You are on page 1of 2

SCOPE AND SEQUENCE: SAKLAW AT DALOY NG KURIKULUM SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG K3

TEMA NG AP KURIKULUM

1. Tao, Lipunan at Kapaligiran


2. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
3. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
4. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan.
5. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
6. Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo
7. Ugnayang Panrehiyon at Pangmundo

SAKOP AT DALOY

Ang sakop at daloy ng AP kurikulum ay nakabatay sa kahulugan nito:

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila
namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang
mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng
lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa
pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likaskayang
paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan ang
paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsible, produktibo, makakalikasan, makabansa,
at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan

Saklaw at Daloy ng Kurikulum

Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino sa katangian at bahaging ginagampanan ng


tahanan, paaralan at pamayanan tungo sa paghubog ng isang mamamayang mapanagutan, may
pagmamahal sa bansa at pagmamalasakit sa kapaligiran at kapwa.

You might also like