You are on page 1of 1

FIRST SUMMATIVE TEST in ICT 4

Name:_________________________________________________Date:__________________________________
Grade and Section: ___________________________ Teacher: _______________________________________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang ________________ay tumutukoy sa paggawa at pagpapalago ng negosyo o ng mga negosyo upang kumita rito.
a. Entrepreneur b. Entrepreneurship c. pangangailangan d. luho

2. Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprende” na nangangahulugang isagawa.


a. Entrepreneur b. Entrepreneurship c. pangangailangan d. luho

3. Ang isang entrepreneur ay dapat na nagtataglay ng _________ upang mahikayat niya ang mga mamimili na bumili ng
kanyang produkto.
a. maraming pera b. diploma c. marketing skills d. magandang mukha

4. Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang tungkuling isang entrepreneur maliban sa isa.
a. nakapagbibigay ng mga bagong hanapbuhay.
b. nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan
c. nakapaghahatid ng bagong teknolohiya, industriya at produkto sa pamilihan.
d. hindi nakakatuklas ng makabagong paraan na nagpapahusay ng mga kasanayan.
5. Ito ay negosyo kung saan gumagawa ng mga damit, basahan.
a. Electrical shop
b. Sari-sari store
c. Manukan
d. Tahian
6. Ito ay negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok.
a. barber shop b. buy and sell c. online selling d. ukay-ukay
7. Ito ay isang maliit na tindahan ng mga pangunahing bilihin ng mga tao sa isang pamayanan.
a. Electrical shop
b. Sari-sari store
c. Manukan
d. Tahian
8. Nasira ang gulong ng sasakyan ni Rolly, saan siya pupunta para maayos ito?
a. vulcanizing shop b. barber shop c. hardware d. bakery

9. Ang restawran ay isang halimbawa ng negosyong _____________.


a. pagkain b. damit c.sapatos d. bags

10. Ito ay kalimitang bukas 24 hours kung saan pwede ka ring magbayad ng bills sa kuryente.
a. convenience store b. sari-sari store c. online store d. grocery store

II.Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng katangian ng isang entrepreneur at ekis (x) kung
hindi.
_____ 1. Sinisigaw-sigawan ni Ed ang kanyang mga tauhan kapag nagkakamali ang mga ito.
_____ 2. Nagtanim ng galit si Flora sa kangyang kaibigan matapos matanggap ang feedback nito kaugnay sa kanyang
produkto.
_____ 3. Hindi tumagal sa pag-aaral, pagsasaliksik, at pagsusurvey si Fe upang higit na makapagbigay ng maayos na
serbisyo sa kanyang mga customer.
_____ 4. Mabilis na nawalan ng gana si Jake sa kanyang negosyo dahil sa unti unting paghina hanggang sa pagkawala ng
mga customer kaya nakapagdesisyon siyang itigil na ito.
_____ 5. Hindi tinanggap ni Jerome ang mungkahi ng kanyang kaibigan na magtayo ng computer shop sa kanilang lugar
sapagkat naisip niyang halos lahat ng bahay sa kanilang lugar ay mayroon ng internet connection.

III. Magbigay ng 5 uri ng negosyo na makikita sa inyong pamayanan. (1-5)

You might also like