You are on page 1of 17

TEKSTONG DESKRIPTIBO:

MAKULAY NA
PAGLALARAWAN
Ang tekstong deskriptibo ay may
layuning maglarawan ng isang bagay,
tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba
pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-
aaral na bumuo at maglarawan ng
isang partikular na karanasan.
Sa nobelang “Dugo sa Bukang-Liwayway” ni
Rogelio R. Sikat, matatagpuan sa unang
bahagi, “Ang Peregrinasyon,” ang
detalyadong paglalarawan ng awtor sa isa
sa mga pangunahing tauhan, si Tano, na
isang magsasaka habang nagtratrabaho sa
pilapil. Narito ang sipi mula sa unang bahagi
ng nobela.
Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon. Sa
langit, walang nag-iisang ulap; ang laganap sa
kabughawan kanginang umaga ay tila
kinulapulan ngayon ng mapulang dampol. Ang
araw ay isang malaking bolang nakapaloob sa
isang lumbo ng nagbabaga ring liwanag. Tuwid
na tuwid na nakaturo sa langit ang mga
maninilaw na damo sa pilapil. Hindi kumikilos,
wari’y nabibigatan sa liwanag ng araw ang mga
tuyong dahon ng anyas at kugon. Sa pantay
bukung-bukong na tubig sa linang, halos
nakikita na ang sumisigaw na init.
Uulan mamaya, naisip ni Tano habang nakatayo
sa pilapil at nakatingala sa langit. Hindi siya
kalakihang lalaki ngunit matipuno at siksik ang
kanyang katawan. Namumula ang kanyang
kayumangging balat, halos nagkukulay tanso.
Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang
bigkis na punla; sa kanan naman, nakaipit sa
tatlong daliri, ang isang punlang handa ng
itundos. Mahaba ang manggas ng kanyang
kupasing gris at may bahid ng natuyong putik
ang kanyang lampas-tuhod na kutod. Madalang
ngunit mahaba na at matigas ang kanyang
balbas.
Namamalikaskas ang kanyang binti.
Kanginang umaga at hangang nang hapon
iyon, matiyaga niyang hinuhulipan ang mga
bahagi ng kanyang pinitak na nakaligtaang
tamnan ng pangkat ng manananim. Mabilis
silang tumundos at palibhasa’y di nila bukid,
hindi nila pinagbubuti ang pagtatanim. May
labis pang punla si Tano at ibig niyang
maitanim niya iyon sa mga bahaging maari
pang tamnan. Pinanghihinayangan niya ang
maging isang dangkal ng lupang di
matatamnan
Uulan nga mamaya, may galak sa pusong muling
naisip ni Tano. May kumislap sa tila may kalawang
na niyang mata, bumukas ang kanyang makakapal
na labi sa isang piping pagpapasalamat. Tumingin
siya sa silangan. Humagod ang kanyang tanaw sa
malawak at nakalat at dugtung-dugtong na pinitak.
Sa liwanag ng di lalao’y lulubog nang araw, hindi
na niya makita ang kabughawan ng Sierra Madre.
Ang nakikita niya’y ang nagbigting banig-banig at
maiitim na ulap. A, uulan nga mamaya. Mamaya
lamang, hihipan na ng hangin ang mga ulap na
iyon sa bundok. Mamaya’y uulan, papatak ang
ulan, at ang kanyang uhaw at naninilaw na
pananim ay magtatamasa ng malamig at sariwang
ulan.
Nang maubos ang punla, umunat si Tano at
tinunghayan ang pinitak. Kasabay ng
paghagod niya sa nanakit at basa na ng pawis
na baywang, isang malalim na buntunghininga
ang kumawala sa kanyang matipunong dibdib.
Wala nang dapat tamnan pa, ang buong
pinitak ay nahulipan na niya. Ngayon ay uuwi
na siya. May maganda siyang balitang
ihahatid kay Melang, ang kaniyang kabiyak.
Tatlong Katangian ng
Tekstong Deskriptibo
1.Ang tekstong deskriptibo
ay may isang malinaw at
pangunahing impresyon na
nililikha sa mga
mambabasa.
2. Ang tekstibong deskriptibo ay
maaaring maging obhetibo o
subhetibo,at maaari ding magbigay
ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba't-ibang tono at
paraan sa paglalarawan.
Ang obhetibong paglalarawan
ay mga direktang pagpapakita
ng katangiang makatotohanan.

Ang subhetibong deskripsyon


naman ay maaaring kapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay
mahalagang maging espisipiko at
maglaman ng mga konkretong
detalye.
“Pagbaliktanaw Sa Nakaraan”

Isa ang hayskul sa mga makukulay na yugto ng


ating buhay, dito nararanasan natin ang mga
bagay na di natin kalianman naranasan sa
elementarya o maging sa kolehiyo. Sabi nga nila,
ang hayskul daw ang pinakamasayang parte ng
pag-aaral. Ang karanasang lumabas sa mundo ng
kamusmusan at walang kamalayan. Hayskul ang
yugto ng buhay kung saan matututo kang maging
tamad, ma-inlove, makipag-away at makakahanap
ng mga tunay na kaibigan.
Masaya nga ang buhay hayskul, dahil sa mga nagliliparang
tsismis at mga di mapigil na mga halakhak kapag kasama mo
ang iyong mga kaibigan, mga kwentong walang kabuluhan
ngunit nakakatawa parin. Ganoon na rin ang mga kaba-
moments kapag exams lalo na kapag nalimutang magreview,
kaya`t kahit paminsan-minsa`y humahaba ang leeg at
nagiging magnifying glass ang mga mata. Kailan ba nawala
ang usapang pag-ibig sa hayskul? Nagsimula sa simpleng
crush, mutual na pagtingin hanggang sa maging
magkasintahan. Madalas ring maging tambayan ang comfort
room upang madaanan si crush sa kanilang klassrum sabay
tili at yakap sa katabi. Di rin nawala ang ¼ sheet of paper
charity events pagdating ng pagsusulit at nakawan ng
ballpen. Yung mga estudyanteng pagdating sa klassrum
sisigaw ng “Sinong may assignment? PAKOPYA” kasi nag
COC magdamag.
Hindi rin palaging masaya ang buhay sa hayskul,
may mga gurong nagbibigay ng isang bundok ng
takdang-aralin at projects, pagpupuyat makatapos
lang ang research proposals, overnight practice
tuwing may PE presentations, paghahabol ng
deadlines at madugong pag-aaral sa exams,
surprise reports at marami pang iba. Bilang isang
studyante wala namang pumipigil sa ating maging
masaya, ang mahalaga ay alam natin ang ating
mga limitasyon at responsibilidad. Mahalaga ang
bawat karanasan at aral na pinunla ng mga taong
nangangarap na magkaroon tayo ng magandang
kinabukasan at ng mga taong tinulungan tayong
maabot ang hagdan ng ating mga pangarap at
naging parte ng ating paglalakbay.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!!

You might also like