Isang kaaya-aya at mapagpalang araw sa inyong lahat. Sa hapon pong ito,
ating makikilala ang ating panauhing pandangal na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion UniversityPhilippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan.Siya ay may edad na labing-walo. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapossiya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos.Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School atkasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, walang iba kundi si Bb. Alyssa R.Robles! Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan.
MANANALUMPATI (GUEST SPEAKER)
Maraming salamat sa iyong mahusay na pagpapakilala.. Sa ating kagalang-galang na punong guro , Ginoong Noel G. Malsi, sir. Sa mga panauhin na naririto ngayon, isang napakagandang araw sa ating lahat