You are on page 1of 10

American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024

American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR)


e-ISSN: 2378-703X
Volume-08, Issue-03, pp-83-92
www.ajhssr.com
Research Paper Open Access

Mga Kagamitang Pampagtuturong Ginagamit sa mga


Asignaturang Filipino
Julgina N. Sali1, Mary Jane R. Ajijun2, Rachel L. Martin3, Kent Cyrie O.
Abing4, Edilyn A. Jainal5
1&2
(Undergraduate Student, Bachelor of Secondary Education, Western Mindanao State University)
3
(Master of Arts in Language Teaching (Filipino), Western Mindanao State University)
4
(Master of Arts in Education (Filipino), Western Mindanao State University)
5
(Assistant Professor 2, Western Mindanao State University)

ABSTRACT : Teachers have an important role to play in enhancing students' learning, which is important for
their future success. Their ability to teach has a direct impact on the learning and development of their learners,
and they can make learning more engaging by selecting instructional materials that are suitable for the class. In
this paper, the researchers aim to determine what instructional materials are best for college students,
specifically for Filipino-related subjects. The researchers gathered the data in order to determine the level and
factors involved in the use of instructional materials. As a sort of quantitative research, this study documents,
calculates, and analyzes the level of use and other aspects by gathering data using a survey questionnaire. In
connection with this, it was discovered that there is a significant difference in the use of traditional and modern
instructional materials in teaching Filipino subjects. Students often used modern instructional materials because
of the factors that it makes the preparation easier in general. Based on the results, the researchers gave a
conclusion and made recommendations to further develop the study.
KEYWORDS - Filipino, IMRaD, Instructional materials, Modern, Traditional.
ABSTRAK : Ang mga guro ay may pinakamahalagang responsibilidad sa pagkatuto ng mga mag-aaral para sa
kanilang magandang kinabukasan. Ang abilidad ng guro na magkaroon ng koneksyon sa pagkatuto at paghahasa
sa kakayahan ay nakadipende rin sa kakayahan nitong pumili ng angkop na mga kagamitang pampagtututo na
magbibigay buhay sa pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Ang pagtuklas ng gagamitin sa pamamaraan ng
pagtuturo ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito. Kung kaya, ang pananaliksik ay nakatuon sa mga ginagamit na
kagamitang pampagtuturo ng mga mag-aaral partikular na sa mga asignaturang Filipino kung kaya, ang mga
mananaliksik ay nangalap ng datos upang malaman ang antas at salik sa paggamit ng kagamitang pampagtuturo.
Ang pag-aaral na ito ay isang uri ng kuwantitatibong pananaliksik kaya idinukomento, kinalkula at sinuri ang
antas ng paggamit maging ang mga salik sa pamamagitan ng pangangalap ng datos gamit ang sarbey
kwestyuner at pagkatapos ay inilarawan ito bilang isang uri nang deskriptibong papel. Dahil dito, natuklasan na
may makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo, mas
ginagamit ng mga mag-aaral ang makabagong kagamitang pampagtuturo dahil mas napapadali nito ang
paghahanda sa pangkabuoan. Kaya batay sa naging resulta, nagbigay ang mga mananaliksik ng konklusiyon at
rekomendasyon upang mas mapaunlad pa ang nasabing pag-aaral.
MGA SUSING SALITA- Filipino, Kagamitang pampagtuturo, IMRaD, Moderno, Tradisyunal.

