You are on page 1of 1

PUNONG KAHOY

Ang puno ay isang pampalagian makahoy na halaman.


Binubuo ng mga dahon, sanga at ugat. May mga puno ring may
prutas. Ang puno ay naglilinis ng hangin at sumisipsip ng tubig
ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na pagputol ng
mga puno ay madalas magkaroon ng mga malalaking pagguho
ng lupa at pagbaha, nagkakaroon din ng pagbabago sa klima na
dulot ng polusyon at marami pa. Ang punong kahoy na ating
kailangan at mahalaga sa ating kapaligiran, huwag nating
pabayaan dahil ito’y mauubos sa kagubatan.
Puno ang napili ko dahil kung wala ang puno hindi tayo
magtatagal dito sa mundo dahil ito ay nagbibigay oxihena/oxygen sa
tao upang manatiling buhay, matulungin din ang puno, ang mga
bunga nito’y nagiging pagkain nga mga hayop at kahit tao. Nagsisilbi
din itong silongan ng mga naiinitang tao at maging mga hayop kahit
wala itong kakayahan lumakad. Walang matatayog na gusali kung
hindi tinutulungan ng puno dahil kahit yari pa ito sa bato pero bago
ito nagkaroon ng porma, ginagamitan ito ng kahoy. Higit sa lahat,
nagbibigay ganda at lamig ito sa ating mundo.
Maiiugnay ko sa aking sarili ang isang puno dahil tayong lahat ay
isang buto na itinanim sa lupa at tutubo tayo at magkakaroon ng mga
sanga, dahon at mga bunga. Ang katawan ng puno ay ang katatagan,
ang mga sanga ay ang mga pinagdadaanan, ang mga dahon ay ang
mga masasaya at di masasayang alaala at kapag ito ay mahuhulog,
ibig sabihin ay tapos na ang alaalang iyon. Maaari itong balikan ngunit
hindi na tulad ng dati. Magkakaroon man ng mga karanasan at di
magtagal ay mamamatay rin. Ang bunga naman nito ay ang
kinalabasan ng pagsisikap.

You might also like