You are on page 1of 39

ANG

KALAKALANG
TRANS-SAHARA
• Noong 3 000 B.C.E, isang masaganang
kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang
Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa
timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara
ang kalakalang naganap dito. Ito ay tumagal
hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong
kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng
nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, dala dala ang iba’t
ibang uri ng kalakal.
• Kamelyo ang kadalasang
gamit sa mga caravan. Ang
caravan ay pangkat ng mga
taong magkakasamang
naglalakbay.
• Ang mga mangangalakal mula sa
Carthage ay pumupunta sa Sahara
upang mamili ng mga hayop tulad ng
unggoy, leon, elepante, at mga
mamahalig hiyas. Sinasabi na ang mga
elepante na ginamit ni Hannibal sa
digmaang Punic laban sa Rome ay
nanggaling sa kanlurang Africa.
• Iba’t ibang grupo ng mga tao ang
nagtayo ng mga pamayanan sa
mga lugar na dinaraaanan ng
kalakalan.
ANG PAGPaSOK
NG ISLAM SA
KANLURANG
AFRICA
• Nang makapagtatag ng mga
pamayanang Muslim sa Morocco,
ang Islam ay unti-unting nakilala at
kalaunan ay namayani sa mga kultura
at kabihasnang nananahan sa
Kanlurang Africa. Ang Islam ay
pinalaganap ng mga Berber, mga
mangangalakal sa Hilagang Africa.
• Pumupunta sila sa Kanlurang
Africa upang bumili ng ginto
kapalit ng mga aklat, tanso,
espada, seda, kaldero, at iba
pa.
Mga Kabihasnan sa Africa
Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga
pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa
daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang
kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa
ay napatanyag din dahil sa naging sentro
ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga
mangangalakal mula sa Persia at Arabia.
• Umusbong din ang mga estado
sa rehiyon ng Sudan kung saan
ang kanilang yaman ay dulot ng
kanilang kapangyarihan sa
kalakalang tumatawid sa Sahara.
Kapawa nasa Silangang Africa ang
dalawang kabihasanang ito.
• Ang Kanlurang Africa ay naging
tahanan din ng mga unang
kabihasnan. Dito umusbong ang mga
imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
Namayani ang kaharian ng
350 C.E. Axum sa Silangang Africa.

Naging makapangyarihan
700
ang Imperyo ng Ghanna sa
dataon
Kanlurang Africa

Naitatag ang Imperyong


1240 Mali nang matalo ang
Imperyong Ghanna
Nagsimulang mamuno ang
dinastiyang Sunni na
1335 siyang nagpalawak sa
teritoryo ng Imperyong
Songhai
ANG AXUM
BILANG SENTRO
NG KALAKALAN
• Ang kaharian ng Axum ay sentro ng
kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito
ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa
mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at
pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros,
pabango, at pampalasa o rekado ang
karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at
Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang
Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at
iba pa.
• Isang resulta ng malawakang
kalakalan ng Axum ay ang
pagtanggap nito ng Kristiyanismo.
Naging opisyal na relihiyon ng
kaharian ang Kristiyanismo noong
395 C.E.
• Kung ang kaharian ng Axum ay
naging tanyag sa Silangang Africa,
nakilala naman sa Kanlurang Africa
ang tatlong imperyo na siyang naging
makapangyarihan dulot rin ng
pakikipagkalakalan sa mga
mamamayan sa labas ng Africa. Ito
ay ang mga imperyong Ghanna, Mali,
at Songhai.
ANG
IMPERYONG
GHANNA
• Ang Ghanna ang unang estadong naitatag sa
Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas
na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon
nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-
Sahara. Nagkaroon sa Ghanna ng malaking
pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ng
ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang
mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa
asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa
bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.
• Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot
ng matabang lupa sa malawak na kapatagan
ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na
pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki
ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig
upang punan ang pangangailangan sa mga
kabahayan at sa irigasyon.
Ginamit ang mga
Mahalagang salik sandatang gawa sa
Sa paglakas ng bakal upang
Ghanna makapagtatag ng
kapangyarihan sa
mga pangkat na
mahina ang mga
Bumili ng mga sandata
Naging maunlad
kagamitang
Dahil naging sentro ng
pandigma na yari
Kalakalan sa sabakal at mga
Kanlurang Africa kabayo Ang mga kabayo
ay nagbibigay ng
ligtas at mabilis na
paraan ng mga
transportasyon
para sa mga
mandirigma nito
ANG
IMPERYONG
MALI
• Ang Mali ang tagapagmana ng Ghanna.
Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa
mahalagang outpost ng Imperyong Ghanna. Ang
pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan
ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at
winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong
Ghanna. Sa pamamamagitan ng patuloy na
pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak
pakanluran patungong Timbukto, at pahilaga
patungong Sahara Desert.
• Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong
mamatay si Sundiata noong 1255, ang
Imperyong Mali ang pinakamalaki at
pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang
Sudan.
• Katulad ng Ghanna, ang Imperyong Mali ay
yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang
mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa
niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa
pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod
pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne,
Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng
Imperyong Mali.
• Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging
bantog din si Mansa Musa sa
pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan.
Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-
dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng
imperyo. Hinikayat niya ang iskolar na
pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay
naging sentro ng karunungan at
pananampalatya.
Mga Namuno sa
Imperyong Mali

Sundiata Keita

Mansa Musa
ANG
IMPERYONG
SONGHAI
• Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai
ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na
taon-taon ay dumarating sa mg ruta ng
kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan,
dala rin ng mga Berber ang
pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng
1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga
Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya
ang mga Songhai na tanggapin ang Islam,
hindi niya pinilit ang mga ito.
• Sa pamamagitan ng Gao at ng
Timbuktu, nakipagkalakaln ang
Songhai sa Algeria. Dahil dito,
nakapagtatag ng ugnayan ang
Songhai sa iba pang bahagi ng
Imperyong Islam.
• Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag
ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa
pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang
bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na
binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali.
Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ng Haring
Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking
imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari,
pinalawak niya ang Imperyong Songhai mula sa
mga hangganan ng kasulukuyang Nigeria
hanggang sa Djenne.
• Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat
naniniwala siyang sapat na ang kaniyang
kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng
mga katutubong mangingisda at magsasaka.
Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa
rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na
Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang
imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan
sa mga Muslim bilang mga kawani sa
pamahalaan.

You might also like