You are on page 1of 1

Latrell Castro

BET-CT-2B
“Magandang hapon sa lahat, nagbabalik ang Balitang Patrol!”
“-Breaking News-”
“Narito ang mga nagbabagang balita, Latrell Castro, maguulat!”
“Salamat Mike! Sugatan ang walong tao sa pag-araro ng multi-purpose vehicle (MPV) sa
walong mga sasakyan mula Quezon City hanggang Caloocan City, at naaresto ang driver
na umaming nakainom ng alak.”
“Sarado na umano ang naturang establisyemento, ngunit naararo pala ng MPV ang apat
na motorsiklo at nagkaroon ng mga bali ng buto ang isang mag-asawa, na kabilang sa apat
na nadisgrasya ng sasakyan. Mag-a-alas nueve ng gabi sumalpok sa isang botika ang isang
pulang MPV sa Camarin Road, North Caloocan.”
“Dinala kaagad sa katapat lamang na Caloocan City North Mecidal Center ang mga
nasugatan. Tumakbo umano ang driver matapos ang insidente pero hinabol siya ng mga
residente at hindi na pinakawalan at binugbog.”
“Ayon sa Chief Investigator ng Caloocan Sub-Station 2, Police Captain Joel Piñon: May
nabangga ng tatlong sasakyan ang suspek ng nangyari ang pagaararo sa Barang
Kaligayahan ( Quezon City). Dahil sa nais na pagtakas ay nakaabot ang suspek sa lugar ng
Caloocan City
“Dagdagpa, may isang bata umanong nasugatan na sakay umano ng AUV na naunang
binangga ng MPV. Nadakip ng mga pulis ang driver na kinilalang si Bryan Tan, 29-anyos.
Ayon sa driver, hindi niya ito na i-kontrol ng maayos, At ang kanyang sinisisi ay nawalan
ng preno ang kayang sasakayan”
Umamin din umano ang driver na nakainom siya ng alak. Inihanda na ng pulisya ang
patong-patong na reklamo laban sa suspek”
“Latrell Castro, naguulat, balik sayo Mike”

You might also like