You are on page 1of 3

Malasiqui Catholic School,

Inc.
Malasiqui, Pangasinan 2421 Philippines
Tel. No. 632-2390
mcs_officialportal@yahoo.com
S.Y. 2023-2024
FOURTH PRELIMINARY EXAMINATIONS
APRIL 19-20, 2024
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:________________________________Seksyon: _______________________Iskor:________
I. TAMA O MALI
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama at M naman kung ito ay mali.
_____1.Ang mga taon bago dumating ang 1913 ay binansagan ng ibang mananalaysay na panahon ng
pandaigdigang anarkiya.
_____2. Ang bawat bansa sa Asya ay nagsagawa ng mga alituntuning walang pagsasaalang-alang sa
interes ng kalapit na bansa.
_____3.Ang mga imperyalistang bansa ay halos magdigmaan bunsod ng pag-aagawan ng teritoryo sa
Asya at paghahati-hati sa America.
_____4. Bago pa man magsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig, napangibabawan na ang kaisipan
ng mga pinunong Europeo ng ideyang upang maging makapangyarihan, kailangan ng isang
bansa ang mahina na hukbo.
_____5. Noong 1909, sinakop ng Austria ang Bosnia at Herzegovina na pinaninirahan ng malalaking
pangkat ng Slavic. Ang bagay na ito ay ikinagalit ng Serbia na matagal nang nagnanais na
masakop ang mga lalawigang ito.
_____6. Ang Balkan Peninsula na matatagpuan sa hilagang-silangang sulok ng Europa ay tirahan ng
magkakaibang pangkat etniko.
_____7. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap lamang sa Europa.
_____8. Ang Australia, New Zealand, at Japan ay sumanib sa Central Powers.
_____9. Tumulong ang Africa at New Zealand sa pagsalakay sa Ottoman sa daang Dardanelles.
_____10. Ang India ay nagpadala ng mga hukbo upang lumaban sa kampo ng Central Powers.
_____11. Noong 1918, ang United States ay sumali na rin sa labanan. Sa pagkakataong ito, ang labanan
ay dumako na hanggang sa karagatan.
_____12. Pinalubog ng Germany ang ilang barko ng United States noong Pebrero 1917.
_____13. Noong Abril 3, 1917, ang United States ay nagdeklara na ng pakikidigma sa Germany sa
kampo ng Allied Powers.
_____14.Ang patuloy na pag-uunahan ng mga bansang Asyano sa pagkakamit ng teritoryo ay
nagpalalim sa kawalan ng mga bansa ng tiwala sa isa’t isa.
_____15. Ang Pandaigdigang Anarkiya ay tinatawag ding pandaigdigang pagkakasundo.

II. PAGTUTUKOY
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
________________________16. Ito ang damdamin ng matinding pagmamahal at katapatan sa sariling
bansa.
________________________17. Ito ang prosesong nagbibigay halaga at nagpapalakas ng militar bilang
paghahanda sa pakikidigma.
________________________18. Ito ang pormal na kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang bansa
kalakip ang pangakong pagsuportang militar, kaparaanan, at pinansiyal
sa panahon ng pakikidigma o pananalakay.
________________________19. Ito ay binubuo ng Germany, Austria - Hungary at Italy.
________________________20. Ito ang tawag sa alyansa ng France, Russia at Great Britain.
________________________21. Ito ang tala ng mahigpit na kahilingan na sakaling hindi mabigay o
magawan ng paraan ay mahahantong sa malubhang kaganapan.
________________________22. Ito ang Hukay sa lupa na nagsilbing proteksiyon ng mga sundalo
noong Unang Digmaang Pandaigdig.
________________________23. Siya ay kilala bilang blood - and - iron chancellor ng Prussia.
________________________24. Siya ay isang 19-anyos na Serbian at miyembro ng Black Hand at
salarin sa pagkamatay ng hari at reyna ng Austria - Hungary.
________________________25. Siya ang Hari na bumisita sa Sarajevo, Bosnia noong Hunyo 28, 1914,
kasama ang kanyang asawang si Sophie.
III. PAGPUPUNO
Panuto: Punan ng mga angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Ang 26.____________________ ay puwersang maaaring mag-isa sa loob ng isang bansa
ngunit ito ay maaari ding maging sanhi ng paligsahan ng mga nasyon na hangad magdaigan. Sa
pagsisimula ng ika-27.____________________ siglo, nalinang ang mahigpit na paligsahan ng
Germany,28.____________________, Britain, 29.____________________, Italy, at
30.____________________. Ang paligsahang ito ay nag-ugat sa iba't ibang dahilan. Halimbawa,
hindi pa lubusang isinusuko ng France ang pagkawala ng 31.____________________ na nasakop
ng Germany noong digmaang 32.____________________ ng 1870. Masidhi pa rin ang interes ng
Austria-Hungary at Russia sa 33.____________________ kung saan laganap naman ang masidhing
pagnanais ng iba't ibang pangkat etniko na magkaroon ng sariling bansa. Ang magkakasalungat na
adhikaing ito ay naging sanhi ng 34.____________________ na mahirap
35.____________________ nang mapayapa.

IV. PAGPAPALIWANAG
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa
ibaba.

(36-40) Ipaliwanag ang Labanan sa Western Front.

(41-45) Ipaliwanag ang naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.

(46-50) Ipaliwanag ang “War should not occur, the winners will suffer as much as the losers.”

Prepared by: Checked by: Noted:


Mr. James Bryan M. Prima Mrs. Marlyn T. Evangelista Mr. Nelson M. Queñano
Araling Panlipunan Teacher AP – MAPEH Coordinator School Principal

You might also like