opens the doors of the mansion.


Very visual ito… pang trailer/plug.
Walang tao sa loob. Eerie.
Then Elias sees the basement.

A. Makakarating si Elias sa basement. May mga goons din dito---


magbabarilan sila. He kills them one by one.

7.2.22. INT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME NIGHT

Iikot si Elias sa mga kulungan sa ilalim ng basement.

ELIAS
'Nay?!

Hanggang sa mag-abot ng tingin si Elias, Romana at Sabel!


Maalala ni Elias si Romana.

ELIAS
Kilala kita…

ROMANA
Tulungan mo ko, Elias!
Kailangan naming makalabas dito!

ELIAS
Hindi sira ang ulo ko para tulungan
ang taong nagtangka sa buhay ko!
Miyembro ka rin ng Golden Scorpion!

ROMANA
Elias! Sandali!
Makinig ka!
Beat.

ROMANA
Elias, hindi ako kasing sama ng iniisip mo.
Oo, pinagtangkaan kitang patayin.
At ako rin ang nagsabi sa sindikato ng tunay na
pagkatao mo…

Mangigil si Elias!

ELIAS
Hayop ka!
Ikaw may kasalanan nito?!
Kaya nakuha ng sindikato ang nanay ko?!!

Elias points a gun at Romana and Sabel!

ELIAS
(beat) Nasaan ang nanay ko?!
Anong ginawa n’yo sa kanya!

ROMANA
Sandali!!!
H-Hindi ko alam kung anong ginawa nila sa kanya.
Dahil ikinulong din ako rito nina Calvin!
(beat) Oo… Malaki atraso ko sa ‘yo…
Pero nagtatrabaho lang ako sa sindikato
dahil ang buong akala ko… hawak nila anak ko!
Pero niloko nila ako!

Matitigilan si Elias.

SABEL
Elias, makinig ka.
Hindi tayo magkakalaban ngayon.
May atraso sa ‘yo si Calvin…
Pero may atraso rin siya sa amin ni Romana.
At kung gusto mo siyang patayin…
Kailangan mo ng tulong namin!

Iiling si Elias.

ELIAS
Hindi ko kailangan ng tulong n’yo!

Elias attempts to walk away.


ROMANA
Daan-daan o baka higit pa
ang mga tauhan ni Calvin dito sa mansyon!
Hindi uubra ang tapang lang dito, Elias!
Gamitin mo utak mo, Totoy!!
Matutulungan ka namin ni Sabel!!

Dito na darating sina Uno at Pablo.


Nakangising parang demonyo ang mga ito---
Sobrang dami nilang goons.

UNO
Elias Guerrero!!!

Matitigilan si Elias.

ELIAS
Natatandaan ko kayo…

UNO
Nandito kami para sunduin ka
at dalhin ka kay Calvin.

ELIAS
Nasaan ang nanay ko?!!

PABLO
‘Wag kang mag-alaala…
Buhay pa siya.
Magkikita rin kayo mamaya.

UNO
Sa ngayon… maglalaro muna tayo.
Kasi ang utos ni Calvin…
Pahirapan ka muna namin.
Parang ginawa namin sa pamilya mo, Elias.
Pinahirapan muna namin kayo…
Bago namin kayo pinatay isa-isa!!!

Parang demonyo si Uno!


Magngingitngit sa galit si Elias.

ELIAS
Hayop kayo!!!

ELias looks around, napakaraming goons.


For choreo---susugod sina Uno towards Elias, barilan ito!
In the middle of the fight or something…
Elias makes a DECISION.

He fires at the lock sa kulungan nina Romana at Sabel!

Makakawala ang dalawang babae---lalaban din sila!


NOTE: Seksi dapat outfit ni Sabel dito.

Makakakuha sila ng mga baril.


Raratratin nila sina Uno!

END OF DAY 2 END OF DAY TWO


WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023
HEAD WRITER: Erwin Caezar Bravo
EPISODE WRITER: Erwin Caezar Bravo
WRITERS: John Bedia | Dickson Comia
Adam Cornelius Asin | Lawrence Nicodemus
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
PROGRAM MANAGERS: John Mychal Feraren | Gemma Gonzaga
EXECUTIVE PRODUCERS: Tanna Mae Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
SENIOR ASSISTANT VICE PRESIDENT: Neil Gumban
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon

DAY THREE

7.3.1. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

For choreo ito---papuputukan nina Sabel at Romana ang mga goons.


Gawin natin super exciting.

ROMANA
Kami na bahala dito, Totoy!
Hanapin mo na nanay mo!

Sabel and Romana fight Uno, Pablo and the rest of the goons!
Gawin natin super intense ito.

Aalis naman si Elias. Susundan sana siya ni Pablo pero


papuputukan ito ni Sabel!

Gigil si Pablo, he fires back at Sabel!

7.3.2. INT. PALANGGA. ALMA’S HOUSE. SAME NIGHT

Hindi mapakali si Vanessa.


Kasama niya dito sina Benjie, Bunjoy, Neneng B, Cherry Pie at
Apol Pie.

VANESSA
Wala pa ring paramdam si Elias.
Anong oras na…
Worried silang lahat.

APOL PIE
Nagmessage na rin ako sa gc
ng mga Marites sa Divisoria.
Wala rin sila alam eh.
CHERRY PIE
Hindi ba talaga tayo lalapit sa pulis, Bane?
Baka kung napaano na sila ni Elias at Aling Alma.

VANESSA
Ang sabi ni Elias,
hayaan muna siyang dumiskarte.
Hintay-hintay muna siguro tayo nang konti pa.

Makikita naman ni Benjie at Neneng B na hindi kumakain ang sisiw


nila.

NENENG B
Kaninang umaga pa ‘di kumakain si Sungit…
Mula nu’ng nawala si Aling Alma.

Benjie sighs.

BENJIE
Kinakabahan tuloy ako…

NENENG B
Bakit?

BENJIE
Kasi ‘di ba, ang mga hayop daw…
Nakakaramdam ‘pag may nangyayaring masama?
‘Di kaya nasa panganib sina Aling Alma
at Kuya Elias?

We see everyone’s worried face through intense reaction shots.

7.3.3. INT. MANSION. SAME NIGHT

Lalabas si Elias sa basement---where he is attacked by more


goons.

A. Meanwhile, for choreo, tagilid sina Uno at Pablo kina Romana


at Sabel. Nang makita nilang isa-isa nang nagbabagsakan ang mga
tauhan nila, tatakas sina Uno at Pablo.

UNO
Tara na!
Si Elias ang trabaho natin!
Hindi ang mga lintik na ‘yan!
Maiiwan sina Romana at Sabel as they fight the remaining goons.

7.3.4. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Hindi makapaniwala si Edgardo sa narinig.

EDGARDO
Imposible ‘yang sinasabi mo, Alma!
Hindi ko anak si Elias!

ALMA
Anak mo siya!
Mag-isa kong pinalaki ang anak natin!
Dahil inakala kong patay ka na!

EDGARDO
Imposible!
Imposible itong sinasabi mo!!

Magagalit si Alma sa narinig.


Maghahalo ang poot at mga luha ni Alma.

ALMA
Ako ang ina niya, Edgardo!
Ako ang nagbuntis kaya sigurado ako!!
Ikaw lang
ang lalaking minahal ko!
Wala nang iba!!

7.3.5. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Uubusin ni Elias ang mga kalabang goons.

A. Finally, makakarating si Elias sa isang mahabang hallway.


Makikita niya si Calvin sa dulo nito.

Gigil si Elias.

ELIAS
Nasaan ang nanay ko hayop ka!
Andito na ako katulad ng usapan natin!!

Matatawa lang si Calvin.

CALVIN
Maayos akong kausap, Elias.
‘Wag ka mag-alala.
‘Pag napatay mo ko…
Makukuha mo nanay mo.

ELIAS
‘Yun lang ba?
Matagal ko nang hinihintay ‘yan, Calvin!
Marami kang utang sa akin, tarantado ka!
Pinatay n’yo ang asawa at mga anak ko!!
At ngayon pati nanay ko, dinamay n’yo!

Tatayo si Calvin. He readies his gun.

CALVIN
Eh ano pa hinihintay mo?!

Lalapit na sa kanya si Elias…


Mahaba ang hallway---pero after a few steps, magugulat si Elias
nang maglabasan sa iba-ibang sulok ang sangkaterbang goons ni
Calvin… ISANDAANG TAUHAN ITO! Mapupuno ang hallway sa dami ng
tao!

7.3.6. INT. HOSPITAL. SAME NIGHT

Nakatingin si Paeng sa tatay na comatose.


Paeng sighs.

INSERT FLASHBACK:

 Sinabi ng doctor kay Paeng na kailangan na niyang


magdesisyon kung aalisin na ba ang life support ng tatay
niya.

CUT BACK TO:

PAENG (VO)
Hindi ko alam kung anong dapat gawin, ‘Tay.
Sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa mo---
Tatay pa rin kita.

Dito na darating si Onat.


Pwedeng naka-civilian din si Onat dito.

ONAT
Paeng, may problema tayo.

PAENG
Bakit, Onat?
ONAT
Si Joan…
Ilalabas na sa ospital ng nanay niya.
Ang sabi ng abogado nila kina Chief…
Dadalhin na nila sa Hongkong si Joan
bukas ng umaga.

Magugulat si Paeng.

PAENG
Ano?!
Bakit hindi nila sinabi sa akin ‘to?

ONAT
Pare, hindi kaya ilalayo na nila sa ‘yo si Joan?

