Ang Magagawa Ko Upang Mapanatiling Malinis Ang ating Kapaligiran
(ni Narmie P. Maulingan- Asuncion ALS CLC) Ang kapaligiran ay lugar kung saan kumukuha tayo ng hangin. Ito ay bigay ng Diyos sa atin. Ito ay isa rin sa mga mahalagang bagay sa mundo. Ano nga ang magagawa ko upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran? Ano ba ang maidudulot nito sa lahat? Marami akong magagawa upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran. Iiwasan kong magtapon ng mga basura kung saan dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkakasakit ang mga tao. Nalalanghap nila ang maruming hangin sa paligid. Tutulong akong paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Kailangan ko itong gawin dahil ang mga basurang nabubulok ay puwedeng gawing pataba sa mga halaman. Ang mga basurang di-nabubulok ay puwedeng pakinabangan. Tutulong akong pakiusapan ang mga taong nagtotroso sa kagubatan. Ipapaliwanag ko sa kanila ang kahalagahan ng mga punong kahoy. Marami itong maidudulot na kabutihan. Maiiwasan na magkasakit ang mga tao na maging dahilan sa pagkamatay ng maaga. Hindi na tayo makakaranas ng mga malaking baha dahil may mga kahoy na pumipigil nito. Maiiwasan natin ang mga polusyon sa paligid dahil sa mga basurang pinaghihiwalay. Bilang studyante, makakatulong ako sa mga bata, magiging halimbawa ako sa kanila lalo na sa mga kapwa ko studyante. Ang pag-aalaga ng kapaligiran ay hindi na natin kailangan iasa sa mga tao. Gawin natin ito sa pamamagitan ng ating sarili. Magdasal tayo at humingi ng mga positibong pananao sa buhay upang magawa natin ang mga mabuting gawain.