You are on page 1of 14

SA HAPAG NG PANGINOON

KORO:

Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo'y


nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng
Diyos sa tanan

Sa panahong tigang ang lupa,


sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan,
sa panahon ng kapayapaan (KORO)
Aleluya

Aleluya, aleluya, kami ay


gawin Mong daan
Ng Iyong pag-ibig,
kapayapaan, at katarungan
aleluya
ISANG PANANAMPALATAYA

Isang pananampalataya,
Isang pagbibinyag,
Isang Panginoon,
Angkinin nating lahat

Habilin ni Hesus, noong S’yay lumisan;


kayo ay magkatipon sa pagmamahalan

Ama pakinggan Mo, ang aming panalangin


Dalisay na pag-ibig sa ami’y humapit

Mga alagad Ko, pa’no makikilala


Tapat nilang pag-ibig wala nang iba pa
KUNIN AT TANGGAPIN

Kunin at tanggapin ang alay na ito


Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong, pagkat inibig Mo
Ngayo’y nananalig, nagmamahal, sa ‘Yo

Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil na trigo, pagkaing
nagbibigay ng buhay Mo
At alak na nagmula sa isang tangkay na ubas,
inuming nagbibigay lakas
Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
lahat ng lakas at kahinaan ko
Inaalay kong lahat, buong pagkatao, ito ay
isusunod sa ‘Yo

Verse 3
Ang bayang inibig Mo, ngayo’y umaawit sa
‘Yo ay sumasamba’t nananalig
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
sa alay na ito’y nakalakip
SANTO

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa,
ng kadakilaan Mo
Osana, Osana, sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito,
sa ngalan ng Panginoon
Osana, Osana, sa kaitaasan
AMING IPINAHAHAYAG

Aming ipinahahayag na namatay ang ‘Yong


Anak
Nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa
wakas
Para mahayag sa lahat
AMEN
AMA NAMIN

Ama naming sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.


Mapasa-amin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon n aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nag-kakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami
Sa lahat ng masama.

Sapagkat sa ‘Yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan


Ngayon at magpakailanman. Amen.
KORDERO NG D’YOS

Kordero ng D’yos na nag-aalis, ng mga


kasalanan,
ng sanlibutan maawa Ka sa amin, maawa
Ka sa amin

Kordero ng D’yos
Na nag-aalis, ng mga kasalanan, ng
sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan
MANALIG KA
Iluom lahat ng takot sa inyong damdamin
Ang pangalan N’ya’y lagi ang tawagin
At S’ya’y nakikinig sa bawat hinaing

Magmasid at mamulat sa kanyang kapangyarihan


Nabatid mo ba na S’ya’y naglalaan
Patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan

Manalig ka tuyuin ang luha sa mga mata


Hindi S’ya panaginip, hindi S’ya isang pangarap
S’ya’y buhay manalig ka

Ang ngayon tila walang mararating na bukas


Ngunit kung S’ya ang hahayaang maglandas
Pag-asay ay muling mabibigkas

Manalig ka tuyuin ang luha sa mga mata


Hindi S’ya natutulog, hindi nakakalimot
Kay Hesus manalig ka, Kay Hesus manalig ka
Manalig ka.
Kristo, Daan Ng Buhay
Koro:
Kasama ni Kristo ako’y nabubuhay,
Salita Niya’y bukal ng buhay
Ngayo’y ini-aalay sa Kanyang mga kamay,
Yaring aking buhay.

Ako’y bibihisan ng bagong buhay,


Itataas karangala’t dangal,
Sa paglalakbay, ito’y aking tangan
Laban sa kasamaan. (koro)

Taglay kong liwanag,


Sa aking daan maglalayo sa kapahamakan,
At mag-aakay ng sino pa man,
Tungo sa sambayanan. (koro)
HUMAYO’T IHAYAG
Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan


Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat
Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning
ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan


Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa
tanan
(Aleluya)

Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa


tanan
Aleluya, aleluya, aleluya!

You might also like