Agad tatayo si Paeng.

PAENG
Hindi ako papayag na paghiwalayin nila kami.
Halika na, Onat!
Kailangan ko puntahan si Joan!

7.3.6. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Naglalakad sina Romana at Sabel dala ang mga baril nila.


Mapupunta sila sa isang area ng mansion kung saan
makikipagbarilan sila sa ibang goons.

Dito na natin makikita ang pupuntahan nila…


Makikita ni Romana ang bangkay ni Paloma.
Nakahandusay lang ito sa sahig na parang basura.

Magwawala si Romana.

ROMANA
Paloma!!!
Kapatid ko!!!

Maawa si Sabel kay Romana.

ROMANA
Paloma!!!!

Abot langit ang paghihinagpis ni Romana as she holds her sister’s


body in her arms.
7.3.7. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Magkakatinginan sina Edgardo at Hugo.


Gulong-gulo si Edgardo.

EDGARDO
Paano nangyari ‘to…
Hindi ako makapaniwala.
(beat)
B-Buntis ka nung nawala ako?

ALMA
Lumaki si Elias na ang iniisip niya…
na matagal ka nang patay.

Maiiyak si Alma.

ALMA
Wala kang ideya kung gaano ka kamahal ng anak mo.
Araw-araw, kinakausap niya
‘yung natitirang litrato mo sa akin.
Tapos ganito pala ang totoo.
Niloko mo kami…

Hindi makakasagot si Edgardo.

ALMA
At kayo ang dahilan
ng pagkamatay ng pamilya ni Elias!!
Pinatay ni Calvin ang manugang mo…
At apo natin kay Elias!!!
Naiintindihan mo ba ‘yun, Edgardo?!!

Edgardo is torn.
Sumasabog ang mga emosyon niya.
Gulong-gulo siya sa mga rebelasyon!

7.3.8. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Continuation. Elias readies his gun. Alam ni Elias na tagilid


siya. Sobrang daming kalaban sa harap niya. Matalim na titingnan
ni Elias si Calvin.

CALVIN
Tingnan natin ang angas mo ngayon, Elias Guerrero!
The goons begin to attack Elias! Mahuhusay ang mga goons na ito
sa labanan. Elias begins to fight them (for choreo).

Makakalaban si Elias, pero tagilid siya.


Pero matapang si Elias.
Tuloy ang laban kahit dehado siya.
Matatamaan si Elias, pero mabilis siyang babangon.
But he is clearly outnumbered.

A. Dito na lalapit sina Uno at Pablo kay Calvin.

PABLO
May problema tayo, Calvin.

UNO
Nakatakas sina Romana!

Manggalaiti si Calvin.

CALVIN
Ano?!!

CUT BACK TO:

Elias continues to fight for his life.


Gawin natin super intense ang choreo dito.
Masasaksak si Elias---pero palaban siya.
Makikipagsapakan/barilan ulit siya.

Dito na may babaril sa ulo ng mga goons!


Makikita natin si Sabel at Romana nandito na!

Magkakatingan sina Elias at Romana.


Makikita natin ang poot at paghihinagpis sa mga mata ni Romana!

ROMANA
Ngayong gabi…
Hindi tayo ang magkalaban, Totoy!

Romana turns to look at Calvin from far away.


ROMANA
Lintik lang ang walang ganti
sa ginawa n’yo sa kapatid ko
at sa anak ko, Calvin!!!

Iiling lang si Calvin.


CALVIN
Iligpit n’yo na ang mga babaeng ‘yan.
Pero si Elias---
Ako ang papatay sa kanya!

Kikilos na ang Golden Scorpion Boys.


Elias looks at them…
For a moment, he remembers noong pinasok ng mga ito ang bahay
nila ni Bernice that night na pinatay ang pamilya niya.

INSERT FLASHBACK:

 Inatake nina Calvin ang pamilya ni Elias sa Palangga.

CUT BACK TO:

Calvin looks at Elias.

ELIAS
Kayo… kayong lahat
ang pumatay sa pamilya ko…

Mala-demonyo ang mga mata ni Calvin.


Pati ng Golden Scorpion boys.

ELIAS
Papatayin ko kayong lahat!

Elias fights the goons!


Nasa tabi niya sina Sabel at Romana.
This time, mala-Guardians of the Galaxy 3 ito.
Pero mas madugo. Patayan kung patayan!

7.3.9. EXT. HOSPITAL. SAME NIGHT

Inilalabas na si Joan sa ospital.


Nandito sina Amah, at ang nanay ni Joan na si Estella.
Magugulat sina Estella seeing Paeng.

AMAH
Anong ginagawa niyan dito?! (in Fukkien)

PAENG
Sandali ho…
Amah, Tita Estella, saan n’yo ho dadalhin si Joan?

ESTELLA
Umalis ka na dito, Paeng!
Tigilan mo na ang pamilya naming!!!

AMAH
Ikaw ang tatay mo ang may kasalanan ng lahat!
Malas kayo sa buhay namin! (Fukkien)

ESTELLA
Dahil sa ‘yo at sa tatay mo
Kaya nasira ang pamilya namin, Paeng.
Kaya hindi na ako papayag
na makalapit ka pa sa anak ko!

Paeng pleads.

PAENG
Sandali naman ho, Tita Estella…
‘Wag n’yo naman hong gawin ito.
‘Wag n’yong ilayo sa akin si Joan!
Alam n’yo hong ngmamahalan kami!

AMAH
Tama ang kutob ko sa inyo noon pa man!
Hindi ka nababagay sa apo ko! (in Fukkien)

Pero haharangin na sina Onat at Paeng ng security nina Estella.


Paeng tries to struggle… pero hindi siya makakalapit kay Joan.

SECURITY
Sabi nang ‘wag kang lumapit eh!!

Isasakay na si Joan sa sasakyan.

PAENG
Joan! Joan!!!

Walang magagawa sina Paeng at Onat as the car drives away.

7.3.9. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Continuation ng labanan.
Makikita nating magiging sobrang madugo ito.
Sasama sa goons ang Golden Scorpion boys.
Sa dami---parang John Wick na ito, nabubugbog, duguan ang ilong,
labi nina Elias, Romana, Sabel pero palaban sila.

Walang urungan! Barilan, saksakan, suntukan!


Calvin watches while he holds his gun.
Nakatayo lang si Calvin sad ulo ng hallway with his goons.
Pokerfaced lang si Calvin.

7.3.9. INT. EDGARDO’S MANSION. SAME NIGHT

Gulong-gulo si Edgardo.

EDGARDO
Si Elias…
Si Elias na kalaban ko…
Ay anak ko…
At magkapatid sila ni Calvin…

Halos matumba si Edgardo.

EDGARDO
Pinaparusahan ba ako ng Diyos?
Bakit nangyari ‘to?!
Paano nangyari ‘to…

HUGO
Señor… anong gagawin natin ngayon?

ALMA
Edgardo, kumilos na tayo!
Kailangan mong pigilan sina Elias at Calvin!
(beat) Kahit ngayon lang…
Parang awa mo na!!
(beat)
Magpakaama ka sa anak mo, Edgardo!!!
(Beat)
Iligtas mo si Elias!!!

10. Riders, hindi mapakali. Punta tayo kay Elias.

7.3.10. INT. MAYOR ALFONSO’S HOUSE. SAME NIGHT

Makikita natin si Mayor Alfonso, papakainin.

9. Mapupuruhan si Elias sa dami ng goons & Golden Scorpion


Boys, mapupuruhan sa kamay at paa. Saka darating si Calvin kung
kelan wala nang laban si Elias masyado.

11. Calvin pinaglalaruan si Elias. Kasi mahina na.


12. Papunta na sina Alma and Edgardo.
13. Calvin and Elias malapit nang magpatayan. Dating sina
Edgardo and Alma. Pipigilan sila.
14. Romana & Sabel survive the GSB & goons. Makikita magkasama
sina Edgardo and Calvin.
15. Ayaw paawat ni Calvin kay Edgardo. Nagwawala sa sasakyan.
Humahabol sina Romana at Sabel. Sakay ng sasakyan. Babanggain
sila.
16. Taob ang mga sasakyan, hinahatak ni Edgardo si Calvin,
sugatan. Ayaw ni Calvin. / Calvin - Andami pa natin, tuluyan na
natin si Black Rider! Hanggang tutukan na siya ni Edgardo ng
baril sa ulo. Edgardo tells Hugo - Walang gagalaw kay Black
Rider, tumakas na tayong lahat!
17. Alma hinihila naman si Elias. Gustong humabol kina Calvin at
Edgardo. Magulang ka 'Nay. Alam mo ang nararamdaman ko!
Pagkakataon ko na 'tong ipaghiganti ang asawa't anak ko. / Tama
na! Tatay mo si Edgardo! Kapatid mo si Calvin! Tigalgal si Elias.
18. Makakaalis nang tuluyan sina Calvin and Edgardo. May kasama
pa silang ibang Golden Scorpion Boys, goons, pati sina Hugo.

END OF DAY THREE


WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023
HEAD WRITER: Erwin Caezar Bravo
EPISODE WRITER: Aeious Asin
WRITERS: John Bedia | Dickson Comia
Adam Cornelius Asin | Lawrence Nicodemus
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
PROGRAM MANAGERS: John Mychal Feraren | Gemma Gonzaga
EXECUTIVE PRODUCERS: Tanna Mae Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
SENIOR ASSISTANT VICE PRESIDENT: Neil Gumban
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon

DAY FOUR

7.4.1. INT. HOSPITAL. SAME DAY.

Nakaratay si Mayor Alfonso sa hospital bed.