I. PANIMULA
Sa larangan ng pagtuturo, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ang pinakamahalaga sapagkat dito makikita
kung gaano kagaling at kabihasa ang isang guro sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa kaniyang mga mag-
aaral. Higit pa rito, kaakibat ng pagtuturo ang mga kagamitang kinakailangan sa paghahatid ng mas mahusay na
mga estratehiya para sa inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ibat-ibang asignatura. Saad nina Saavedra et
al., (2022), sa kasalukuyan, ang kaguruan ay kinakailangang patuloy na pagbutihin ang kanilang propesyunal na
gawain para mapanatili at makasabay sa mga napapanahong uso, metodo ng pagtuturo, at teknik sa larang ng
edukasyon. Sa makabagong panahon, kasabay ng pag- usad ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo ng
kaguruan sa mga mag-aaral. Higit na mas dumarami na ang paraan kung paano maihahatid sa mga mag-aaral
ang mga paksang kinakailangang matutuhan na hindi nawawala ang tradisyunal na pagtuturo. Ang tradisyonal
na kagamitang pampagtuturo ang ating nakagisnan at nakasanayan, Ayon kay Cielo A. et al., (2019), ang
tradisyonal na paraan ng pagtuturo ay isang lumang paraan ng pagtuturo na kung saan ang mga guro ang
AJHSSR Journal P a g e | 83
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
pangunahing manlalaro sa silid-aralan habang ang mga mag-aaral ay tagapakinig lamang. Ang karaniwang
paraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng chalk at talk, visual aid, pag-uulat, at iba't ibang aktibidad na
humahantong sa interaksyon ng guro at mag-aaral. Kaugnayan dito, ang pamamaraan ng pagtuturo ng guro ay
may malaking epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda naman, sa makabagong
panahon, Ayon kay Saavedra (2018), ang makabagong teknolohiya ay naging daan sa pag-usbong ng
makabagong pamamaraan sa kung paano natatamo ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman at mapaunlad
pa lalo ang kanilang kakayahan. Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng laptop, computers, at
internet ay isa rin sa dahilan na nagpabago sa kung paano ang proseso ng pagtuturo. Karagdagan dito, Ayon kay
Shepherd (2013), may kabutihang hatid ang paggamit ng “Multimedia” sa klase gaya ng mga sumusunod :
nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral ; mas nagiging interesado mula sa mga itinuturo
ng mga guro gamit ang “Powerpoint presentation” ; nadadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa
teknolohiya at dahil dito ay hindi sila magiging walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito. Higit pa rito, sa
pag-unlad ng teknolohiya sa kasalukuyan ay dumarami na rin ang mga naiimbentong gamit na makatutulong na
maging batayan sa mas magandang kalidad ng edukasyon, mayroon na tayong mga personal computers, laptop,
tablet, iba’t ibang klase ng mga cellular phones, projector, at marami pang iba.
Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang
magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan o matamo ng kanyang mga mag-aaral,
angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang
ituturo. Kaugnay rito, Ayon kina Saavedra et al., (2020), bagaman lumabas sa kanilang pag- aaral na ang mga
guro ay 'mataas ang kakayahan', kinakailangan pa rin na patuloy na hinahasa ang kakayahan upang magkaroon
ng maayos na pagbabago mula sa pagtuturo lamang sa loob ng pisikal na silid-aralan patungo sa makabagong
pamamaraang birtwal gamit ang makabagong teknolohiya ngunit sa pag-aaral na ito ay hindi lamang tinitignan
ang kakayahan at persepsyon ng kaguruan bagkus pati na rin ang mga mag-aaral lalo pa’t ang mga mag-aaral
ang sentro ng pagkatuto sa mga kagamitang pampagtuturong gagamitin sa mga asignaturang Filipino na isa sa
mga asignaturang pinapahalagahan noon hanggang ngayon. Ito ay alinsunod sa Saligang Batas 1987 ng
Republika ng Pilipinas at ipinagtibay ng Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013. Ang pag-aaral
ng wikang Filipino ay napakahalaga sapagkat kahit alam nating bigkasin ang wikang ito ay marami pa tayong
kailangang malaman at matutuhan na sa paaralan lamang malilinang.
Ayon sa mga pag-aaral ay magiging mabisa ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral kung naayon
at maayos ang napiling kagamitang pampagtuturong ginamit. Bagaman nabanggit sa pag-aaral ni Dimitrios, B.
et al., (2013), na mas ginagamit ang makabagong kagamitang panturo sa panahon ngayon ay hindi naman
nabanggit ang mga salik o dahilan kung bakit ito ginagamit ng mga mag-aaral at dahil dito nais namang
malaman ng mananaliksik kung pareho ba ang magiging resulta at malaman ang mga salik o dahilan ng
paggamit nito sa gagawing pag-aaral sa Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao na may
magkatulad na pag-aaral. Kaya naman ang mga mananaliksik sa kasalukuyan ay nagganyak na magsagawa ng
pag-aaral upang malaman kung anong kagamitang pampagtuturo ang mas ginagamit sa mga mag-aaral upang
ituro ang malawak na saklaw ng asignaturang Filipino.

II. KAUGNAY NA LITERATURA


2.1 Pagkatuto sa Asignaturang Filipino
Mataas ang pagtanaw ng bawat indibidwal partikular na ng mga Pilipino sa aspektong edukasyon.
Malaki ang kanilang pagpapahalaga sa larangang ito kahit na anong gawin ng bawat mamamayan ay inuuna ang
pagpapaaral sa bawat nasasakupan nila. Dahil naniniwala ang bawat indibidwal na sa pamamagitan ng
edukasyon ay magkakaroon ng pagbabago sa sarili at lipunang kinabibilangan. (Bondoc, 2017)
Ayon kay Sanchez (2017), Filipino ang kinagisnang wika nating mga Pilipino, kung tutuusin ay malaki
ang magiging adbentahe ng mga mag-aaral sa asignaturang ito dahil ayon kay Nolasco sa isinulat ni Villafuerte
noong 2022, ay mahalaga ang wikang kinagisnan o wikang sinuso dahil sa pamamagitan ng wikang ito ay
natututo ang mga bata. Dito rin nakabatay ang pag-unlad ng kaniyang kaalaman. Masasabing malaki ang papel
ng pagtataya sa inaasahang pagkatuto ng isang bata sa asignaturang Filipino. Bawat guro ay may iba’t ibang
paraan ng pagtataya na naaayon sa sitwasyon at sa paksang tinalakay. Kailangan ang pagtataya upang makamit
ang itinakdang layunin ng guro sa bawat paksang kaniyang itinuturo. Ito ay ang pag-alam kung ang mga
estudyante ay may matutuhan sa paksang kaniyang tinalakay. Ang pagtataya/pagsusulit ay isang panukat na
ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. (Gajo,
2016)
Ayon naman kay Cabigao (2021), anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo,
huwag pa rin nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-
aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng pagtuturo, alalahanin natin na ang
pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang
mga mag-aaral na makatugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan.

