You are on page 1of 1

PANUNUMPA NG KAWANI NG PAMAHALAAN

Bilang Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao

Ako'y kawani ng pamahalaan.


Ako'y tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Nasa aking puso ang pagmamahal at pagmamalasakit sa aking kapwа,
Lalo na sa mga mas nangangailangan ng kalinga at pag-aaruga-

Ang mga mahirap na inaabuso ng mga may kapangyarihan. Ang mga magsasaka, mangingisda,
at empleyado ng mga oligarka Ang mga inaaping kababaihan, kabataan, may kapansanan,
kababayang nangibang-bansa upang makipagsapalaran, at katutubong mamamayan.
Ang mga biktima ng kriminalidad, korupsiyon, terorismo, at bawal na droga.

Ang aking kaisipan ay patuloy na uunawa sa kanilang kalagayan. Ako'y tutugon sa


pamamagitan ng pagbalangkas ng mga patakaran At pagpapatupad ng mga programang akma
sa kanilang pangangailangan. Ang mga ito'y aking tutupdin ayon sa patnubay ng kasalukuyang
administrasyon Na ninanais na mapabuti ang kasalukuyang katayuan at kinabukasan ng
bawat Filipino.

Sa ganitong paraan, magiging bahagi ako sa pag-angat ng dignidad ng bawat Filipino


bilang mga taong nilikha ng Poong Maykapal. At ang bawat hakbang na aking tatahakin ay
patungo sa pagkamit ng pangarap ng ating mga ninuno at bayani-isang bayang tunay na
payapa at marangya.

Ako'y kawani ng pamahalaan. Ako'y TOTOONG tagapagtanggol ng karapatang pantao.

You might also like