Lalapitan siya ng doktor.

MAYOR ALFONSO
What is it, Doc?
Pagsasabihan mo ba 'ko na 'wag magpakamatay sa trabaho?
Na kaya ako nahimatay dahil hindi ako halos natutulog
at kumakain?

DOCTOR
On the contrary, Mayor Alfonso, kaya ka nahimatay ay
dahil sa kinain mo.

Mapapakunot ang noo ni Alfonso.

ALFONSO
What do you mean, doc?

DOCTOR
May nakitang deadly amount ng toxic chemical
sa dugo mo.

ALFONSO
Lason sa dugo?
Pa'no ko nakuha?

DOCTOR
Dalawa lang - it could be accidental intoxication -
aksidente mong na-consume 'yung chemical. O criminal
poisoning, ibig sabihin -

ALFONSO
May nanadya?

Hindi maipinta ang mukha ni Alfonso.

7.4.2. EXT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME DAY.

Naglalakad si Elias sa pagitan ng mga bangkay ng miyembro ng


Golden Scorpion.

Haharap siya sa abandonadong mansiyon.

INSERT QUICKFLASHES:

Series of encounters nina Elias and Calvin. How he perceives


Calvin as an evil person.

Death ng mag-ina ni Elias sa kamay ni Calvin.

Pananakit ni Calvin kay Alma.

The first time na nakita ni Elias si Edgardo. And how Edgardo


defended Calvin at tinulungan ito makatakas from Elias.

Namumuo ang poot sa mukha ni Elias hanggang sa mapasigaw siya sa


galit.

ELIAS
Hindi!!!

Gulat, mapapatingin si Alma kay Elias.

ELIAS
Pa'no nangyari 'Nay?!
Pa'no nangyaring tatay ko ang pinuno ng Golden
Scorpion?
Ang sindikatong sumira sa buhay ko?!!

Gulong-gulo ang isip ni Elias.


Hindi alam ni Alma kung paano aaluin ang anak.

INTERCUT WITH:

7.4.3. EXT. ISLA ALAKDAN. SAME DAY.

Bumababa ng helicopter sina Edgardo at Calvin.

Galit na galit si Calvin.


Nauuna siyang maglakad kay Edgardo.

EDGARDO
Calvin, halika rito!
Sa'n ka pupunta?!

CALVIN
Hayaan mo 'ko, Papa!
Hahanap ako ng paraan na makaalis dito sa Isla Alakdan
para balikan si Elias!

EDGARDO
Hindi mo gagawin 'yan!

CALVIN
Bakit?!
Hawak ko na si Black Rider, pinakawalan mo pa!
Papatayin ko siya!

EDGARDO
Tigilan mo na si Elias!

CALVIN
Bakit nga?!

EDGARDO
Dahil kapatid mo siya!

Tigalgal si Calvin.

CALVIN
Ano?!

Calvin scoffs.

CALVIN
Anong katarantaduhan 'yan, Papa?!
Hindi 'yan totoo!
Pero tahimik lang si Edgardo.

CALVIN
Imposible ‘yang sinasabi mo, Papa!!!

CUT BACK TO:

Magkaharap sina Elias at Alma.

ELIAS
Sabihin niyo sa 'kin, 'Nay, na nagkakamali kayo!
Sabihin niyo sa 'king hindi totoo -
Na kapatid ko ang pumatay sa pamilya ko.
At ang nagtakip sa krimeng 'yon ay tatay ko!

ALMA
Maniwala ka sa 'kin, anak, gusto kong sabihing
nagkakamali ako.
Dahil alam kong mas lalong mahirap tanggapin lahat ng
nangyari dahil sa nadiskubre mo.
Pero ang masisigurado ko sa 'yo, si Edgardo - siya ang
ama mo.

ELIAS
Akala ko ba patay na si Tatay!

ALMA
Hinayaan kong paniwalaan mo 'yun kesa isipin mong
inabandona niya tayo. At sana nga namatay na lang siya!
Kesa ganitong nagkaharap kayo ulit para lang malaman
mong siya ang puno't dulo ng lahat ng miserableng
nangyari sa buhay natin!

Mapapasuntok si Elias.

CUT TO:

EDGARDO
Nung nakilala ko ang nanay ni Elias - 'yun 'yung
panahong ginusto kong umalis sa Golden Scorpion. Pero
walang pwedeng tumalikod sa grupo. Di nagtagal, nahanap
ako ng Golden Scorpion
at hindi na 'ko hinayaang tumiwalag pa. Ngayon ko lang
nalaman... nagkaanak pala kami ni Alma.

CALVIN
At naniwala naman kayo sa babaeng 'yon!
Dapat do'n sa Almang 'yon inuna ko nang patayin!

Saka biglang sasapakin ni Edgardo si Calvin.

EDGARDO
Simula sa oras na 'to, tatapusin mo ang away niyo ng
kapatid mo!

Titingnan ni Calvin nang matalim si Edgardo.

CALVIN
Kahit kelan, hindi ko ituturing na kapatid si Elias!

Saka lalayasan ni Calvin si Edgardo.

7.4.4. EXT. GOLDEN SCORPION MANSION. SAME DAY.

Nakasalampak si Elias sa lupa.


Mabigat pa rin ang loob.
Lalapitan siya ni Alma.

ALMA
Anak, halika na.
Umuwi na tayo.

Titingnan lang ni Elias si Alma.

ALMA
Elias, kahit anong nalaman mo tungkol sa tatay at
kapatid mo, wala 'yung kinalaman sa pagkatao mo. Hindi
mo sila katulad.

Tatayo si Elias para yakapin si Alma.


Maluluha na lang si Alma sa pinagdadaanan ng anak.

ELIAS
Ang importante po, 'Nay, ligtas na kayo.

Sabay na maglalakad sina Elias at Alma hanggang sa marinig nila


ang tunog ng mga motor.

Maaalarma sina Elias at Alma.

ALMA
Anak - !
May mga natira ba sa Golden Scorpion o binalikan nila tayo?!
Itatago ni Elias si Alma sa likod niya.
Hanggang sa pagitan ng mga usok, ang mag-emerge isa-isa ay ang
mga Biyaheros sa pangunguna nina Miguelito at Oka.

MIGUELITO
Huli na ba kami?!

OKA
Ano? Wala na bang kalaban?!
Gusto ko pa naman sana ng gulo!

Babatukan ni Miguelito si Oka.

MIGUELITO
Elias, ayos ka lang?

Deretso lang si Elias sa paglalakad.


Magkakatinginan ang Biyaheros.

ALMA
Hayaan na lang muna natin si Elias.
Pero utang na loob, umalis na tayo sa lugar na ito.

Then Kim Arthur notices na may gumagalaw pa sa sa isang nakataob


na kotse.

KIM ARTHUR
May buhay pa do'n!

Agad pupulot si Estong ng baril.

ESTONG
Asan?!

BUBOY
Marunong ka ba gumamit niyan, Estong?!

TYSON
Bitawan mo 'yan baka makadisgrasya ka pa.

Si Elias ang lalapit sa kotseng itinuro ni Kim Arthur.


Makikita niya sina Romana at Sabel.
Duguan ang dalawa.

ELIAS
Romana... Sabel!
ROMANA
E-Elias, tulungan mo kami.

Ilalabas nina Elias at Biyaheros ang dalawang babae sa nakataob


na kotse.

Aakayin ni Alma si Sabel.


Hindi makapaglakad si Romana, bubuhatin siya ni Elias.

Nagkakatinginan ang Biyaheros.

OKA
Akala ko impiyerno 'tong sinugod ni Elias, ba't may mga
angels?!

Nangunguna si Elias maglakad buhat si Romana papunta sa mga


motor.
Nakasunod sina Alma at Sabel.
Behind them are the Biyaheros.

7.4.5. INT. ISLA ALAKDAN - MANSION. SAME DAY.

Nakapalibot sina Uno, Matias, Timothy, Ivan at Pablo kay Calvin.


Mga may bangas sa mukha at katawan galing sa huling engkuwentro.
Idinadaan sa alak ang hindi nagtagumpay na planong patayin si
Elias.

IVAN
Pa'no ba 'yan?
Mukhang off-limits na si Black Rider.

PABLO
Akalain mo, dyahe na ngang hindi ka pala unico hijo ni
Señor,
mas masaklap pa, 'yung long-lost brother mo e 'yung
mortal na kaaway mo.

MATIAS
Papalagpasin mo na lang ba ang hidwaan niyo ni Elias,
Calvin?

Tutungga si Calvin ng alak.

CALVIN
Walang pwedeng umagaw ng trono ko sa Golden Scorpion.
Kung totoong kapatid ko si Elias, mas lalong dapat ko
siyang patayin.

Puno ng determinasyon ang mata ni Calvin.


Pagbababarilin ni Calvin ang mga basyo ng alak not far from them.

Nagkakatinginan ang Golden Scorpion Boys.

7.4.6. EXT. PERYA. SAME DAY.

Bumabaril si Benjie sa perya.


Wala siyang mapapatumbang toy soldiers.

Aagawin ni Neneng B. ang baril.

NENENG
Ako nga!

Asintado si Neneng. Makukuha niya ang grand prize na stuffed toy.


Iaabot kay Benjie.

NENENG
Oh! Hindi ako mahilig diyan.

Then lalapit sa kanila sina Vanessa at Bunjoy.


