Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Filipino 9
Pangalan:______________________________________ Petsa:__________
Taon at Seksyon:________________________________ Iskor:___________
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Saan hango ang Parabula?
A. Aklat B. Bibliya C. Pahayagan D. Telebisyon
2. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.
Ang ibig sabihin ng upa ay ______.
A. bayarin C. pautang
B. bayad sa paggawa D. utang
3. Saan inihahambing ang ubasan?
A. Kaharian ng langit C. Paraiso
B. Kasagaan D. Trono
4. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na
lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. Anekdota B. Pabula C. Parabula D. Talambuhay
5. Ang “Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan” ay mula sa?
A. Lukas 20: 1-16 C. Mateo 20: 1-16
B. Mark 20: 1-16 D. Mateo 20: 2-20
6. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang mabisa,
matalinghaga, makulay, at kaakit-akit na pahayag.
A. Pabula B. Parabula C. Sanaysay D. Tayutay
7. Uri ng tayutay na tiyak ang paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.
A. Apostrope B. Metapora C. Personipikasyon D. Simili
8. Isang uri ng ironya na ipinapapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakasasakit
ng damdamin.
A. Hayperbole B. Metapora C. Onomatopeya D. Pag-uyam
9. Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao?
A. Apostrope B. Hayperbole C. Pag-uyam D. Simili
10. Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
A. Hayperbole B. Metapora C. Onomatopeya D. Pag-uyam
11. Ano ang ibig ipakahulugan ng talinghagang pahayag na “Ang nauuna ay nahuhuli, at ang
nahuhuli ay nauuna.”
A. Mahalaga ang oras sa paggawa.
B. Bigyan ng halaga ang pagkakataon.
C. Lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
D. Kung sino ang unang dumating ay siya rin ang unang aalis.
12. Ang parabula ay lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin, maliban dito ano pa
ang binubuo nito sa atin?
A. Kinabukasan nating lahat.
B. Ang katatagan ng bawat isa.
C. Taglay na paniniwala nating lahat.
D. Ang ating moral at espiritwal na pagkatao.
13. Tumutukoy sa taong kasangkot sa tula/elehiya.
A. Damdamin B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema
14. Ito ay paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan.
A. Simbolismo B. Tauhan C. Tradisyon D. Wikang ginamit
15. Uri ng wikang ginamit na madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag-uusap.
A. Balbal B. Impormal C. Kolokyal D. Pormal
16. Elemento ng elehiya na nagsasaad sa lugar o panahon na pinangyarihan ng isang
sitwasyon.
A. Kaugalian B. Simbolismo C. Tagpuan D. Tema
17. Ito ay pangkabuuang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng
pagbasehan ang karanasan.
A. Damdamin B. Kaugalian C. Tema D. Tradisyon
18. Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak at ang ligayang di-malilimutan.
A. Paghanga B. Pagmamahal C. Pangamba D. Paninibugho
19. Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala, O’ ano ang naganap, ang buhay ay saglit
na nawala.
A. Pagdadalamhati B. Paghanga C. Pangamba D. Panghihinayang
20. Walang imahe, walang anino at walang katawan. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay
bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos. Malungkot na lumisan ang tag-araw.
A. Pag-aalinlangan B. Pagkasuklam C. Pagnanasa D. Paninibugho
21. Uri ng pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap o gaganapin ang kilos na isinasaad ng
pandiwa sa pangungusap.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
22. Makikita tuwing umaga ang mga pulis na nagpapatupad ng batas. Anong uring pang-abay
ang sinalungguhitang salita.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
23. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. Anong uring pang-abay ang
sinalungguhitang salita.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
24. Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
25. Ano ang binibigyang turing ng pang-abay?
A. Pandiwa at pangngalan
B. Pandiwa, pang-uri at pangngalan.
C. Pandiwa, pang-abay at pangngalan.
D. Pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
26. “Sige patayin mo siya” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ______.
A. nagmamakaawa C. nag-uutos
B. nagpapaunawa D. nakikiusap
27. Anong uri ng panitikan na galing sa salitang griyego na epos, nangangahulugang “awit”
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan?
A. Epiko C. Parabula
B. Pabula D. Tula
28. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo
lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya
napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ________.
A. natatakot
B. naniniwala sa Milagro.
C. mahal niya ang kanyang asawa.
D. hindi si Ravana ang kanyang gusto.
29. Ano ang tatlong katangian o bagay ang pinaniniwalaan ng bansang India?
A. Kabutihan, kasipagan, at katotohanan.
B. Katalinuhan, kasipagan, at kagandahan.
C. Kagandahan, katotohanan, at kabutihan.
D. Katalinuhan, katotohanan, at kagandahan.
30. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang bihagin?
A. Akitin B. Bitagin C. Hulihin D. Ikulong
31. Sino si Surpanaka sa epikong Rama at Sita?
A. Diyosa C. Siya ang irog ni Rama
B. Kapatid ni Sita D. Kapatid siya ni Ravana
32. Anong pagpapanggap ang ginawa ni Surpanaka nang siya ay nagpakita kay Rama?
A. Isang usa C. Isang matanda
B. Isang babae D. Isang halimaw
33. Sino ang nagligtas kay Rama sa kamay ni Surpanaka?
A. Lakshamanan B. Maritsa C. Ravana D. Sita
34. Ano ang kapangyarihang taglay ni Maritsa?
A. Lumipad C. Pagiging malakas.
B. Pagiging malakas. D. Ang pagpapalit ng anyo.
35. Ano ang ginawa ni Ravana upang mabihag si Sita?
A. Nilason niya si Sita.
B. Nagpanggap siya bilang isang pulubi.
C. Dinukot niya si Sita habang ito ay tulog.
D. Nagpanggap siya bilang isang matandang paring Brahmin.
36. Sa tingin mo, tama ba na bigyan ng parangal at gunitain ang mga nagawa ng isang taong
namatay na?
