You are on page 1of 7

HALAW SA KATITIKAN NG 1ST QUARTERLY MEETING NG LOCAL YOUTH DEVELOPMENT

COUNCIL NG BAYAN NG NAGCARLAN, LAGUNA NA GINANAP SA CONFERENCE ROOM NG


SANGGUNIANG BAYAN NOONG IKA- 24 NG MARSO, 2024

MGA DUMALO:

KGG. LORDJOHN SHERNAN S. MESINAS - - - - - - - Pangulo- PAMBAYANG


PEDERASYON NG SANGGUNIANG
KABATAAN at Tagapangulo- LYDC

KGG. JEFFREY J. SANTOS - - - - - - - - - - - - - - - - - - Pang. Pangulo- PAMBAYANG


PEDERASYON NG SANGGUNIANG
KABATAAN at Pang. Pangulo- LYDC

IMEE LORAINE S. SUIZA - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Primary Representative - KABATAAN


KONTRA DROGA AT TERORISMO

MISHA SAMANTHA G. ARMIA - - - - - - - - - - - - - - - Primary Representative - SAMAHANG


LIKHA PARA SA KABATAAN

CHESTER KHEN B. DE GUZMAN - - - - - - - - - - - - - Primary Representative – RIZALIAN


SUPREME GOVERNMENT

CHRISTIAN GREGOR T. VIRTUDEZ - - - - - - - - - - - Primary Representative –


KABATAANG PANGARAP NI RIZAL
ANA KALANG CHAPTER

MARINELA L. DORADO - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Primary Representative - SAINT


JOSEPH CLUB

JOYCE ANN QUINTERO - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Primary Representative - SAINT


JOSEPH CARES

ABBIGAEL M. BUENO - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Alternate Representative - YOUTH OF


IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE

HINDI DUMALO:

WALA

LYDC RESOLUSYON BLG. 2024-2

RESOLUSYONG NAGPAPATIBAY SA ALITUNTUNING PANLOOB NG LOCAL


YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL NG BAYAN NG NAGCARLAN, LAGUNA

SAPAGKAT, ayon sa Section 23, Chapter III ng Republic Act No. 10742 o ang SK Reform Act
ng 2015, upang matiyak ang malawak at multi-sectoral na partisipasyon ng kabataan sa lokal na
pamamahala, kinakailangan magkaroon sa bawat lalawigan, lungsod at bayan ng Local Youth
Development Council (LYDC) “na tatawaging, Provincial Youth Development Council, City Youth
Development Council at Municipal Youth Development Council, ayon sa pagkakabanggit;
SAPAGKAT, ayon din sa kaparehong Republic Act na nabanggit, ang LYDC ay bubuuin ng mga
kinatawan ng mga youth at youth-serving organizations sa provincial, city, at municipal level. Ang LYDC
ay tutulong sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng Sangguniang
Kabataan, at ng mga Pederasyon sa lahat ng antas;
SAPAGKAT, sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagpupulong at iba pang gawain ng LYDC sa
kabuuan ay kailangang may tiyak na alituntunin sa pagtitibay at ipinatutupad para sa lalong mabisang
pagganap ng tungkulin sa bawat kaanib nito.
DAHIL DITO, pinagpapasyahan ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan,
Laguna na pagtibayin na tulad ngayon ay pinagtitibayang mga alituntuning panloob nito na binubuo ng
mga sumusunod:

ALITUNTUNING PANLOOB NG NAGCARLAN YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL

TUNTUNIN 1- KABUUAN NG LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL NG BAYAN NG


NAGCARLAN, LAGUNA
SEKSYON 1. KABUUAN
Ang Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna ay bubuuin ng Pangulo
ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan bilang Tagapangulo, Pangalawang Pangulo ng
Pambayang Pederasyon ng Sanmgguniang Kabataan bilang Ikalawang Pangulo, Local Youth
Development Oficer bilang kalihim at siyam (7) na kasapi mula sa mga kinatawan ng kabataan at mga
organisasyon ng mga kabataang naglilingkod sa antas ng lalawigan, lungsod at bayan.
SEKSYON 2. TANING NG PANUNUNGKULAN
Ang taning ng panunungkulan ng kasapi ng Local Youth Development Council ng Bayan ng
Nagcarlan, Laguna ay bubuuin ng tatlong taon.