Dala ni Bunjoy si Nenjie the Chick sa hawla nito.

VANESSA (pasimple kay Neneng)


Ano, wala pa rin ba?
Naisakay ko na si Bunjoy sa lahat ng rides.

Neneng checks her phone.

NENENG
Walang reply, ate.

VANESSA
Nasaan na kaya sina Elias at Aling Alma.
Sana ayos lang sila.

Naririnig pala ni Bunjoy -

BUNJOY
Wala pong mangyayaring masama sa kanila.

Magkakatinginan sina Vanessa, Neneng at Benjie.


BENJIE
Narinig mo, Bunjoy?

BUNJOY
Alam ko naman po kaya niyo 'ko nililibang para hindi
ako mag-alala kina Kuya Elias at Nay Alma.

VANESSA
Hindi ka ba nag-aalala sa kanila?

BUNJOY
Sabi sa 'kin ng nanay ko 'pag may naiisip akong masama,
(closes his eyes and raises his hands)
pikit lang daw ako at isipin ko nakasakay ako sa ferris
wheel.

BENJIE
Favorite ride mo ba 'yon?

BUNJOY
Takot nga ako do'n eh!

NENENG
Eh ba't yon ang itinuro sa 'yo ng nanay mo?

BUNJOY
Para daw ang maisip ko 'yung ferris wheel at
makalimutan ko 'yung masamang naiisip ko.

VANESSA
Tama naman. Walang maitutulong kung mag-isip tayo ng
hindi maganda. Magaling ang nanay mo, asan na pala
siya?

Mapapayuko lang si Bunjoy.


Hahawakan ang kamay ni Vanessa.

BUNJOY
Sakay na lang po ulit tayo sa ferris wheel.

Magkakatinginan sina Vanessa, Neneng at Benjie.


Maaawa kay Bunjoy.

VANESSA
Sasakay tayong lahat!

Mapapangiti na si Bunjoy.
BUNJOY
Yehey!!!

7.4.7. TRACKING. HIGHWAY. SAME DAY.

Tinatangay ng hangin ang buhok ni Romana, nakapikit siya.


Angkas siya ng motor ni Elias.
Magigising si Romana at magmumulat, mapapansing nakayakap siya
kay Elias. Agad aalisin ang kamay.

Makikita ni Romana ang convoy, nakasunod ang ibang Biyaheros na


angkas sina Alma at Sabel.

ROMANA
E-Elias...

ELIAS
Mabuti gising ka na Romana.
Kumusta na'ng pakiramdam mo?

ROMANA
Masakit lang ang katawan ko pero hindi pa 'ko
mamamatay.

Mapapangiti si Elias.

ROMANA
Hindi ko natanong... pero bakit mo kami tinulungan,
Elias?
Sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa 'yo.

ELIAS
Sabi mo nga inipit ka lang ng sindikato.
Ginamit nila ang anak mo.
Naging magulang din ako.
Gano'n din siguro ang gagawin ko kung ako ang nasa
lugar mo.

ROMANA
Salamat Elias. Mabuti kang tao.

ELIAS
Ngayon hindi na 'ko sigurado kung totoo pa 'yang sinabi
mo.

Kita ang dilemma sa mata ni Elias.


Papasok sila ng Sitio Palangga.

7.4.8. EXT. PALANGGA. SAME DAY.

Dadaan sa harap ng Baranggay Hall ang convoy nina Elias and


Biyaheros sakay sina Alma, Romana at Sabel.

Mapapabalikwas ang mga tambay pati sina Tuklaw, Benok, Lorna,


Kapitana Babes at Angie.

KAPITANA BABES
Oh sino na naman 'yang mga bagong salta na bitbit nina
Alma at Elias?!

TUKLAW
Di bale nang maghakot sila nang maghakot ng dayo dito
sa Palangga basta ganyan kaseseksi!

LORNA
Umiral na naman kamanyakan nito!

TUKLAW
Nakakagigil oh!
Umaakyat ang dugo ko sa ulo!

LORNA
May dugo ka pa pala, Tuklaw!

BENOK
Tama na nga 'yan Tuklaw!
Puro babae nasa isip mo, di mo 'ko gayahin si Kapitana
Babes lang ang nakikita ko.

KAPITANA BABES
Tigilan mo 'ko Benok baka ipasagasa kita sa motor
niyang mga 'yan!

ANGIE (selos)
'Yung sakay ni Elias parang ahas kung makalingkis!

Nakasunod ng tingin sina Kapitana Babes at Lorna sa convoy.

LORNA
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga babaeng 'yan,
Kapitana. Parang lapitin ng gulo.

KAPITANA BABES
Ano pa nga ba? Basta nakadikit sa pamilya ni Alma at
Elias, walang gagawing mabuti!

7.4.9. INT. ISLA ALAKDAN - MANSION. SAME DAY.

Magkaharap sina Edgardo at Hugo sa mansiyon.


Malalim ang iniisip ni Edgardo.
Aabutan siya ni Hugo ng alak, deretsong iinumin ni Hugo.
Ipagsasalin lang ulit ni Hugo.

HUGO
Baka naman may mabuting kahinatnan lahat ng bago mong
nadiskubre, Señor?

EDGARDO
Anong ibig mong sabihin, Hugo?

HUGO
Sa lahat ng naibigay na sakit ng ulo ni Elias sa Golden
Scorpion, isa lang ang ibig sabihin non - mahusay siya.
At kung dugo mo ang nananalaytay sa ugat niya, hindi ba
siya pwedeng maging mas karapat-dapat na tagapagmana ng
posisyon mo?

Matitigilan si Edgardo with the thought of this.

EDGARDO
Gusto kong makausap si Elias.

CUT AWAY TO:

Naririnig pala ni Calvin ang usapang ito nina Edgardo at Hugo.


Gigil na gigil siya.

7.4.10. INT. ALMA'S HOUSE. SAME DAY.

Nasa may kusina si Romana sa loob ng bahay ni Alma.


Bago maghilamos, huhubarin niya ang kanyang wedding ring,
tititigan niya ito.

ROMANA
Hindi ko masabing tapos na, asawa ko.
Malaya na 'ko mula sa Golden Scorpion pero hindi ko
alam kung sa'n magsisimula para hanapin ang anak natin.

Romana sighs.
Kita ang pangungulila sa mata.
Ipapatong ang singsing sa may sink at maghihilamos.

Saka aabutan ni Alma ng damit-pamalit sina Romana at Sabel.

ROMANA
Salamat po, Ma'am Alma.

Nakatingin si Sabel sa mahabang bestida na iniabot ni ALma sa


kanya. Bigla niyang pupunitin ang laylayan nito para umiksi.

Gulat si Alma.
Isusuot ni Sabel ang altered daster. Kita ang makinis niyang
legs.

SABEL
Pasensiya na ho.
Mas sanay ho kasi ako sa maiksing damit.

ALMA
W-Walang problema, Sabel.
May iba pa 'kong lumang daster, ipaggugupit kita.

Habang nagbibihis sina Romana at Sabel, mapapansin ni Alma na


palabas si Elias ng bahay.

ELIAS
Si Bunjoy po, 'Nay, iniwan ko kay Bane.

Hindi ito narinig ni Romana.

ALMA
Sige susunduin ko mamaya.
Eh ikaw, sa'n naman ang punta mo?
Hindi ka ba magpapahinga muna?
Ipaghahanda ko kayo ng makakain.

ELIAS
'Nay, gusto ko lang po muna mapag-isa.

Then deretso nang lalabas si Elias.


Magkakatinginan sina Alma, Romana at Sabel.
Nakasunod ng tingin si Alma kay Elias, worried.

Elias notices nakatingin sa kanya sina Miguelito, Oka, Kim


Arthur, Estong, Buboy at Tyson.

7.4.11. INT. DOCTOR'S OFFICE. SAME DAY.


Nakawheelchair si Alfonso sa loob ng opisina ng doctor.
Doctor is showing visual aids - photos of thallium chemical
element and victims of thallium poisoning.

DOCTOR
Based sa lab tests, may nakitang suspicious level of
thallium sa dugo mo. Tasteless, odorless, heavy metal
na kadalasang ginagamit sa electric components,
pintura, fireworks at lason sa daga.

MAYOR ALFONSO
Pa'no nangyari 'yon?
May naglagay ng lason sa pagkain ko?

DOCTOR
I don't want to jump into conclusions pero kung sinoman
ang may gawa nito, alam niya na mahirap madetect at
dahan-dahan ang epekto ng ginagawa niyang panlalason sa
'yo. Pero siguradong nakamamatay.

Tahimik lang si Alfonso.

MAYOR ALFONSO
Habang nagrerecover ka, iwasan mo kumain ng pagkain na
pinrepare ng ibang tao. Only from someone na
pinagkakatiwalaan mo - perhaps your wife?

May namumuong despair kay Alfonso.

INSERT QUICKFLASHES:

All the times na pinakain ni Sasha si Alfonso ng pinrepare niyang


food.

Namumutla si Alfonso sa narerealize niya.

7.4.12. INT. ALMA'S HOUSE. SAME DAY.

Naghahanda umalis sina Romana at Sabel.


Nakatingin si Alma sa picture nila ni Elias, mapapaluha siya.

SABEL
A-Ayos lang po kayo, Ma'am Alma?

ALMA
Ah wala ito.
Iniisip ko lang si Elias at 'yung bigat ng dinadala
niya ngayon.
(beat)
Romana, anong klaseng amo si Edgardo?

