You are on page 1of 2

Week 6

TLE/HE 4

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang iyong gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang
naglilinis?
a. Gumamit ng apron c. Talian ang buhok
b. Takpan ang ilong d. Magdamit ng maluwang

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat una mong lilinisin?


a. Bakuran c. Dingding
b. Kisame d. Sahig

3. May nabasag na baso habang ikaw ay naglilinis sa kusina, ano ang


iyong gagawin?
a. Pupulutin isa-isa ang bubog.
b. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.
c. Pupulutin at itatapon sa bakanteng lote.
d. Babalutin at ilalagay sa basurahang may takip.

4. Ano and dapat tandaan sa paggamit ng de-koryenteng kagamitan upang


maiwasan ang sakuna?
a. Basahin ang panuto kung paano ito gagamitin.
b. Hayaan itong nakabukas kahit tapos nang gamitin.
c. Panatilihing laging nakakabit sa saksakan ang kawad.
d. Tiyaking tuyo ang mga kamay bago isaksak at tanggalin ang
saket at plug.

5. Kung nagkalat ang basura sa inyong bahay, ano ang iyong gagawin?
a. Ipunin lahat ng nagkalat na basura at ibalot sa plastic.
b. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
c. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ang mga ito.
d. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok at ibaon sa
compost pit ang nabubulok.
6. Ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at
bakuran ay dapat sundin upang
.
a. makaiwas sa iba pang gawain
b. maiwasan ang anumang sakuna
c. makapaglaro agad pagkatapos ng gawain
d. maisagawa ang mga nakatakdang gawain

7. Ang mga tirang likidong ginamit sa paglilinis tulad ng lysol at


muriatic acid ay dapat itatago sa _ _
.
a. loob ng isang cabinet
b. lugar kung saan ito kinuha
c. loob ng palikuran o comfort room
d. mataas na lugar na hindi maaabot ng bata

8. Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang dapat gagawin?


a. Tumayo sa malapit sa bintana.
b. Gumamit ng mesa at doon tumuntong.
c. Tumuntong sa silya para maalis ang agiw.
d. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan.

9. Kung maglilinis ng kusina ano ang una mong gagawin?


a. Ilagay ang mga upuan sa ibabaw ng hapagkainan.
b. Linisin ang lababo at mga kasangkapan sa pagluluto.
c. Ipunin ang mga maruruming kasangkapan sa kusina.
d. Takpan ang pagkain para hindi mapasok ng alikabok.

10. Kung napag-utusan kang tanggalin ang nakasaksak na plug o saket, ano
ang dapat mong gawin?
a. Huwag sundin ang iniutos sa iyo.
b. Tumalima at tanggalin kaagad ang saket.
c. Basain ng tubig ang mga kamay bago tanggalin.
d. Magpunas ng tuyong basahan bago magtanggal.

You might also like