You are on page 1of 17

ARALIN 6

ANG KONSEPTO NG
KAKAPUSAN

Inihanda ni:
Arnel O. Rivera
BALIK-ARAL

 Ang ekonomiks ay nakatuon


sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-
yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
 Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
ANO ANG KAKAPUSAN?

• Ito ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman


upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay
nakakaranas ng kakapusan sa pinagkukunang-
yaman.
URI NG KAKAPUSAN

 Pisikal na Kalagayan
 Tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman.
 Kalagayang Pangkaisipan
 Tumutukoy sa walang hanggang pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
URI NG KAKAPUSAN

 Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang


kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang
kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.
 Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-
yaman ay hindi makasapat sa walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
DAHILAN NG KAKAPUSAN

 Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.


 Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
 Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN

KAKAPUSAN
• Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman
upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

KAKULANGAN
• Pansamantalang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman na kayang
matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
TEORYANG PANG-EKONOMIKS NI
THOMAS MALTHUS
 Magpapatuloy sa
mabilis na paglaki ang
populasyon kung hindi
ito makokontrol.
Samantala, ang
produksyon ng pagkain
ay mabagal at hindi
makasasabay sa
mabilis na paglaki ng
populasyon.
KAKAPUSAN BILANG
SULIRANING PANLIPUNAN
 Nag-iiba ang pag-uugali
(behavior) ng tao kapag
hindi niya nakakamit ang
kanyang mga
pangangailangan. Ang pag-
uugali ng tao ay nagiging
hindi katanggap-tanggap.
Natututo siyang magdamot,
mandaya at manlinlang sa
kapwa. Nagiging bunga ng
kakapusan ang kaguluhan
at pagtaas ng presyo ng
mga bilihin (inflation).
BREAK MUNA!

PAGPAPAHALAGA

• Ano ang dahilan kung bakit may suliranin ng


kakapusan sa inyong lugar?
• Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at pagtaas ng
presyo ang kakapusan?
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA
KAKAPUSAN
TRADE-OFFS
 Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng
kanyang pangangailangan.
 Upang makuha ang isang bagay, kailangang
isakripisyo ang iba.
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA
KAKAPUSAN
OPPORTUNITY COST
 Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.

 Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga


pinagkukunang yaman.
PRODUCTION POSSIBILITY
FRONTIER (PPF)
 Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng
kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na maaring
maprodyus kung matalinong ginagamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng isang lipunan.
PAGPILI SA PAGITAN NG
PRODUKSYON NG MAIS AT PALAY

A
Produksyon ng mais

D
800 
C
550 

1,100 1,300

Produksyon ng palay
PAGBUBUOD

Nagiging panlipunang suliranin ang kakapusan


kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang
layunin.

Upang maging responsible ang tao sa


kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang
mabatid ang opportunity cost ng kanyang
desisyon
REFERENCES:

 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan


(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
 www.WikiPinas.com

You might also like