You are on page 1of 2

Boses ng Kabataan

Sa kasalukuyang panahon, ang malaking bahagi ng ating populasyon ay


binubuo ng mga kabataan. Katunayan, noong nakaraang eleksyon,
nadama ng buong bansa ang lakas ng pwersa ng tinig nating mga
kabataan. Tunay na malaki ang ating magagawa para sa lubusang
pagbabago ng ating lipunang ginagalawan. Gayundin ang kaganapan ng
mga pangarap para sa ating Inang Bayan.

Sa ating paaralan, naandyan ang napakaraming samahan at


organisasyon na binuo upang mahubog ang galing at husay nating mga
kabataan bilang mga munting lider ng ating Inang Paaralan. (TONDO
HIGH SCHOOL)

Ang mga tungkuling iniatang sa atin ay isang malaking hamon na dapat


nating tanggapin, hindi lamang sa pagpapaunlad ng ating mga sarili,
kundi sa lalong ikabubuti ng lahat.

Ito ang maghahasa sa ating kaalaman, kasanayan, at katatagan bilang


indibidwal, mag-aaral, mamamayan, at mga bagong pinuno sa darating
na panahon.

Lahat ng pagbabagong ating inaasam ay maaaring makamit sa


pamamagitan ng nagkakaisang lakas ng mga kabataang lider, at ang
kapagyarihan ng mga mumunting tinig at boses ng kabataan!

Lagi nating isaisip at isapuso na bilang mga kabataang lider na


pinagkalooban ng kapangyarihan, tayo ay may malaking
responsibilidad. Ayon nga sa Bibliya, " Those who wants to lead should
be the servant of all, and those who wants to be at the top should be the
slave of everyone."
MGA KAPWA KO KABATAANG-LIDER! SA ATIN MAGSISIMULA ANG
TUNAY NA PAGBABAGO. SIMULAN NA NATIN, NGAYON NA!

BY: RUSSEL JHON G. BATOY


President, Boses ng Kabataan

IV-AMITY
TONDO HIGH SCHOOL

TONDONIANS, Let's make a CHANGE! TOGETHER we can make it!!

You might also like