You are on page 1of 7

PANIMULA

Ang maikling kwento ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng

damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing

tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. Nagpapakita ng isang

makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang

akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na

pangyayari sa buhay.

Ang layunin ng pagsusuring ito ay alamin natin ang panitikan sa panahon ng

batas militar at ang mga tayutay na ginamit na makikita sa pagbuo isang maikling

kwento ng isang akda.


PANAHON NG BATAS MILITAR

Sa panahong iyon ay hindi ligtas sa Batas-Militar ni Marcos dahil marami ang

ipinagbawal noong panahon ng Batas Militas at isa rito ang pagtuturo ng panitikan.

Isinalaysay ni Efren Abueg, propesor noong panahon ng Batas Militar sa Polytechnic

University of the Philippines, ang pagtuturo ng panitikang naglalahad ng mga

damdaming kumakalaban sa paniniil at kawalan ng hustisya sa ilalim ng diktadurya.

Wika niya, pili lamang ang panitikang maisusulat o mababasa noon. “May mga radikal

na panitikang nasusulat din, ngunit sinusulat ng mga bayaran ng administrasyon at

inilalathala sa mga outlet na dagliang inilabas ng pamahalaan.”

Pormalismo ang paraan ng pagtatalakay kung saan mga paksang neutral ang

istruktura at mga element nito, at pumapanig sa mga programa ng reporma ng

pamahalaan tulad ng Martial Law, dagdag niya. Saan napunta ang panitikan?

Mula sa mga kolehiyo at unibersidad, inilipat ng mga mag-aaral at mga propesor

sa ilang mga nayon ang panitikang nalikha ng mga kadreng gerilya, at doon nila ito

itinaguyod.

“Bunga nito, lumubog na sa mga kanayuan ang mga estudyanteng dati’y litaw at

naghahayag ng mga isyung pambayan. Abenturismo ang magsalita nang hayagan at

magturo sa klasrum ng mga araling hindi nagdaan sa paglilinis ng mga ahensiyang

dagliang itinayo ng pamahalaan,” dagdag ni Abueg.

Lumaganap naman ang mga tula, sanaysay, at iba pang akda ukol sa

pagsalungat sa Batas Militar matapos ang pagpaslang ni Benigno Aquino Jr. na siyang

nagging pangunahing kritiko ni Marcos noong rehimong diktadurya.


“Isang mohon sa kasaysayan ng pagtuturo ng panitikan ang dramatisasyon ng

mga protesta sa lansangang ipinangalan sa isang hindi gaanong pinag-aaralang

personalidad sa ating kasaysayan,” ani Abueg.

Ipinahayag ni Abueg na hindi siya nangangamba na maulit muli ang nangyari

noon, kung saan hindi pinahintulutan ang pagtuturo ng panitikan sa mga paaralan o

unibersidad, sa isang panayam sa Varsitarian.

Hinimok ni Abueg ang mga manunulat na magbasa ng kasaysayan ng wikang

Filipino at pag-aralan ang papel ng wika at edukasyon sa kamulatan ng bayan lalo na

ang mga akda nila Amado Hernandez, Lazaro Francisco, Lualhati Bautista at Edgardo

Reyes.
PAGSUSURI

A. Paksa:

Ang Araw ng Bulldozer at Dapithapon ng Isang Bangkang Papel

B. May Akda

Jun Cruz Reyes

C. Sanggunian

https://www.slideshare.net/michaelsaudan1/panitikan-

sapanahonngbatasmilitar-1

https://varsitarian.net/filipino/20170924/panitikan-hindi-ligtas-sa-batas-

militar-ni-marcos

https://www.scribd.com/doc/231823055/Araw-Ng-Mga-Buldoser-at-

Dapithapon-Ng-Isang-Bangkang-Papel-Sa-Buhay-Ni-Ato

BUOD

Nagsimula ang kwento sa pagpakita sa pamimigay ng mga relief goods para sa

mga biktima at nasalanta ng bagyo. Marami ay nabaha at hindi makakuha ng pagkain.

Mapili ang pamimigay ng relief goods kaya hindi nabigyan ang nanay ni Ato, Si Nana

Tesang ng pagkain.

Naisip ni Atos ng hirap na dinulot ng bagyo sa pamillya niya. Kapag malakas

ang ulan at mabilis ang pagtaas ng tubig, walang tigil silang kumukuha ng mga gamit

nila para hindi mawala at mabasa sa baha. Kinabukasan ay pinuntahan niya si Ka

Teban para tumulong isalvage ang mga pananim na natira. Habang sila ay

nagpapahinga, may Nakita si Ato na toy boat sa may labas ng bakuran.

Naisip rin ni Ato ang kahirapan ng pamilya niya. Nakita niya na nagugutom na

ang mga kapatid niya. Nagpunta siya ngayon sa palengke. Habang siya ay naroon sa
may tapat ng tindahan ni Mrs. Lim, natempt siya magnakaw subalit siya ay nahuli ng

mga pulis. Siya ay binugbog at ininterogate.

Ang ama niya noon ay nangako na magiging mabuti ang kalagayan nila sa

buhay. Tumira sila bilang skwater sa lupa na hindi nila pagmamay-ari pero nagtrabaho

si Ato at ang kapatid niyang si Neneng. Nang namatay ang kanyang ama sa isang sakit,

biglang nagbago muli ang kalagayan ng panilya ni Ato.

Si Ato ay nagtrabaho kasama si Neneng na tagabenta ng kakanin at dyaryo.

Kahit ay hindi Malaki ang kiata ng magkapatid, nakakahanap pa naman sila ng

pagkain para sa isang araw. Subalit isang araw, may dumating na bulldozer at giniba

ang bahay ng magkapatid. Lahat ng ibang pamilya ay pinaalis na rin doon. Nakitira

muna sila sa mga kamag-anak nila, pero di nagtagal ay lumipat na sila sa probinsya.

Nakita ni Atos a labas ng kanyang selda na may mga naglalaro muli ng mga barkong

gawa sa papel. Oinasok niya ang kamay niya sa kanyang bulsa at nararamdaman niya

ang butyl ng bigas na natira mula sa ninakaw niya.

MGA TAUHAN

Ato- galing sa mahirap na pamilya

Tatay ni Ato- isang welder na namatay dahil sa ulcer

Tiyo Manuel- Ang tiyuhin ni Ato na nagbigay ng trabaho

Ka Teban- Ang mayamang taga Dulong Baryo na nagpapatulong sa pag-iimbak ng

palay sa kanyang trak dahil baka mabasa ng bagyo


TAGPUAN

Entablado

Baryo

Kasagsagan ng Bagyo o Pagsusungit ng Panahon

Kalsadang naging Ilog

Baryong tabing-ilog o Dulong Baryo o Looban

Magarang Bahay nina Ka Teban

Kamalig

Malabon

Kabayanan

Palengke

Bodega

Araw ng mga Buldoser

Selda Tagpuan

TAYUTAY

METAPORA O PAGWAWANGIS

- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.

Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain,

tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na

METAPHOR sa Ingles.
Entablado

Sumisimbolo sa mga mayayaman.

Bangka

Sumisimbolo sa mahihirap

Bagyong Didang

Sumisimbolo sa mga problema

Buldoser

Sumisimbolo sa mayayamang masasama

Butil ng Bigas

Sumisimbolo sa Pag-asa

Bangkang Papel

Sumisimbolo sa kabataan Simbolo

You might also like