SEKSYON 3. PAGPAPATUNAY
Lahat ng kasapi ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna ay mga
organisasyong nakapagpasa at nakakumpleto ng hinihingi ng Tanggapan ng Youth and Sports
Development.

TUNTUNIN II- ANG PAMUNUAN NG LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL NG


BAYAN NG NAGCARLAN, LAGUNA

SEKSYON 4. ANG TAGAPANGULO


Ang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Nagcarlan ay siyang
Tagapangulo ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna. Ang tagapangulo ay
boboto lamang upang mag-alis ng patas.
Kung ang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ay hindi makapangulo sa isang
karaniwan/ tanging pulong, ang Pangalawang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang
Kabataan ang pansamantalang magiging tagapangulo. Ang pansamantalang Tagapangulo ay hindi
makakaboto kahit magkaroon ng patas sa botohan ngunit sa loob ng sampung(10) araw ay kailangang
magpatunay na pagkakapasa ng lahat ng kautusan at kapasiyahan ng Local Youth Development Council
ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna.

SEKSYON 5. KAPANGYARIHAN AT TUNGKULIN NG TAGAPANGULO


Ang Tagapangulo ay:
1. Mangungulo sa mga pagpupulong ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan,
Laguna. Magpapanatili sa kaayusan at katumpakan sa oras na pagpupulong at kung may
pagkagambala o hindi maayos na pamamaraan sa bulwagang pulungan, magsasagawa ng mga
karapat-dapat na kaparaanan o hakbang ayon sa ipag-uutos ng Local Youth Development Council
ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna.
2. Magpasiya sa lahat ng bagay na pangkaayusan, ngunit maaaring iapela ng sinumang miyembro
ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna, sang-ayon sa mga
tuntuning isinasaad dito.
3. Lumagda sa lahat ng batas, kautusan at kapasiyahan at kasulatan.

TUNTUNIN III- ANG PAGPUPULONG

SEKSYON 6. PANGKARANIWANG PULONG


Ang pangkaraniwang pulong ay gaganapin ayon sa Seksyon 22 (d) ng Republic Act 10742 na
titipunin ng Tagapangulo ang Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna tuwing
ikatlong (3) buwan upang magsagawa ng konsultasyon sa mga organisasyon ng kabataan.

Mga Dapat na Dumalo sa Pulong:


Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan
Ikalawang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan
Local Youth Development Officer
Local Youth Development Council members ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna

Ang lahat ng dadalo sa ano mang uri ng pagpupulong sa Local Youth Development Council ng
Bayan ng Nagcarlan, Laguna ay nararapat na nasa wastong kasuotan.
Ang wastong kasuotan ay nangangahulugan na bawal ang nakasuot ng sando, short, o
nakatsinelas sa oras ng pagpupulong. Ipapatupad ang Open Door Policy sa itatadhana ng pagkakataon.

SEKSYON 7. TANGING PULONG


Kung hinihingi ng mga pangyayari ay maaaring magpatawag ng tanging pulong ang Local Youth
Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna o ang nakararaming mga miyembro nito.
Sa tanging pulong, dapat na ibigay ng personal sa mga miyembro ng Local Youth Development
Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna ang isang nasusulat na paabiso tradisyunal at di-tradisyunal
kung saan ang petsa, oras at lugar ng pulong ay nakasaad o kaya iwanan sa isang kasambahay sa lugar na
kanyang tinitirhan. Hangga’t hindi pinagkakasunduan ng 2/3 na boto ng mga dumalong miyembro kung
mayroong korum ang pulong, walang anumang bagay ang bibigyang pansin sa tanging pulong maliban sa
mga nakasaad sa abiso.