AJHSSR Journal P a g e | 84
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
2.2 Mabisang Pagtuturo gamit ang Tradisyonal o Makabagong Kagamitang Pampagtuturo
Sa mga nagdaang ilang taon ay unti-unting napapansin ang kahalagahan ng mga kagamitang
pampagtuturo at bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral na magkaroon ng makahulugan at
mabisang pagkatuto at pag-aaral, ang guro ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo. Ang Kagamitang
Pampagtuturo ay mga kagamitang ginagamit ng kaguruan upang italakay ang mga paksang-aralin. Ito rin ay
bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng mabisa at makabuluhang
pagkatuto kaya ang guro ay gumagamit ng mga ito, (Abad, 2001).
Ayon kay Senarita (2000), Hindi lamang ang tradisyonal na kagamitan ang may nabago sa edukasyon
at lalong-lalo na sa mag-aaral sapagkat lumikha rin ng pagbabago ang teknolohiya. Dagdag pa ni Edgardo
(2004), totoong magagamit ang makabagong teknolohiya sa edukasyon sa Pilipinas at maaaring maging daan
upang masolusyonan ang kakulangan sa libro at iba pang kagamitan sa pagtuturo. Dagdag pa niya, magiging
maganda ang epekto ng makabagong kagamitan sa pagtuturo dahil mapupunan nito ang mga kakulangan na
matagal ng kinakaharap ng ating bansa na may kaugnayan sa edukasyon.
Ngunit ayon kay Riel (2013), totoong malaki ang epekto ng teknolohiya sa edukasyon ngunit dapat
huwag nating kalimutan na kung may epekto ito sa edukasyon ay gayon din sa buhay ng mga mag-aaral dahil
baka maging kabaliktaran lamang ang magiging epekto nito, imbes na mapabuti ay lalong mapasama. Dagdag
niya, kailangan pag-aralang mabuti ng guro ang paggamit nito bilang sila rin ang gagamit ng midyum na ito at
ipabatid sa mag-aaral ang epekto nito kung di magagamit sa maayos na pamamaraan.
Ayon nga kina Hall at Liebowitz (1994), "The choice of instructional materials can have an impact as
large as or larger than the impact of teacher". Nangangahulugan lamang ito na kailangang maging angkop ang
mga kagamitang ginagamit ng isang guro sa pagtuturo, napapanahon at nakasasabay sa pangangailangan ng mga
mag-aaral.
Sinabi pa ni Aguilar (2013), ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo at kaniyang
kasanayan ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitis,
lakas ng loob at pagiging maparaan ng guro. Kailangang pinag-isipang mabuti at hindi lamang sariling
kapakanan ang inisip sa paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo, isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
isang guro ay ang masiguro na may matututuhan ang mga mag-aaral sa itinuturo gamit ang gagamitin niyang
kagamitan, tradisyonal man o makabagong kagamitan sa pagtuturo.

2.3 Filipino bilang Asignatura


Isa ang Filipino sa mga asignaturang itinuturo sa bawat paaralan sa bansang Pilipinas. Ang
asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng ating wika, mga kayamanang
literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan
natin bilang mga Pilipino. Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng
elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1940 ang
Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang
pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino. Ang asignaturang
Filipino ay tinuturo sa mga paaralan mapa-pribado o pampubliko man upang mapanatili ang pagiging
makabansa ng mga kabataang Pilipino.
Ayon kay Peregrino (2014), hindi dapat tignan ang wikang Filipino bilang kursong pang
komunikasyon lamang. Iba ang kurso o larangang komunikasyon na nakapokus sa proseso at pagpoproseso ng
mga ugnayan, samantalang ang asignaturang Filipino na hango sa disiplina o larangang o araling Filipino ay
naglalaman ng malawak at malalim na pag-iral ng wika na salamin ng kultura. Simula noong inaprubahan ang
programang K-12 ng dating pangulo na si Benigno Aquino III ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa sistema
ng edukasyon sa Pilipinas, bilang tugon sa napapanahong sistema ng edukasyon sa iba't ibang bansa. Isa sa mga
nais isulong ay ang pagtatanggal ng Asignturang Filipino sa kolehiyo. Ang Commission on Higher Education o
CHED ay isa sa mga nangangasiwa ng edukasyon sa Pilipinas. Sila ay nagbibigay ng mga iskolarship at tulong
pinansyal upang masiguradong makakapag- tapos ng pag-aaral ang mga estudyante. Noong Agosto 2018,
Buwan ng Wika, sila ay nag apela sa Korte Suprema na ipatupad ang CHED Memorandum Order no. 20 series
of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na magtatanggal ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo at palitan ito ng Asignaturang Hangul kung saan ang asignatura at wikang ito ay ginagamit sa bansang
Korea. Pinangangambahan naman ng grupong Tanggol Wika ang tuluyang pagtanggal sa mga asignaturang
Filipino at panitikan sa kolehiyo. Noong taong 2015, pinagbigyan ng Korte Suprema ang grupo ng mga guro sa
kanilang apela na huwag ituloy ang nais ng Commission on Higher Education na pagtanggal sa Filipino at
panitikan sa kolehiyo. Naglabas ng TRO ang Korte Suprema para mapanatili ang Filipino at panitikan sa general
curriculum sa kolehiyo kasama ang iba pang asignatura gaya ng Math, Science, Technology, at Philippine
history. Nakatuon ang Filipino sa tamang paggamit ng wikang Filipino, habang ang panitikan ay nakatuon
naman sa pagbabasa at literatura.

AJHSSR Journal P a g e | 85
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Ayon pa sa propesor, kinakailangang gawing mandatory ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa
mga kolehiyo at unibersidad dahil kung iaasa sa mga unibersidad ang opsiyonal na pagkakaroon nito, malabong
magkaroon ito ng espasyo sa kurikulum. Kinakailangan rin umanong magkaroon ng matibay na wikang
pambansa. Sa bandang huli, iba-iba man ang mga naging pananaw sa isyung pagtatanggal ng asigaturang
Filipino ngunit sa huli ay iisa parin ang isinusulong, ang mabigyan ng kahalagahan ang asignaturang Filipino sa
lahat ng pamantasan sa buong Pilipinas. Kaya labis ang tuwa ng karamihan dahil dininig ang kanilang hinaing
sa pagbabalik nito sa piling kurso dahil ibig sabihin lamang nito ay patuloy ang magagawang pag-aaral sa
asignaturang Filipino.
III. BATAYANG TEORETIKAL
Ang pananaliksik na ito ay binigyang pokus ang teoryang konstruktibismo ng edukasyon na tungkol sa
paggamit ng mga kagamitan sa pagtuturo na may kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon kina
Mascolo at Fischer (2005), ang konstruktibismo ay isang teorya ng pagkatuto na pinaniniwalaan na ang
kaalaman ay pinakamahusay na nakukuha sa pamamagitan ng isang proseso ng pagninilay at aktibong pagbuo
sa isip. Isang kadahilanan sa pagbatay ng mga mananaliksik sa teoryang ito ay dahil hindi lamang ang guro ang
maaaring maging tagagawa ng kagamitang panturo, ang mga mag-aaral ay ini- engganyo ring paghusayan ang
kanilang pagiging masining sa aktibong pagbuo ng mga kagamitang panturong kanilang ginagamit upang
italakay ang mga paksa sa loob ng silid-aralan partikular na sa asignaturang Filipino. Dahil dito, mas
napapahusay ng mga mag-aaral ang paggamit at pagkatuto sa anumang asignaturang kanilang pag-aaralan dahil
sila mismo ang tumuklas at bumuo nito.