A. Sa palagay ko oo, para sumikat din ang pamilya
B. Sa palagay ko hindi, dahil wala na itong halaga sa taong namatay na.
C. Sa pananaw ko ay oo, dahil paraan ito ng pasasalamat sa mga nagawa ng isang tao noong
nabubuhay pa.
D. Sa tingin ko hindi, dahil lalong masasaktan ang mga naiwang mahal sa buhay sa pagsariwa
ng mga ala-ala ng namatay.
37. Paano mo maipadama ang pagdadalamhati sa taong namatayan?
A. Bigyan ng abuloy ang pamilya ng namatay.
B. Magkibit-balikat sa mga nangyayari sa pamilya ng namatay.
C. Magpaabot ng pakikiramay at mag-alay ng dasal sa namatay.
D. Kausapin ang kamag-anak hinggil sa mga negatibong nagawa ng namatay.
38. Bakit mahalagang bigyan ng magandang burol ang taong namatay?
A. Dahil ito na ang kanyang huli sa mundong ibabaw.
B. Upang maipadama ang kabutihang nagawa ng namatay.
C. Upang maipakita sa mga tao kung gaano kayaman ang kanyang pamilya.
D. Upang mabigyan ng parangal o pasasalamat ang kanyang nagawa noong ito’y nabubuhay
pa.
39. Paano mo mapapahalagahan ang aral na napulot sa akdang nabasa tungkol sa “Elehiya sa
kamatayan ni Kuya?”
A. Ipagsawalang bahala ito.
B. Ilalapat ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Magkibit-balikat na lamang at gawin ang mga nakasanayan.
D. Ibahagi sa mga taong malapit sa iyo ang mga mga aral na nakuha sa akda.
40. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
para sa kanyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay patunay na ang pahayag
na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. May mga taong naghahanap ng mauutusan.
B. May mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya.
C. May mga taong buong pusong tumutulong sa kapwa.
D. May mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan.
41. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang , “Gayundin naman, ayaw ng iyong Amang nasa
langit na mawala isa man sa maliliit na ito.”- Mateo 18-14
A. Maliit man, may bilang din sa Panginoon.
B. Mahalaga sa Panginoon ang Kanyang mga anak.
C. Lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon.
D. Lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon.
42. Alin sa mga pahayag ang HINDI masasalamin sa pagsulat ng isang elehiya.
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahi sa mga
mambabasa.
43. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood habang
bumibigkas ng tula?
A. Mahalina ang mga manonood.
B. Bigyang aliw ang mga manonood.
C. Maipadama ang katapatan ng manunula.
D. Makita sa mga mata ang samu’t-saring emosyong nais ipahayag ng manunula.
44. Paano masasabing epektibo sa mga manonood ang pagbigkas ng tula?
A. Ang mga manonood ay pumalakpak.
B. Seryosong nakikinig ang mga manonood.
C. Ang mga linya ay tumatatak sa isipan ng mga manonood.
D. Natitinag ang mga manonood at nagawa silang patawanin o paiyakin sang-ayon sa diwang
isinasaad sa tula.
45. Bakit mahalagang nagkakaiba-iba ang antas ng damdamin ng salitang may ugnayang
magkatulad?
A. Maganda sa pandinig.
B. Nagiging malinaw ang nais ipakahulugan.
C. Maipadama ang katapatan ng manunula.
D. Natutukoy ang tunay na saloobin o nararamdaman ng nagsasalita.
46. Alin sa mga pangungusap ang HINDI nagsasaad ng katangian ng isang elehiya?
A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.
D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang lubos na maunawaan ng
mambabasa.
47. Paano mo mapapahalagahan ang aral na napulot sa akdang nabasa tungkol sa “Elehiya sa
kamatayan ni Kuya?”
A. Ipagsawalang bahala ito.
B. Ilalapat ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Magkibit-balikat na lamang at gawin ang mga nakasanayan.
D. Ibahagi sa mga taong malapit sa iyo ang mga mga aral na nakuha sa akda.
48. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
para sa kanyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay patunay na ang pahayag
na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. May mga taong naghahanap ng mauutusan.
B. May mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya.
C. May mga taong buong pusong tumutulong sa kapwa.
D. May mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan.
49. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang , “Gayundin naman, ayaw ng iyong Amang nasa
langit na mawala isa man sa maliliit na ito.”- Mateo 18-14
A. Maliit man, may bilang din sa Panginoon.
B. Mahalaga sa Panginoon ang Kanyang mga anak.
C. Lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon.
D. Lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon
50. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa mga
manggagawa? Bakit?
A. Hindi, dahil hindi iyon magiging patas.
B. Hindi, dahil magkaiba sila sa oras ng paggawa.
C. Oo, dahil hindi napag-usapan ang bilang ng oras.
D. Oo, dahil ang napagkasunduan ay ang sahod na kapwa nila tatanggapin.
“Sa EXAM, act like a Proton.
Stay POSITIVE!”
Goodluck!!