isaalang alang ng mga estudyante sa pagpili ng Track sapagkat, nakasalalay dito ang kanilang buhay sa hinaharap. Mahalagang maglaan ang mga estudyante sa pagiisip ng gagawing desisyon bago mamili. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masagot ang mga sumusunod na tanog: 1. Ano ang pinakamalaking salik o factors na nakaapekto sa pagpili ng track sa Senior High School? 2. Paano nakatulong ang salik na ito? 3. Positibo o negatibo ba ng dulot nito? Gumawa ng mga kwestyoneyr ang mananaliksik para sa sarbey upang magsilbing sagutan ng mga respondente Sapag-aaral na ito, ang mananaliksik ay kumukongklud na ang pagpili ng track ay dapat binabase kung saan magaling o bihasa ang isang tao o estudyante sapagkat mas magiging madali sa estudyante gawin ang mga aktibidad na pinapagawa at tinuturo ng mga guro.