You are on page 1of 11

Pagbibigay ng

Kahulugan
ANALYN
DV.FABABAER
SRBSMES
TANAY,RIZAL
Gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na mga salita
( denotasyon o konotasyon)
1. niluto
2. ahas
3. matigas ang ulo
4. nilagyan
5. tatakbo
May dalawang paran ng
pagbibigay ng kahulugan sa
mga salita O pahayag. Ito
ay ang denotasyon at
konotasyon. Ginagamit ito
lalo na ng mga manunulat
upang higit na mapaganda
ang kanilang komposisyon.
At maipahayag ayon
sa kanilang layunin
ang mensaheng nais
nilang ipabatid sa
mga mambabasa
nang lantad o tago.
1. Denotasyon – ang salita ay
nagbibigay ng isang tiyak na
kahulugan o buhat sa
diksyunaryo.
Halimbawa:
Ang halaman ay punumopuno
ng bulaklak.
Kahulugan ng bulaklak yon
karaniwang bulaklak
2. Konotasyon – ang salita ay
nagbibigay ng iba pang
kahulugan kaysa karaniwang
kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Napakaraming magagandang
bulaklak na makikita sa
pagtitipon.
Kahulugan ng bulaklak ay
babae
Suriin kung may kahulugang
konotasyon o denotasyon ang
salitang nakahilis sa mga
pahayag.
1. Tuwang-tuwa si Maria dahil
malalaki ang kalabasang
kanyang itinanim sa likod ng
kanilang bakuran.
2. Kalabasa ang nakuha ni
Nardo sa kanyang pagsusulit
sa paaralan.
3. Mataas ang kanilang kisame
kaya hindi gaanog mainit sa
kanilang bahay.
4. Mataas ang kanyang
pangarap sa buhay kaya ganon
na lamang ang kanyang
pagpupursige sa buhay.
5. Mahangin ang taong iyan
kaya marami ang naiinis sa
kanya.
6. Mahangin sa labas ng
kanilang bahay kaya
masarap magpahinga roon.

You might also like