You are on page 1of 2

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawang “eyewitness” sa nawawalang teacher at


beauty queen finalist na si Catherine Camilon sa Tuy, Batangas noong Oktubre 12, ang
lumutang sa himpilan ng pulisya kahapon.

Ayon kay Col. Jacinto Malinao Jr, CIDG4A director, ang dalawang testigo ay dumating sa
Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon at nagbigay ng kanilang mga
na­lalamang impormasyon kaugnay sa pagkawala ni Camilon.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 71-anyos na lolo makaraang martilyuhin sa noo ng
sariling pamangkin sa gitna ng kanilang pagtatalo kamakalawa sa Pier Ilaya, Marahan 1, bayan
ng Alfonso, dito sa lalawigan.

Nabutas ang noo sanhi ng matinding pagkahataw ng martilyo at namatay noon din ang biktima
na nakilalang si Ronie Mendoza Belaramino, caretaker at residente ng Brgy. Marahan 1,
Alfonso.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

CAVITE, Philippines — Binaril at napatay ng hindi nakilalang salarin ang isang mister habang
namimitas lamang ng saging sa isang taniman kamakalawa ng hapon sa Sitio Tamanli Brgy.
Kua, GMA, Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Robert Macaysa, nasa hustong gulang, residente ng Sitio
Tamanli, Brgy. Kua GMA, Cavite samantalang hindi nakilala ang salarin na mabilis tumakas
tangay ang baril na ginamit.
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Baliwag City Police
ang isang crimino­logy student na nakatala bilang “No. 5 most wanted person (MWP)” sa buong
lalawigan ng Bulacan at “Top 1 MWP” naman sa siyudad na ito dahil sa mga kasong rape.
Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office director, Colonel Relly Arnedo, ang suspek na si
Renz Reiven Pablo, 20-anyos, criminology student ng Maligaya St., Barangay Bagong Nayon.

Patay ang isang bagong halal na barangay kagawad sa Pasay City matapos siyang barilin ng
suspek na naka-riding in tandem nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Lina Camacho, ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong
Martes.Nangyari ang insidente sa mismong barangay hall ng Barangay 37 dakong 5:30 ng
hapon. Nakikipagkuwentuhan noon ang biktima sa mga tao sa loob ng barangay hall.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

COTABATO CITY, Philippines — Isang hinihinalang shabu dealer ang naaresto sa entrapment
operation ng pulisya at nadiskubre rin na may kinakaharap pa siyang kasong panggagahasa ng
isang 69-anyos na lola sa Clarin City, Misamis Occidental.

Kalaboso na ang suspek na kinilalang si Gerbe Jimenez, 32-anyos, na dati na ring nakulong sa
kasong arson, may ilang taon na ang nakalipas bukod pa sa bagong kaso ng droga.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa


Polomolok, South Cotabato.

Naka-live pa ang biktima sa social media habang minamaneho ang kaniyang tricycle nang
mangyari ang krimen. Nagpa-Patrol, Chat Ansagay. TV Patrol, Martes, 7 Nobyembre 2023

You might also like