You are on page 1of 38

Espejon, Espeleta,

Meridor, Paras, Pineda


J., Rivera E.
MGA KASANAYAN
SA PAGBASA
IMPERYONG AMIHAN
"Ang pagbasa nang walang
pag-unawa ay tulad nang
pagkain nang walang
pagtunaw."
Sa kaso ng pagbabasa, ang kawalan ng pag-
unawa sa binabasa ay nagdudulot ng problema.
Upang maiwasan ang problema, kinakailangang
madebelop mo ang iyong kakayahan sa pag-
unawa sa binabasa.
Sa kakayahan mong mauri ang mga ideya o detalye at matukoy
ang layunin, tono, at pananaw ng teksto, mas madali mong
mauunawaan ang iyong binabasa. Kailangan mo ring malinang
ang kasanayan mong mapag-iba ang opinyon at katotohanan,
masuri kung balido o hindi ang ideya sa teksto, makabuo ng
hinuha at hula sa mga mangyayari sa teksto, at makagawa ng
lagom at kongklusyon ng teksto upang maging epektibo at
produktibo ang iyong pagbabasa.
1. PAG-UURI NG IDEYA
AT DETALYE
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
Ang mga ideya sa teksto ay maaring pangunahin o
pantulong. Bilang mambabasa, dapat may sapat kang
kaalaman kung paano kumilatis ng mga ideya.
Ang pangunahing ideya ay ipinapahayag sa
pamamagitan ng pamaksang pangungusap at tesis na
pangungusap.
• Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang
pag-uusapan
• Maaaring nasa unahan bilang unang pangungusap
• Maaari ring nasa huli o gitna ng talata
Ang pantulong na ideya naman ay mahalaga dahil
nililinaw nito ang puntong nasa pamaksang pangungusap.
• Mga ideyang sumusuporta sa pangunahing ideya
• Nagbibigay detalye sa pangunahing kaisipan
• Maaaring mga halimbawa, tiyak na detalye, patunay,
at katotohanan
• Tinatawag ding sumusuportang detalye
MGA PARAAN NG PAGBIBIGAY
NG DETALYE SA PANGUNAHING
IDEYA
1. Paggamit ng impormasyong maaaring matotohanan
Pangunahing ideya:
Nanganganib lumubog ang lungsod ng Maynila sa mga
susunod na taon.
Pantulong na detalye:
Dahil sa tuwing umuulan, binabaha ang Maynila.
2. Paggamit ng istadistika
Pangunahing ideya:
Ang ekonomiya ng bansa ay unti-unting bumubuti.
Pantulong na detalye:
Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos
tatlong bahagdan ang Gross Domestic Product ng
Pilipinas.
3. Paggamit ng halimbawa
Pangunahing ideya:
Maraming kabataan ang nalululong sa masamang bisyo.
Pantulong na detalye:
Ang ilan sa mga ito ay paninigarilyo, pagsusugal, at
paggamit ng ilegal na droga.
2. PAGTUKOY SA
LAYUNIN NG TEKSTO
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
• Layunin ng awtor sa pagbuo nito
• Mahalagang matukoy ang layunin ng isang akda
• "Layunin ng teksto"
• "Magpaliwanag, magbigay impromasyon, mangaral,
magbabala, magpatawa, manakit, mangumbinsi"
3. PAGTUKOY SA
DAMDAMIN, TONO, AT
PANANAW NG TEKSTO
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
Damdamin
• Ito ay tumutukoy sa emosyong nangingibabaw sa iyo
habang binabasa o matapos mong basahin ang akda
• Ang damdamin ng teksto ay maaaring iba iba at/o
minsan ay magkasalungat sa iba't ibang mambabasa
Tono
• Ito ay tumutukoy sa tinig at saloobin ng awtor
kaugnay sa paksa ng kaniyang sulatin
• Sa pamamagitan ng estilo - salitang ginamit,
pagkakabuo ng mga pangungusap at paraan ng
presentasyon, matutukoy ang tinig at saloobin ng
awtor
Pananaw (Punto de bista)
• Ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kaniyang
akda
• Makikilala ito sa pamamagitan ng panghalip
4. PAGKILALA SA
KATOTOHANAN AT
OPINYON
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
Katotohanan
• Ito ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o
mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na
karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman
o impormasyon.
Halimbawa:
Si Pangulong Benigno Aquino III ay dating pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
Opinyon
• Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng ideya batay sa
personal na pananaw, paniniwala at iniisip ng tao
Halimbawa:
Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang
ang kaisa-isang pangulong sumugpo sa korapsiyon sa
gobyerno ng Pilipinas.
TANDAAN!
Ang OPINYON ay maaaring maging
KATOTOHANAN kapag napatunayan ito sa
pamamagitan ng pananaliksik ng mga awtoridad
sa larangang kinabibilangan ng paksa ng
opinyon.
5. PAGSUSURI KUNG
VALID O HINDI ANG
MGA IDEYA
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
• Hindi lahat ng ideyang ating nababasa ay dapat
tanggapin
• Ang problema, iba-iba tayo ng paniniwala, prinsipyo,
at estandard
• Magkagayon man, may mga ideyang ipinapalagay na
contra bonos mores na universally at hindi
katanggap-tanggap
Contra bonos mores - against good morals
Batayan ng Validity
• Sino ang nagsabi ng ideya?
• Masasabi bang siya ay awtoridad sa kaniyang
tinatalakay na paksa?
• Ano ang kaniyang naging batayan sa pagsabi ng
ideya?
• Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan?
Mapapanaligan ba iyon?
6. PAGHULA AT
PAGHIHINUHA
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
Wild Guess vs. Intelligent Guess
• Pag-iisip o ideya sa kalalabasan ng pangyayari
(kongklusyon)
• Madalas ginagamit sa kwento o nobela
• Nakapagbibigay ng palatandaan, tanda, o pahiwatig
• Hindi tuwirang sinasabi ng manunulat ang
ipinapahayag sa halip ay binibigyan ng implikasyon
Paghula
• O sa ingles ay predicting o guessing
• Maaaring bumase sa sariling kasanasan o nakaraang
pangyayari
• Simpleng pagbibigay ng ideya na hindi masyadong
binibigyang pansin
Paghihinuha
• O sa ingles ay inferencing
• Maaaring batay sa ebidensya o mga implikasyong
ipinapakita sa isang kwento, akda o pangyayari
• Kung ang isang pangyayari ay naunawaan nang
mabuti, makakayanang makabuo ng isang
makabuluhang hinuha
Halimbawa:
Si Pedro ay galit
na galit na lumabas
sa silid aralan
at binato ang
kaniyang calculator.
Sagot: Dahil hindi niya nabalanse ang kaniyang
pagsusulit.
7. PAGBUO NG LAGOM
AT KONGKLUSYON
KA SAN AYA N SA PA GB A SA
Lagom - pinaikling bersyon ng teskto
Katangian ng lagom/buod:
• Maikli
• Malinaw ang paglahad
• Malaya
Kongklusyon - pagbibigay-diin sa mga ideya na
inilahad sa kabuuan ng teksto
Maraming Salamat!
IMPERYONG
AMIHAN

Elaine Gabrielle Rivera


Holly Shanel Espejon
John Espeleta
MGA KASANYAN SA

Patricia Meridor
Jiezel Paras
PAGBASA

Josielyn Pineda

You might also like