ROMANA
Malupit po siya.
Wala siyang ibang inisip kundi sarili niya at ang
Golden Scorpion.
Pera at kapangyarihan, 'yan ang laging tumatakbo sa
utak niya.

ALMA
Hindi na siya ang lalaking minahal ko.

Matitigilan, magkakatinginan sina Romana at Sabel.

ROMANA
A-Ano hong ibig niyong sabihin?

ALMA
Saglit lang tayo nagkakilala pero magaan ang loob ko sa
inyo.
Pakiramdam ko konektado tayo.

ROMANA
Nanay din po ako.
Alam ko po ang nararamdaman niyo.

ALMA
Si Edgardo... siya ang tunay na ama ni Elias.
Pinaniwala ko si Elias na patay na ang tatay niya.
Pero 'yun kasi ang alam ko.
Naglaho na lang bigla si Edgardo nung ipinagbubuntis ko
si Elias.
Hindi ko alam na lider pala siya ng sindikato.

ROMANA
Pinalaki niyo po nang maayos si Elias.
Kung anuman pong dugo ang nananalaytay sa katawan niya,
hindi 'yon ang bubuo sa pagkatao niya.

Mapapangiti si Alma kay Romana.

ROMANA
Ma'am Alma, gusto ko pa ho sanang magtagal pero hindi
na ho ako dapat mag-aksaya ng oras para hanapin ang
anak ko.

ALMA
Ay oo.
Ipagdadasal ko na mahanap mo ang anak mo, Romana.
Walang anak ang dapat nawawalay sa magulang niya.

Magyayakapan sina Romana at Alma.


Romana and Sabel leave.

7.4.13. EXT. INDEPENDENT LOCATION. SAME DAY.

Nakapalibot ang mga Biyaheros kay Elias.


Tahimik lang si Elias.

OKA
Ang tadhana nga naman daig pa 'yung mga ex ko, ibang
klase kung pa'no tayo paglaruan.

MIGUELITO
Pero hindi ba dahil nalaman niyong mag-ama kayo nung
lider ng sindikato kaya buhay ka pa ngayon at si Aling
Alma?

KIM ARTHUR
May point si Miguelito, Elias, kung hindi kayo inawat
ni Calvin ng tatay mo baka nagkapatayan talaga kayo.

ESTONG
Pero anong nararamdaman mo ngayon, Elias?
Na 'yung mga taong sumira sa buhay mo, kadugo mo pala?

ELIAS
Sa totoo lang, hindi ko alam.
Gulong-gulo ako.
Gusto kong puntahan ang mag-ina ko.

MIGUELITO
Samahan ka namin?

ELIAS
Ako na lang mag-isa muna siguro.

Hahawakan ni Miguelito si Elias sa balikat.


MIGUELITO
Kahit anong mangyari, Elias, andito lang kaming mga
barkada mo. Kami ang totoong pamilya mo, 'wag mong
kalilimutan 'yan.

7.4.14. INT. ALMA'S HOUSE. SAME DAY.

Dumarating sina Bunjoy, Vanessa, Neneng B at Benjie sa bahay ni


Alma.

BUNJOY
'Nay Alma?
Kuya Elias?

Walang tao sa bahay.

BUNJOY
Wala pa rin sila.

Maluluha na si Bunjoy.
Then biglang dadating si Alma na may dalang pinamalengke.

ALMA
Oh, andito na pala kayo!
Pinuntahan kita Bunjoy kina Bane, namasyal pala kayo.

Manlalaki ang mata ni Bunjoy.


Biglang yayakapin si Alma.
Mabibitawan niya ang kulungan ng sisiw.

BUNJOY
'Nay, san po kayo nanggaling ni Kuya Elias, nag-alala
po ako sa inyo.

Magkatinginan sina Alma at Vanessa.

ALMA
Ah eh, pasensiya ka na anak kung nag-alala ka.
May biglaan lang kami inasikaso ni Kuya Elias mo.

BUNJOY
Eh si Kuya Elias po, asan na?

VANESSA (worried)
Oo nga ho, Aling Alma?
Okay lang po ba si Elias?
NENENG (pasimple)
Kalma, Ate. Alalang-alala?

ALMA
Lumabas lang saglit si Elias.
Mamaya andito na 'yon.

Makakahinga nang maluwas si Vanessa.

BUNJOY
Sa susunod ho magpapaalam kayo ha!

Mapapangiti si Alma.

ALMA
O-Oo sige. Pasensiya na anak. Tahan na ikaw.

Mapapansin ni Bunjoy nakawala na ang sisiw sa kulungan nito.


Nagtatatakbo ito. Hahabulin ni Bunjoy.

BUNJOY
Nenjie!

ALMA
Salamat, Bane, Neneng at Benjie sa pag-aalaga kay
Bunjoy.

BANE
Wala ho 'yon Aling Alma.
Eh kayo ho ni Elias, sigurado po ba kayong ayos lang
kayo?

May hindi masabi si Alma kay Bane.

ALMA
O-Oo naman.

7.4.15. INT. ISLA ALAKDAN - MANSION. SAME DAY.

Lalapitan nina Edgardo at Hugo si Calvin.

EDGARDO
Maghanda ka, pupuntahan natin si Elias.

CALVIN
Ba't isasama mo pa 'ko?
Ire-recruit mo lang si Elias sa Golden Scorpion,
kailangan andon pa ko?!

EDGARDO
Anong pinagsasasabi mo?

CALVIN
Akala mo hindi ko narinig ang usapan niyo nitong si
Hugo?
Pinag-iisipan niyong siya ang maging tagapagmana mo!

EDGARDO
Kakausapin natin si Elias para matapos na ang gulo
niyong magkapatid!

CALVIN
Hindi ko siya kapatid!
At matatapos lang ang gulo namin ni Elias kung
mapapatay ko siya!

Saka kukuwelyuhan na ni Edgardo si Calvin.

EDGARDO
Ikaw ang may kasalanan kung bakit kahit kelan, hindi na
magiging isa ang mundo namin ni Elias! Habambuhay niya
tayong ituturing na kalaban pero hindi natin kailangang
magpatayan!

CALVIN
Eh anong plano mo?!
Mag-sorry?!!

Sasapakin ni Edgardo si Calvin at kakaladkarin.

EDGARDO
Susundin mo ang inuutos ko - !
Sa ayaw at sa gusto mo!

Gigil na gigil si Calvin habang minamanhandle ni Edgardo.

7.4.16. EXT. PALANGGA. SAME DAY.

Nagsasagwan si Tuklas sa bangka.


Sakay niya sina Romana at Sabel.
Nakatingin siya sa legs ng mga ito.

TUKLAW
Paalis na kayo agad mga Miss Byutipul?
'Kala ko pa naman magtatagal kayo, shot-puno sana.

ROMANA
Hindi ako nag-iinom.

TUKLAW
Eh kelan ang balik niyo?

SABEL
Baka hindi na.

Soplak si Tuklaw.

SABEL
Sa'n na tayo niyan, Ate?
Pa'no tayo magsisimula hanapin si Bunjoy?

ROMANA
Wala namang ibang pupuntahan sina Edgardo at Calvin
kundi ang Isla Alakdan. Pero kahit ako hindi ko alam
kung nasa'n ang islang 'yon.

SABEL
'Wag kang mag-alala, Ate, hindi tayo titigil hangga't
hindi natin nahahanap si Bunjoy.

Then Romana notices na wala sa daliri niya ang singsing niya.

ROMANA (kay Tuklaw)


Teka, ibalik mo ang bangka!

TUKLAW
Sabi ko na, walang nakakatanggi sa kaguwapuhan ko eh.
Sa'n tayo Miss?

ROMANA
Kina Aling Alma.
(kay Sabel)
Naiwan ko 'yung singsing ko kina Aling Alma.
(kay Tuklaw)
At isang beses pang tumingin ka sa hita ko, ipapalunok
ko sa 'yo 'yang sagwan mo.
Deretso ng tingin!

Nginig si Tuklaw.
7.4.17. INT. ALMA'S HOUSE. SAME DAY.

Pumapasok ulit sina Romana at Sabel sa bahay ni Alma.


Maabutan nila na nandoon din sina Vanessa, Neneng at Benjie.

ROMANA
Aling Alma, may naiwan ho ako.

ALMA
Ano 'yon?

Ituturo ni Romana 'yung singsing niya sa kusina.

ROMANA
'Yun hong singsing ko. Sa kusina.

Kukunin ni Alma at iaabot kay Romana.

ALMA
Buti hindi pa kayo nakakalayo.

ROMANA
Buti nga ho.

Hanggang sa may sisiw na dumaan pagitan ng paanan ni Romana.

ALMA
Ay ayan 'yung sisiw na hinahanap ni Bunjoy!

ROMANA
Ano pong sabi niyo Aling Alma?
B-Bunjoy?

ALMA
Oo, Bunjoy, 'yung batang inampon namin ni Elias.

Magkakatinginan sina Romana at Sabel.

BUNJOY (OS)
Nenjie!
Halika rito!

Maninigas si Romana pagkarinig sa boses ni Bunjoy.


Palingon sana sa likod si Romana hanggang sa biglang mabunggo na
sa kanya si Bunjoy.

BUNJOY
Aray ko po!

Mapapayakap si Romana kay Bunjoy para 'wag ito tuluyang matumba.


Magtatama ang mata nina Romana at Bunjoy habang magkayakap sila.

ROMANA
Bunjoy, anak ko - !

BUNJOY
'Nay?!!

