Magandang umaga sa inyong lahat! Narito na ang weather update.
Base sa pag-uulat kahapon ng dost-pag asa ang southwest moonson pa rin o habagat ang
nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng southern Luzon at ianaasahan nga natin itong habagat
magdadala ng maulap na papawirin at mga kalat kalat na pag-ulan, pag-kidlat at pagkulog sa
may palawan area. Kaya yung ang ating mga kababayan na noong nakaraang araw pa inuulan ay
pinag-iingat nga natin sa banta ng pagbaha o pagguho ng lupa. Para naman sa lagay ng panahon
sa metro manila at sa nalalabing bahagi ng ating bansa asahan naman natin yong partly cloudy to
cloudy skies condition na may mga tsansa ng mga localized thunderstorm. Yong kanilang mga
kasamahan sa regional services division patuloy pa rin maglalabas ng mga thunderstorm
advisory, rainful advisory o di kayay heavy rainful warning kung kinakailangan. Wala naman
silang namomonitor na low pressure area man o bagyo sa loob or malapit sa ating Philippine
area of responsibility.
Para naman sa lagay ng ating panahon ngayon sa Luzon area, sa Metro manila at sa buong Luzon
area partly cloudy to cloudy skies condition na tayo na may mga tsansa nga lang ng localized
thunderstorm, so asahan nga natin possible pa rin yong mainit at maalinsangang panahon tuwing
umaga hanggang tanghali pero pagdating ng hapon tumataas nga yong mga tsansa ng localized
thunderstorms
Agwat ang temperature ngayon sa metro manila, laoag, at legazpi. Maglalaro mula 25-33. 16-26
sa may baguio, 26-35 naman sa Tuguegarao, at sa may Tagaytay area naman 22-31.
Agwat naman ang temperatura ngayon sa may Puerto prinsesa na may 25-31, at 26-32 naman sa
may Kalayaan island
Sa visayan naman at Mindanao area asahan nga natin yong mga tsansa pa nga rin ng mga
localized thunderstorm lamang at mga partly cloudy to cloudy skies condition. Agwat ang
temperature ngayon sa may ilo-ilo, cebu, Zamboanga, at Tacloban. Maglalaro mula 25-32, 24-32
naman sa may Cagayan de oro at 25-33 sa may davao area.
Wala pa naman tayong nakataas na gale warning sa kanit na anong baybayin ng ating bansa. Para
sa 3 day weather outlook ng mga pangunahing siyudad inaasahan nga natin, metro manila and
baguio Tuesday until Thursday partly cloudy to cloudy skies condition at usual na thunderstorm
tuwing hapon at gabi ayon pa nga rin ang inaasahan natin sa susunod na tatlong araw. Pero Sa
may legazpi bukas ay partly cloudy to cloudy skies condition natin pero pagdating ng
Wednesday at Thursday dito sa may legazpi pati na rin sa may silangangang bahagi ng southern
Luzon possible nga yong mga kalat kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog. Iyan ay dulot ng
easterneast. Sa metro manila ang pinakamataas na temperature sa susunod na tatlong araw
posibleng umabot ng 34, sa baguio naman ay 18-26. Agwat ang temperature at 25-32 naman ang
agwat ng temperature sa may legazpi.
Para naman sa mga pangunahing siyudad sa may Visayas area, metro cebu at ilo-ilo city Tuesday
toThursday mga tsansa na nga lang ng mga thunderstorm ang ating mga pagkakaingatan pero
dito sa may Tacloban city pati na rin sa may silangang bahagi ng Visayas area Tuesday until
Thursday possible nan ga yong mga kalat kalat na pag-ulan,pagkidlat, at pagkulog posibleng
sanhi nga ay yong eastearneast. Sa metro crbu agwat ang temperature ay 25-33 sa may ilo-ilo
city naman ay 25-33 at sa may Tacloban 26-31.
Para naman sa pangunahing siyudad sa Mindanao area, metro davao, Cagayan de oro city, at
Zamboanga city asahan nan ga natin ang partly cloudy to cloudy skies condition with chances of
localized thunderstorm so muli yong kanilang mga kasamahan sa regional services division
patuloy na maglalabas ng thunderstorm advisory, rainful advisory o di kayay heavy rainful
warning kung kinakailangan. Sa metro davao agwat ang temperature ay 25-33, 25-32 naman sa
may Cagayan de oro city, at 25-33 sa may Zamboanga city.
Sa kalakhang maynila ang araw aylulubog ng 6:28 ng gabi at sisikat ng 5:29 ng umaga.
Wag magpahuli sa update ng lagay ng ating panahon ako si carlo rapsing nagbabalita.