IV. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kagamitang pampagtuturo na ginagamit sa mga
asignaturang Filipino. Ang pag-aaral din na ito ay may layuning masagot ang mga sumusunod na tanong :
1. Ano ang pangkalahatang antas ng paggamit ng Kagamitang Pampagtuturo ng mga kolehiyong mag-aaral sa
kanilang Asignaturang Filipino ?
2. Ano ang antas ng paggamit kung ang mga datos ay paghahatiin batay sa :
a. tradisyunal na kagamitang pampagtuturo
b. makabagong kagamitang pampagtuturo
3. Ano ang mga salik sa pagpili ng mga kagamitang pampagtuturo sa mga asignaturang Filipino ?

V. HIPOTESIS
Mayroong makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng paggamit ng tradisyunal at makabagong
kagamitang pampagtuturo. Ito ay sinuportahan din ng pag-aaral ni Dimitrios, B. et al. (2013) na kung saan
natuklasan sa kaniyang pag-aaral na makabagong kagamitang pampagtuturo ang ginagamit sa mga ibang pang
asignatura. Ibig sabihin, may posibilidad na isa sa mga kagamitang pampagtuturo ay mas mataas ang
makukuhang mean score na nangangahulugang mas ginagamit sa mga asignaturang Filipno.

VI. METODOLOHIYA
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik, paraan ng
pagpili ng taga-tugon, instrumentong ginamit, pagtitipon ng datos, at estadistikal na pamamaraang ginamit.

6.1 Disenyo
Ang mga mananalisik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik. Layunin nitong ilarawan
ng mga mananaliksik ang mga kagamitang pampagtuturong ginagamit sa pagtuturo sa mga asignaturang
Filipino. Pinakita sa pag-aaral na ito ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kagamitang panturong ginagamit sa
kanilang pag-aaral sa anumang paksa na may kaugnayan sa asignaturang Filipino gayon din upang malaman ang
mga salik o dahilan sa paggamit ng mga kagamitang panturo na ito. Ang Descriptive Survey Research Design
na gumagamit ng talatanungan, ang uri ng descriptive method na piniling gamitin ng mga mananaliksik upang
magkolekta, mag-analisa, at maghinuha sa mga datos. Ito rin ay ginamit upang lalong mapagtibay ang mga
datos na nakalap. Ang mga mananaliksik ay naniniwalang angkop ang ganitong uri ng metodolohiya sapagkat
mas mapadadali ang pagkuha at pagsuri ng mga datos sa malaking bilang ng tagatugon.

6.2 Sampling
Ang mga mananaliksik ay ginamit ang paraang Random Sampling sa kadahilanang kukuha ang
mananaliksik ng kalahok sa malawak na saklaw ng mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Sa
pamamagitan ng pagbuo nang tatlong grupo na mula sa mag-aaral sa ika-unang antas na kumukuha ng
asignaturang Filipino, kukuha ang mananaliksik ng kabuoang tatlumpung (30) kalahok, tig-sasampung (10)
kalahok mula sa tatlong magkakaibang seksyon.

AJHSSR Journal P a g e | 86
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
6.3 Pagpapatibay ng Instrumento
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sarbey kwestyuner bilang pagkukuhanan ng
datos na siya ring magsisilbing patunay sa pagkalap ng datos. Ito ay ibinatay sa ginawang instrumento ni Peralta
P.M., (2021) na may titulong “Epekto ng Makabagong Kagamitang Panturo”. Ang pag-aaral tungkol sa
kagamitang panturo na ginagamit sa pagkatuto sa mga asignaturang Filipino ay mas lalong mapapatibay sa
pagmamagitan ng pag-ugnay ng mga sagot ng mag-aaral sa salik o dahilan sa kanilang paggamit ng tradisyunal
at makabagong kagamitang pampagtuturo. Kaugnay dito, ang mga tanong na nakapaloob sa sarbey kwestyuner
ay hinati sa apat (4) na bahagi, kabilang dito ang mga sumusunod : (1) Antas ng paggamit ng tradisyunal na
kagamitang panturo, (2) Antas ng paggamit ng makabagong kagamitang panturo, (3) Mga salik/ dahilan ng
paggamit ng tradisyunal na kagamitang panturo, at (4) Mga salik/ dahilan ng paggamit ng makabagong
kagamitang panturo. Siniguro ng mga mananliksik na masasagot nito ang mga layunin ng isinagawang pag-
aaral.
Higit pa rito, sa pagpapatibay ng instrumentong ginamit, minabuti ng mga mananaliksik na hingin ang
tulong ng kanilang ika-una at ikalawang guro sa pananaliksik upang maging malinaw, maayos, makatotohanan
at matibay ang bawat detalyeng nilalaman ng talatanungan. Kaugnay rito, humingi rin ang mga mananaliksik ng
tulong sa estadistika upang malaman kung reliable o mapagkakatiwalaan ang gagamiting instrumento ng mga
mananaliksik para sa magandang kalalabasan ng resulta ng mga datos na nakalap. Mula sa payo ng estadistika,
sinimulan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pilot testing upang mas mapatibay pa ang instrumentong
ginamit. Ilang beses ding pinalitan at inayos ng mga mananaliksik ang mga dapat baguhin bago makagawa ng
isang pinal na talatanungan. Sa tulong ng pagpapatibay na ito, nakasisiguro ang mga mananaliksik na masasagot
ang mga layunin sa bawat tanong sa talatanungan.

