You are on page 1of 2

Kabataan, Nasa Ating Kamay

Ang Simula ng Pagbabago,


KILOS NA!

Madalas tayong maghimutok at magalit sa mabaho at bulok na sistema


ng ating gobyerno. Nandyan ang napakaraming rally, protesta, gulo,
awayan sa pamahalaan, at maging ang mga kabataang mag-aaral na
nagiging aktibista na ang tanging hinahangad ay ang pagbabago sa
lipunang ating ginagalawan.

Ilang dekada na ba tayong naghihirap? Apat? Lima? O sampu?


Mayroon bang nangyari? Ilang pangulo at administrasyon na ba ang
dumaan? may nagbago ba sa kalunos-lunos na kalagayan ng ating
bansa? Kung ako ang tatanungin, isang malaking WALA ang aking
isasagot.

Masakit mang isipin, ngunit hindi na nating maikakaila ang


katotohanang nakabaon na ang kalahati ng ating katawan sa putik.
Tayo ay lugmok na sa putik ng kahirapan. Alam mo bang ang isang
sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina ay baon na
agad sa utang. Kaawa-awa nga nman.

Ako, bilang isang kabataan ng ng bagong henerasyon, kabataan ng


makabagong mundo, alam kong may magagawa ako. Itigil na ang mga
protesta na nagdudulot lamang ng kamatayaan ng mga inosenteng
indibidwal, at ng ingay, ingay ng mga mamamayang parang sanggol na
ngawa ng ngawa, wala namang nagawa.

Iwan na natin ang mga nakagawiang gawain na ito. Linisin na ang putik
at dungis na bumabahid sa ating katauhan. Panahon na siguro upang
tayo ay magpalit ng panibagong damit.

Ang mga pagbabagong ating nais ay mahirap simulan ng malaki.


Umpisahan nationg ng paunti-unti. Pangunahan natin kabataan! Tayo
ang magsimula ng Pagbabago!
Sa mga simpleng pamamaraan tulad ng pagsunod sa alituntunin ng paaralan, ang
pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, ang di pagkupit ng pera sa
ating mga magulang at ang maging isang mabuting modelo ng
pagbabago ay ang siyang makatutulong upang tuluyan na nating
maiangat ang ating mga sarili, kasabay ng ating bayan sa putik at dungis
ng kahapon.

Nais kong makita na ang bawat kabataang pilipino ay ang siyang


magiging isang matibay at malakas na sandata ng ating bansa tungo sa
kaunlaran ng minamahal nating Inang Bayan! Ika nga ni Mahatma
Ghandi, "You must be the change you wish to see in the world."

Kilos KABATAAN! Magsimula ang pagbabago sa bawat isa sa atin!


Ipakita natin sa lahat na magpasahanggang ngayon, "Ang kabataan pa
rin ang natatanging PAG_ASA ng bayan!". Tayo ay magkaisa para sa
iisang layunin at mithiin, sama-sama nating simulan ang Pagbabago!
Ipakita sa mundo ang kakayahan ng bawat kabataang pilipino na
magbago. Pagbabago para sa isang maganda at bagong bukas ng bawat
mamamayang PILIPINO. Mabuhay ka! Sulong KABATAAN!

BY: RUSSEL JHON G. BATOY

President, Student Council

President. Boses ng kabataan

IV-AMITY
TONDO HIGH SCHOOL
ANG MAGITING, SCHOOL NEWSPAPER

You might also like