SEKSYON 8. PAGTAWAG SA KAAYUSAN


Ang tagapangulo ay magbubukas sa pulong sa pamamagitan ng panawagan ng kaayusan sa Local
Youth Development Council.
Sa bawat pulong, isang minutong panalangin o pagninilay ang isasagawa na susundan ng pag-
awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Martsang Nagcarlan, o kaya’y sa pahintulot ng Tagapangulo,
isang panawagan gagampanan ng isang miyembro na itatalaga niya.
SEKSYON 9. PAGDALO SA PULONG
Lahat ng opisyales at miyembro ng Local Youth Development Council na nasasaad sa Seksyon 6
ng alituntuning ito ay dapat na dumalo sa mga pagpupulong maliban kung itinatanggi sa hindi pagdalo o
kinakailangang hindi makadalo dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: may malubhang karamdaman,
may suspension o suliraning legal, nasa ibang bansa, at dumadalo sa isang opisyal na Gawain katulad ng
seminar, training at iba pang kauri nito.

SEKSYON 10. BUKAS SA MADLA


Ang mga pulong ng Local Youth Development Council o alin mang lupon nito ay kailangang
bukas sa madla maliban kung ipag uutos ng nakararaming boto ng pagsang-ayon na may korum ang isang
saradong pulong, para sa kagalingang pangmadla o sanhi ng kaligtasan, moralidad, o sa mga dahilan na
makakaapekto sa karangalan ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna o
mga miyembro nito o kaya’y binibigyang pansin ang isang kompidensyal na bagay.
Sa pinagpatibay na mungkahing magdadaosng isang saradong pulong, kailangang iutos ng
Tagapangulo ang Pagtitiyak sa pagiging sarado at maayos na bulwagan.
Ang mga piling tao na pahihintulutan ng Local Youth Development Council ng Bayan ng
Nagcarlan, Laguna ang tatanggapin upang pumasok sa saradong pulong. Dapat nilang panatilihing lihim
ang mga sasabihin sa pulong.

SEKSYON 11. ANG PAGPAPALIBAN


Ang pulong ng Local Youth Development Council ay hindi dapat ipagpaliban o itindig kung
iuutos mismo ng Tagapangulo. Kung sa ulat ng Kalihim ay hindi makakaabot ng korum na siyang
papangalawahan ng mga Miyembro ng Local Youth Development Council at pagtitibayin ng
tagapangulo, ito ay ipagpapaliban.

SEKSYON 12. ANG PAGSISIMULA SA ORAS AT PAGTITINDIG NG PULONG NA


ILALAGAY SA KATITIKAN
Ang eksaktong oras ng pagsisimula at pagtitindig ng pulong ay dapat ilagay sa katitikan.
Maaaring magkaroon ng recess ayon sa kagustuhan ng kapulungan. Sa oras ng pagpupulong ay nararapat
o kung lalabas ay mangyari lamang na itaas ang kaliwang kamay.

TUNTUNIN IV-KORUM

SEKSYON 13. PAGKAKAROON NG KORUM


Ang korum ng Local Youth Development Council ay bubuuin mula sa Ikalawang Pangulo at
Local Youth Development Officer hanggang sa siyam (7) na miyembro nto.

SEKSYON 14. PAGKAWALA NG KORUM


Kung walang korum sa isang pulong, ang Tagapangulo ay maaaring magdeklara ng isang recess
hannga’t hindi nakabubuo ng isang korum o ang nakararaming mga dumalong miyembro ng Local Youth
Development Council ay maaaring magtindig ng pulong tuwina. Kung sa kabila noon ay wala pa ring
korum, walang Gawain na maaaring pag-usapan. Ang Tagapangulo, matapos ang isang angkop na
mungkahi na pinagtibay ng mga dumalong Local Youth Development Council ay magpapahayag na ang
pulong ay itinitindig sa kawalan ng korum.