6.4 Pangangalap ng mga Datos


Isang talatanungan ang unang binuo ng mga mananaliksik. Humingi ng pahintulot ang mga
mananaliksik sa Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro kung maaaring mangalap ng datos at
makapagsarbey ang mga mananaliksik. Pagkatapos mabigyan ng pahintulot ay nagsimulang mangalap ng datos
ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro. Binigyan ng consent form ng mga
mananaliksik ang mga kalahok at ipinaalam sa kanila kung ano ang pag-aaral at sinabi na ang kanilang pagtugon
ay boluntaryo. Ito’y isinakatuparan partikular sa Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao,
Zamboanga City. Taong Panuruan 2022-2023.

6.5 Reliability Testing


Nagsagawa ng pilot testing sa sampung (10) kalahok na kumukuha ng asignaturang Filipino ngunit sa
ibang antas ng mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyong pangguro upang malaman kung mapagkakatiwalaan ba ang
instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa isasagawang pag-aaral.

TALAHANAYAN 1
Overall reliability

Cronbach's Alpha Based on


Cronbach's Alpha No. of Items
Standardized Items

.821 .859 50

Ipinapakita sa itaas na talahanayan ang naging resulta ng pangkalahatang reliability test. Nakakuha ng
Alpha na 0.821 ang reliability test na isinagawa para sa intrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. Ibig
sabihin, ang instrumentong ginamit para sa pag-aaral ay mapagkakatiwalaan dahil mas mataas ito sa standard na
bilang ng reliability na umaabot lamang ng 0.7. Sa kabuoan, nakitang pare-parehong mas ginagamit ng mga
tagatugon ang makabagong kagamitang pampagtuturo.

6.6 Estatistikang Ginamit


Ang pangunahing estatistikang ginamit ng mga mananaliksik ay ang weighted mean kung saan ito ay
nakatutulong upang makuha ang antas ng paggamit ng tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo.
Ginamit din ang mga mananaliksik ang fourpoint likert scale upang makuha ang paglalarawan sa
katumbas na bigat para sa antas ng paggamit ng mga tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo.

AJHSSR Journal P a g e | 87
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
TALAHANAYAN 2
Interpretasyon ng Datos

Bigat Katumbas Interpretasyon

1 1.0 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit

2 1.76 – 2.50 Minsan lamang ginagamit

3 2.51 – 3.25 Ginagamit

4 3.26 – 4.0 Laging ginagamit

Ang mga mananaliksik ay kinuha din ang frequency at katumbas na porsyento ng mga datos para sa
salik o dahilan ng paggamit ng mga kagamitang panturo para sa sumang-ayon at hindi sumang-ayon. Sa
pangkabuoan ay gumamit ang mga mananaliksik ng SPSS, ito ay may kakayahang mapadali ang pagkuha ng
resulta ng estadistikang nabanggit.

VII. RESULTA AT PAGTATALAKAY


Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga resulta sa isinagawang pag-aaral. Ito ay nakabase sa mga
nakalap na datos tungkol sa kagamitang pampagtuturo partikular na sa mean score, at ang interpretasyon nito.
Inilahad din ang mga salik/dahilan ng paggamit na ipinapakita sa bawat talahanayan.

7.1 Ano ang pangkalahatang antas ng paggamit ng Kagamitang Pampagtuturo ng mga kolehiyong mag-
aaral sa kanilang Asignaturang Filipino?

TALAHANAYAN 7.1.1
Pangkalahatang Paggamit ng Kagamitang Panturo

Kagamitang Pampagtuturo Mean score Interpretasyon

1. Makabagong kagamitang panturo 3.19 Ginagamit

2. Tradisyunal na kagamitang panturo 2.63 Ginagamit

Legend: 1.0 – 1.75- Hindi kailanman ginagamit 2.51 – 3.25- Ginagamit


1.76 – 2.50- Minsan lamang ginagamit 3.26 – 4.0- Laging ginagamit

Makikita sa Talahanayan 3 na ang may mataas na pangkalahatang antas ng paggamit ang makabagong
kagamitang pampagtuturo na may mean score na 3.19 kung ikukumpara sa tradisyunal na kagamitang
pampagtuturo na may mean score 2.63. Nangangahulugang ito ang mas ginagamit ng mga kalahok para sa
kanilang pagtuturo sa mga asignaturang Filipino.
Kaugnayan rito, pareho ang natuklasang resulta sa naging pag-aaral nina Ghavifekr, S. & Rosdy,
W.A.W. (2015). Ayon sa ipinahayag sa naging resulta ng pag-aaral nila na may titulong “Teaching and
Learning with Technology: Effectiveness of ICT Integration in Schools”, natuklasan na ang pagtuturo at
pagkatuto na nakabatay sa teknolohiya ay mas epektibo kumpara sa tradisyonal. Ito ay dahil, ang paggamit ng
mga kasangkapan at kagamitan sa ICT ay maghahanda ng isang aktibong kapaligiran sa pag-aaral na mas
kawili-wili at epektibo para sa parehong mga guro at mag-aaral.
Sa pangkabuoan, kahit sa magkaibang pag-aaral ay makikita pa rin na ang mas ginagamit na kagamitang
pampagtuturo ay ang makabagong kagamitang pampagtuturo na nangangahulugang sumasabay na sa
pagbabago ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.