Magkakatinginan ang lahat.

BUNJOY
Nanay!!!

Mag-iiyakan sina Romana at Bunjoy habang magkayakap.

7.4.18. EXT. CEMETERY. THAT NIGHT.

Nakatingin si Elias sa lapida ng mag-ina niya.


Mabigat ang loob.

ELIAS
P-Patawarin niyo 'ko, Kumander... Andrea.
Sa lahat ng nadiskubre ko, hindi ko na alam
kung pa'no ko pa bibigyan ng hustisya ang pagkamatay
niyo.
Hindi ko alam kung pa'no itutuloy ang paghihiganti ko.

Mapapaluhod na lang si Elias.


Gulong-gulo ang isipan.

7.4.19. INT. MAYOR ALFONSO'S HOUSE. SAME NIGHT.

May naglulutong kasambahay sa kusina.


Lalapit si Sasha.

SASHA
Hindi pa ba tapos 'yan?
Pauwi na si Alfonso.

KASAMBAHAY
Maluluto na ho.

SASHA
Ako na nga!
Then pasimpleng lalagyan ni Sasha ng lason ang pagkain.

CUT AWAY TO:

Palapit si Alfonso.
Huli na niya finally sa akto si Sasha.

Pagharap ni Sasha.

SASHA
Oh andiyan ka na pala, mahal!
Tamang-tama, tapos na itong hinanda ko para sa 'yo!

ALFONSO
Ikaw ang nagluto?

SASHA
Sino pa ba?

ALFONSO
Lahat ng pinakain mo sa 'kin, ikaw ang naghanda?

SASHA
Para masigurado kong special, syempre ako!
Ba't ba andami mong tanong?
Oh eto, tikman mo na.

ALFONSO
Bakit hindi ikaw muna?

Matitigilan si Sasha.

SASHA
Huh?

ALFONSO
Ang sabi ko, tikman mo 'yang niluto mo sa harapan ko.

Seryoso ang mukha ni Alfonso.


Pagpapawisan si Sasha nang malamig.
Hindi alam ang gagawin.

SASHA
Ano bang problema mo?
Ikaw na ang pinagluto, andami mo pang arte.
Kung ayaw mo eh di huwag!
ALFONSO (pasigaw)
Kainin mo sabi!

Gulat si Sasha sa taas ng boses ni Alfonso.

7.4.20. INT. ALMA'S HOUSE. SAME NIGHT.

Dumarating si Elias na nag-iiyakan sina Romana at Bunjoy sa bahay


ni Alma.

ELIAS
A-Anong nangyayari?

ALMA
Elias! Elias, si Romana!
Si Romana ang nanay ni Bunjoy!

ROMANA
Elias, maraming salamat sa pag-ampon niyo sa anak ko!
Hindi ako naniniwala sa tadhana pero siguro nga, kaya
pinagtagpo-tagpo tayo para mahanap ko ang anak ko!
Sobrang saya ko!

Maiiyak si Romana, mapapayakap kay Elias.

BUNJOY
Kuya Elias, salamat po ha.
Tinupad niyo ang pramis niyo sa 'kin
na hahanapin niyo si Nanay.
Inuwi niyo siya sa 'kin.

CUT AWAY TO:

Sa labas ng bahay, nakatingin sina Vanessa, Neneng at Benjie sa


emotional reunion sa loob ng bahay.

Nakatitig si Vanessa sa yakapan nina Romana at Elias.

7.4.21. INT. ALMA'S HOUSE. SAME NIGHT.

Natutulog si Bunjoy sa kwarto.


Hinihimas ni Alma ang ulo ng anak.

Lalapit si Elias sa may pinto.

ELIAS
Nung panahong halos magpatayan tayo Romana, wala kang
kaalam-alam na nasa'kin pala ang anak mo.

ROMANA
Gusto kong humingi ng tawad sa lahat, Elias.

ELIAS
Hindi mo kasalanan.
Ginipit ka ng tatay ko... ni Edgardo.
Kaya sumunod ka lang sa utos niyang patayin ako.
Ngayon ko naiisip kung ga'no siya kasamang tao.
At siguro nga, wala na 'kong magagawa kung siya ang
tunay kong ama pero hindi ibig sabihin no'n na
magkapareho kami. Kahit kelan hindi ako magiging
katulad ni Edgardo. At lalong hindi ako magiging
katulad ni Calvin.

ROMANA
Lahat ng tao may karapatang magsimula ulit. Gaya namin
ni Bunjoy. Sa 'yo, Elias, hindi pa huli ang lahat.
Gamitin mo ang pagmamahal mo para sa asawa't anak mo
para gawin kung ano ang tama.
'Yung pagiging si Black Rider mo.
'Yung pagliligtas mo sa mga nangangailangan
gaya ni Bunjoy... gaya ko.
'Yan ang magandang naidulot
ng lahat ng nangyari sa 'yo.

Gumagaan kahit papaano ang kalooban ni Elias.

7.4.22. EXT. PALANGGA. SAME NIGHT.

Parating ang malalaking sasakyan sa Sitio Palangga.


One of the cars roll down its window.
Si Edgardo ang nakaupo roon, katabi niya si Calvin.

Dadaan sina Kapitana Babes and her entourage.

BENOK
Ayun Kapitana oh!
Bagong dating.
Mukhang bigtime!

Lalapit si Kapitana kay Edgardo.

KAPITANA BABES
Sir, ano pong kailangan niyo sa Baranggay ko?
EDGARDO
Dito ba nakatira si Elias Guerrero?

KAPITANA BABES
Si Elias?!
Kilala ko ho 'yon!
Ba't niyo hinahanap?!
May atraso ba siya sa inyo?!
Sakit sa ulo talaga 'yon dito sa baranggay ko!
Ano niya ho ba kayo?

EDGARDO
Ako ang tatay niya.

Tigalgal si Kapitana Babes.


Magkakatinginan silang magkakasama.

Edgardo looks around with brooding eyes.


Hindi naman maipinta ang mukha ni Calvin.

END OF DAY FOUR

WEEK 7 SCRIPT AS OF 11 October 2023


HEAD WRITER: Erwin Caezar Bravo
EPISODE WRITER: Lawrence Nicodemus
WRITERS: John Bedia | Dickson Comia
Adam Cornelius Asin | Lawrence Nicodemus
DIRECTORS: Rommel Penesa | Richard Arellano
PROGRAM MANAGERS: John Mychal Feraren | Gemma Gonzaga
EXECUTIVE PRODUCERS: Tanna Mae Delos Santos | Lea Reyes
ASSOCIATE PRODUCERS: Marvin Soyangco | Reynald Ramos
SENIOR ASSISTANT VICE PRESIDENT: Neil Gumban
VICE PRESIDENT: Arlene Carnay
FIRST VICE PRESIDENT: Nessa Valdellon

DAY FIVE
7.5.1 INT/EXT. ALMA’S HOUSE. DAY

Darating ang isang bangka lulan si Hugo.

Mapapansin na ito nina Elias, Alma, Romana, Sabel, at Bunjoy na


kasalukuyang nagpapahinga.

Agad na lalabas si Elias, kasunod si Alma, then si Romana at


Sabel. Si Bunjoy nasa likod ni Romana, nagtatago.

ELIAS
Bakit nandito ka? Anong kailangan mo?

HUGO
Masyado ka namang mainit Elias. Hindi mo man lang ba
ako patutuluyin sa bahay mo?

ELIAS
Hindi ka welcome dito. Umalis ka na, dahil baka kung
ano pang magawa ko sa’yo.

Ngising aso si Hugo. Tension.


Mapapansin ni Hugo si Bunjoy. Sisimangot si Romana kay Hugo.

HUGO
Kasama mo na pala ang anak mo. Congrats!

ROMANA
Ano ba talagang ipinunta mo dito? Tapos na ang kontrata
ko kay Senor Edgardo.

HUGO
Huwag kang mag-alala. Hindi naman ikaw ang ipinunta ko
dito. (To Elias) Elias, gusto kang makausap ng tatay
mo.

Vindictive ang itsura ni Elias as he hears what Hugo said.

7.5.2. EXT. VANESSA’S HOUSE. DAY

Matatanaw nina Vanessa at Neneng B ang nasa bahay nina Elias.

NENENG B
Ate, anong nangyayari dun sa bahay nina Kuya Elias?

VANESSA
Hindi ko nga rin alam eh. Sino kaya yung lalaking yun
na kumakausap sa kanila? Bakit parang may tension?

Mapapansin din ni Vanessa yung dalawang babae.

VANESSA
Tsaka sino kaya yung dalawang babaeng yun?

Takang-taka si Vanessa at Neneng B.

7.5.3 INT/EXT. ALMA’S HOUSE. DAY. CONT

CONT

ELIAS
Baket?

HUGO
Baka gusto lang niya ng father and son bonding?

Tawang pang-asar si Hugo.

ELIAS
Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo.

HUGO
Ito naman. Anak ka nga talaga ni Senor Edgardo. Anyway,
alam ko naman na maraming katanungan ang naglalaro
ngayon sa utak mo. Ayaw mo bang makuha yung mga
kasagutan mismo kay Senor Edgardo?

Mapapaisip si Elias. Makikita natin sa mukha nyang alam nyang may


punto si Hugo. Marami syang gustong malaman tungkol sa pagkatao
nya at parte si Edgardo nun.

ELIAS
Sige, pupunta ako.

HUGO
Eh di tara na.

ALMA
Sandale. Sasama ko.

