You are on page 1of 22

PAGPAPLANO NG PAMILYA

FAMILY PLANNING (FP)


ANO ANG FAMILY PLANNING (FP) O
PAGPAPLANO NG PAMILYA?
 Ito ay gawain at kakayahang maplano at magkaroon
ng ninanais na bilang at tamang pag-aagwat ng anak
ang isang mag-asawa o magkatuwang
 Ang tamang pag-aagwat ay 3-5 taong pagitan
 Kasama sa pagpaplano ng pamilya ang paggamit ng
ligtas, mabisa, maaasahang paraan
 Hindi ito tungkol sa pamamaraan lamang o
kontraseptibo, ito ay tungkol sa kagustuhan at
kakayahan ng mag-asawang mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanilang pamilya sa
pagkakaroon ng tamang bilang ng anak base sa
kanilang kahandaan at kakayahang pinansyal,
emosyonal, sosyal at ispirituwal.
MGA BENEPISYO NG FAMILY PLANNING
 Sa Mag-asawa:
 Sa pagkakaroon ng tamang bilang ng anak, mas
konti ang tension at pag-aalala sa
pangangailangan ng pamilya, may mas madaming
panahon ang mag-asawang i-enjoy ang kanilang
pagsasama at mapag-usapan kung paano pa ito
mapapaganda
 Sa tamang bilang ng anak mas makakapag-ipon
ang mag-asawa at may kakayahan silang
matugunan ang kanilang pangangailangan
MGA BENEPISYO NG FAMILY PLANNING
 Sa Ina:
 Sa tamang agwat at bilang ng anak, magkakaroon
ng kakayahang maibalik ng ina ang kanyang lakas
at kalusugan
 Meron itong tamang panahon para maalagaan ang
anak at pangalagaan ang sarili
MGA BENEPISYO NG FAMILY PLANNING
 Sa Ama/Tatay:
 Sa tamang bilang ng anak, hindi mahihirapan ang
ama na maghanapbuhay
 Makakatulong ng husto ang tatay sa pag-aalaga ng
mga bata
 Pagkakaroon ng panahon na gumawa ng
ikakaunlad ng kanyang sarili katulad ng pagsali sa
mga gawain sa komunidad
MGA BENEPISYO NG FAMILY PLANNING
 Sa mga anak:
 Pagkakaroon ng mas malusog na anak dahil
natutugunan ang kanilang pangangailangang
pangkalusugan
 Pagkakaroon ng mas kalidad na pangangalaga at
gabay ng magulang
 May sapat na pagkain, damit at edukasyon, at iba
pang pangangailangan
MGA MODERNONG PARAAN NG FAMILY
PLANNING
 Pills
 Injectables

 Condom

 Intrauterine device (IUD)

 Mga Permanenteng Paraan:


 Bilateral Tubal Ligation (BTL)
 No Scalpel Vasectomy (NSV)
PILLS
 Iniinom araw-araw ng babae para mapigilan ang
obulasyon para hindi maglabas ng itlog mula sa
obaryo
 Pwedeng itigil anumang oras na gustong magka-
anak
INJECTABLES
 Iniineksyon kada 3 buwan (para sa DMPA o
Depo-Provera) o 2 buwan
 Maaaring itigil anumang oras na gusto nang
magka-anak
 Pinipigilan rin nito ang obulasyon at paglabas ng
itlog
CONDOM
 Isang piraso ng latex rubber na isinusuot sa ari
ng lalaki bago makipagtalik upang mapigilan
ang pagdaloy ng sperm sa ari ng babae.
Napipigilan rin nito ang pagdaloy o
pagkaimpeksyon mula sa sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik
INTRAUTERINE DEVICE
 Maliit at malambot na plastic na inilalagay sa
matris (uterus) ng babae. Maaaring tanggalin
kung nais nang magkaanak
BILATERAL TUBAL LIGATION (BTL)
O FEMALE STERILIZATION