AJHSSR Journal P a g e | 88
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
7.2 Ano ang antas sa paggamit ng tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo?

TALAHANAYAN 7.2.1
Antas sa Paggamit ng Tradisyunal na Kagamitang Pampagtuturo

Paggamit ng Tradisyunal na Kagamitang


Mean score Interpretasyon
Panturo
Museum 1.73 Hindi kailanman ginagamit
Globo 1.80 Minsan Lamang ginagamit
Exhibit 2.17 Minsan Lamang ginagamit
Bulletin Board 2.20 Minsan Lamang ginagamit
Poster 2.77 Ginagamit
Pisara/ Chalk Board Display 2.97 Ginagamit
Ilustrasyon 3.07 Ginagamit
Mga larawan 3.13 Ginagamit
Libro/pahayagan 3.23 Ginagamit

Visual Aids 3.23 Ginagamit


Legend: 1.0 – 1.75- Hindi kailanman ginagamit 2.51 – 3.25- Ginagamit
1.76 – 2.50- Minsan lamang ginagamit 3.26 – 4.0- Laging ginagamit

Makikita sa Talahanayan 4 ang pangkabuoang paggamit ng Tradisyunal na kagamitang pampagtuturo.


Kung ito ay iraranggo ayon sa krayterya ay makikitang kadalasang ginagamit ng mga kalahok ang “Visual
Aids” na may mean score na 3.23, sinundan naman ito ng “Libro/Pahayagan” na nakakuha ng mean score na
3.23, at sumunod ang mga sumusnunod; Larawan na may mean score na 3.13, Ilustrasyon na may mean score na
3.07, Pisara/Chalkboard Display na may mean score na 2.97, at Poster na may mean score na 2.77. Samantala,
Minsan lamang ginagamit ang Bulletin board na may mean score na 2.20, Exhibit na may mean score na 2.17, at
Globo na may mean score na 1.80, at pinakahuli naman ay Hindi kailanman ginamit, ang Museum na may mean
score na 1.73. Ibig sabihin lamang na sa tradisyunal na kagamitang pampagtuturo ay mas ginagamit ang visual
aids dahil nakakuha ito ng pinakamalaking mean score sa lahat ng mga kagamitang pampagtuturo.
Ipinahayag sa pag-aaral nina Cielo et al., (2019) na may pamagat na “Effectiveness of Traditional
Method of Teaching in Academic Performance of General Academic Strand Students at Bestlink College of the
Philippines”, isinaad na sa pamamagitan ng paggamit ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo, mas
madali para sa mga mag-aaral na makipag-usap sa kanilang mga guro, na nagbibigay ng mga bagay na may
kaugnayan sa pag-aaral at mga katanungan na madaling matugunan. Ibig sabihin, hindi pa rin nagpapahuli ang
tradisyunal na kagamitang pampagtuturo upang maging isang intrumento sa pagtuturo sa mga asignaturang
Filipino.
Sa pangkabuoan, limitado na lamang ang paggamit ng mga tradisyunal na kagamitang pampagtuturong
ginagamit sa kolehiyo na nangangahulugang mas nakatuon na ang pamantasan sa mga pagbabagong
pangteknolohiya na kung saan napapabilis nito ang paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral.

TALAHANAYAN 7.2.2
Antas ng paggamit ng Makabagong Kagamitang Panturo

Paggamit ng Makabagong Kagamitang Panturo Mean score Interpretasyon


Tablet 2.07 Minsan lamang ginagamit
Telebisyon/ TV 2.77 Ginagamit
Speaker 2.87 Ginagamit
YouTube 3.00 Ginagamit
Kompyuter 3.10 Ginagamit

AJHSSR Journal P a g e | 89
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024

Paggamit ng e-classroom, google classroom, atbp.


3.30 Laging ginagamit
Sa pagbibigay ng paksa o takdang-aralin.

Projector 3.47 Laging ginagamit


Laptop 3.60 Laging ginagamit
Cellphone 3.87 Laging ginagamit

Paggamit ng Powerpoint Presentation atbp. 3.90 Laging ginagamit


Legend: 1.0 – 1.75- Hindi kailanman ginagamit 2.51 – 3.25- Ginagamit
1.76 – 2.50- Minsan lamang ginagamit 3.26 – 4.0- Laging ginagamit

Makikita sa Talahanayan 5 ang kabuoang ginagamit na teknolohiya. Kung iraranggo, ang ginagamit ng
mga kalahok ayon sa krayterya ay mapapansin na laging ginagamit ang “Powerpoint Presentation” na may mean
score na 3.90, sinundan naman ito ng “Cellphone” na may mean score na 3.85, at kasunod naman ang mga
sumusunod ayon sa pagkakasunod-sunod; Laptop na may mean score na 3.69, Projector na may mean score na
3.47, at Paggamit ng e-classroom, google classroom, at iba pa na may mean score na 3.30. Samantala,
Ginagamit naman ang Kompyuter na may mean score na 3.10, YouTube na may mean score na 3.00, Speaker na
may mean score na 2.87, Telebisyon/TV na may mean score na 2.77, at ang panghuli na Minsan lamang
ginagamit, ang Tablet na may mean score na 2.07. Nangangahulugan lamang na sa makabagong kagamitang
pampagtuturo ay mas ginagamit ang power point presentation sa pagtuturo sa mga asignaturang Filipino.
Kaugnay rito, ipinahayag ni Bhalla, J. (2013), na sa nakalipas na dekada, ang teknolohiya ay ginagamit
sa iba't ibang mga paraan at para sa isang hanay ng mga layunin. Ito ay pinapalitan at isinasaayos upang mas
mapaganda pa ang paggamit nito. Kaugnay rito, kasabay ng pagbabago ng mga lumang teknolohiya ay binabago
rin ang iba pang bagong teknolohiya upang hindi mapag-iwanan at makasabay sa iba. Sa katunayan, ito ay isa sa
mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, at masiya kaya naman napakaraming
mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Sa pangkabuoan, dahil mataas ang
makuhang means score ng makabago nangngahulugan lamang ito na totoong mas tinatangkilik ang paggamit ng
teknolohiya sa kolehiyong mag-aaral.