TUNTUNIN V- HANAY NA DAPAT ISAGAWA SA PULONG


SEKSYON 15. ANG HANAY NG MGA DAPAT ISAGAWA SA PAGPUPULONG AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
1. Pormal na pagsisimula ng pulong
2. Panalangin
3. Pag-awit ng pambansang awit
4. Martsa Nagcarlan
5. Pasalista
6. Pagbasa at pagpapasiya sa katitikan ng nakaraang pulong
7. Pribelehiyong Pananalita
8. Kalendaryo o listahan ng mga paksang pagpupulungan
a. Di- natapos na Gawain
b. Nakatakdang Gawain
9. Pagtitindig ng pulong (Adjournment)

TUNTUNIN VI-KAPARUSAHAN
SEKSYON 16
Ang sinumang kasapi ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna na
mapapatunayang lumabag sa panloob na alituntuning ito ay maaaring maparusahan ayon sa sumusunod.

1. Paglabag sa kagandahang asal tulad ng pagsasalita ng di-maganda, pambabastos sa kapulungan.


Unang Paglabag- Warning
Ikalawang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- suspension

2. Pagliban ng walang sapat na dahilan


Unang Paglabag- Warning
Ikalawang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- suspension

3. Pagdalo sa pulong na nasa ilalim ng impluwensya ng alak.


Unang Paglabag- Warning
Ikalawang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- suspension

4. Pagliban ng apat (4) na sunod-sunod nab eses na walang ano pa mang kadahilanan/abiso.
Unang Paglabag- Warning
Ikalawang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- suspension

5. Pagdalo sa pulong na wala sa wastong kasuotan ipapatupad ang open door policy sa itatadhana ng
pagkakataon
Unang Paglabag- Warning
Ikalwang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- suspension

6. Pagdating ng huli sa takdang oras ng pulong (parusa/multa) 15 minuto huli.


Unang Paglabag- Warning
Ikalawang Paglabag- 2nd warning
Ikatlong Paglabag- Pagmumulta ng may kaukulang halaga na dalawandaan at limampung piso (Php
250.00) at ito ay kokolektahin ng itinalagang miyembro ng Local Youth Development Council ng Bayan
ng Nagcarlan, Laguna.

TUNTUNIN VII- KARAGDAGANG ALITUNTUNIN

SEKSYON 17.
Ang lahat ng alituntuning nasasaad sa Republic Act No. 10742 o ang “Sangguniang Kabataan
Reform Law” na may kaugnayan sa lehislasyong pambayan ay kinikilala ring bahagi at kasama sa
alituntuning ito.

TUNTUNIN VIII- PAGSUSUSOG AT PAGKAKABISA

SEKSYON 18.
Ang alituntuning ito ay maaaring susugan sa alinmang regular na sesyon ng Local Youth
Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna sa pamamagitan ng dalawang-katlong (2/3) boto
ng lahat ng dumalong miyembro nito.

SEKSYON 19.
Ang alituntuning ito ay magkakabisa sa araw na ito ay mapagtibay at malagdaan ng lahat ng mga
kaanib ng Local Youth Development Council ng Bayan ng Nagcarlan, Laguna.

PINATUTUNAYAN KO ANG KAWASTUHAN NG NASASAAD SA ITAAS NITO:

G. EDDISON DC. ASTRONOMO


LYDO/ KALIHIM LYDC

PINAGTIBAY:

KGG. LORDJOHN SHERNAN MESINAS


TAGAPANGULO, LYDC
KGG. JEFFREY SANTOS
IKALAWANG PANGULO, LYDC

IMEE LORAINE S. SUIZA


Primary Representative

MISHA SAMANTHA G. ARMIA


Primary Representative

CHESTER KHEN B. DE GUZMAN


Primary Representative

CHRISTIAN GREGOR T. VIRTUDEZ


Primary Representative

MARINELA L. DORADO
Primary Representative

JOYCE ANN QUINTERO


Primary Representative

ABBIGAEL M. BUENO
Alternate Representative

You might also like