Hindi makakasalita sina Elias at Hugo.

ALMA
Anak ko rin si Elias. Anak namin siya ni Edgardo. Kaya
may karapatan din ako.

HUGO
Wow, so family reunion pala ito?

Hugo continues to taunt.

7.5.4. INT. MAYOR’S HOUSE. DINING AREA. DAY

Kabado si Sasha. Mayor Alfonso is waiting.

MAYOR ALFONSO
Ano Sasha? Bakit parang natatagalan ka ata?

Mapapalunok ng laway si Sasha. Ilalapit niya ang pagkain sa


kanyang bibig. Akmang isusubo. Pero bago nya tuluyang masubo ay
itatapon niya ang pagkain sa may pader.

SASHA
Walangya ka!

MAYOR ALFONSO
Ako pa ngayon ang walangya? Akala mo ba hindi ko alam
kung anong pinagggagawa mo? Nilalason mo ‘ko!

SASHA
Oo na! Oo na! Gusto na talaga kitang mamatay!

Maiiyak si Alfonso upon hearing this.

MAYOR ALFONSO
Bakit mo kailangang gawin yun Sasha? Para ano para
magsama na kayo ng kabi mo? Bakit kailagan mo kong
patayin ha?

SASHA
Dahil galit ako sa’yo! Kinamumuhian kita dahil walang
pinuntahan ang buhay ko sa’yo.

Masasampal ni Mayor Alfonso si Sasha. Sasha looks at him with


pride.

SASHA
Ano? Gumaan ba ang pakiramdam mo dahil nasaktan mo ‘ko?
Kahit ilang beses mo ko saktan. Kahit patayin mo pa ‘ko
ngayon, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na
talunan ka, dahil wala kang ambisyon, wala kang
pangarap, at hanggang dyan ka na lang.

Aalis si Sasha. Maiiwan si Mayor Alfonso na bigat na bigat sa mga


binitiwang salita ni Sasha.

7.5.5. EXT. SCENIC PLACE. DAY

Bababa na sina Alma sa isang sasakyan. Meron ng isang sasakyan pa


sa harap nila na naghihintay. Bababa na rin do’n si Edgardo to
meet up with Elias at Alma. Maraming goons na kasama si Edgardo.

EDGARDO
Anak, salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon
kong makausap ka.

Asiwa si Elias sa pagtawag sa kanyang anak ni Edgardo.

ELIAS
Anong kailangan mo?

EDGARDO
Gusto lang kitang makausap, kasi gusto ko nang matapos
ang lahat ng ‘to…

ELIAS
Hindi naman ako ang nagsimula ng gulong ‘to.

EDGARDO
Alam ko alam ko. At naiintindihan kita. Pero anak kita,
at dugo ko ang nanalaytay sa dugo mo. Kaya once and for
all, tapusin na natin ‘to. Kaya rin kita pinapunta
rito, para magkaharap rin kayo.

Sesensyas si Edgardo sa sasakyan. Dito na bababa si Calvin.


Tension ang dalawa.

7.5.6. INT. ALMA’S HOUSE. DAY

Magkausap sina Romana at Bunjoy sa sala. Nandun din si Sabel,


nakikinig lang.

BUNJOY
‘Nay, bakit kilala mo yung mga lalaking kumuha kina
'nay Alma at Kuya Elias? Hindi ba mga bad sila?

ROMANA
Mahabang kwento anak. Hindi mo lang din maiintindihan.

Confused si Bunjoy pero keeps on asking.

BUNJOY
Bakit po ba tayo laging nagkakahiwalay? San po ba
talaga kayo nagpupunta? Ano po ba talagang trabaho mo?

Magkakatinginan sina Romana at Sabel. Then Romana talks to Bunjoy


again.

ROMANA
Wag mo na yun intindihin anak. Basta ang importante
hindi na tayo magkakahiwalay ulit.

BUNJOY
Talaga ‘nay? Promise yan ha?

ROMANA
Promise.

Magyayakap ang dalawa.

7.5.7. EXT. SCENIC PLACE. DAY. CONT

Gigil si Elias. Mag-c-close fist ito. Gustong gustong sumugod.

Mapapansin ito ni Calvin at ng mga goons, magrerady sila maglabas


ng baril if a commotion happens.

Hahawakan ni Alma si Elias para kumalma. Elias lets go of his


fist. Sesensyasan ni Edgardo ang mga tauhan to stay put.

Maglalabas si Edgardo ng isang bungkos ng pera mula sa bulsa(or


bag?).

EDGARDO
Tanggapin nyo ‘to.

ELIAS
Para sa’n? Kabayaran para sa lahat ng ginawa nyo
sa’min? Para buhay ng pamilya ko? Hindi yun
matutumbasan ng kahit anong pera.

EDGARDO
Hindi…para ‘to sa mga pagkukulang ko sa’yo bilang ama
mo. Nalaman ko kung anong buhay meron kayo nung wala pa
ako sa buhay nyo. Sige na tanggapin nyo na.

Ipapatong ito ni Edgardo malapit kina Elias.

EDGARDO
Kung kulang pa yan, sabihin nyo lang.

ELIAS
Talagang kukulangin yan. Dahil hindi yan ang kailangan
namin kundi hustisya. Kailangang magbayad nang anak mo
sa ginawa nya. Kung hindi man sa’kin, sa batas.

Calvin smirks in reaction.

EDGARDO
Anak ko rin si Calvin. Hindi ako papayag na may
mangyaring masama sa kanya. Hindi sya pwedeng makulong.

ELIAS
Pwes, wala na tayong dapat pag-usapan.

EDGARDO
Elias. Paaalisin ko ni Calvin ng bansa. Hindi na
magtatagpo ang landas nyo. Hindi ba Calvin?

CALVIN
Opo pa.

EDGARDO
See? Tapos na rin ang kontrata ko kay Romana para
huntingin ka. Hindi na rin kayo guguluhin ng Golden
Scorpion. Kaya please. Pumayag ka na.

Tataas ang boses ni Elias.

ELIAS
Ganun na lang ba kadali yun? Paano yung mga inosenteng
buhay na nadamay dahil sa ginawa nya? Buhay ang kinuha
nya, kaya buhay din ang kapalit.

Alma tries to calm him down.

ALMA
Anak. Hindi ka pa ba napapagod? Ilang buhay pa ba ang
dapat madamay bago ka tumigil? Hindi naman mababalik
ang buhay nila sa pamamagitan ng paghihiganti mo. Tama
na, ako na ang nakikusap sa’yo. Pinayagan kitang maging
si Black Rider dahil alam kong mahalaga para sa’yo ito.
Pero ngayon, ako naman ang pakinggan mo. Ayoko nang may
dumanak na dugo.

Mangiyak ngiyak si Alma sa pakikiusap.

EDGARDO
Makinig ka sa nanay mo, Elias.

Tension as Elias looks at everyone. Nagtatalo ang kanyang


damdamin.

7.5.8. INT. MAYOR’S HOUSE. BEDROOM. DAY

Naghihintay si Sasha sa kwarto. Darating si Mayor Alfonso.

SASHA
Ano? Tumawag ka na ba ng pulis para ipakulong ako?
Handa na ako.

MAYOR ALFONSO
Tama ka. Kahit ano mang gawin ko sa’yo, hindi rin naman
maaayos ang gulo sa’ting dalawa. Kaya hindi na kita
sasaktan o ipakukulong. Pero lumayas ka na sa bahay na
‘to. Kung ayaw mo na sa’kin, hindi ko na ipipilit ang
sarili ko sa’yo. Iayos mo na ang gamit mo at ipahahatid
kita kay Rommel kung san mo gusto.

SASHA
Kay Julio na lang ako magpapahatid.

Sasha stands up, kukuha ng bag sa cabinet and starts packing up.

7.5.9. INT. RESTAURANT. DAY

(Note: Hindi ko sure kung okay yung venue, or kung meron ba


silang usual hangout place).

Magkakasama ang mga Golden Scorpion Boys.

PHILIP
Bakit ka pumayag?

MATTIAS
Oo nga? Parang umurong yata ang bahag mo ah?
IVAN
Wag mong sabihin pre na lumambot ang puso mo sa Elias
na yun?

CALVIN
Sinong nagsabi sa inyo? Sinabi ko lang ang ang gustong
marinig ni Papa. Pero wala akong balak tumupad. Ang
totoong tatapos sa way naming dalawa ay kung may isa
sa’min ang mamamatay. At sisiguraduhin kong sya yun.

Magtatawanan ang mga boys evilishly.

7.5.10. INT. HOSPITAL. DAY

General Policarpio sa hospital. May nurse na nagchecheck ng


vitals. Biglang magmumulat si General.

7.5.11. EXT. PALANGGA. DAY

Nagninilay-nilay si Elias somewhere. He’s alone. Pero maya-maya


darating si Alma, lalapitan sya at kakausapin.

ALMA
Anak, alam kong hindi mo pa lubusan matanggap ang
sinabi ni Edgardo. Pero sana isipin mo, kung nasaan man
ang asawa’t anak mo ngayon, sa tingin mo ba gusto
nilang laging nasa kapahamakan ang buhay mo? Baka mas
gusto pa nilang matuto ka nang magpatawad at mamuhay ng
masaya at payapa.

Tatablan si Elias sa sinabi ni Alma. Alma continues.

ALMA
Tama na rin na nagkahiwalay kami ng landas ni Edgardo
dahil hindi ko maatim ang buhay na tinahak nya. At
dahil dun napalaki kitang mabuti at may prinsipyo.
Hindi na siya ang lalaking minahal ko noon. Mas okay na
rin na wala na tayong koneksyon sa kanila.