7.3 Ano ang mga salik sa pagpili ng mga kagamitang pampagtuturo sa mga asignaturang Filipino?

TALAHANAYAN 7.3.1
Mga Salik o Dahilan ng Paggamit ng Tradisyunal na Kagamitang Panturo

Mga Salik/ Dahilan sa Paggamit ng Tradisyunal na Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon


Kagamitang Pampagtuturo
(%) (%)
Frequency Frequency

1. Natututo ako ng mga impormasyon sa libro. 100 -


30 -
2. Madaling matukoy ang paksa gamit ang
30 100 -
illustrasyon. -
3. Madali kong nasasaulo ang paksa kapag
100 -
sinusulat ko ito. 30 -
4. Nakakakuha ako ng impormasyon sa mga libro
96.7 3.3
o pahayagan. 29 1
5. Mas naiintindihan ko ang tinatalakay gamit
29 96.7 1 3.3
ang visual aids.

Makikita sa Talahanayan 6 ang mga salik sa paggamit ng tradisyunal na kagamitang pampagtuturo na


nakakuha ng mataas na frequency at porsyento sa pagsagot ng sumasang-ayon sa sinagawang sarbey. Ang mga
salik na “Natututo ako ng mga impormasyon sa libro”, “Madaling matukoy ang paksa gamit ang illustrasyon”,
at “Madali kong nasasaulo ang paksa kapag sinusulat ko ito” ay nakakuha ng pare-parehong frequency na 30 na
may katumbas na isang-daang porsyento (100%). Na nangangahulugang sa lahat ng salik ay ito ang kanilang
labis na sinag-ayunan. Samantala, ang mga salik na “Nakakakuha ako ng impormasyon sa mga libro o
pahayagan”, at “Mas naiintindihan ko ang tinatalakay gamit ang visual aids” ay parehong nakakuha ng

AJHSSR Journal P a g e | 90
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
frequency na 29 na may katumbas na siyam na pung anim at pitong porsyento (96.7 %). Nangangahulugan
lamang na isang tagatugon sa bawat salik ang hindi sumang-ayon. Sa pangkabuoan, suportado ng mga mag-
aaral ang mga kagamitang panturong tulad ng libro, ilustrasyon, at maging panulat at papel sa pagsasaulo ng
mga paksa sa asignaturang Filipino na ibig sabihin ay ito ang mas ginagamit nilang kagamitang pampagtuturo.

TALAHANAYAN 7.3.2
Mga Salik o Dahilan ng Paggamit ng Makabagong Kagamitang Panturo

Hindi Sumasang-
Mga Salik/ Dahilan sa Paggamit ng Makabagong Sumasang-ayon
ayon
Kagamitang Pampagtuturo
(%) (%)
Frequency Frequency
1. Mas napapadali ang pagtatalakay kapag may
100 -
projector. 30 -
2. Mas napapadali ang gagawing gawain sa tulong
100 -
laptop. 30 -
3. Mas ma daling makakalap ng mga impormasyon
100 -
gamit ang internet. 30 -
4. Mas madaling matuto ng mga paksa kapag
100 -
tinatalakay gamit ang powerpoint presentation. 30 -
5. Paggamit ng speaker sa panonood ng videos upang
100 -
mas mapakinggan at maunawaan ang mga paksa. 30 -
Makikita naman sa Talahanayan 7 ang mga salik sa paggamit ng makabagong kagamitang
pampagtuturo na nakakuha ng mataas na frequency at porsyento sa sinagawang sarbey. Nakakuha ang salik na
“Mas napapadali ang pagtatalakay kapag may projector”, “Mas napapadali ang gagawing gawain sa tulong
laptop”, “Mas ma daling makakalap ng mga impormasyon gamit ang internet”, Mas madaling matuto ng mga
paksa kapag tinatalakay gamit ang powerpoint presentation”, at “Paggamit ng speaker sa panonood ng videos
upang mas mapakinggan at maunawaan ang mga paksa” ng kabuoang frequency na 30 na may katumbas na
isang-daang porsyento (100%). Ibig sabihin, ang mga salik na ito ang mas sinang-ayunan nila sa paggamit ng
makabagong kagamitan sa pagtuturo. Sa pangkalahatan, ayon sa naging resulta at maging mga dahilan ng mga
kahahok, ang may mas mataas na antas ng paggamit ay Makabagong kagamitang pampagtuturo kung ito ay
ikukumpara sa Tradisyunal na kagamitang pampagtuturo na nangangahulugang mas ginagamit ito sa pagtuturo
sa mga mag-aaral partikular na sa asignaturang Filipino.

