EMCEE SCRIPT FOR GRADUATION
EMCEE 1: Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat,Ngayong araw, ito ay isa sa
mga pinakaaabangang sandali para sa ating mga mag-aaral sa ika-anim na baitang,
pati na rin sa kanilang mga magulang. Makakasaksi sila ng isang napakahalagang
pangyayari sa kanilang buhay—ang pagmamartsa ng kanilang ng mga anak patungo sa
tagumpay.
EMCEE 2: Saksihan natin sa umagang ito ang palatuntunan sa Araw ng pagatatapos
sa Mababang Paaralan ng ______________ taong panuruang dalawang libo’t
dalawangput -apat na may temang “Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na
Edukasyon”
Emcee 1 & 2: at ngayon saksihan po natin ang pagpasok ng mga batang
magsisipagtapos kasama ng kanilang mga magulang, mga guro at mga panauhin.
Pagpasok ng mga magsisipagtapos,mga magulang,mga guro at mga panauhin.
Emcee 1: manatili pong nakatayo para sa ating pambansang awit, at susundan po ito
ng isang panalangin mula sa mga batang magsisipagtapos
Emcee 2: at Himno ng ating lalawigan na kukumpasan ni [Link] Lopez,gurong
tagapayo ng ikaapat na baitang.
Emcee 1: Maari na po tayong umupo,at ngayon naman po ay tunghayan natin ang
isang awit na magmumula sa mga magsisipagtapos na pinamagatang “A Million
Dreams’
Emcee 2: Maraming salamat sa inyong napakagandang awit. May mga pagkakataon na
ang mga pangarap ay iniisip na lamang na mga pangarap, ngunit marami rin ang
naniniwala na sa patuloy na pangarap, ito ay magiging isang katuparan balang araw.
Emcee 1 : Naway matupad ninyo ang inyong mga pangarap ano man ang mga
pagsubok na inyong kakaharapin,patuloy na Gawin ang lahat upang ito ay inyong
maabot.
Emcee 2: Maligaya at makabuluhang padating sa ating ika-8 taon ng pagtatapos, para
tayo ay batiin sa araw na ito pakinggan natin ang mensahe ni Alyza Enriquez,batang
may karangalan sa kanyang bating pagtanggap,
Emcee 1 : Maraming salamat Alyza Enriquez sa inyong napakagandang pagbati.
PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS
Emcee 1: Dumako na tayo ngayon sa pinakamahalagang bahagi ng ating
palatuntunan ,ang pagpapakilala sa mga magsisipagtapos ng ating
Ulong-guro,Gng./G._________________________ na susundan ng Pagpapatibay ng
magsisipagtapos at mensahe mula sa kinatawan ng ating
distrito,Gng./G./Bb.___________________.
MENSAHE NG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYON
Emcee 2: Maupo po ang lahat at pakinggan po natin ag pagbati at mensahe ng ating
kalihim ng Edukasyon,Sarah Z. Duterte (video presentation)
PAGBIBIGAY NG KATIBAYAN NG PAGTATAPOS
Emcee 1: Ang diploma ay isang napakahalagang dokumento na nagpapatunay ng
pagtatapos sa isang yugto ng edukasyon. Ito ay isang matibay na patunay ng
dedikasyon at pagsusumikap ng bawat mag-aaral.
Emcee 2 : Upang igawad aang diplomaa ng mga nagsipagtapos,hinihiling ko po ang
ating Ulong-guro,___________at ang ating panauhing
pandangal,___________________ang kinatawan ng ating Distrito,_________________
at gurong tagapayo ng Ika-anim na Baitang ,___________________ upang iaabot ang
katibayan ng pagtatapos.
Emcee 1&2: Congratulations Graduates Batch 2023-2024
PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA
Emcee 1: Ngayon naman po sa puntong ito ay ating kilalanin ang isa sa matagumpay
na sa kanyang pangarap at upang mabigay ng inspirasyon sa ating mga gradwets na
ipapakilala sa atin ng isa sa mga guro ng ating paaralan Gng. ________________
Guro-tatlo. (Mensahe ng Panauhing Pandangal)
Emcee 2: Maraming Salamat po G. [Link]. ______________ sa pagbabahagi ninyo
ng inyong nakaka-inspired na kwento at mensahe ng inyong [Link] ito ay
magsilbing inspirasyon para sa ating nagsipagtapos sa araw na ito.
Emcee 1 : Tinatawagan po natin ang kinatawan ng ating disrito ,___________,ulong
guro,____________, kasama po ang gurong tagapayo ng ika-anim na
baitang,______________ upang ibigay ang sertipiko at munting regalo para sa ating
panauhing pandangal.
(hinihihiling po namin sa ating kinatawan ng Distrito, ___________,Ulong
guro,____________, kasama po ang gurong tagapayo at ang ating panauhing
tagapagsalita na manatili po sa ating entablado para po sa paggawad ng karangalan
/pagkilala sa mga batang nagkamit ng karangalan.)
PAGGAWAD NG KARANGALAN /PAGKILALA
Emcee 2: at ngayon ,ang pinakahihintay ng mga magulang at nagsipagtapos, ang
pagawad ng medalya at sertipiko ng karangalan sa mga piling nagsipagtapos.
(tawagin ang pangalan ng mga bata na nasa listahan)
MENSAHE NG PAGTATAPOS/PASASALAMAT
Emcee 1: Ang salitang salamat ay sadyang napakasarap pakinggan .Sa pagkakataong
ito,tinatawagan ko po sa entablado si _________________________may mataas na
karangalan para sa isang mensahe ng pasasalamat.
(Mensahe ng pasasalamat)
Emcee 2: Maraming salamat ______________ sa isang napakagandang mensahe ng
pasasalamat.
PANUNUMPA NG KATAPATAN
Emcee 1: sa puntong ito,tinatawagan ko si _______________,may mataas na
karangalan upang pangunahan ng panunumpa ng katapatan.
Emcee 2: Maraming salamat ___________________,naway maisakatuparan ninyo ang
pangakong inyong binitawan.
PANGWAKAS NA AWIT
Emcee 2 –nayon ating pakinggan ang pangwakas na awit ng mga nagsipagtapos na
pinamagatang _______________
RESESYONAL
Emcee 1: Maraming salamat gradwets at muli ay binabati naming kayong lahat .Sana
ay makabalik kayo sa paaralang ito na may karangalan.
Emcee 2: Nais rin po naming iparating ang aming pasasalamat sa ating mga panauhin
sa araw na ito at sa lahat ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng palatuntunang ito.M
Emcee 1 & 2: Muli po magandang araw at maligayang pagtatapos!