Lalong mapapaisip si Elias.

ELIAS
Gusto ko po munang mapag-isa ‘nay.

Aalis si Elias. Hindi na siya susundan ni Alma. Nakita yun ni


Vanessa na saktong padaan.
7.5.12. EXT. STREET. DAY

Sinabayan ni Vanessa si Alma na maglakad.

VANESSA
‘Nay Alma, nag-away po ba kayo ni Elias?

ALMA
Hindi naman. Meron lang kaming mga hindi
pinagkakasunduan ngayon.

VANESSA
Ano yun?

ALMA
Hindi ko mapaliwanag. Basta sa ngayon, hayaan na muna
natin syang mapag-isa at magnilay-nilay. Ipagdasal na
lang natin na magkaron ng linaw ang isip nya.

VANESSA
Concerned lang po ako kay Elias kaya natatanong ko.

ALMA
Laking pasasalamat ko naman dahil may mga kaibigan si
Elias na katulad mo na nag-aalala para sa kanya.

VANESSA
Mabuting tao kasi si Elias ‘nay Alma. Wala syang
gagawing ikapapahamak ng mga mahal nya sa buhay.

ALMA
Sana nga.

The two continue to walk.

7.5.13. CALVIN’S ROOM. NIGHT

A. EXT. CEMETERY. DAY

Nasa puntod ng kanyang asawa at anak si Elias. Nagninilay-nilay


ito.

ELIAS
Siguro nga tama ang nanay. Masyado na siguro talaga
akong kinain ng galit at ng uhaw para makaganti. Hindi
ko na naisip na…
Baka nga hindi ito ang gusto nyo para sa’kin.

Elias wipes his tears.

ELIAS
Kumander…mahal na mahal kita. Kaya kong gawin ang lahat
para sa inyo ni (name ng anak) kahit ialay ang buhay
ko. At kaya ko rin magpatawad, kung yan ang gusto nyo.

Ma-c-cut ang moment ni Elias nang biglang magring ang kanyang


phone. He answers it.

ELIAS
Hello?

CALVIN (vo)
Elias! Kamusta na ang bastardo kong kapatid?

ELIAS
Calvin?

CALVIN (vo)
Ako nga. Mabuti naman at alam mo ang boses ko.

ELIAS
Anong gusto mo?

CALVIN (vo)
Eh di kung ano rin ang gusto mo. Alam ko naman na wala
sa plano mong hayaan na lang na hindi natin matapos ang
laban natin. Lalo na’t ako ang pumatay sa pamilya mo
diba? Naalala mo ba yun? Enjoy na enjoy nga ako nung
gabing yun eh.

Magngingitngit si Elias sa pang-t-taunt ni Calvin.

CALVIN (vo)
Kaya halika na. Ipapadala ko sa’yo ang lugar kung saan
tayo magkikita bukas. Magkita na tayo nang mapatay na
kita. Para naman makasama mo na sa wakas ulit ang
pamilya mo.

Gigil si Elias. Maibabato nya ang phone nya sa galit. Ang


kaninang naghihingapis na itsura ni Elias, muling napuno ng
galit.

7.5.14. INT. SAFEHOUSE. DAY


Mag-isa si Paeng sa safehouse. Umiinom sya habang nakatanghod sa
labas. Darating si Ricarte.

RICARTE
Paeng.

PAENG
O, Ricarte, napadalaw ka?

RICARTE
May kailangan kang malaman.

PAENG
Ano yun?

RICARTE
Si General Policarpio. Nagising na sya.

Gulat si Paeng sa narinig.

7.5.15. EXT. SENATOR WILLIAM’S HOUSE. DAY

Lalabas si William ng bahay, makikita niyang naghihintay doon si


Sasha at may dalang mga gamit.

SENATOR WILLIAM
Sasha? Anong ibig sabihin nito? Bakit may dala kang mga
gamit?

SASHA
Lumayas na ‘ko kay Alfonso. Malaya na ‘ko sa kanya.
Pwede na tayong magsama.

Yayakap si Sasha kay William, pero hesitant si William. Aalisin


niya ang mga kamay ni Sasha.

SENATOR WILLIAM
Sira ka ba? Hindi tayo pwedeng magsama. Gusto mo bang
maskandalo tayo?

SASHA
Pero…diba yun naman talaga ang dati pa natin gustong
mangyari.

SENATOR WILLIAM
Pagpipiyestahan tayo ng media kapag ginawa natin yan.
SASHA
Pero pano na ‘ko? San ako pupunta. Lumayas na ako
sa’min.

Mag-iisip si William.

SENATOR WILLIAM
Bibigyan kita ng bahay. Basta hindi ka pwede dito.

Gulat si Sasha sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni William sa


kanya.

7.5.16. INT. OKA’S HOUSE. NIGHT

Kausap ni Elias sina Miguelito at Oka.

OKA
Eh anong plano mo? Pupuntahan mo ba siya?

Matatagalan sumagot si Elias. It’s as if he is about to


say no.

MIGUELITO
Buti na rin nga siguro na wag na para matahimik na ang…

ELIAS
Pupunta ako. Hindi ko uurungan ang demonyong yun.

Elias is decided.

7.5.17. EXT. FALLS. DAY

Naghihintay si Calvin kasama sina Ivan at Uno.

IVAN
Darating kaya talaga yun?

CALVIN
Darating yun. Kilala ko yun.

UNO
Basta kung kailangan mo ng backup, nandito lang kami
ha.

CALVIN
Walang mangingialam. Laban lang namin ‘to. Maliwanag.
Tatango ang mga boys. Maya-maya, darating na si Elias, nakamotor.
Naka-Black Rider. Tanggal ng helmet.

7.5.18. INT. EDGARDO’S MANSION. DAY

Nagkakape si Edgardo habang nagbabasa ng dyaryo. Tatawagin niya


si Hugo.

EDGARDO
Hugo, nakahanda na ba si Calvin? Baka ma-late sya sa
flight nya.

HUGO
Senor. Si Calvin po, wala sa kwarto nya.

EDGARDO
Ano? Tawagin mo nga yung mga boys.

Aalis saglit si Hugo at babalik kasama ang ibang GSB (na wala sa
falls).

EDGARDO
Nasaan si Calvin?

Magkakatinginan sila. Walang makakasagot. Sisigaw na si Edgardo.

EDGARDO
Nasaan si Calvin!!!

Manginginig sa takot ang mga boys.

7.5.19. EXT. FALLS. DAY

Magkaharap sina Elias at Calvin.

CALVIN
Mano mano lang ang labanan. Walang sandata. Ang mahulog
sa falls, siguradong patay at pagpipiyestahan ng mga
isda. Pero kung natatakot ka na, pwede ka nang tumalon
ngayon pa lang para mas mapadali ang laban.

ELIAS
Ang dami mong dada. Style mo ba yan pag kinakabahan?

Maiinis si Calvin sa banat ni Elias. Agad na susugod ito at


magpapaulan ng suntok. Pero lahat ng suntok ni Calvin ay iilagan
lang nya. Hanggang sa patirin ni Elias ang paa ni Calvin at
babagsak ito.

7.5.20. EXT. STREET. DAY

Naglalakad-lakad sina Alma at Romana, may dalang mga


pinamalengke.

ROMANA
Salamat ho aling Alma ha, na pumayag kayong turuan ako
magluto. Matagal ko na kasing hindi ginagawa ‘to para
sa anak ko eh.

ALMA
Walang anuman. Sa labanan pwedeng mas magaling ka, pero
sa kusina, ako ang bida.

Magtatawanan ang dalawa.


Mapapadaan sina Miguelito at Oka.

ALMA
Miguelito, Oka, kamusta?

OKA
Okay lang po Aling Alma. Eto pogi pa rin.

MIGUELITO
Iba din talaga apog mo Oka. Nakakalula.

ALMA
Kayo talagang dalawa. Oh nasaan si Elias.

Matitigilan ang dalawa. Hindi kagad makakasagot. Magiging


seryoso. Magigins seryoso rin si Alma.

ALMA
Oka, Miguelito, may nangyari ba?

OKA
Aling Alma, si Elias kasi, nakipagkita kay Calvin.

Kakabahan sina Alma at Vanessa.

7.5.21. EXT. FALLS. DAY

Continuation ang labanan. Hindi pa rin nakakatama si Calvin, pero


masasalo nya ang lahat ng suntok ni Elias.
Mawawalan ng patience si Calvin kaya lalo syang manggigil. Pero
si Elias, calculated ang mga galaw.

Sa huling suntok ni Calvin, ma-c-counter sya ni Elias at


maibabato malapit sa babagsakan ng falls.

Magiging impatient na si Calvin kaya maglalabas na sya ng


kutsilyo saling sa kanyang pants.

Susugurin niya ng kutsilyo si Elias. Elias keeps on evading dahil


luge sya.

7.5.21. EXT. FALLS. DAY

Dumadating si Edgardo with Hugo and other Boys. Kita na from afar
ang labanan nina Calvin and Elias.

EDGARDO
Tama na yaaaaaan!

Matitigilan si Calvin as he hears his father’s voice.

Maaagaw ni Elias ang kutsilyo ni Calvin. Gagamitin ni Elias kay


Calvin. Saksak sa dibdib.

Then malalaglag sa falls.

EDGARDO
Hindeeeee!!!

END OF WEEK SEVEN

You might also like