 Ligtas na pagputol at pagtali sa anurang itlog


(fallopian tubes) ng babae na siyang nagdadala
ng itlog mula sa obaryo papuntang matris kaya
hindi na nito makakatagpo ang punlay (sperm)
ng lalaki kaya walang pagbubuntis na
magaganap
NO SCALPEL VASECTOMY (NSV)
 Pagputol at pagtali ng anurang punlay o vas
deferens ng lalaki na dinadaan ng punlay
 99.9% itong mabisa at ligtas kung tama ang
paggamit
 Madaling isagawa (isang maliit na butas lamang
ginagawa, hindi na kailangang tahiin)
 Hindi nakakaapekto sa pakikipagtalik kay misis at
sa pagkalalaki ni mister
MGA MODERNONG NATURAL NA PARAAN
NG FAMILY PLANNING

 Billings Ovulation Method (BOM)


 Basal Body Temperature (BBT) Method

 Sympto-Thermal Method (STM)

 Standard Days Method (SDM)

 Lactational Amenorrhea Method (LAM)


BILLINGS OVULATION METHOD
(BOM)
 Ito ay ang pag-oobserba sa uri ng uhog (mucus)
na lumalabas sa babae
 Kapag basa, madulas at mapusyaw ang mucus,
nangangahulugan itong mabunga o fertile ang
babae
 Sa pag-iwas ng pagtatalik sa mga panahong
mabunga ang babae ay nakakaiwas sa
pagbubuntis
BASAL BODY TEMPERATURE (BBT)
 Ito ay ang pagkuha ng temperatura ng babae
pagkatapos ng di bababa sa 3 oras na tuloy-tuloy
na tulog
 Tumataas ang temperatura ng babae kung ito ay
mabunga at mananatiling mataas hanggang sa
susunod na pagreregla dahil sa pagtaas ng lebel
ng progesterone
SYMPTO-THERMAL METHOD (STM)
 Ito ay ang pag-obserba ng pinagsamang cervical
mucus, basal body temperature, at iba pang
senyales ng obulasyon (hal., paglaki ng suso at
pagkirot ng puson ng babae)
STANDARD DAYS METHOD (SDM)
 Ito ay ang paggamit ng “cycle beads” para
malaman kung kailan mabunga ang babae
 Sa mga babaeng nireregla ng 26-32 araw ay
iniiwasan ang pagtatalik sa ika-8 hanggang ika-
19 na araw ng siklo ng pagreregla para hindi siya
mabuntis
LACTATIONAL
AMENORRHEA METHOD
(LAM)
 Ito ay ang pagpapasuso ng ina sa
sanggol hanggang anim na buwan
pagkapanganak
 Ang nagpapasusong babae ay
maaaring gamitin ang LAM bilang
pamamaraan sa pagplano ng pamilya
kung ang ina ay:
a) Hindi pa bumabalik ang regla
b) Tanging gatas lamang ng ina ang
ipinapainom sa bata
c) Wala pang anim na buwan ang sanggol
 Pinipigilan ng pagsuso ng bata ang
obulasyon
MGA PAPEL NG KALALAKIHAN SA
PAGPAPLANO NG PAMILYA
 Karamihan sa mga desisyon at kagustuhan ng
kalalakihan sa bilang at agwat ng anak ay may
epekto sa pagbubuntis ng asawa
 Halimbawa, mas maraming lalaki ang gusto ang mas
maraming anak kaysa sa gusto ng kanilang asawa
 Madalas ang babae ang gumagamit ng family
planning methods
 Hindi sumasama ang lalaki sa pagkuha ng
impormasyon sa family planning kaya hindi sila
gumagamit nito
MGA PAPEL NG KALALAKIHAN SA
PAGPAPLANO NG PAMILYA
 Upang masiguro ang maayos na pagpaplano ng
pamilya, ang mga katuwang na lalaki ay
maaaring:
 Makipag-usap sa asawa kung ilan ang gustong anak
at kung kailan ang susunod.
 Laging makibahagi sa pag-aaruga ng mga anak
upang masiguro ang kanilang kalusugan at
magandang lalaki.
 Ang lalaki ay puwedeng gumamit ng condom at
vasectomy bilang paraan sa pagplano ng pamilya
 Maaaring maging modelo o huwaran ang lalaking
nagpa-family planning sa kanyang mga katropa o
kabarkada
SALAMAT PO!

Komisyon ng Populasyon
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Tel. No. 531-6805, Fax No. 533-5122
Website: http://www.popcom.gov.ph
Facebook: www.facebook.com/commissiononpopulation

You might also like