KABANALBANALANG IGLESIA NG DIOS KAY KRISTO HESUS
KAPISANANG ALPHA OMEGA
PROGRAMA NG AGAPE DAY
AO 2025
PROGRAMA TAUHAN
1. PAGBATI EMCEE
2. PAG-AWIT NG “AGAPE DAY” KAPATIRAN
3. PAGPAPALIWANAG NG PINAG-UUKULAN NG PROGRAMA. EMCEE
4. PAGHAHANDOG NG LIKHAWIT NG MGA MNZ/KAO MNZ/KAO
“KALAKASAN AY IPAGLILINGKOD”
• Maaring maghanda ng Ibang Awit ng Iglesia Patungkol sa KAO
5. PAGKILALA SA MGA official KAO members NA MAY KATANGI-TANGING GAWA
EMCEE
NOTE:
- Ipahayag ano ang katangi-tanging gawa
- Maaring pagkalooban ang KAO na may katangi-tanging
gawa ng maliit na alala gaya ng notebook, ballpen atbp.
6. GAMES (Maaring Pumili sa mga Suggested Game)
7. PAGHIHIKAYAT SA MGA KABATAAN SA PAGSAPI SA KAO. PILING KAO
NOTE: Hikayatin din ang mga magulang na suportahan ang
kanilang mga anak sa pagsangkot sa mga gawain ng KAO
8. MENSAHE MULA SA ISANG KAPATID NA GALING KAO NA NGAYON PILING KAPATID
AY NASA MAS MATAAS NA PANUNUNGKULAN
(e.g. Mahanaim, DNO/DSA, Ingat Yaman, Kalihim, MNZ)
NOTE: Paalalahanan ang mga KAO sa pagtatapat sa gawain. Gayundin
ay hikayatin ang mga magulang o guardian sa pagsuporta sa mga
KAO at kabataan na makibahaging lubos sa mga gawain ng KAO.
9. PANALANGIN NG PASASALAMAT KASAMA ANG PAGKAIN PILING KAO
(kung mayroon)
10. PAGSALU-SALO
Note:
• Hanggat maaari ay hindi sa kapulungang KAO mangagaling ang magiging tagapaghanda ng
programang ito.
• Kausapin na nang maaga ang Piling kapatid na magsasalita at sikaping nakaayon sa
Pagpapalakas ang Mensahe at hindi gaya ng Pagagalitan.
• Picture Taking
SUGGESTION GAME: FACE COOKIE
Mechanics ng Face Cookie Game
Layunin:
Mai-shoot ang cookie sa bibig gamit lamang ang paggalaw ng mukha at bawal gumamit ng kamay.
Kagamitan:
Maliliit na cookies (hal. Oreo / Fita o anumang katulad na laki)
Timer (kung may time limit o kumpetisyon)
Paano Laruin:
1. Ilagay ang cookie sa noo habang bahagyang nakatingala.
2. Sa hudyat, gamitin lamang ang kilos ng mukha (kilay, pisngi, bibig) para ipagalaw ang cookie pababa
hanggang sa bibig.
3. Hindi maaaring gumamit ng kamay—dapat ay nasa likod o gilid ng katawan ang mga ito.
4. Kapag nahulog ang cookie, kailangang magsimula ulit gamit ang bagong cookie.
5. Ang unang makakakain ng cookie nang hindi gumagamit ng kamay ang panalo.
6. Kung may time limit (hal. 1 minuto), ang pinaka-mabilis na makakatapos ang mananalo.
Sa premyo ay nasa desisyon na ng Punong Kabataan (Sakop) kung ano ang ibibigay.
SUGGESTION GAME: Don’t Touch The Color
Kagamitan:
Colored paper (Red, Yellow, Blue, Green) – Ilalagay sa sahig
Malaking open space para sa laro
Host/Game Master na magsasabi ng kulay
Dalawang grupo (3-5 members bawat team)
Paano Laruin:
Paghahanda:
Ilagay ang apat na kulay ng papel (Red, Yellow, Blue, Green) sa lamesa nang magkakalapit.
Bumuo ng dalawang grupo na may 3-5 miyembro bawat isa.
Papilahin ng derecho ang dalawang grupo
Gameplay:
Tatawag ang host ng isang kulay (hal. “RED!”).
Lahat ng manlalaro hindi dapat humawak sa tinawag na kulay.
Tig-isang myembro lamang ng grupo ang unang maglalaban, tuloy-tuloy ito hanggang sa kung sino ang
may matirang myembro ng group ang mananalo.
Elimination:
Kapag may isang manlalaro na aksidenteng humawak o tumapak sa ipinagbabawal na kulay,
matatanggal siya sa round.Ang huling natitirang team na may pinakamaraming players ay panalo.
Panalo:
Ang pinaka-huling team na may natitirang manlalaro ang panalo sa laro.
Ang premyo ay nakadepende pa din sa Sakop/Ubasan.