VIII. KONKLUSYON
Sa isinagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga hinuha na ayon sa mga
sumusunod: Una (1), mas ginagamit ang makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga asignaturang Filipino
partikular na sa mga kagamitang powerpoint, cellphone, laptop, projector at iba pa, pangalawa (2), dapat
isaalang-alang ng mga guro ang mga salik sa pagpili ng kagamitang pampagtuturo, angkop sa edad, kakayahan,
at panahon ng mga mag-aaral na tuturuan, pangatlo (3), lumabas man sa resulta na mataas ang antas ng
paggamit sa makabagong kagamitang pampagtuturo, hindi rin dapat kalimutang gamitin ang Tradisyunal na
kagamitang pampagtuturo dahil ayon sa resulta ay pareho pa rin silang ginagamit, pang-apat (4), makabagong
kagamitang pampagtuturo ang ginagamit sa pagtuturo sa mga asignaturang Filipino kung kaya’y dapat
matugunan ng pamantasan ang mga kagamitang ito na saklaw ang malawak na populasyon ng mga mag-aaral sa
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, at panlima (5), kung makabago ang mas ginagamit sa pagtuturo ng mga
mag-aaral sa mga asignaturang Filipino ay dapat mapalawig pa ang kaalaman ng guro sa paggamit ng
teknolohiyang nabanggit upang magamit ito ng wasto na walang pag-aalinlangan para sa mga mag-aaral na
tuturuan. Kaugnayan dito, sa batayang teoretikal, napatunayan ng mga mananaliksik na may kaugnayan nga ang
teoryang konstruktibismo sa pagpapahusay ng mga mag-aaral sa paksang aaralin na may kinalaman sa paggamit
ng kagamitang pampagtuturo dahil ayon sa mga naging salik ay mas napapabilis ang pagkatuto ng mga mag-
aaral kung sila ang gagawa ng visual aids, museum, poster, mga videos at iba pa. Dahil dito, mas madali nilang
nauunawaan ang mga paksang itinalakay.

IX. REKOMENDASYON
Batay sa mga matuklasang resulta at sa ginawang konklusyon, ang mga mananaliksik ay
inirerekomenda na kung may magkaparehong pag-aaral ay maglaan pa ng panahon upang isagawa nang masusi
at mahusay ang pag-aaral, maghanap pa ng ibang intrumentong mapagbabasehan, at maaari ring pumili na
magsagawa sa ibang antas na lebel ng kalahok. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
AJHSSR Journal P a g e | 91
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
(a) Maaaring dagdagan ang baryabol ng pag-aaral, maaaring pagbatayan ang naging grado sa asignaturang
Filipino ng mga kalahok sa pagiging mabisa ng kagamitang pampagtuturong ginagamit sa parehong Tradisyunal
at Makabago. (b) Dahil naging mas mataas ang antas ng paggamit ng makabagong kagamitang pampagtuturo,
inirerekomenda rin na magsaliksik pa ng ibang estratehiya na ginagamitan ng makabagong kagamitang
pampagtuturo ng mga guro o maging ng mga mag-aaral upang mapabilis at mapabisa pa ang gagawing
pagtuturo sa asignturang Filipino. (c) Inirerekomenda ng mga mananaliksik na kung maaaring dagdagan ang
mga makabagong teknolohiya na talagang magagamit ng mag-aaral sa pagtatalakay ng paksa hindi lamang sa
asignaturang Filipino ngunit pati na rin sa iba pang asignatura partikular na sa mga kagamitang telebisyon o
projector na may kompletong kasangkapan upang makonekta sa laptop, maging ang speaker para sa mga videos
na ipapakita sa loob ng klase, at iba pa.
REFERENCES
[1] A. Saavedra, E. Banua, R. Ajibon, F. Aukasa, S. Muhajil, and H. Najam, Evaluating Teachers' Teaching
Performance: As Basis for Mentoring and Technical Support, Neuro Quantology, 20(13), 2022, 896-904.
[2] A. Cielo, M. Lopez, J. Torres, A. Tenio, and A. DF Effectiveness of Traditional Method of Teaching in
Academic Performance of General Academic Strand of Students at Bestlink College of the Philippines,
Ascendends Asia Singapore - Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research,
1(1), 2019.
[3] A. Saavedra, Technology Engagement and Writing Skill: An Analysis Among Elementary-Grade
Filipino Learners, Webology, 15(1), 2018.
[4] P.M. Peralta, Epekto ng Makabagong Kagamitang Panturo, Academia.edu, 2016.
[5] A. Saavedra, A, Antonio, R. Probitchado, C. Ricohermoso, and J. De la Rama, Gender Differences in
Technological Competence among Science Teachers: Implications, International Journal of Advanced
Science and Technology, 29(7), 2020, 13257-13268.
[6] B. Dimitrios, L. Sdrolias, K. Nikolaos, M. Koutiva, and A. Koustelios, Traditional Teaching Methods
Vs. Teaching Through the Application of Information and Communication Technologies in The
Accounting Field: Quo Vadis? European Scientific Journal, 9(28), 2013, 73-101.
[7] R. Sanchez, and A. Gamalindo, Ang importansya ng Asignaturang Filipino sa klasrum, The Lance, 2017.
[8] P. Villafuerte, Wikang Katutubo: Tanghal ng Yaman at Kalinangang Katutubo, dokumen. tips, 2020.
[9] P. Gajo, Pagsusulit at Ebalwasyon Fil 20, scrbd.com, 2016.
[10] J. Cabigao, Class Observation Post-Conference Framework for Teachers, International Journal of
Academic Multidisciplinary Research, 5(2), 2021, 256-258.
[11] H.M. Inocencio, J. Amurao, S.A. Felomina, E.A. Francisco, B. Gubatan, R. Guevarra, J.J. Holgado, J.M.
Hongco, S. Honda, and K.A. Tenorio, Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo: Epekto sa
mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State University, Scrbd.com, 2017.
[12] B. Brau, Constructivisn, Brigham Young University, 2022.
[13] S. Ghavifekr, and W.A.W. Rosdy, Teaching and Learning with Technology: Effectiveness of ICT
Integration in Schools, International Journal of Research in Education and Science, 1(2), 2015, 175-191.
[14] J. Bhalla, Computer Use by School Teachers in Teaching-Learning Process, Journal of Education and
Training Studies, 1(2), 2013.

AJHSSR Journal P a g e | 92

You might also like